NASA reception sila at hindi siya kinaka-usap ng nobya. Sinamaan pa nga siya nito ng tingin. Paano naman hindi siya samaan ng tingin ng kasintahan? Doon kasi siya umupo sa upuan ng mga ito kaysa sa naka-assign na upuan niya. Dapat kasi ay naka-upo siya kasam ang kanyang mga magulang ngunit mas pinili niya doon. Well, mas gusto naman talaga niya doon dahil nga sa ayaw niyang makaharap ang mga magulang kasama ang mga business associate ng mga ito. Sigurado kasing pag-uusapan lang ng mga ito ang hindi niya paghawak sa Wangzi.
Ka-usap ng kanyang kasintahan si Maze na katabi din nito ng mga sandaling iyon. May tatlo pa silang staff na kasama sa mesang iyon. Parehong malapit ang mga ito kay Carila.
"Nakita niyo ba si Sir Shilo?" tanong ng head department ng Accounting na si Claire.
"He is there somewhere," sagot niya at pinagpatuloy lang ang pagkain.
Nasisigurado niyang nandoon ang pinsan at nagtatago lang. Wala ito sa mesa ng mga magulang nito dahil umiiwas din sa usapan ng mga matatanda. Shilo doesn't want to associate with those people. Si Kuya Shan lang naman ang laging ganoon. Wala din ng mga sandaling iyon si Tita Aliya kaya talagang hindi uupo doon si Shilo. Kung sakaling nandoon si Tita Aliya baka umupo pa ito dahil ang matandang Lu lang ang kaka-usapin ng pinsan. Shilo is very close to Tita Aliya, who happen to be Kaze's parents. Kaze is Shilo's first love.
Nang maalala si Kaze ay tumingin siya kay Maze. Napansin niyang iginala nito ang paningin sa paligid. Napangiti siya dahil sa nakita. Talagang may gusto si Maze sa pinsan nito.
'You are lucky, Shilo.'
Umiling na lang siya. Saan kaya tumatago ang pinsan nito? May balak ba itong lapitan si Maze mamaya? Sana naman ay gumalaw na ito. Kung hindi lingid sa kaalaman ni Shilo maraming lalaki ang interesado kay Maze sa loob ng opisina ngunit dahil sekretarya ito ni Shilo, hindi lumalapit ang mga lalaking iyon. Takot ang mga staff kay Shilo, lalaki man o babae.
"Maze, okay ka lang? Hindi mo ba gusto ang food?"
Narinig niyang tanong ng kasintahan kaya muli siyang napatingin kay Maze. Hindi makakailang parang wala ito sa sarili. Maze is getting adorable. Excited na siya sa kalalabasan ng buhay pag-ibig ng pinsan.
"Okay lang ako. May naalala lang."
Tumungo si Anniza. "Wag mo munang alahanin kung anuman iyon. Kain ka na at mag-enjoy. Minsan lang magkaroon ng ganito."
Gusto niyang tumawa ng malakas sa sinabi ni Anniza. Hindi bai to alam ang pagsinta ng kaibigan nito sa pinsan niyang nag-memenupause. Well, Anniza knows how to keep a secret. Hindi din ito mahilig maki-alam sa problema ng iba. Makikinig lang ito pero hindi magsasalita. Unless na magsabi ang taong iyon ng bukal sa loob nito. Muli siyang napatingin kay Maze at hindi pa rin maitago ang discomfort nito. Tumaas ang isa niyang kilay.
"Wag kang mag-alala, Maze. Mapapansin ka din niya. Basta ilabas mo lang ang kunting landi diyan sa katawan mo."
Napansin niya ang panlalaki ng mga mata ng mga kasama nila sa mesa. He wanted to laugh hard. Puro babae ang kasama nila sa mesang iyon. Ngumiti siya pero agad ding nawala ng bigla siyang binatukan ng kasintahan. Napatingin siya dito.
"Gago ka talagang lalaki ka. Anong pinagsasabi mong ilabas ni Maze ang kunting landi sa katawan niya? Gago, wag mong itulad si Maze sayo. Malanding lalaki."
Mukhang napikon na naman niya ang kasintahan dahil hindi maitago ang inis nito sa kanya. Iyon din ang unang pagkakataon na binatukan siya nito sa harap ng ibang tao. Pagtatalo lang kasi talaga ang ginagawa nilang dalawa pero ngayon ay may kasama ng batok. Pero kahit ganoon ay napakaganda pa rin nito sa paningin niya. Kaya nga gustong-gusto niyang inisin ito dahil nagagandahan siya kapag galit o inis ito.
