Engineering Week
Dumating na ang pinakahihintay ng mga estudyante ang Engineering Week. Lahat ng bawat department ng university ay may ibat ibang hinandang katuwaan at nakaaliw na mga palaro.Syempre hindi rin nag pahuli ang section nila Leir na Butler cafe na pinangungunanahan ng kanilang President na si Fin. Ang may pinakasikat at may pinakamalaking kikitain na booth ay makakatanggap ng malaking price sa last day ng Engineering week kaya lumabas ang pagiging competitive ng last section ng Mechanical Engineering.
Kahit busy sa kanilang booth ay hindi padin nakakalimutan mag papractice ng maigi ang banda ni Leir, wala sa isip nila ang manalo pero syempre gusto rin nilang ipakita sa mga kapwa nila estudyante na may tinatago din silang talento.
"Kyaahhhhhhh"
Hindi mapigilan ni Leir ang mapailing at mapangisi sa nakikita nyang mga kababaihan na naguunahan pumasok sa kanilang booth.
Sino ba namang hindi? Kung ang pagpasok mo ay mga nag gagwapuhang mga lalake na naka butler cosplay ang mag seserve sayo ng mga pagkain? Hindi ka ba mahihimatay sa kakatili?
Buti nalang talaga na immune na si Leir sa kagwapuhan ng mga classmate nya kaya wala nalang sakanya ang mga dating ng mga ito.
"Hinay hinay lang po mga ate, hindi kayo mauubusan ng mga lalake" hindi naman maiwasang mapatawa ni Leir ng marinig nya ang sinabi ni Dummy sa mga kababaihan. Si Dummy kasi ang ginawa nilang display sa labas ng kanilang booth.
Ang mga babae naman imbis na magalit sa sinabi ni Dummy ay nagpacute lang sila dito pero si Dummy as usual poker face lang ito.
"Wag kang masyadong rude sa mga Customer natin Dummy" napalingon naman sa si Dummy kay Leir at lahat ng mga babae sa labas ng kanilang booth ay napalingon din. Nang makalapit si Leir ay napasinghap ang mga kakabaihan sa nasisilayan nilang sobrang gwapong binata na nakatayo sa kanilang harapan. Napangiti naman si Leir sa reaksyon ng mga babae. Dahil kaya rin pala ni Leir mangakit ng kapwa babae nya.
"Ano po pangalan mo pogi? "
"Leir" napatili naman ang mga babae dahil sa husky na boses ni Leir. Si Dummy naman ay napailing nalang dahil nagawang lokohin ng kaibigan nyang si Leir ang mga babae na isa itong lalake.
"Sige, pasok nako sa booth ladies, see you there" kininditan pa ni Leir ang mga babae bago sya pumasok sa kanilang booth. Narinig naman ni Leir ang mga tili kaya napangisi nalang sya.
Kung sinilang akong lalake baka isa na akong chicboy. Ani ni Leir sakanyang isip
Sinalubong agad ni Ketong si Leir ng makita nya itong pumasok sa booth
"Woah Leir dude, ang gwapo mo,tropa nga talaga kita, walang patapon satin eh"
"Ang hangin mo, gago" sabay batok ni Leir kay Ketong na nakangisi lang. Natigil ang pagaasaran ng dalawa ng tinawag na sila ni Ice na simulan na ang trabaho nila. Kaya nagstart na si Leir pumunta sa bawat lamesa para kunin ang bawat order ng kanilang customer
Lumipas pa ang mga araw patuloy lang ang pagsikat ng booth nila Leir hanggang sa dumating na ang last day ng Engineering week kung saan gaganapin ang battle of the bands. Na pinaghandaan nila Leir.
Lahat ng kalahok ay nasa backstage na at handang handa na sakanilang mga performance.
