webnovel

CHAPTER NINE

MULING SINULYAPAN ni Anniza si Joshua. Seryuso itong nagmamaneho ng mga sandaling iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa pagitan nila.

'Gentleman din pala ang ungoy na ito,' aniya sa kanyang isipan.

Ibang-iba kasi talaga ang naiisip niya patungkol kay Joshua. Pagkatapos nitong magkwento ng nangyari sa kanya kagabi ay sobrang nanindig ang balahibo niya. Ano nalang ang nangyari sa kanila ni Mae kung hindi dumating si Joshua at ang kaibigan nito? Hindi niya yata masikmura kung sakali.

"May dumi ba ako sa mukha para titigan mo ako ng ganyan, Annie?" May pagbibirong tanong ni Joshua.

Napakurap naman si Annie at natauhan sa ginawang pagtitig sa binata. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Nahuli pa talaga siya nitong nakatitig sa kanya.

"Napapansin mo na ba ang kagwapuhan ko ngayon?"

Napataas ang kilay ni Annie sa tanong na iyon ni Joshua. "Wag ka ngang feeler." Mataray niyang sabi dito.

Naramdaman niyang uminit ang magkabilang pisngi niya. Mas humarap pa siya sa pinto ng kotse para itago ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Bakit may dating sa kanya ang biro ng binata? Noon naman ay wala. What's happening to her?

Tumikhim si Anniza at hinawakan ng mahigpit ang kanyang bag. Naririnig pa niya ng mga sandaling iyon ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

'Heart be still please!'

Ilang sandali din silang tahimik ni Joshua kaya naman napakalma niya ang kanyang puso. Nagpapasalamat si Anniza na hindi masyadong traffic dahil maaga pa kaya mabilis silang nakarating sa kanyang bahay. Inihinto ni Joshua ang kotse nito sa harap ng bahay ng Kuya Anzer niya. Doon lang din siya napatingin kay Joshua.

"Salamat, Sir Joshua," aniya at inalis ang seatbelt.

Ngumiti si Joshua. "You're always welcome, Anniza."

Muling naramdaman ni Annie ang pamumula ng kanyang pisngi. Tumungo na lang siya at lumabas ng kotse ni Joshua. Naka-ilang hakbang palang si Anniza ng narinig niyang may tumawag sa kanya. Napalingon ang dalaga. Nakababa na ang salamin ng kotse ni Joshua.

"Wag mo ng isipin ang nangyari. See you on Monday."

Tumungo siya. "Ingat po kayo, Sir."

Gumanti ng tungo si Joshua at isinara ang salamin ng kotse nito. Sinundan niya ng tingin ang papalayong kotse nito. Napangiti na lang si Annie.

"Bakit ang gwapo yata ni Joshua ngayon?" aniya.

Napa-iling na lang si Annie at pinagpatuloy ang paglalakad. Kukunin na niya ang susi sa kanyang bag ng bumukas ang pinto at iniluwa ang seryusong mukha ng Kuya Anzer niya. Nanlaki ang mga mata ni Annie.

"Saan ka galing, Anniza Jacinto?" Parang kulog na sigaw ng Kuya niya.

Namutla si Annie sa narinig. Oo nga pala, nakalimutan niya na tawagan ang Kuya Anzer niya. Napalunok siya at napaatras bigla.

"Anzer, papasukin mo muna si Annie bago mo siya sermunan. Nakakahiya sa mga kabit-bahay." Narinig niyang sigaw ng Ate Kristine niya mula sa loob.

Matalim siyang tinitigan ng Kuya niya bago tumalikod. Agad naman siyang sumunod dito. Nakita niya ang Ate Kristine niya na naka-upo sa sala kasama ang kanyang pamangkin.

"Kumain ka na ba, Annie?" tanong ng kanyang Ate Kristine.

"Kumain na po ako, Ate Tin," sagot niya.

Napatingin siya sa Kuya niya ng umupo ito sa tabi ng asawa nito. Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib bago umupo sa katapat na upuan ng mag-asawa.

"Ango at Ley, pwede na kayo maglaro sa kwarto niyo."

Agad na sumunod sa ina ang dalawang pamangkin niya. Mabilis na pumasok sa kwarto ng mag-asawa ang dalawa. Sinundan niya ng tingin ang mga pamangkin.

