webnovel

CHAPTER TWENTY-FOUR

NAKA-UPO SA PANG-ISAHANG upuan si Joshua habang ang buong mag-anak na Jacinto ay nasa kabilang bahagi, naka-upo ang mga ito sa mahabang sofa. Seryuso pa rin ang mukha ni Anzer habang si Anniza ay nakayuko. Huminga siya ng malalim.

"Hindi ko pinapa-iyak si Anniza kagaya ng iniisip mo. Nandito ako bilang kaibigan niya." Paliwanag niya.

"Kaibigan? Hindi ba ikaw ang boss niya kaya papaano kayo naging magkaibigan ng kapatid ko?"

Gusto niyang murahin ang kapatid ni Anniza. He wanted to be sarcastic to him but he stops his self. "Yes, I'm his boss but it doesn't mean that I can't be his friend. Bago pa man ako naging head manager ay naging staff din ako kagaya ni Anniza at naging daan iyon para maging magkaibigan kami."

He knows what he said is a white lie. Hindi naman kasi talaga sila malapit ni Anniza. Maybe since the night he saves her but that's all.

"Kuya, please. Walang kinalaman si Sir Joshua sa pag-iyak ko kanina." Nagsalita na rin si Anniza. Hinawakan din nito ang braso ng kapatid.

Napatingin sa kay Anniza ang Kuya nito. Hindi maitago ang lungkot sa mukha ni Anniza. Nakaramdam siya nang awa sa babaeng sinisinta. He wanted to get up ang hold her.

"Kung ganoon ay bakit ka umiiyak kanina?"

Hindi nakapagsalita si Anniza bugkos ay tumingin ito sa deriksyon niya. Her eyes are begging. Begging to him for help. He wanted too but Anniza need to solve this issue without any help. Ngumiti siya dito at tumungo. That's the only way he can do to tell her that everything will be alright. Kapag gumawa pa siya ng ibang bagay ay baka lalo lang lumala ang sitwasyon.

Alam niyang kilala siya ni Anzer. Hindi pwedeng hindi siya nito kilala. Baka magkagulo lang at hindi iyon makakatulong kay Anniza. Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ni Anniza bago muling hinarap ang kapatid.

"Mag-usap tayo ng wala si Joshua, Kuya. Wala siyang kinalaman sa sasabihin ko."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Joshua ng marinig ang sinabi ni Anniza. May munting kirot sa puso niya dahil sa sinabi nito. Kung ganoon ay hindi talaga siya parte ng buhay nito. Umiwas siya ng tingin. Napakuyom siya. Nais niyang sabihin sa dalaga na parte siya ng lahat ngunit pinigilan niyang muli ang sarili.

"I think, I should go. Alam kong family issue ito at wala akong kinalaman." Tumayo siya at tinitigan si Anniza.

May lungkot sa mga mata nito ngunit binaliwala na lang niya. Hindi na siya pinigilan ng kahit sino ng lumabas siya ng bahay. Nalungkot siya dahil hindi man lang siya pinigilan ni Anniza ngunit na-iintindihan naman niya. May sariling issue ngayon si Anniza at hindi siya pwedeng maki-alam doon. Kailangan niyang intindihin ngayon ang dalaga.

Sumakay ng kotse nito si Joshua. Muli siyang napatingin sa bahay ng mga Jacinto. He is praying that Anniza will accept everything. Alam niyang masasaktan ang dalaga at handa siyang damayan ito ngunit hindi ng mga sandaling iyon. She needs to face this on her own. Hindi pwedeng dumagdag siya sa problema ng dalaga. Dahil kapag nanatili siya sa tabi nito, baka kung ano ang isipin ng Kuya nito at mas gumulo ang lahat. Isa siyang Wang at naging parte din ng buhay ni Kristine.

At saka, baka ma-ungkat sa harap ni Anniza ang isang bagay na masisigurado niyang sisira sa imahing binuo niya sa harap nito.

ANNIZA stood up and seat at the opposite side. It's now or never. Kailangan niyang komprontahin ang dalawang importanteng tao sa buhay niya. Nais niya sanang nandoon si Joshua para bigyan siya ng lakas ng loob pero na-iintindihan niya kung bakit ito umalis. It's a family matter. Issue ito ng pamilya niya at hindi ito pwedeng maghimasok. Lalo na nga at wala naman silang relasyon dalawa.