He just laughs at what Anniza did to him. Ibinalik niya ang tingin kay Maze. "Take my advice. I'm sure you will thank me later. Ang taong broken hearted madaling pa-ibigin."
Muli niyang naramdaman ang kamay ng kasintahan sa kanyang batok. Sa pagkakataong iyon ay malakas na ang pagkakabatok nito sa kanya. Hindi lang iyon hinawakan pa nito ang kanyang tainga. Anniza is getting violent again. Napahawak siya sa kamay nitong may hawak sa kanyang tainga.
"Tumigil kang, abnormal ka.Wag si Maze. Matinong tao 'yan. Hindi kagaya mong manyak ka."
Hinila siya ni Anniza patayo.
"Annie, masakit!" aniya sa kasintahan ngunit hindi siya nito pinakinggan.
Hinila siya ni Anniza palabas ng reception habang hawak pa rin ang kanyang tainga.
"Annie, bitiwan mo ang tainga ko."
Hindi siya pinakinggan ng kasintahan. Hanggang sa paglabas nila ng reception at paglalakad sa hallway ay hawak pa rin nito ang tainga niya. Nang makarating sila sa isang sulok ay doon lang binitiwan Anniza ang kanyang tainga. Galit siyang hinarap ng kasintahan. Hinimas lang niya ang nasaktang tainga.
"Babe..." Malambing niyang tawag dito.
"Don't babe me, Joshua." Dinuro siya ng kasintahan. "Umayos ka ngang lalaki ka."
"Wala namang masama sa sinabi ko. Dapat naman talagang gumawa ng paraan si Maze para mahulog sa kanya ang loob ni Shilo. Well, hindi yata napapans---"
"Joshua, wag kang maki-alam sa relasyon nila." Singhal ni Anniza sa kanya.
"Why?"
Bumuntong-hininga si Anniza. Pinagkrus nito ang dalawang braso. "Joshua, buhay nila iyon. Love life nila iyan kaya wala tayong karapatan na maki-alam. At saka matanda na silang pareho para kailanganin nila ng tulak para maging sila. Your cousin is old enough to decide for himself. Kaya wag kang maki-alam sa buhay pag-ibig nila."
Napasimangot siya sa sinabi ng kasintahan. "Babe, kung hindi ako gagalaw, paano nila ma-realize ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Kilala mo ang pinsan ko, wa---"
"It's their problem, not us. Wag nating silang pangunahan sa nararamdaman nila. Hindi ba at ganoon din tayo. We let thing and time fold for us. So, let them be."
"Babe...."
"Joshua Jhel Wang!" tuluyan ng sumigaw si Anniza. "Tumigil ka na kung ayaw mong tayo naman ang mag-away."
Sumimangot siya. "Ayaw mo bang magkatuluyan ang dalawa? Ayaw mo bang sumaya si Maze?"
Lumabot ang mukha ni Anniza. "Gusto kong sumaya si Maze at gusto kong maging masaya siya sa piling ng taong mahal niya. Pero hinding-hindi ako makiki-alam sa mga desisyon niya. Hindi ko didiktahan ang nararamdaman niya. Hindi ko pakiki-alaman ang mga galaw niya dahil nasa tamang edad na siya para gawin iyon. Na-iintindihan mo ba ako?"
Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ang kasintahan. Seryuso pa rin itong nakatingin sa kanya. Isang malaking buntong-hinga ang ginawa niya. TUmungo siya sa kasintahan. Magsasalita na sana siya ng may narinig na tumawag sa kanya.
Tumingin siya sa direksyon ng pinagmulan noon at nakita niyang nakatayo di kalayuan ang kanyang ina. "Mom!!!"
Unti-unting lumapit ang kanyang ina. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha nito pero matalim ang mga matang nakatingin sa kanyang kasintahan. He clear his throat. Ngayon lang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina sa reception. This is not good.
"Mom, may kailangan po kayo?" Iniharang niya ng bahagya ang sarili kay Anniza.
Huminto sa harap niya ang ina. "I need to talk to you."
"About what?"
Napunta ang mga mata ng ina sa babaeng ngayon ay nasa likuran na niya. Pinasadahan nito ng tingin mula ulo hanggang paa ang kasintahan. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ng ina ngunit hindi siya nagsalita. Baka makahalata ang ina kapag ginawa niya iyon.