"Saan ka galing, Anniza?" Galit na sigaw ng Kuya Anzer niya.

Napatingin si Anniza sa kapatid. Hindi ma-ipinta ang mukha nito na siyang nagpakaba sa kanya. Kilala niya kapag nagalit ang Kuya niya. Wala itong sinasanto. Napalunok siya ng wala sa oras. Sasabihin ba niya dito ang nangyari sa kanya kagabi? Pagsinabi niya ay siguradong hindi nito iyon ipapasawalang bahala. Pulis ang Kuya niya at kapatid siya nito.

"Sumagot ka, Anniza at wag na wag kang magsisinungaling."

Napalunok si Anniza. Nakita niyang hinawakan ni Ate Tin ang kamay ng Kuya niya na para bang pinapakalma ito. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Anniza.

"Kagaya po ng paalam ko ay pumunta po kami ng Dark Club kagabi para sa farewell party ng head department namin kaso napasarap po ang kwentuhan naming at napa-inum din po ako. N-na... Nalasing po ako kagabi kaya nakitulog po kami sa kasamahan namin sa trabaho." Yumuko siya. Ito ang unang pagkakataon na nagsinungaling siya sa Kuya niya at pinapanalangin niyang hindi siya mahuli.

"Lalaki o babae?"

Napataas ng tingin si Anniza. Hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mukha ng Kuya niya. Napalunok siya.

"L-lalaki po. Siya po iyong naghatid sa akin kanina..." Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi.

Nang lalong dumilim ang mukha ng Kuya niya ay kinabahan pa lalo si Anniza.

"Pero Kuya, hindi lang naman ako ang kasama niya. Marami kaming ka-officemate ang nandoon. Nagkataon lang talaga na mas malapit ang condo niya doon sa pinuntahan namin." She raises her right hand. "I promise you. Walang kahit anong nangyaring masama sa akin."

Inilagay niya ang isang kamay sa kanyang likuran at pinag-cross iyon. She is lying to her own brother. Alam niyang masama iyon pero hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa Kuya niya. Basi sa kwento ni Joshua ay nasisigurado niyang hindi madaling kalaban ang sendikato na gusto bumiktima sa kanila kagabi. Napalunok siya ng hindi magsalita ang Kuya Anzer niya. Nakatitig lang ito at pinag-aaralan ang kanyang mukha. Nasisigurado niyang binabasa nito kung nagsisinungaling ba siya.

"Anzer, mukha naman nagsasabi ng totoo si Annie. At saka, safe naman naka-uwi ang kapatid mo. Hayaan mo na siyang magpahinga." Ngumiti sa kanya ang asawa ng kanyang Kuya.

Hindi nagsalita ang Kuya Anzer niya. Naging hudyat iyon sa kanya para tumayo at iwan ang mag-asawa. Mabilis pa sa alas-kwarto siya pumasok ng kanyang kwarto. Natatakot siya na baka muling magsalita ang Kuya niya at hindi na talaga siya makapagsinungaling dito. Napasandal sa pinto ng kanyang kwarto si Anniza at napapikit ng mariin.

"Sorry, Kuya. Ayaw ko lang talaga madamay ka sa nangyari sa akin kagabi," aniya.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Anniza bago naglakad palapit sa kanyang kama at walang pakandungan na humiga. Hindi na masakit ang ulo niya pero mabigat naman ang kanyang dibdib. Sa unang pagkakataon ay nagsinungaling siya sa Kuya niya. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nagsinungaling dito dahil ang Kuya Anzer na lang ang natitirang pamilya niya.

Parehong namatay sa sunog ang kanilang mga magulang. High school pa lang noon ang Kuya Anzer niya habang siya ay nasa elementarya. Tumayong ina't-ama ang Kuya Anzer niya sa kanya. Kaya nga sobrang saya niya ng makilala nito ang Ate Tin niya. Naging sandalan kasi ito ng Kuya niya ng walang-wala na sila. Kargador sa palengke ang Kuya niya at sapat lang iyon sa pang araw-araw nilang pagkain. Pumasok din ang Kuya niya bilang janitor sa isang restaurant para lang makapag-aral siya. Sobrang laki ng pagpapasalamat niya dito sa lahat ng sakrepisyong ginawa para sa kanya.