"Now, sabihin mo sa amin ang totoo, Annie?" mahinahon na ang boses ng Kuya niya.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Anniza bago nagtaas ng tingin. Sinalubong niya ang mga mata ng kanyang Kuya Anzer.

"Naging si Sir Shan ba at Ate Tin, Kuya?"

Parehong nagbago ang emosyon sa mukha ng dalawang taong nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Napalitan ng lungkot at pagkagulat ang mga mata ni Ate Tin habang ang Kuya Anzer niya ay agad din nakabawi. Ibinalik nito ang galit sa mukha at matalim ang mga mata na tinitigan siya.

"Sinabi ba ng lalaking iyon sa iyo?"

Umiling siya. "Kahit kailan ay hindi magsasalita ng laban sa inyo si Joshua. Hindi siya ganoong klaseng tao, Kuya. May mata at tainga ako kaya talagang malalaman ko." Tumingin siya kay Ate Tin.

Nakayuko na ito ng mga sandaling iyon. May napansin siyang pumatak sa kamay nito. Agad niyang iniiwas ang mga mata. Muli siyang tumingin sa kanyang kapatid.

"Anong narinig mo, Anniza? Ito ba ang dahilan kung bakit ku---"

"Sabihin niyo sa akin ang totoo, Kuya. Oo at hindi lang naman ang isasagot mo, di ba?" Putol niya sa iba pangsasabihin ng kapatid.

Ilang sandali din nakipagsukatan ng tingin ang kapatid bago ito tumingin sa katabing asawa. Nakita niya kung paano lumambot ang mukha ng kanyang kapatid. Hinawakan nito ang kamay ni Ate Tin at hinigpitan ang pagkakahawak.

"Marami kaming ginawang kamalian ni Tin noon, Annie. At kung sakaliman na ibabalik namin ang nakaraan ay wala kaming babaguhin pa. Dahil sa mga ginawa namin ay nailigtas ka. Aaminin ko..." tumingin sa kanyang ang nakakatandang kapatid. "Naging si Kristine at Shan Wang noon. Naging sila habang karelasyon ako ni Tin."

Napasinghap siya. Inaasahan na niya ang sagot na iyon sa kapatid pero hindi pa rin niya naiwasan na magulat at masaktan. So, what she heard is true?

"N-niluko niyo si Sir S-Shan?" Unti-unting pumatak ang kanyang mga luha.

"Oo. Sinamantala namin ang pagkakataon na patay na patay si Shan kay Tin. Ginamit namin siya para magkaroon tayo ng maayos na buhay. Para makapagpatuloy ka sa pag-aaral at ganoon din ako."

Nagtaas-baba ang dibdib ni Anniza ng marinig ang katotohanan mula sa kanyang Kuya Anzer. Wala siyang nababasang pagsisisi sa mga mata nito. Kuya Anzer said those words as if he is right.

"Paano niyo nagawa iyon, Kuya? Talaga bang ka---"

"Hindi mo ba ako narinig, Annie?" Putol ng Kuya Anzer niya sa iba pa niyang sasabihin. "Nagawa namin iyon para sa iyo. Para sa pamilyang balak namin buoin ni Tin noon. Balak na rin naman ni Tin na itigil ang panluluko namin kay Shan ngunit naunahan kami ng ama niya. He offers money and your future. Tinanggap namin iyon dahil iyon din naman ang huling pagkikita namin ng pamilya nila."

"P-pero hinayaan niyo akong magtrabaho sa kanila? Bakit hindi niyo ako pinigilan noon?" She wanted to blame them for what she feels but she can't. Not with them, who been there for her.

"Dahil alam namin na iyon ang gusto mo. Alam namin na magiging masaya ka kung sa kanila ka magtatrabaho, Annie. Lahat gagawin namin ng Kuya Anzer mo para maging masaya ka lang," ani Ate Tin.