"About what happen earlier. Why you do that to my son, hija?"
Ito ang ayaw niya sa ina. Kapag nagsalita ito ay walang pag-aalangan at napakadirekta.
"I-I'm sorry, Ma'am." Narinig niyang wika ng kasintahan.
"Mom, it's not Anniza fault. Kasalanan ko ang nangyari kanina. I cross the line and make Anniza mad at me."
Tumingin sa kanya ang ina. "Pero hindi tamang hinila ka niya sa tainga. Masyado mo yatang niluluwagan ang sekretarya mo kaya hindi niya alam kung hanggang saang linya lang siya. She should know her place. Kahit na wala na kayo sa trabaho o loob ng opisina ay alam pa rin niya kung saan siya lulugar. She is just your secretary. Ano na lang iisipin ng mga tao? Na hindi ka nirerespeto ng sarili mong sekr---"
"Mom!" may pagbabantang wika niya.
Napakuyom ang dalawa niyang kamay. He doesn't like when people calling Anniza as his secretary. Anniza is more than that in his life. Hindi din niya gusto na minamata ng mga tao ang babaeng minamahal. Hearing those words from his own mother hurt him most.
"What? Tama naman ang sinasabi ko." Tumingin ito kay Anniza.
Bago pa makapagsalita ang kanyang ina ay hinawakan niya ito sa braso. "Don't insult my secretary, mom. She is not like what you think. At mas lalong ayaw kong isipin niya na hindi kami pwedeng maging kaibigan dahil sa estado ko sa buhay. Our relationship as boss-secretary should stay at the office. Paglabas namin ng opisina ay magkaibigan kami. Kagaya ng sabi ko, ako ang may kasalanan ng nangyari kanina."
Galit siyang tiningnan ng ina. "Pinagtatanggol mo ba siya sa akin? Mas pinipili mo s---"
"Wala akong kinakampihan, Mom. Ayaw ko lang na ginaganoon niya ang tao dahil hindi naman tama. So please! Leave Anniza alone."
Tumaas-baba ang dibdib ng ina. Mukhang hindi nga talaga nito nagustuhan ang ginawa niyang pagtatanggol kay Anniza. Oo at mas kinakampihan niya si Anniza ng mga sandaling iyon dahil iyon naman talaga ang tama. Hindi niya papayagan na saktan ng ina ang babaeng minamahal lalo na at sa harap niya.
"Princess..." Isang boses ang tumigil sa pagtitigan nila ng ina.
Sabay silang napatingin sa kanyang ama na ngayon ay naglalakad papalapit sa kanila. Umiwas siya ng tingin. Heto pa ang isang tao na ayaw niyang kaharap. His parents are always on his way. Lagi na lang hinaharangan ng mga ito ang kasiyahan niya para sa pansariling kaligayan ng mga ito. He is sick of them manipulating his life.
Natigilan siya ng maramdaman ang paghawak ng kasintahan sa dulong bahagi ng kanyang damit. Napatingin siya dito. Nakikita niya sa mga mata nito ang takot para sa kanyang ama. Sa tatlong taong relasyon nila at sa tuwing nakakasalamuha nito ang ama ay laging may hindi magandang nangyayari. Nasabi na rin niya sa kasintahan kung bakit hindi maganda ang relasyon nilang mag-ama. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay nito.
"Mom, if you insult my secretary again, I won't let it slide." Tumingin siya sa ama na nakakalapit palang.
Tinalikuran niya ang mga magulang at hinila si Anniza palayo sa mga ito. Tinawag siya ng ina nguit hindi niya pinansin. Nasisigurado niyang pupuntahan siya ng ina sa kanyang penhouse at pagsasabihin sa ginawa niyang asal pero wala na siyang paki-alam doon. What she said to Anniza is not right. Alam niyang may mali sila dahil gumawa sila ng eksena sa kasal ng pinsan pero hindi naman tamang insultuhin nito ang dalaga. Anniza is a great person. She is amazing.
Tahimik lang si Anniza habang hinihila niya. Wala itong imik kaya mabilis niya itong nahila papunta sa isang kwarto. He arranges the room yesterday. Hindi niya kasi alam kung anong mangyayari ng araw na iyon. Alam din niyang hindi siya makaka-iwas sa alak dahil nandiyan ang mga kaibigan nila. Hindi siya pwedeng magmaneho ng lasing.
