webnovel

CHAPTER THIRTY-FOUR

"YOU ABANDONE YOUR OWN CHILD?" tanong ni Anniza pagkatapos niyang sabihan dito amg madilim niyang nakaraan.

Tumungo siya. "I'm not proud of what I did, Annie. Nang marinig ko ang balitang iyon ay halo-halong emosyong ang naramdaman ko. Sobrang laki ng pagsisisi ko dahil sa ginawa kong kasalanan kay Jassie at sa anak namin. Galit na galit ako sa sarili ko. Pati na rin si Patrick.

I was so stupid back then. I'm a fool to said those words to Jassie. Ilang taon kong dinala ang pagsisising ginawa ko sa taong hindi ko alam na minahal ko na pala." Tumigil sa pagsasalita si Joshua at pinakatitigan ang kasintahan.

Wala siyang nababasang emosyon sa mukha nito. Nakayuko lang ito at nakatitig sa mga mata.

"Si Jassie ang tanging babaeng tumagal sa buhay ko. Ilang buwan ko din siyang naging kasintahan. Kung hindi pa dumating muli sa buhay ko si Andria ay baka patuloy pa rin ang naging relasyon namin."

"Pero sinaktan mo siya dahil kay Andria. Nadamay pa ang isang inosenting bata." May halong sumbat ang boses ni Anniza.

Yumuko siya dahil sa sinabi nito. "I know what I did is wrong. Ilang taon ko din dinala ang kamaliang ginawa ko. Sinubukan kong ayusin. I talked to Jassie's family. Ask them for their forgiveness. Sinubukan ko din tanungin sila kung saan nakalibing ang mag-ina ko ngunit dahil sa galit nila sa akin ay hindi nila sinabi. Nalaman ng pamilya ko ang nangyari kaya naki-alam sila." He laughs dry.

"Hindi kasing yaman ng pamilya namin ang pamilya ni Jassie kaya sinubukan nilang bayaran ang mga ito para ipakita sa akin para tigilan ko ang kakahabul sa pamilya nila pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Lalo lang nagalit sa akin ang pamilya ni Jassie. That's why, I started to hate my own family."

Humarap na sa kanya si Anniza. "Iyong nakita namin minsan sa office?"

"Jackie is Jassie's younger sister. She is close to Jassie. Nang mga panahon na iyon ay gustong-gusto ko na talagang makita ang puntod ng mag-ina ko. Kaya humingi na ako ng tulong kay Patrick. Jackie found out what I did and confronted me. Iyon ang nakita mo."

Hindi na nagsalita pa si Anniza. Yumuko lang ito at muling tinitigan ang mga kamay nito.

"Nang makita ko ang puntod ni Jassie at Jamie, doon ko tuluyang pinalaya ang sarili ko sa nakaraan namin. Humingi ako ng patawad sa kanya at sa anak namin. Alam kong huli na ang ginawa kong paghingi ng kapatawan kay Jassie pero iyon lang ang nakita kong paraan para makapagsimula ng bago kong buhay kasama ka Annie."

Napataas ng tingin si Anniza at napatingin sa kanya. May pagkagulat sa mga mata nito. Napangiti siya. Lumapit siya sa kasintahan at hinawakan ang kamay nito. Walang pagtutol sa kasintahan kaya naman nagbigay iyon ng lakas ng loob sa kanya na mas hawakan pa ang kamay nito.

"Nang ma-realize ko ang pagmamahal ko sa iyo. Gumawa ako ng paraan para ilaya ang sarili ko sa sakit ng nakaraan ko. I want to fix my life by fixing my past mistake. Dahil sa iyo ay naglakas loob akong harapin ang  kamalian ko. Dahil sa iyo, lumaya ako sa nakaraan ko na ibinaon ako sa sakit. I started to live my life for you, Anniza. I started to accept that my heart is no longer belong to Jassie. That you are the one who owns my heart."

Muling dumaloy ang mga luha ni Anniza. Iniangat niya ang kamay ang pinunasan ang mga luhang dumaloy. He hates seeing Anniza cried.

"Please! Don't cry. I hate seeing you cry."

"You hate it but you hurt me." Sumbat nito na siyang ikinangiti niya.

