webnovel

CHAPTER FIFTY (SPECIAL CHAPTER)

πŸ’™πŸ’™πŸ’™

THE WEDDING

Nakatingin si Anniza sa damit na susuotin niya ng araw na iyon. Tumayo si Anniza mula sa pagkaka-upo sa kama at nilapitan ang wedding gown niya na suot pa ng isang mannequin. It is very beautiful. Sulit na sulit ang binayad ng mga magulang ni Joshua sa kay Ashley Madrigal. Nakuha kasi nito ang gusto niyang wedding gown.

Hinaplos niya ang gown. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na siya sa simbahan. Kay tagal din nilang hinintay ni Joshua ang sandaling iyon. Ilang taon na din ba ang lumipas at ilang pangyayari na ba ang dumaan sa buhay nila. At kahit na marami na silang pinagdaanan, hindi pa rin nila binitiwan ang kamay ng bawat isa't-isa.

"Getting emotional?"

Ang taong na iyon ang siyang nagpatigil kay Anniza sa paghaplos sa gown na susuotin. Napalingon siya sa taong nagsalita. Nakatayo di kalayuan sa kanya ang ina ng asawa. Mommy Jenny looks very beautiful at her skyblue dress. Iyon ang theme color ng kasal nila ni Joshua. They both fan of sky. Lalo na kapag nakatingin sila sa kalangitan na puno ng mga butuin.

Ngumiti siya kay Mommy Jenny na para na niyang pangalawang ina. "Opo. Hindi po kasi ako makapaniwala na ikakasal na kami ni Joshua sa simbahan tapos masusuot ko pa ang dream wedding gown ko."

Lumapit siya sa ina ng asawa at hinawakan ito sa kamay. "Thank you so much for giving me my dream wedding."

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng ina ni Joshua. Nagtaas ito ng kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. "Anything for you, Anniza. Gusto kong makita kayong masaya ni Joshua sa araw na ito."

Parang may humaplos sa puso ni Anniza dahil sa sinabi ng babae. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagka-ayos sila ng ina ng asawa. Ilang taon na rin ang nakalipas ng halos pagtulakan siya ng mga ito dahil sa hindi siya gusto para kay Joshua. Marami ng nagbago sa buhay niya at masasabi niyang masaya siya kung anuman meron siya.

"Hey, Ladies."

Sabay silang napatingin ng marinig ang malakas na boses ni Tito Shawn. Kasama nito si Tita Sheena.

"Hello po." Yumukod siya ng bahagya bilang paggalang sa mga ito.

"Napakaganda mo ngayon, Anniza," wika ni Tita Sheena. Lumapit ito at nakipagbeso-beso sa kanya.

"Of course, kanino pa ba magmamana itong anak ko. Natural sa mommy niya." Inakbayan siya ni Mommy Jenny.

Mahinang tumawa sila dahil sa sinabi nito. "Of course, I will agree with you."

Napa-iling na lang siya sa usapan ng dalawa. Nakakatuwang pagmasdan na maayos ang pagsasama ng pamilya ng mga Wang.

"What are you two doing here? Akala ko ay nasa simbahan na kayo?"

Nagkatingin ang mag-asawang Sheena at Shawn. Humarap sa kanya si Tita Sheena at hinawakan ang kanyang kamay na siyang ipinagtaka niya. May iniipit kasi ito sa kamay niya. Napatingin siya doon ng pakawalan nito ang kamay niya. Isa ngang maliit na box ang nakita niya.

"What is this, Tita?" nagtatakang tanong niya.

"Buksan mo..."

Binuksan nga niya iyon. Napasinghap si Anniza ng makita ang isang singsing doon. It's a gold ring with three small blue topaz stone. Kagaya iyon ng engagement ring niya ang pinagkaiba lang ay malaki ang bato ng engagement ring niya at white gold iyon.

"What is this?" nagtatakang tanong niya kay Tita Sheena.

Ngumiti si Tita Sheena. "Nang pumunta kami ng Tito Shawn mo sa Paris, nakita namin ang singsing na iyan at ikaw agad ang naalala namin. Lahat ng babae sa buhay ng mga anak namin ay binigyan namin ng regalo. Carila got a bracelet, Kaze got a necklace and you, we want you to have a ring."