Nang makapasok sa kwarto ay agad na umupo si Anniza sa kama. Nakayoko ang dalaga at malalim ang iniisip. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya at nilapitan ang kasintahan.
"What are you thinking?" tanong niya ng ipinantay ang mukha rito.
Tumingin sa kanya ang kasintahan. Bakas na bakas ang lungkot sa mga mata nito. May munting kirot siyang naramdaman sa kanyang puso. Hindi niya gustong makitang ganoon ang dalaga. Nais niyang lagi itong masaya. At lalong ayaw niyang makita itong nasasaktan ng dahil sa kanyang mga magulang.
"Nag-away kayo ng Mommy ng dahil sa akin," anito sa mahinang boses.
Napabuntong-hininga siya. "Hindi naman iyon ma-iiwasan. I can please them always, babe. No matter what I do, my parents won't be please."
"Pero ayaw kong mag-away kayo ng dahil sa akin. Ayaw kong maging rason para masira ang relasyon niyo bilang isang pamilya."
Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan. "Alam ko pero kahit anong gawin natin ay mangyayari iyon. I will always choose you, babe. Mahal kita at hindi ako makakapayag na mawala ka sa akin. At mas hindi ako makakapayag na mawala ka sa buhay ko ng dahil sa ayaw sa iyo ng magulang ko."
"Joshua..."
"Let's stop talking about them. Wag natin sirain ang araw natin ng dahil sa kanila." Hinalikan niya ang noo nito. "I love you."
"I love you too, Joshua." Niyakap siya ni Anniza.
Gumanti naman siya ng yakap dito. He will fight if Anniza won't. Matagal niya itong hinintay kaya hindi siya makakapayag na mawala ito sa buhay niya. Hindi niya iningatan ng relasyon nila ng tatlong taon para lang masira ng dahil sa kanyang mga magulang. Ipaglalaban niya ito kahit pa na alisin ng kanyang mga magulang kung anong meron siya.
Natigilan si Joshua at napakalas sa pagkakayakap kay Anniza ng tuminog ang phone niya. Kinuha niya iyon sa suot na slack at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang pangalan ng pinsan.
"Si Shilo, sasagutin ko lang," aniya sa kasintahan.
Tumungo si Anniza. Hinalikan niya muna ito sa noo bago tumayo at pumunta sa balcony para sagutin ang tawag nito.
"Yes, Shilo." Sumandal siya sa pader habang nakatingin sa mga ilaw ng mga gusali.
"Nasaan ka?" tanong nito.
"Nasa isang room dito sa hotel. Why? May kailangan ka ba?"
"Are you with Anniza?" Hindi pa rin sinasagot ni Shilo ang tanong niya kaya lalo siyang nagtataka.
"Yes, she is with me."
"Is... M-Maze with you?"
Napangiti siya ng marinig ang tanong na iyon ng pinsan. So, hinahanap nito sa kanya ang dalaga. Akala ba nito ay kasama nila ang dalaga. Hindi niya alam na magiging tanga din pala ang pinsan kapag umibig na.
"She is not with us. Hindi na kami bumalik ni Anniza ng reception pagkatapos ng ginawa naming eksena doon. Baka nasa reception pa rin si Maze. Ang alam ko ay sabay-sabay na uuwi ang mga staff ng MDH na pumunta. Ihahatid sila ng isang van."
"Hindi kita tatawagan kung nandoon siya sa reception. At kaka-alis lang ng van na hahatid sa mga ito. Wala daw si Maze at hindi nila alam kung nasaan nagpunta." May inis na sagot nito.
Tumaas ang sulok ng labi niya. Kaya naman pala. Shilo's eyes is stick to Maze. May nangyari ba kanina kaya inalis nito ang mga mata sa dalaga. Gusto niyang matawa pero hindi niya ginawa dahil baka lalo lang ma-inis ang pinsan.
"Maybe she is around somewhere. Bakit hindi ka pumunta sa CCTV room? Parang hindi ikaw ang may-ari nitong hotel."
Hindi sumagot si Shilo. Siguro naman ay na-realize na nito ang katangahan na ginawa. Napatingin siya sa kanyang cellphone ng bigla na lang may narinig na pagputol ng linya. Napa-iling na lang siya. Ang magaling niyang pinsan hindi man lang nagpaalam at nagpasalamat bago siya binabaan ng telephone.
"Shilo, you are crazy in love with Maze. Nakakatuwa na ngayon mo lang na-iintindihan." Natatawa niyang wika.