Lalo na noong nagkasakit siya. High school siya ng magkaroon siya ng bukol sa braso at kailangan operahan. Kung hindi gumawa ng paraan ang Ate Tin niya ay baka wala na siya ng mga sandaling iyon. Kaya nga malaki din ang papasalamat niya sa mga Wang. Dito kasi nakahiram ng pera ang kanyang Ate Tin para ma-operahan siya noon. Kaya naman gusto niyang ibalik sa mga Wang ang ibingay nilang tulong sa kanila. She is always grateful with Mr. Shawn Wang. Utang niya dito ang pangalawang buhay.

Natigilan si Anniza ng tumunog ang phone niya. Iniabot niya ang kanyang bag na katabi at kinuha ang cellphone doon. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang pangalan ni Joshua.

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Bumangon siya bago sinagot ang tawag nito.

"Sir Joshua..." Sinubukan niyang maging casual ang pagkakabanggit sa pangalan nito at nagtagumpay naman siya.

"Did I wake you up, Anniza?"

Natigilan si Anniza ng mahimigan ang pag-aalala sa tono ng boses ng binata. Muling nang init ang pisngi ng dalaga. Lalong nagwala ang puso sa dibdib niya. She wanted to calm down, but her heart doesn't want.

"Annie..."

Napakagat ng labi si Anniza. Bakit ba kay lambing ng boses ni Joshua?

Anniza clear her throat. Gusto niyang tumili at sigawan ang binata pero hindi niya magawa. Something change because of what happen to her.

"Hindi. Nag-usap pa kami ni Kuya at kakatapos lang namin mag-usap ng tumawag ka. May kailangan ka ba?"

"I just want to check on you. Wala ka bang nararamdaman na kakaiba?"

"Wala naman. May side effect pa rin ba ang drugs na pina-inum sa akin kagabi?"

Bigla siyang nag-alala.

"Wala naman na. According to Patrick, nalampasan mo na kagabi ang pinakamahirap na epekto ng alak. So now, wala ka ng mararamdaman na epekto ng druga."

Nakahinga siya ng maluwag. Kung ganoon ay magiging okay na siya. She is afraid that something will happen while she is home. Baka malaman ng Kuya niya ang nangyari sa kanya. Mabilis pa naman makaramdam ang Kuya niya kapag may pagbabago sa kanya.

"Thank you."

"You're welcome..."

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Joshua. Napatingin tuloy siya sa phone niya sa pag-aakalang nawala na ang binata sa kabilang linya.

"Annie..."

"Yes!" Napahiga sa kama si Annie.

"Kapag may naramdaman kang kakaiba o makaramdan ka ng init. Take a cold shower. Makakatulong iyon sa iyo."

Napangiti si Anniza. "Okay."

"So, I will say my goodbye now. Take a rest and stop thinking about what happen."

"Okay."

"I go now. See you on Monday."

"Bye. See you then." Siya na ang unang bumaba ng tawag. Pakiramdam niya kasi ay hindi ibaba ni Joshua ang tawag kahit na nagpaalam na ito.

Napangiti si Anniza at nayakap ang phone na hawak. Biglang gumaan ang pakiramdan niya pagkatapos maka-usap ang binata. May kakaiba sa boses nito na siyang nagpabago sa mood niya. Mukhang mapapasarap ang tulog niya.

Kung anuman ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay ayaw niya munang pangalan. Ang importante ay masaya siya at parang nakalutang sa langit ng mga sandaling iyon.

"HOW'S Anniza?" tanong ni Patrick.

Napatingin si Joshua sa kaibigan. Nasa condo siya nito ng mga sandaling iyon. Pagkahatid kay Anniza ay doon na siya tumuloy. Ayaw niyang bumalik sa kanyang condo. Naalala niya lang kasi ang eksena kanina. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na hinampas siya ng lamp shade ni Anniza. Hindi lang iyon, nawalan pa talaga siya ng malay. Nakakahiya iyon sa parte niya lalo at lalaki siya.

Magaling palang umatake si Anniza. Wala siyang narinig na yapag o galaw mula sa likuran. Natakot pa nga siya ng magising dahil baka bigla na lang siyang patayin ni Anniza. Alam niyang nagising itong walang suot na damit. Well, kaya nga hindi niya masisi ito kung bakit siya hinampas sa ulo. Kahit naman sinong babae ay ganoon din ang gagawin kapag nagising sa isang kwarto na hindi pamilyar at walang suot na kahit ano. Nagpapasalamat pa nga siya na iyon lang ang ginawa nito.