"Pero..." napatingin siya sa singsing na bigay nito. Hindi niya alam kung tatanggapin bai yon.

Alam niyang mahal ang presyo ng singsing. Nasisigurado niyang ang maliliit na bato ay napakamahal na. It's too much for her.

"I won't accept a 'NO' from you, Anniza. I want you to have that. Kahit hindi mo siya palaging suotin ay ayos lang sa amin ng Tito Shawn mo. Basta tanggapin mo lang ang regalo namin."

Napakagat labi si Anniza. Masaya siya dahil talagang tanggap na siya sa pamilyang iyon. Malapad ang mga brasong tinanggap siya ng mga ito. Mula pa noon at pahanggang ngayon ay maayos pa rin ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Tinuring siya hindi iba ni Tito Shawn at Tita Sheen. Sa mga ito niya unang naramdaman na bahagi na talaga siya ng pamilya Wang. Tito Shawn protect her and she is very thankful for that. Na-iiyak na nagtaas siya ng tingin.

"Thank you, Tita Sheena." Niyakap niya si Tita Sheena.

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang likuran. Napatingin siya kay Mommy Jenny na nakapamasid lang sa kanila. May ningning ang mga mata nito. Ngumiti siya sa ina ng asawa bago kumawala sa pagkakayakap kay Tita Sheena.

"You're welcome, Anniza. Welcome to our family."

Ngumiti siya. She is very happy.

Hindi nagtagal si Tita Sheena at Tito Shawn. Pupuntahan din daw ng mga ito si Joshua bago pumunta sa simbahan kung saan sila magpapakasal ni Joshua. Nag-ayos na rin siya. Sinuot na niya ang wedding gown sa tulong ni Mommy Jhel at Ate Tin. Tumating ang bayaw at tinulungan siya. Ang Kuya niya ay na-una na sa simbahan para tingnan kung nasa ayos na bang ang lahat.

Lumipas man ang panahon, nagka-ayos at tinanggap man siya ng magulang ni Joshua, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ng magulang ni Joshua sa Ate Tin at Kuya Anzer niya. Civil lang si Mommy Jenny kapag nasa paligid ang Kuya Anzer at Ate Tin niya. Alam niyang hindi pa napapatawad ng pamilya ni Joshua ang Kuya at Ate niya pero ng dahil sa kanya ay mas pinili ng mga ito na wag ng magsalita.

Kung minsan nga ay ang magulang na lang ni Joshua ang umiiwas. Alam niyang ginagawa iyon ng magulang ng asawa ng dahil sa kanila. Hindi na rin siya nagsalita pa, mas okay na kasi iyon kaysa nag-aaway pa rin ang mga ito. Hinihiling na lang niya na sana ay tuluyang maghilom ang sugat ng kahapon. Ayaw niya naman madaliin ang magulang ni Joshua. Sa ngayon ay sapat na sa kanya kung anuman ang relasyon ng pangalawang magulang niya at tumayong magulang niya.

Tinulungan siya ni Mommy Jenny na makasakay ng kotse. Masyado kasing malaki ang tulong bahagi ng damit niya. It was ballon type of gown. Agaw pansin din ang kurte ng kanyang baywang. Her white wedding is long sleeve and V neck type. Pansin din ang cleave niya pero Hindi naman siya na-iilang dahil Maputi din naman siya. Flower lace type ang gown niya. Hindi muna isinuot sa kanya ang belo. Mamaya na lang daw pagnasa simbahan sila.

Maayos ang pagkakalagay ng make-up artist na nalaman niyang isa palang sikat. Ito din kasi daw ang make-up artist ng ilang sikat na tao sa bansa. Dahil hindi siya sanay sa high heels, pinili nila ng ina ni Joshua ang flat shoes. Matangkad din naman daw siya kaya okay na din. Maayos din ang pagkakatali ng buhok niya na naka-high buns. May naka-clip doon na isang silver rose at may maliliit na diamond. Bigay iyon ni Tito Zhel. It was personalized hair clip. Pinagawa nito sa Saturn Jewelries na alam niyang mahal na brand ng jewelries sa Asia.