Nagtaas na ito ng tingin. Dumadaloy sa maputi nitong pisngi ang mga luha. Nakasulat sa mga mata nito ang pagsisisi, sakit at pighati. Saglit niya lang tiningnan ang asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Kinapa niya ang kanyang dibdib. Did she hates her for what she did?

"Patawarin mo sana ako, Anniza. Patawarin mo sana kami ng Kuya Anzer mo. Alam kong mali ang ginawa ko kay Shan pero iyon lang kasi ang nakikita naming paraan para maging masaya ka. Mabigyan ka ng maayos na buhay noon pero ngayon. Lahat ng mga ginawa ko ay pinagsisihan ko. Pero kung may bagay man akong hindi pinagsisihan ay iyong minahal ko ang Kuya mo at ang pinili siya. Mahal na mahal ko kayo ng Kuya mo."

Hindi siya nagsalita. Yumuko lang siya at hinayaan ang kanyang mga luhang dumaloy. She feels like it was her fault. It all started because of her. Huminga siya ng malalim. Inalala niya ang sinabi ni Joshua kanina. He said that she shouldn't blame herself. That it's not her fault.

"Gusto ko ng magpahinga," aniya at tumayo.

"Annie..." mabilis siyang nahawakan ni Kristine sa braso.

Napatingin siya sa kamay nito. "Ate Tin, please! Wag ngayon. Alam mo ang nararamdaman ko. Nagsinungaling ka sa harap ko. Nang sinabi ni Sir Shan noong huling punta niya na dati ka niyang kasintahan ay itinanggi mo at sinabing nagbibiro lang siya. Pagkakataon mo na iyon para matama ang mga pagkakamali mo pero anong ginawa mo. Pinaniwala mo ulit ako sa isang kasinungalingan." Sigaw niya nang hinarap ang hipag.

"Patawarin mo ako, Annie." Mas humigpit ang pagkakahawak sa kanya ng babae.

"Hindi ako galit sa iyo, Ate. Naiintindihan ko naman ang rason niyo kung bakit niyo iyon nagawa pero hindi pa rin iyon rason para mabilis kong matanggap ang lahat. Hayaan niyo muna akong makapag-isip. Hayaan niyo muna akong mapag-isa." Hinila niya ang brasong hawak nito at tinalikuran na niya ang mga ito.

Nang makapasok sa kanyang kwarto ay napasandal na lang si Anniza sa pinto. Muling naninikip ang kanyang dibdib. Ngayon ay hind niya alam ang gagawin. She doesn't know where to start. She doesn't know how to face Joshua and her boss.

MALALAKI ANG mga hakbang ni Joshua. He can't let this happen. Not now, not even tomorrow. Nang makita ang bulto ng katawan ni Anniza na palabas ng building ng MDH ay mas binilisan pa niya ang kanyang paglalakad. Hinawakan niya sa siko ang dalaga ng tuluyan makalapit dito.

Napahawak sa kanya ang dalaga at agad na nanlaki ang mga mata nito. Lalong nandilim ang kanyang mukha. This young lady is a pain in a** for him. Hanggang kailan ba niya hahabulin ito. He always run to her. Siya ang humahabol at hindi man lang nito iyon napapansin.

"Sir Joshua..." hindi maitago ang pagkagulat at takot sa boses nito.

"We need to talk," aniya at hinila na ito.

"Sir, wait!" nagpumiglas si Anniza sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya iyon pinansin.

Hinila niya ang dalaga papunta sa elevator. Lahat ng mga empleyado na naruruon sa lobby ay napatingin sa kanila. He doesn't care. Wala na siyang paki-alam sa sasabihin at iisipin ng mga ito. He just wanted to talk to the lady he's holding. They need to clear everything up.

Nang pumasok sila ng elevator ay walang empleyadong sumunod sa kanila kahit pa nga na maraming nag-aabang. Sinamaan niya lang naman ang mga ito ng tingin. Nang sumara ang elevator ay hinila ni Anniza ng malakas ang brasong hawak niya. Muntik pa nga itong matumba kung hindi lang ito nakahawak sa hawakan ng elevator. Naging mabilis naman ang galaw niya. Hinawakan niya sa baywang ang dalaga.