Hindi man sila close ni Anniza pero kilala niya ang dalaga. Bayolente ito kapag gugustuhin nito. Ilang beses na ba siya nakatikim ng masamang tingin mula dito?

"Josh..."

Napakurap si Joshua ng marinig ang pangalan niya na sinisigaw ni Patrick.

"Ha!"

"Tulala ka yata. May problema ba?" Salubong ang kilay na tanong ni Patrick.

Umiling siya. "Wala naman. Ano nga iyong tanong mo?"

Patrick didn't answer his question. Tumitig lang ito sa kanya.

"Patrick, stop staring at me like that." Suway niya sa kaibigan.

Umayos ng upo si Patrick. "Sabihin mo nga sa akin. May nangyari ba sa inyo ni Anniza kagabi?"

Naubo bigla si Joshua dahil sa tanong na iyon ni Patrick. Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya sa kaibigan.

"F*** you, Patrick. Hindi naman ako ganoon klaseng tao. Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin?" Nahagod niya ang sariling lalamunan.

Ang sakit masanib ng sariling laway. Nakakagulat naman kasi ang tanong ni Patrick.

"Malay ko ba kung susunggaban mo ang pagkakataon na makasama siya ng isang gabi."

"Gago! Hindi ako kagaya ng mga lalaking iyon sa club mo. Malaki ang respeto ko kay Anniza. I won't do crazy thing to hurt her. I promise to myself that I will protect her, and I will protect her even to myself."

Nakita niyang tumaas ang isang kilay ng kaibigan. "Ikaw ba iyan, Joshua?"

"Gago." Binato niya ng throw pillow ang kaibigan. Mabilis naman na naharang ni Patrick ang braso nito.

Tumawa lang si Patrick sa ginawa niya. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Minsan talaga hindi niya maintindihan ang ugali nitong si Patrick. Weird din kagaya niya kaya nga siguro malapit silang dalawa sa isa't-isa. Ilang sandali ay sumeryuso si Patrick.

"Oo nga pala. Tumawag sa akin kanina si Sasha at sinabi niya na maayos na ang pakiramdam ni Mae."

Nagsalubong ang kilay niya. "Sinong Sasha?"

"Si Sasha."

Lalong nagtagpo ang kilay niya sa sinabi nito. Sinong Sasha ang sinasabi nito? Wala siyang kilalang Sasha.

"Ow! Nakalimutan ko. Ocean real name is Sasha. Sasher Shakiya Quimpo." Sumandal si Patrick sa upuan.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Si Sasher Shakiya Quimpo na Queen Bee noong College natin ay si Ocean?"

Ngumiti si Patrick at pinag-krus ang dalawang braso sa dibdib. "Yap. Kahit nga ako ay nagulat ng makita ang pagbabago niya. From nerdy girl to seductive girl. Kung hindi ko pa nabasa ang profile niya ay hindi ko pa malalaman na siya si Ms. Queen Bee noon."

Tumungo-tungo siya. "So, kasama mo pala ngayon sa trabaho si Ms. Number one and only rejection."

Nanlaki ang mga mata ni Patrick sa sinabi niya. "Gago!" Binato din siya nito ng unan.

Tumawa na lang si Joshua kahit na tumama ang unan sa kanyang dibdib. Patrick face is red like tomato. Ilang taon din ba niyang hindi nakikita ang ganoong klaseng reaksyon mula sa kaibigan. At sa tuwing ganoon ay si Ms. Queen Bee ang dahilan.

"Kamusta naman unang tagpo niyo? Anong reaksyon?" Patuloy niya sa panunukso dito.

Sinamaan siya ng tingin ng kaibigan. Itinaas nito ang kaliwang kamay at pinakita ang gitnang daliri sa kanya. Lalo lang siya natawa sa reaksyon nito. Ang sarap talaga mang-asar sa kaibigan.

"Ano ka ba, Patrick? Ilang taon na ba ang lumipas? Siguradong nakalimutan na iyon ni Sasha."

"Buti sana kung ganoon kaso hindi. Nakasimangot siya sa akin noong unang tagpo namin. Gago kasi kayo ni Liam. Nalaman niya tuloy na niligawan ko siya dahil sa isang pustahan."

"Pero hindi ka naman pumayag sa pustahan na iyon. Technically, walang nangyaring pustahan," aniya.