Anniza can't believe how expensive her wedding is. Hindi ganoon ang inaasahan niya. Sobra-sobra pa nga sa inaasahan niya. All the thing she wanted to her wedding are there even the smallest details. May dinagdag pa nga ang ina ni Joshua na siyang talagang punong abala sa lahat.

Huminto ang kotse sa simbahan, Joshua's parents choose Manila Cathedral for their church wedding.

"Anniza..." tawag ng ina ni Joshua. Hinawakan pa nito ang kamay niya.

Napatingin siya kay Mommy Jenny. "Yes, mommy?"

Walang salitang namutawi sa labi ng ina, tumingin lang ito kay Ate Tin na naka-upo katabi ng family driver.

"Pwede mo ba kaming iwan ni Anniza?" May paki-usap na tanong nito.

Nagkatingin sila ni Ate Tin. Iyon kasi ang unang pagkakataon na si Mommy Jenny ang unang kumibo dito. Ngumiti ang Ate Tin niya at tumungo. Lumabas na ito ng kotse at lumapit sa wedding coordinator na abala sa pagmumundo sa mga tauhan nito.

Humarap siya sa katabi. "May sasabihin po kayo, Mommy."

Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya ng in ani Joshua. "I just want to thank you. Gusto kong pasalamatan ka, Anniza. Salamat at hindi mo sinukuan ang anak ko. Salamat at pinasaya mo siya. At salamat dahil sa pinatawad mo kami kahit napakalaki ng kamalian namin sa iyo."

May humaplos sa puso ni Anniza. Mommy always said thank you to her but she didn't say the reason for her 'thank you'. Ngayon niya lang narinig iyon mula dito.

Pinisil niya ang kamay ni Mommy Jenny. "No need to thank me, Mommy. Ginawa ko lang po ang sa tingin ko ay tama. Alam ko naman po na ang tanging hangad niyo lang kay Joshua ay iyong mapabuti siya. Iisa lang naman po ang gusto natin, ang mapasaya si Joshua."

Tumungo ang ina ng asawa.

"Kahit po ako ay nagpapasalamat din sa inyo. Thank you for accepting me for who I am. Salamat at tinanggap niyo ako bilang asawa ng anak niyo. Salamat sa pagmamahal na binibigay niyo kay Peter Andrew. I'm always grateful to you, Mommy. Always remember that."

Nanubig ang mga mata ni Mommy Jenny. Nagiging emosyonal na naman ang ina ng asawa. Ganoon iyon kapag napag-uusapan nila ang nakaraan. Kapag napag-uusapan nila ang kapatawaran ay iiyak na lang ito at yayakapin siya. Ngayon niya na patunayan na maari nga pala talagang magbago ang isang tao. Sobrang laki ng pagbabago ni Mommy Jenny, simula ng araw na kina-usap sila nito. Slowly, she opens herself to her. Slowly, they become close.

"Come on, Mommy. Don't be emotional. Hindi pwedeng masira ang make up mo. Pagtatawanan ka ni Daddy Zhel. Sasabihin na naman nito na mukha kang clown." Biro niya dito.

Napasimangot si Mommy at hinampas siya sa balikat. "Subukan lang niya. Gusto niya bang outside the room siya."

Tumawa siya ng mahina dahil sa sinabi nito. Kung si Joshua ay takot siyang makitang nasasaktan, si Daddy Zhel naman ay takot na magalit si Mommy Jenny. Mag-ama nga talaga ang dalawa.

"Let's go, Mommy. I'm sure they are waiting for us."

Tumungo si Mommy Jenny. Ito ang unang lumabas ng kotse. Tinulungan siya nitong makalabas ng kotse. Tumulong na rin si Ate Tin at ilangΒ  tao na nadoon. Masyado kasing malaki ang dulong bahagi ng wedding gown niya.

Hanggang sa makarating siya sa pinto ng simbahan ay kasama niya si Mommy Jenny. Nagpaalam lang ito ng lumapit si Kuya Anzer. Pumasok ang ina ni Joshua sa loob ng simbahan. Naiwan siya kasama ang Kuya Anzer at Ate Tin niya.

"Napakaganda mo ngayon, Anniza." Narinig niyang sabi ng Kuya Anzer niya.

Hindi din nakaligtas sa pandinig niya ang pagkabasag ng boses nito. Pansin din ang panginginig ng kamay nito. Ganoon din ang namumuong luha sa mga mata nito.