Muling pumiksi sa hawak niya si Anniza. Huminga siya ng malalim at humakbang ng isa para makalayo dito.

"Saan mo ba ako balak na dalhin?" inis na tanong ni Anniza.

"Kailangan natin mag-usap patungkol dito." Itinaas niya ang hawak na sobre.

Napatingin doon si Anniza. Namutla ang dalaga ng mapagtanto kung anong hawak niya. Lalong nang init ang ulo niya. She really means it.

"Ano pang dapat natin pag-usapan tungkol sa resignation letter ko?" mababa ang boses na wika ni Anniza.

"Marami. Hindi ko matatanggap itong resignation letter mo. Not with a reason that full of lie." At sa harap nito ay pinunit niya ang resignation letter.

Hindi siya makakapayag na umalis ng ganoon lang si Anniza sa MDH. Kung binabalak nitong takasan ang lahat ay nagkakamali ito. Gagawin niya ang lahat manatili lang ito sa tabi niya.

"Alam natin pareho kung ano talaga ang rason ng pag-resign mo kaya wag mo akong pasahan ng ganoong sulat. Hindi ako makakapayag na umalis ka ng MDH." Sigaw niyang muli.

Anniza keeps her silence but she doesn't lower her stares. Nakipagsukatan pa ito ng titig sa kanya. Mamaya pa ay umayos ito ng tayo.

"Aaminin ko na nagsinungaling ako sa dahilan kung bakit mag-reresign ako pero walang kinalaman ang issue sa pagitan ng pamilya ko at pamilya mo, Sir Joshua. Gusto ko ng mag-resign dahil nakahanap ako ng mas magandang opportu---"

"I won't let you work with someone except me, Anniza. So, don't bullshit me."

Isang malakas na pagpalo sa kanyang pisngi ang ginawa ng dalaga. Napatingin sa kaliwang bahagi nito si Joshua. Naramdaman niya ang pangmamanhid ng kanyang kanang pisngi.

"Wag na wag mo akong sisigawan at mumurahin, Joshua. Tandaan mo, hindi mo na ako sekretarya simula sa araw na ito." Ganting sigaw ni Anniza. Nabasag pa ang boses nito sa huling sinabi.

Para naman natauhan si Joshua sa ginawa. Sa sobrang galit niya ay hindi na niya napigilan ang sarili at nasigawan ang dalaga. Napahawak si Joshua sa nasaktang pisngi. Ito ang unang pagkakataon na may sumampal sa kanya ng ganoon. Hawak ang nasaktang pisngi na tumingin si Joshua sa dalaga.

Umaapoy ang mga mata ni Anniza habang nakatingin sa kanya. Huminga siya ng malalim.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka, Anniza. Naiinis lang ako dahil bigla ka na lang nagdesisyon na iwan ang kompanya."

Tumaas ang isang kilay ni Anniza. "Pinag-isipan ko naman ng mabuti ang desisyon kong iyan, Joshua. Ilang beses din akong nakipagtalo sa sarili ko at iyan ang sa tingin ko ang tama."

"Annie...." He tried to hold her but Anniza step back.

"Let me finish, Josh." He feels defeated. He steps back to give her what she asks. "Tama ka. May kinalaman nga ang tungkol sa dating relasyon ni Ate Tin at Sir Shan. I can't work here knowing how my brother trick your cousin. Hindi ganoon kakapal ang mukha ko, Joshua."

"Ann---"

"Alam kong sasabihin mo na hindi ako ang gumawa ng masama kay Sir Shan at sa pamilya mo pero hindi natin maitatanggi na bahagi ako ng mga dahilan nila. Ako pa rin ang rason kung bakit nila nagawa iyon kay Sir Shan. I can't look at him at his eyes without feeling guilty for everything."

May munting kirot na naramdaman ni Joshua ng marinig ang rason ni Anniza. Nararamdaman niya ang sakit at bigat na dinadala nito. He tried to hold her and this time, Anniza let him. Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga.