"I'm sorry. I won't do it again. Nasabi ko lang naman iyon para tigilan na ni Andria si Shilo dahil ayaw kong maging kagaya ko ang pinsan ko. Alam natin pareho na si Maze na ang gusto niya. Hindi ko lang inaasahan na nandoon ka. At saka, wala naman talaga akong balak na gawing kasintahan si Andria dahil ikaw lang ang nilalaman ng puso ko. I love you, Annize. I been waiting for you for so many years. Hindi ako makakapayag na mawala ka sa buhay ko."

Suminangot si Annie. Hinawakan nito ang throw pillow na sinasandalan nito at hinampas sa kanya. "I hate you! I hate you!"

Hinayaan lang niya si Anniza na ihampas siya at sigawan siya. Ilang sandali din silang ganoon hanggang sa napagod ang babae. Nang tumigil ito ay agad niya itong niyakap ng mahigpit. He can't let this woman go. Hindi siya makakapayag na umalis ito ng ganoon na lang sa buhay niya. Walang makakapigil na mahalin niya ito.

"I love you so much, Anniza. You fix my broken life. You fixed my broken heart. Ikaw ang bumuo sa buhay ko na nasira dahil sa ginawa kong pagkakamali. Hindi kita hahayaang mawala sa buhay ko." Hinalikan niya ang noo nito.

"I love you so much, Joshua." Gumanti ang kasintahan ng yakap na siyang ikinaluwag ng puso niya. "Pasalamat ka at marupok ako pagdating sa iyo."

Lumawak ang pagkakangiti iya dahil sa huling sinabi nito.

Yap! He is thankful that Anniza loves him.

'I won't let you go. I seeing myself getting old with you,' aniya sa isipan.

NAGKA-AYOS DIN agad si Joshua at Anniza. At balik sa dating trabaho ang dalawa. Unang araw ng pasok ni Anniza ay nagtataka siya kung bakit maraming taong nakatingin sa kanya. Nalaman niya mula kay Maze na inamin ni Joshua ang tungkol sa relasyon nila sa harap ng magulang nito na siyang ikinagulat ng lahat ng mga tao doon. Kahit siya ay nagulat din ng sabihin iyon ng kaibigan.

Hindi niya alam ang tungkol doon kahit pa nga nagka-usap na sila ng kasintahan. Walang nabanggit sa kanya si Joshua pero ang mas ipinagtataka niya ay kung bakit nasa kompanya pa rin siya kahit pa nga na alam na ng magulang nito. Inaasahan niya ay papalisin siya sa kompanya. Nasagot ang tanong niyang iyon ng tanungin niya si Joshua. Pinagtanggol daw siya ni Sir Shawn at Shilo. Lalo siyang nagulat dahil doon.

They are indeed fair to their staff. Isa pa sa ikinagulat niya ay iyong totoong pagkatao ni Maze. Nalaman nila na ito pala ang nawawalang anak ni Tita Aliya na siyang ninakaw noong bata pa ito. Kaya naman umalis na ito bilang sekretarya ni Shilo pagkalipas lang ng dalawang linggo pagpasa nito ng trabaho kay Ate Carila. Mabilis na nakabalik sa dating posisyon nito si Ate Carila dahil sa suporta na ibinigay dito ng board. Ngayon nga ay si Ate Carila na ang sekretarya ni Shilo habang si Maze ang namamahala ng negosyo ng pamilya nito. Ang kilalang restaurant ng mga Lu ang hawak na negosyo ngayon ni Maze.

"Anniza, pwede mo bang ibigay ang list ng mga empleyado natin sa Lucena branch?" Tanong ni Joshua na siyang kakarating lang.

Nang galing ito sa meeting sa isang branch ng hotel. "Yes." Sagot niya sa kasintahan.

Ganoon silang dalawa kapag oras ng trabaho. Umaasta silang parang hindi magkasintahan para walang masabi ang mga kasamahan sa trabaho. At mas gusto nila ng ganoon ni Joshua. Fucos lang sila sa trabaho. Alam nilang wala naman dapat silang patunayan sa mga taong nandoon pero ayaw pa rin nilang may marinig sa mga ito.

"Good. Ipasok mo na lang sa loob." Nalampasan na lang siya nito at tuluyan pumasok sa loob ng opisina nito.

Napangiti siya at inayos na ang hinihingi nito sa kanya. Papasok na sana siya ng lumapit ang isa sa mga staff nila na seryuso ang mukhang nakatingin sa kanya.

"May kailangan ka, Ms. Lorraine?" Seryusong tanong niya.