Huminga siya ng malalim at naglakad palapit sa harang ng balcony. Tumingin siya sa langit. Maganda ang panahon at maraming bituin na nagkikislapan. Talagang magandang magdaos ng kasal. Hindi niya lang alam kung talaga bang masaya ang dalawa sas kasal ng mga ito.
"Joshua..."
Ang pagtawag na iyon ang nagpalingon sa kanya. Nakatayo sa may sliding door si Anniza at may ngiti sa labi nito.
"Uuwi na ako," anito.
Napatingin siya sa suot na relo. It's 8pm. Kailangan na nga talaga niyang ihatid ang dalaga kung hindi ay magagalit ang Kuya nito. Mahigpit si Anzel pagdating sa oras ng paghatid niya kay Anniza. Kung maari ay umuwi si Anniza sa oras na itinakda nito. Alam niyang nasa tamang edad na ang kasintahan pero dahil sa kapatid pa rin ito nakatuloy ay dapat nilang sundin. Lumapit siya sa nobya.
"Sige." Hinawakan niya ang kamay nito.
Sabay silang lumabas ng hotel room pero nagulat sila ng makitang nakatayo sa labas si Patrick at seryusong nakatingin sa kanila.
"Patrick, what are you doing here?" tanong niya sa kaibigan.
Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at kay Anniza. "Your parents ask me about Anniza's profile. They want me to investigate Anniza."
Napasinghap silang pareho sa sinabi ni Patrick. "What?"
"I didn't tell them what I know. My loyalty is for you, Joshua. Kaibigan kita kaya hindi kita ilalaglag. Sinabi ko lang para alam mo. At para sabihinan ka na mag-ingat dahil alam mong laging nasa iyo ang mga mata ng mga magulang mo. You don't want Anniza to suffer like Jessie, right?" Ang huling sinabi ni Patrick ay may bahid ng pag-alala.
Napatingin siya sa kasintahan. Nakatingin na rin ito sa kanya. May lungkot sa mga mata nito. Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan.
"Thank you for telling me. Mag-iingat kami ni Anniza simula ngayon." Tinapik niya ang balikat nito.
Tumingin si Patrick kay Anniza. "You make my friend happy, Anniza. Wala akong pagtutol sa relasyon niyo dahil alam kung mahal mo din siya pero sana ay mag-ingat ka sa mga galaw mo. Pwede---"
"Pat..." pinutol niya ang iba pang sasabihin ng kaibigan.
Napunta sa kanya ang mga mata ni Patrick. Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya pero ito din ang unang sumuko. "Fine. I just want to remind her. Hindi mo kailangan protektahan siya sa akin."
"Kasintahan ko si Annie. Of course, I will protect her."
"I won't hurt her." Agad naman na wika ni Patrick.
Tinaasan niya lang ito ng tingin. Umiling lang ang kaibigan. "Okay. Aalis na ako." Tinapik nito ang balikat niya bago ito tumalikod.
Naiwan sila ni Anniza na nakatayo sa hallway ng hotel. Hinarap niya ang kasintahan at hinawakan ito sa braso.
"Wag mo ng pan---"
Hindi niya natapos ang iba pang sasabihin ng biglang pumiksi sa pagkakahawak niya si Anniza at hinawakan ang kanyang pisngi. Nanlaki ang kanyang mga mata ng bigla na lang siya nitong hinawakan sa necktie at hinila para halikan sa labi.
Ito ang unang pagkakataon na gumawa ng ganoon si Anniza. Hindi tuloy niya nagantihan ang halik nito. Ito don ang pumutol sa halik na iginawad nito. Inilayo ng kasintahan labi nito sa kanya at nag-iwan ng maliit na pagitan.
"Make me forget tonight, please. Ayaw kong umuwi ng ganito, Josh."
"Anniza..."
"I love you. Please! Do something, Joshua. Show me how much you love me. Make love to me tonight." Puno ng pagsusumano ang boses ni Anniza.
"Babe, it's not right."
Umiling ito. "It is right. I'm yours anyway. Sa iyo naman ako mula noon hanggang ngayon, Joshua. At nasisigurado ko na hanggang huli ay sa iyo lang ako."
Hindi nakapagsalita si Joshua. He doesn't know what to do. Gusto niyang pagbigyan ang dalaga pero ayaw niyang samantalahin ang emosyon nito. Naguguluhan nito at iyon ang sigurado siya.