Nagtaka sila Ice ng makita nila ang busangot na mukha ni Ketong na papalapit sakanila
"Guys, hindi pala puro love songs ang dapat kantahin"
"Ano?? " gulat na sigaw nila Leir kay Ketong. Napakamot naman sa ulo ang huli at nagsorry
"Nabingi ako guys eh, sorry hehe"
"Tangna mo talaga! Malas ka talagang namo ka! " galit na sigaw ni Ice. Sila Leir naman ay napatampal nalang ng noo sa katangahan ng kanilang kaibigan na si Ketong.
"Wag kayong magaalala mga pre, may kakantahin na ako mamaya, basta sunod lang kayo sakin"
"wala na akong tiwala sayong hayop ka"
"Ang sakit mo naman magsalita Leir dude, basta hayaan nyo na ako , magiging successful parin ang performance natin mamaya" napabuntong hininga nalang ang apat at napilitang tumango kay Ketong na sobrang laki ng ngisi sa kanila.
Hanggang sa nagsimula na ng ang labanan. Anim na banda ang maglalaban laban at panghuli sila Leir na magtatanghal which is sobrang pabor sakanila.
Bago nagsimula ang laban ay pinakilala muna ng MC ang mga judges at ganoon nalang ang gulat ni Leir ng marinig nya ang pangalan ng kanyang Young Master.
Taena.Isa sa mga judge si Young Master? Putcha? Paano nangyari yun?. Aliligagang bulong ni Leir
" mga sponsor ng school pala ang mga judge?akala ko mga professor ng school" ani ni Ketong habang sumisilip sa harap ng stage kung saan nakaupo ang mga judge.
Sponsor? Taena bakit pa ako nagulat? .napailing na sabi ni Leir
"Now, Lets start the battle of the bands" napahigit naman ng hininga si Leir dahil magsisimula na ang laban.
Nagsimula na ang unang bandang tumugtog at masasabi ni Leir na napakagaling ng mga ito,pati narin sa sumunod na banda,hindi mapakali si Leir sa kanyang kinauupuan dahil hindi biro pala ang mga kinalaban nilang mga banda.
"Now, lets get them a round of applause the last group. ELIXIR"
"Tara na mga pre" masayang litanya ni Ketong,sila Ice at Axl naman ay nakangisi lang na tumayo at si Leir at Vie nababakas sakanila ang kaba.
Ng makalabas sila sa backstage ay hindi na naiwasan ni Leir na mapatingin sa mga judge at kita nya ang pagkagulat ng kanyang Young Master.Umiwas nalang si Leir at tinanggal na ang lahat ng kanyang kaba bago masayang nagsalita sa harapan
"Hi, ako nga pala si Leir Mia ang vocalist ng aming banda,nandito ako sa harapan nyo para malaman nyo kung gaano ka talented ang isang dyosa" marami namang natawa sa sinabi ni Leir ngunit hindi rin nakaiwas sakanyang paningin ang mga nangungutyang tingin na binibigay sakanya.
Nagsimula namang magpakilala sila Ketong at lalong nagingay ang mga tao dahil sa mga papa na kasama ni Leir
"Hello, Ako si Keith Liam Ez,19 years old and single" kumindat pa ito kaya nagsigawan pa lalo ang mga babae
"Yow, Im Axl Titus Lee"
"Viendrei Kent"
"and I'm Ice Frost ang pinakagwapo sa aming apat"
Agad namang sinamaan nila Ketong si Ice na nakangiti lang sa harap at nagbibigay ng flying kiss sa mga Audience
Ngumiti nalang si Leir at sinenyasan si Ketong na magsimula na. Dahil si Ketong ang bahala sa 1St song nila. Inayos ni Leir ang pagkakakabit ng gitara sa kanyang katawan.
Si Ketong naman ay binulong na sakanila ang kakantahin nito at napatampal ng noo si Leir ang mga lalake naman ay napatawa nalang.
"Handa na ba kayo Madlang pipol? "
Nagsigawan nanaman ang lahat.
Huminga nalang ng malalim si Leir at sinimulan ng iistrum ang kanyang gitara
Sana matapos namin ito ng matiwasay
ani ni Leir