"Pwede mo bang pamirmahan ito kay Sir Wang?" Inilahad nito ang isang folder sa kanya.

Tiningnan niya ang ibinigay nito. Nagtaas ang kilay niya. "Ano iyan?"

"Request letter for additional staff for Mei De Latte." Sagot nito.

Tumaas ang kilay niya. Ang Mei De Latter ang resto-bar na siyang bagong negosyo ng mga Wang. Dalawa palang ang branch ng nasabing resto-bar kaya nakapagtataka na nagpapadagdag ang mga ito ng tauhan.

"I will read the letter first. Ilagay mo na lang muna sa table ko," aniya rito. Hindi niya makuha ang folder dahil parehong may hawak ang kamay niya.

"Okay." Sagot nito pero hindi nakangiti.

Hindi nagpaalam sa kanya ang babae. Pero bago siya nito tinalikuran ay tinaasan siya nito ng kilay na siyang hindi niya nagustuhan. Hindi lang iyon.

"Akala mo kung sino sekretarya lang naman siya. Porket kasintahan ng HR head ay kung sino na kung umasta." Bulong nito na siyang narinig niya.

Tumindig ang tainga niya ng marinig ang sinabi ng babae. Anod aw? Tama ba ang pagkakarinig niya? Gusto niyang habulin ang babae para pagsabihan ngunit hindi na niya ginawa. Ayaw niyang dagdagan nito ang inis sa kanya dahil lang sa kasintahan siya ni Joshua kahit pa nga na hindi tama ang sinabi ng babae patungkol sa kanya.

'Alam kong hindi ito ang huling pagkakataon na makakarinig ako ng ganoon sa ibang katrabaho,' wika niya sa isip.

Huminga lang siya ng malalim at pumasok na sa opisina ng kasintahan. Hindi niya pwedeng sirain ang pangalan ni Joshua at baka iyon ang maging dahilan para tuluyan siyang mapalayo dito. Hindi niya sisirain ang ibinigay na pagkakataon sa kanya ng pamilya ni Sir Shilo. Hindi niya bibigyan ng dahilan si Sir Shawn na mawalan ng tiwala sa kanya.

"Here's the document you asking." Inilapag niya sa mesa ni Joshua ang hinihingi nitong papeles.

Nagtaas lang saglit ng tingin si Joshua at ibinalik na ang atensyon sa ginawa. "Thank you, Anniza."

"You're welcome, Sir." Tumayo siya ng tuwid. "May kailangan pa po ba kayo?"

Muling nagtaas ng tingin si Joshua. "Wala na."

Tumungo siya at nguniti. "Okay sir. Babalik na ako sa table ko." Tumalikod na siya.

Hahakbang na san siya para makalabas ng opisina nito ng muling magsalita si Joshua.

"Let's have dinner later, Annie." Malambing na sabi ni Joshua.

Lumingin siya sa kasintahan. "Okay. Magsasabi na ba ako kay Kuya na late na tayo makaka-uwi."

Ngumiti si Joshua. "Ako na ang magsasabi."

Tumungo siya at tumalikod na. Lumabas siya ng opisina. May ngiti sa labi niya habang nagtatrabaho. It doesn't matter what people think about her and Joshua as long as they are happy. Sila naman ang nagdadala ng relasyon nila. At saka, hindi naman silang dalawa ni Joshua ang unang empleyado ang nagkaroon ng relasyon. Nandiyan si Sir Shan at Carila.

Naging abala na si Anniza sa ginagawa nito ng tumunog ang phone niya. Tiningnan niya kung sino iyon. Tumaas ang kilay niya ng makita ang pangalan ni Carila. Sinagot niya ang tawag nito.

"Hello, Ate Rila."

"Anny, nandiyan ba si Shilo?" tanong nito na siyang kinataas ng kilay niya.

"Si Sir Shilo? Wala eh. Bakit sa akin mo siya hinahanap i-di ba ikaw ang sekretarya niya." Natatawa niyang wika dito.

Isang malalim na buntonghininga ang narinig niya mula dito. "Wala siya sa opisina at tinatawagan ko siya, hindi naman sumasagot. Akala ko nga sa tapat lang na coffee shop pero wala naman."

Tumaas ang isang kilay niya. Tumawa siya ng bahagya dahil alam na niya kung nasaan ang magaling nilang CEO. "Naku! Hinahanap mo eh alam naman natin kung nasaan iyon ngayon."

