webnovel

17 Dark Side I

Kinaumagahan, nakauwi na ang magkapatid. Dumeretso si Mon sa kwarto niya, masama parin ang loob nito dahil sa nangyari kay Raza. Grounded si Raza at di siya pwedeng lumabas ng bahay nila.

"Mon! I'll go to the City Jail to see that bastard." sabi ni Katleya kay Mon mula sa labas ng pintuan ni Mon.

Bigla namang bumangon si Mon at binuksan ang pinto. "Why do you have to do that?"

"He needs to be dealt with. Kahit hindi tayo magsasampa ng kaso sakanya for 'almost' killing you, he needs to learn a lesson" sabi ng ate niya na tila sinapian ng kasamaan.

"Ate, don't tell me..." hindi na natapos ni Mon ang sinasabi.

"I won't kill him. Pero minsan pa na gawin niya 'to I will make sure that he and his father will never recover." desedidong saad ng dalaga.

"Sasama ako." sabi ni Mon.

"You can't! Makakahalata siya kapag nakita ka niya. You're not even bleeding." sabi ni Katleya.

"I can't let you see him without backup." sabi ni Mon.

"You really think something bad will happen to me? Mon... you know what I can do." sabi ng dalaga.

"Ate that was 20 years ago! I can't let you do something as reckless as that." sabi ni Mon. Kinakabahan siya sa plano ng kapatid, after all siya ang rason kung bakit nasunog noon ang City Hall. Marami siyang tanong sa kapatid ngunit takot din siyang malaman ang mga sagot nito. Takot siyang malaman ang mga sikretong ibinaon ng ate niya sa nakalipas na siyamnapung taon.

"I'll be fine. And no, I won't kill anyone... Unless I need to." tugon ng dalaga na seryosong nakatingin kay Mon. Hindi na nakapagsalita si Mon at iniwan siya ng dalaga.

Samantala sa police station..

"How could you be so stupid?!" galit na sinabi ni Val, ama ni Anthony. Dumating siya mg mabalitaan na nakulong si Anthony. Hindi alam ng ama kung anong katangahan ang nakain ng anak niya.

Hindi naman makatingin si Anthony sa ama. Alam niyang mali ang ginawa niya at maraming pwedeng mawala sakanya.

"You should have been more careful! Paano kung kasuhan ka nung magkapatid?! Katleya De Francia is a smart woman. She can and she WILL do something!!!" galit na sabi ng ama.

Tuso si Val. Pero alam niyang tuso din si Katleya. Tila bomba si Katleya na kahit anong oras pwedeng sumabog.

"Vasquez! May bisita ka!"sabi bigla ng pulis. Nagtinginan ang mag-ama. Sa labas ay nakita ng ama ni Anthony si Katleya.

"This is not good." tugon ng ama kay Anthony. Nangatog naman si Anthony sa sinabi ng ama. Kung seryoso ito ay siguradong wala siyang pag-asa, mawawala ang lisensya niya bilang geneticist, maaaring mablacklist sa buong Sanjati, mapapahiya ang ama sa Sanjati Express, at mawawala ang investors nila na naginvest na para sa Huyenbi. Ang daming tumatakbo sa isip niya na di na niya namalayang kaharap na niya si Katleya.

"I'm not pressing charges." sabi niya. Tinignan siya ni Anthony, nagtatanong ang mga mata niya pero wala siyang mahanap na sagot sa mata ni Katleya.

"W---why not? I almost killed you and your brother." sabi ni Anthony na hindi makapaniwala sa sinasabi ng dalaga. Pero deep inside ay medyo napanatag siya.

Seryoso ba ang babaeng ito? Hindi ba niya naisip na maaring pagtangkaan uli ni Anthony ang buhay niya at ng kapatid niya? Maybe she's not as smart as I thought, sabi ni Val sa sarili.

"Ayokong magsayang ng oras at pera sa mga katulad mo. Ang mahalaga sakin ay buhay ang kapatid ko. Gusto ko lang ay layuan mo kaming magkapatid." sabi ni Katleya.

"Yun lang ba?" tanong ng ama ni Anthony.

"Anong klaseng tanong yan Val?" sabay tingin sa lalake. Kwarentay singko na ito pero maganda ang pangangatawan at parang Briton kung manamit. Bagay na dating ikinamangha ni Katleya pero ngayon ay gusto niyang kalimutan nalang ang panahong iyon.

"I know you Katleya. Being my intern 6 years ago, I know your style. So don't beat around the bush. What do you need?" ani ni Val na naiinis sa ginagawa ng dalaga.

"I just need him to be quiet that's all. Stop pushing the council to open my house to the public and stop pestering me and my brother. Yun lang naman ang request ko." sabi niya at tinignan ang basag na mukha ni Anthony. "I must say I really liked you back then, Anthony. But when I saw you do 'THOSE THINGS' to 'HER'... I am disgusted." sabi ng dalaga. Lumaki ang mata ni Anthony.

IMPOSIBLE!

"A----anong a----alam mo?" mahinang tanong ng lalake. Maging si Val ay di makapaniwalang alam ni Katleya ang sikreto ni Anthony.

Ngumiti lang si Katleya. At lumapit kay Anthony bumulong ito...

"I know how you experimented, tormented, abused and used that girl. She became your human guinea pig. Kaya ka nanalo ng award 3 years ago diba? You used that poor girl for 2 years until she died." di napigilan ni Anthony ang sarili at halos sakalin niya si Katleya.

"ANONG ALAM MO?!" Sigaw ni Anthony ng paulit ulit. Malalalim na hinga ang maririnig kay Anthony. Magkahalong lungkot, galit, at poot ang nakita ni Katleya sa mga mata nito.

Nakalas naman ng mga pulis si Anthony kay Katleya. Si Val naman ay natameme. How could she know? Why does she know? We kept it a secret and we were sure to leave no evidence! How?!

"Thank you for being my mentor Val. I used all your methods to get all the evidence that I need. So tell your son to back off or I will expose him, and you." walang emosyon na sinabi ni Katleya.

Marunong manakot si Katleya, alam niya kung gaano kahalang ang bituka ng mag-ama.Sila ang isa sa mga rason ung bakit naging tuso siya.

Kalmadong umalis ang dalaga sa City Jail ng tumawag si Mon sakanya.

"Ate... I saw something." sabi ni Mon.

"Hmmm? What is it?" tanong ng dalaga.

"I'm here sa family mausoleum. I..." di na tinuloy ni Mon ang sasabihin. Alam na agad ng dalaga ang nakita ng kapatid.

"You opened it?" tanong niya.

"Don't go anywhere. I'll be there!" nagmamadaling umallis si Katleya, halos liparin niya ang kalsada para marating ang mosuleyo ng kanilang pamilya.

Pagdating ni Katleya ay nakaupo si Mon sa sahig, tinitignan ang mga letrato at mga notes sa pader, nakakalat ang ilang papel sa sahig at maraming kahon sa gilid. Nabuksan ni Mon ang basement ng mosuleyo.

"Mon..." hingal na sabi ng dalaga.

Nanginginig si Mon sa magkakahalong emosyon. Nakita niya ang mukha ng kapatid na pulang pula, ang mga mata niya'y naluluha.

Niyakap niya ang ate niya ng sobrang higpit. By this point ay tuluyan ng bumuhos ang luha ng dalaga. Alam na ni Mon ang mga sikreto niya.

Next chapter