"I won't say that you're not part of it, Anniza. Alam ko na parte ka ng lahat ng desisyon na ginawa ni Tin noon. Naging saksi ako s relasyon nila noon ni Shan. Kasama nila ako noon na tinatago ang relasyon nila sa pamilya ni Shan. Alam ko din na maaring niluluko ni Tin ang pinsan ko pero dahil nga mahal ni Shan ang Ate Tin mo naging bulagbulagan din ako. Hinayaan ko din mangyari ang lahat ng ito kaya hindi lang ikaw ang may mali dito. Lahat tayo. Kahit si Shan ay may pagkakamali din. Kaya sana, bawasan mo ang anumang galit diyan sa puso mo."

"Joshua..."

"Di ba, sabi mo noon na gustong-gusto mong magtrabaho sa MDH dahil sila ang nagpaaral sa iyo. Sa tingin mo ba ay hahayaan ka ni Tito Shawn at Shilo na magtrabaho sa kompanya nila kung galit sila sa iyo. Tito Shawn have a big heart for everyone. Alam niyang inosente ka at wala kang ginawang masama. They trust you, Anniza. Isipin mo sana ang binigay nilang tiwala sa iyo bago mo iwan ng kompanya."

He said those words with no lies. Nag-usap talaga sila ng kanyang Tito Shawn. Sinabi niya ang tungkol kay Anniza. He confronted his Tito Shawn about everything and what he said to Anniza is what her Tito said. Nadagdagan pa tuloy lalo ang paghanga niya sa matanda. Tito Shawn always find reason for everything. Hindi ito kasing sama ng iniisip ng lahat. Tito Shawn have a big heart. He easily forgives. Kagaya na lang ni Tin at Anzer.

Kung talagang galit ang Tito niya sa mga ito ay hindi nito hahayaan na muling bumalik sa buhay ng mga ito ang mga Jacinto. Hindi din nito pakiki-alaman ang trabaho ng nakakatandang kapatid ni Anniza. Ilang taon pa lang ba mula ng makapatapos ng pag-aaral si Anzer pero agad itong naging hepe ng distrito ng lugar na tinutuluyan ng mga ito.

"Don't leave me, Anniza. Don't leave the company because of that reason. Hindi ba at sinabi mo sa akin noon na nakaraan na lang ang lahat at ang nakaraan ay dapat na kalimutan. You are the one who teach me to let go of my past. Ngayon ako naman ang magsasabi sa iyo. Let the past stay in the past." Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Anniza. "Let face the tomorrow together. Hayaan mong maging sandalan mo ako habang kinakalimutan mo ang lahat."

Anniza's face soften. May tubig na dumaloy sa pisngi nito na nanggaling sa mga mata. Pinakawalan niya ang kamay nito at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ni Anniza gamit ang kanyang mga daliri.

"I will be with you, Anniza. I will help you. Just don't do this."

Tumungo si Anniza bilang sagot. Ngumiti si Joshua at kinabig ang dalaga. Niyakap niya ito na siyang ginantihan ng mas mahigpit na yakap ng dalaga. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakita niyang mahina si Anniza. She is indeed a woman. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito. Wala siyang paki-alam kung nasa elevator sila ng mga sandaling iyon. Wala siyang paki-alam kung bigla na lang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ang isang empleyado.

Joshua doesn't care about what people might say. Ngayon ang mahalaga sa kanya ay ang nararamdaman ng babaeng kayakap. Hinagod niya ang likuran nito ng marinig ang mahinang hikbi. Anniza is having a hard time.

Mabigat nga talagang tanggapin na may nilukong ibang tao ang dalawang taong mahalaga sa buhay nito. Lalo pa nga at boss nito ang taong iyon.

"I will be with you, Anniza. Kung hindi ka pa talaga handa na makaharap ang pamilya ko ay bibigyan kita ng isa hanggang dalawang linggong pahinga. I will be here waiting for you, remember that." Bulong niya sa nakayakap na dalaga.

Anniza didn't speak but she tightens her hold to his t-shirt. Mukhang magsisimula sila sa una. Mukhang mababaliwala ang ginawa niya noong nagpakalasing ang dalaga. He doesn't care. He doesn't mind if he starts again from the start. Ang importante ay maramdaman ni Anniza na lagi siyang nasa tabi nito. Gusto niyang maramdaman nito ang pagmamahal na nararamdaman niya rito.

Next chapter