Hindi sumagot si Ate Rila. Umayos siya ng upo at tiningnan ng oras. It's already 3 o'clock in the afternoon. Nasisigurado niyang nandoon naman iyon sa babaeng tinatawag nitong kaibigan.

"Sige. Si Kaze na lang ang tatawagan ko. Siguro nga ay magkasama na naman ang dalawa."

Tumawa siya dahil sa sinabi ni Ate Carila. "Wag mo ng isturbuhin ang dalawa."

"Anny!"

"What? Dapat ng magkaroon ng kasintahan si Kaze. Matagal na siyang may pagsinta kay Sir Shilo. At saka, bagay na sila ngayon. Mayaman siya at mayaman si Sir Shilo. Hindi lang iyon. Malapit din si Sir Shilo sa ina niya at para ng anak ang turing dito. Matagal na silang ang papakiramdaman dalawa. Tama lang na maging sila ngayon."

Hindi na kapag salita ng ilang sandali si Ate Carila. Narinig lang niya ang mga buntonghininga nito. "I called you later. Tatawagan ko lang muna si Kaze. Kailangan makabalik si Shilo ngayon sa opisina dahil may meeting kami ng 4 o'clock."

"Oh! Hindi yata kasama ang boss ko."

"Meeting iyon ng mga boards."

Tumungo siya. Hindi nga talaga kasama si Joshua. Ang alam niya ay ang ama nito ang pumupunta kapag may ganoon at kapag wala ang ama nito ay ito ang pumupunta. Una ng binaba ni Ate Carila ang tawag. Umiling na lang siya. Ate Carila is very strict in work. Kapag oras ng trabaho ay oras ng trabaho. Kaya nga siguro gusto ito ng lahat dahil pinakita nito na kahit na asawa na ito ng kapatid ng CEO at anak ng may-ari ng kompanya ay empleyado pa rin ang asta nito. Hindi ito nagpapakita ng pagiging mataas sa lahat. Kahit isang beses ay hindi nila nakitang ginamit ni Carila ang pagiging asawa nito ni Sir Shan.

Nang sumapit ang 5 o'clock ay nag-ayos na ng gamit si Anniza. Maayos na ang lhat ng lumabas ang nobyo sa opisina nito. Agad itong ngumiti ng makita siya.

"Hey! Are you done?"

Tumungo siya. "Pwede ba tayong dumaan ng cafetiria. May gusto lang akong bilhin."

"Okay." Inagaw na ni Joshua ang bag niya at ito na ang humawak.

Wala ng tao sa department nila dahil nagsi-uwian na rin ang lahat. Sa tuwina kasi ay silang dalawa ni Joshua ang nahuhuling umalis doon. Nasa elevator na silang dalawa ng may naalala ang binata."

"Nandito yata si Daddy. Tumawag siya sa akin at sinabing kakain kami sa labas."

Tumingin siya sa kasintahan. "Anong sabi mo sa kanya?"

"I said na ihahatid kita at may usapan na tayong kumain sa labas."

"Nagalit ba siya?" tanong niya.

Ngumiti si Joshua at hinarap siya. "I don't care if he get mad. Kapag sinabi kong kakain tayo sa labas dalawa, kakain tayo. Ikaw ang priority ko, Annie. Ikaw ang mas pipiliin ko."

"Joshua…"

Hinawakan ng kasintahan ang kamay niya. "I know. Pero tama naman ang gagawin ko, Annie. Ikaw ang kasiyahan ko na hindi nila pwedeng alisin sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kapag ikaw ang nawala sa buhay ko."

Lumawak ang pagkakangiti niya. Inagaw niya ang kamay sa nobyo at bahagya itong tinulak. "Ang corny mo."

"Gusto mo naman." Tumaas pa ang kilay ng binata.

Hindi siya nagsalita at humarap lang sa pinto ng elevator. Narinig niyang tumawa ng mahina ang nobyo. Joshua loves to tease her. Namumula kasi ang pisngi niya kapag ginagawa niya iyon. Hindi na yata siya masasanay sa mga sinasabi nito.

Nakarating sila ng cafetiria at nagulat sila ng makita doon si Ate Carila at Kaze. Nagdesisyon silang lapitan ang dalawa.

"My heart is already broken, Carila. Hindi ko na kaya pa ang sakit. Sa loob ng tatlong taon ay naghirap ang puso ko dahil kay Shilo. Umasa akong mapapansin din niya ako ngunit hindi iyon nangyari. At heto na nga, ikakasal na siya. Sa tingin mo may laban ako sa isang Andria?"