"Oo nga kaso gago kayo ni Liam. Sinabi niyo kay Shan kaya iyon at sinabi niya sa kay Sasha. Kung hindi niyo iyon ginawa, nobya ko sana si Sasha noon pa." sigaw ni Patrick.

"Well, nakabuti na din naman ang lahat. I mean, Sasha seems to be okay." Nagsalubong ang kilay niya bigla at biglang may na isip. "Oo nga pala. Staff ng agency niyo si Sasha. Paano nangyari?"

Hindi nakapagsalita si Patrick. Sumandal lang ito sa sofa at tumingin sa singsing na suot nito.

"Patrick..."

Nagtaas ng tingin si Patrick dahil sa pagtawag niya dito. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Patrick.

"Sasha is under O.Z Australia branch. Isa siyang Chemical Engineer and Pharmacist. Pinadala siya ng Australia branch para tulungan kaming pag-aralan ang druga na kumakalat ngayon sa merkado. Sasha can produce cure for the drugs. Hindi lang siya isang simpleng agent. Nagtrain din siya pero more on back scene. Siya ngayon ang head ng research team dito sa Pilipinas."

"Ow!!! Iba pala talaga ang talino ni Ms. Queen Bee. So, bakit ganyan ang mukha mo? Mabuti nga at nandito na si Sasha, pwede mo na siyang ligawan ulit."

Binalot ng lungkot ang mukha at mga mata ni Patrick. Nakita niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga.

"One and most over rules in O.Z is never ever fall to our subject and to... our officemate." Malungkot na wika ni Patrick.

"Owww!" Napangiwi siya sa narinig.

Kung ganoon ay hindi pwedeng ligawan ni Patrick si Sasha dahil bawal iyon sa kompanya. Now, he understand Patrick. Mahirap nga talaga ang sitwasyon nito ngayon. Iyong nasa malapit lang ang taong mahal mo at nais mo siyang mahawakan ngunit hindi pwede dahil sa may kailangan sundin.

Hindi rin pwedeng baliwalain ni Patrick ang batas ng ahensya dahil ito ang may-ari ng kompanya. He should be the best example to everyone. Huminga din ng malalim si Joshua.

"Mahirap nga talaga siguro na maging kaibigan na lang sa taong mahal mo. Iyong abot kamay mo na lang siya pero hindi pwede. I know the feeling, Patrick."

"Well, pareho-pareho lang naman tayong magkakaibigan. Si Shan, bigo din kay Kristine dahil sa ginawa ng kanyang ama. Ikaw dahil kay Jamie at ako dahil kay Sasha."

"Si Liam lang yata ang may magandang lovelife sa atin." Natatawang wika niya.

"Si Liam? Wala naman love life ang isang iyon. Kailan pa na inlove ang snob natin kaibigan na iyon."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Oo nga pala. Nasaan na ngayon si Mae? Ang sabi mo ay tumawag sa iyo si Sasha at sinabing okay na si Mae."

"Ahh..." tumungo si Josha. "Pina-uwi na ni Sasha si Mae pagkatapos makuhaan ng test at siniguradong okay na siya. Hinatid siya kanina ng isang agent namin. Pero hindi lang iyon ang tinawag kanina sa akin ni Sasha."

"Ano?"

Tumikhim ulit si Patrick. "Sasha wants to run a test with Anniza. Iba daw kasi ang side effect kay Annie kahit pa nga na marami din itong na-inum."

Hindi siya agad nakapagsalita. Pinakatitigan lang ito ang kaibigan.

"Anong klaseng test?" tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.

"Blood test, hair sample and urine test. Hindi ko alam ang ibang test pero iyon ang common na kinukuha namin sa mga nabibiktima nila. We just need Anniza's corporation. Can you help us?"

Napatingin muli si Joshua sa singsing na suot bago ibinalik ang tingin sa kaibigan. "I will ask Anniza's permission first. Siya ang magdedesisyon kung magpapatest pa siya o hindi." Sagot niya.

"Okay." Tumungo ang kaibigan. "Update mo ako kapag naka-usap mo na siya."

"Sure!"

Hindi niya alam kung papayag ba si Anniza. Hindi nga niya din alam kung kaka-usap pa rin ba siya ng dalaga pagkatapos ng nangyari.

Next chapter