"Thank you, Kuya." Isang matamis na ngiti ang isinukli niya sa nakakatandang kapatid.

Ilalagay na sana niya ang braso sa braso ng kapatid ng may humawak sa kanyang balikat. Napalingon siya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. The man who makes her feel special. The man, she treats like her brother, her best friend and her life saver.

"Brix..." na-iiyak niyang banggit sa pangalan nito.

"Hi, Annie. Congratulations"

Sinunggaban niya ng yakap ang kaibigan. Buong akala niya ay hindi ito pupunta. Sinabi niya kasing napadalhan ng invitation ang mga Saavadra at pupunta ang mga ito. Sinabi ng kaibigan na hindi ito makakapunta dahil may kailangan tapusin sa farm.

"Hey!" Gumanti ng yakap si Brix.

"Akala ko ay hindi ka pupunta." Na-iiyak niyang sabi.

"Palalampasin ko ba ang kasal ng best friend ko. Of course, not. Kahit gaano pa ako kalayo sa iyo, nandito lang ako, Anniza."

"Thank you for coming." Kumalas siya sa pagkakayakap sa kaibigan.

Isang matamis na ngiti ang iginanti ni Brix. "You're welcome. Anything for you, Annie."

Humikbi siya. Pinipigilan niya ang kanyang mga luha. Ayaw niyang masira ang make-up niya.

"Papasok ka ba sa loob?"

Umiling si Brix. "Alam mong hindi ako pwedeng makita ni Clara. Pero manonood ako. Dito lang ako sa dulo at sa gilid ng simbahan."

Tumungo siya bilang pagsang-ayon. Alam niyang hindi niya pwedeng diktahan ang kaibigan. Kung iyon ang gusto nito at sa tingin niya ay nakakabuti ay hahayaan niya.

"Okay pero kailangan mamaya ay may picture tayo. I will tell Joshua to do something."

Isang masayang ngiti ang ibinigay sa kanya ng kaibigan. "Oo naman. Go now. Be happy, Anniza."

Tumungo siya bilang sagot sa sinabi nito. Alam niyang gustong guluhin ni Brix ang buhok niya ngunit hindi nito magawa. Nagpaalam si Brix sa Kuya Anzer at Ate Tin niya. Nang maka-alis ang kaibigan ay humarap siya sa nakasarang pinto ng simbahan. Inilagay na din niya ang dalawang kamay sa braso ng dalawa. Suminyas ang wedding coordinator para buksan ang pinto ng simabahan.

Huminga ng malalim si Anniza at ng tuluyan bumukas ang pinto ay maingat siyang humakbang. At ng tuluyan na siyang makapasok ng simbahan ay isang tugtug ang pumuno sa kanyang tainga. Tinakpan ng tugtog na iyon ang lakas ng tibok ng puso niya. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Anniza. Ang kantang iyon ang ni-request niya kay Joshua para sa kasal nila.

(I swear by All 4 One)

I swear, by the moon and the stars in the skies

And I swear, like the shadow that's by your side

Iniikot ni Anniza ang paningin sa loob ng simbahan. Napapalibutan ng asul na bulaklak ang luhar. Ang kanyang nilalakaran na dapat ay pulang karpet ay kulay asul. White rose and blue rose each side of the path walk. Nakuha ng taong nag-organize noon ang gusto niya. It really picture the wedding she dream of. Napakaganda noon at napupuno ng kasayahan ang puso niya. Dumagdag pa ang boses ng taong kumakanta ng kantang gusto niyang marinig habang naglalakad palapit sa taong pakakasalan niya.

Joshua's voices can hear inside that church. It was the loveliest song she ever heard. Lalo pang naging special sa kanya ang kanta dahil sa taong kumakanta noon.

I see the questions in your eyes

I know what's weighing on your mind

You can be sure I know my part

'Cause I stand beside you through the years

You'll only cry those happy tears

And though I make mistakes

I'll never break your heart

Napatingin si Anniza sa may altar. Doon ay nakita niya ang taong pakakasalan kasama ang best man nitong si Wilsy. Hindi na pwede ang mga kaibigan nito maging best man dahil sa kasal na kaya naman pinili nila si Wilsy na hindi pa rin nagpapakasal kay Veelrich.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Anniza. Ang kalmado na sana niyang puso ay muling nagwala ng makita ang asawa. Joshua is wearing blue suit. Binagayan pa iyong ng asul na neck tie. Pero hindi iyon ang naka-agaw pansin kay Anniza dahil kahit na malayo pa siya ay pansin na niya ang luhang dumaloy sa pisngi nito. Agad iyong pinunasahan ng lalaki.