Narinig nilang sabi ni Kaze. Nagkatinginan silang dalawa ni Joshua. Anong nangyari? Pinakatitigan niya si Kaze. Umiiyak ito at hindi iyon ma-itatago sa basag nitong boses. Mapapansin din sa malungkot nitong boses ang nararamdaman ng puso nito. Nakaramdam siya ng awa para sa kaibigan.

"Kaze, mahal ka ni Shilo." Ate Carila said to Kaze.

Doon na sila lumapit ni Joshua. "You should believe her, Kaze," wika ni Joshua.

Sabay na lumingot ang dalawang babae sa kanila. Agad niyang nakita ang namumulang mga mata ni Kaze. Ang allo siyang naawa sa kaibigan. Ilang taon na bai tong may lihim na pagsinta kay Shilo? Tapos ito pa ang malalamn nito. Kung hindi lang talaga manhin ang dalawa ay baka nga magkasintahan na ang mga ito.

"Joshua, akala ko nasa Japan ka?" tanong ni Ate Rila.

Hindi sumagot ang kasintan. Nakatitig lang ito sa kay Kaze. Seryuso ang mukha nito at nasisigurado niyang may kinalaman ang sinabi ni Kaze kanina patungkol kay Andria.

"Wag mo naman akong bigyan ng dahilan para umasa." malungkot ang boses na wika ni Kaze.

"Manhid kasi kayo pareho ni Shilo. Hindi niyo napapansin na may pagtingin kayo sa isa't isa. Kami ngang kaibigan niyo napansin." Bumuntong hininga si Joshua. "Kaya nga ayaw kong maki-alam sa lovelife niyong dalawa. Ang gulo niyo kasi."

"Ikakasal na siya Sir Joshua." Sigaw ni Kaze na siyang ikinagulat nila.

Ang sinasabi nitong ikakasal na si Sir Shilo. It's absolutely not true. Hindi ba at sinabi sa kanya ni Shilo na hindi nito kayang tuparin ang binitiwan nitong pangako kahit pa mga hindi naman talaga ito ang bumitaw at alam nila na si Kaze ang dahilan noon. Hindi sila nagkamali ng pagkakabasa sa emosyong nasa mukha ni Shilo kahit pa nga na madalas itong poker face.

"Ha!!!!" Nanlalaki ang mga mata ni Joshua.

Tumungo si Ate Rila. "Bumalik si Andria at sinabing ikakasal na daw ito kay Shilo. Akala ko ba ay naayos na ito ni Shilo. Nagsalita na din naman siya tungkol sa issue na pagpapakasal niya dito. Bakit ngayon ay nandito si Andria at kasama pa niya ang ama? Ang sabi nito ay pag-uusapan nila ang kasal ni Andria at Shilo."

Umiling ang kanyang kasintahan. May galit din na rumehistro sa mukha nito. "Hindi talaga siya titigil? Gusto niya talagang pakasalan siya ni Shilo."

Napansin niyang biglang nag-isip ang kasintan na siyang ikinabahan. May iniisip na naman itong kalukuhan. Napangiwi siya ng biglang ngumiti ito. Na-iisip na niya ang magiging scenario.

"Oh my! Ayaw kong malaman iyang naisip mong kalukuhan. Bye guys, kwento niyo nalang sa akin kapag naparusahan na ng ama nito ang lalaking iyan." Aalis na sana siya ng hawakan nito ang braso niya.

"You are coming with me, Annie. Kailangan mo akong tulungan para sa kaligayahan ng kaibigan natin. Dapat natin ayusin ang kaguluhang ito." Hinila na siya ng binata at hindi na siya nakapalag pa.

"Joshua, ano ba?" sigaw niya sa nobyo.

"We need to help my cousin."

"Wag mo akong dinadamay sa problema mo."

Hindi siya pinansin ni Joshua. Hinila lang siya nito hanggang sa makarating sila sa opisina ni Shilo at doon nga ay nakita nila si Andria. Ngunit hindi ito nag-iisa. may kasama itong isang matandang lalaki. Napansin niya ang pagtigil ng kasintahan at ng mapatingin siya dito ay namumutla ito.

"Tito Andrie." Banggit nito sa pangalan ng lalaki.

Next chapter