How sweet he is to cry on their wedding day. Kung tutuusin ay kasal na sila at talagang gusto lang talaga nilang ikasal sa simbahan.

And I'll swear, by the moon and the stars in the skies

I'll be there

And I swear, like the shadow that's by your side

I'll be there, for better or worse

Tell death do us part

I'll love you with every beat of my heart

And I swear

Anniza feel likes it been forever her. Parang ang layo ng altar at napakabagal ng lahat. Gusto na niyang makalapit kay Joshua. Nais niyang mayakap ang asawa at punasan ang mga luha nito. She wanted to tell him that she will stay with him forever. Pero sadya nga talagang mabagal ang lahat kagaya na lang ng kasayahan nila. Mabagal man ay worth it naman. Dahil kasi doon ay napatunayan nila na matatag at tapat ang pagmamahalan nila.

I'll give you everything I can

I'll build your dreams with those two hands

We'll hang some memories on the walls

And when (and when)

Just the tow of us are there

You won't have to ask if I still care

'cause as the time turns the page

My love won't age at all

And I'll swear, by the moon and the stars in the skies

I'll be there

And I swear, like the shadow that's by your side

I'll be there, for better or worse

Tell death do us part

I'll love you with every beat of my heart

And I swear

She swears that this man in front of her will be the only man in her life. Ito lang at ito lang ang lalaking mamahalin niya ng buong buhay. Dito lang niya i-aalagay ang lahat-lahat. Handa niyang labanan ang lahat ng taong humadlang sa kanila. Because she only sees herself with him forever. Para sa kanya, si Joshua ang end game na hinihintay niya.

And I'll swear, by the moon and the stars in the skies

I'll be there

And I swear, like the shadow that's by your side

I'll be there, for better or worse

Tell death do us part

I'll love you with every single beat of my heart

And I swear

Nang tuluyang marating ni Anniza ang altar ay muling pumatak ang mga luha ni Joshua kaya bago pa siya mapigilan ng kapatid ay kumawala siya sa pagkakahawak dito at pinunasahan ang mga luhang dumaloy sa pisngi nito.

"I'm here now, Wode Airen. I will stay at your side." Bulong niya.

Tumungo si Joshua. Hinarap nito ang Kuya at Ate niya. Yumuko ito bilang pag-galang sa mga ito.

"I will treasure and keep, Anniza. Pwede niyo na siyang ipagkatiwala sa akin," anito ng magtaas ng tingin.

Anniza feels like floating in the air after hearing those words. May mga munting paru-paru din na naglalaro sa kanyang tiyan. Pwede pa ba niyang makaramdam ang ganoong kilig gayong ilang taon na siyang kasal dito? Siguro nga ay pwede dahil walan naman pinipiling edad ang pag-ibig.

Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay humarap sa kanya ang asawa.

"Annie, I swear, I will keep you forever. I swear, I will love you until my last breath. I love you so much."

Napakagat ng labi si Anniza. She is getting emotional also. Hinawakan niya ang kamay ni Joshua. "I love you too. I also love you so much. Wo ai ni, wode Airen."

Iyon lang at alam niyang sapat na para malaman ni Joshua na mamahalin niya ito ng buong buhay. Na ito na talaga ang pinili niya habang buhay. Na ito na ang pinili niyang makasama hanggang sa huling hininga siya.

Love is like a roller coaster; they may scare and wanted to get off in the middle of the ride but in the end, there will be a relieve and happiness. The only matter is that they didn't let go and face their own fear. Now, they are ready to face another roller coaster ride and this time, they will hold each other hands tight.

______END_____

πŸ’™πŸ’™πŸ’™

Thank you so much for reading. Let's all say goodbye to Anniza at Joshua.

May special Chapter po akong ilalagay bukas. Abangan!!!

HanjMie

HanjMiecreators' thoughts
Next chapter