webnovel

CHAPTER THREE

"WHAT do you think you're doing?" sigaw ng babae sa kanya.

Napatingin siya dito at sinamaan ng tingin. Nakahiga pa rin ang lalaking sinuntok niya. Tumigil din ang mga tao sa pagsayaw at sa kanila na natuon ang atensyon. Lumapit siya sa babae at hinawakan ang braso nito.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako, Joshua." Nagpumiglas ang babae ngunit hindi niya pinakinggan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito, Jackie? Dancing like that." Galit din niyang sigaw.

"Wala kang paki-alam." Binawi ng babae ang braso nito sa kanya.

Nabitiwan naman niya ang braso nito.

"Wala kang paki-alam kung anong gawin ko. Hindi kita kaano-ano para pagsabihan ako at sabihin kung ano ang dapat kung gawin."

"Anuman sabihin mo iuuwi na kita?" tinangka niya ulit hawakan ito sa braso ngunit mabilis na umiwas ang babae.

"No! Hindi ako uuwi." Matigas na sigaw ni Jackie.

Uminit ang ulo niya sa ginawa nitong pagsigaw. Walang pakandungan niyang binuhat ang babae. Nagulat naman ang dalaga sa ginawa niya kaya hindi ito makapagpumiglas. Malalaki ang mga hakbang na lumabas sila ng Dark Club. Malapit na sila sa kanyang kotse ng magsimulang gumalaw si Jackie.

"Bitiwan mo ako. Ibaba mo ako."

"Shut up!" Sigaw niya.

"Gago ka talaga. Hindi kita pinaki-alaman ng makipagrelasyon sa iyo si Ate Jassie kaya wag mo akong paki-alaman ngayon."

Napahinto sa paglalakad si Joshua ng marinig ang pangalan na iyon. Ibinaba niya si Jackie at tinitigan sa mga mata. Huminga siya ng malalim.

"Jackie, Dark Club is not for lady like you. Hindi mo alam kung sinong mga gagong nandoon. You are not safe there. Kaya, please lang. Wag ka ng babalik ng Dark Club."

"Wala akong paki-alam. Pupunta ako sa lugar na gusto ko. Bakit ka ba kasi nakiki-alam?"

"Because I care for you. Pinuprotektahan lang kita."

Napatingin sa kanya si Jackie at tumawa ng mahina. "Protektahan ako. Bakit inalagan mo ba ang Ate Jassie ko? Hindi di ba? Kung inaakala mo na sasabihin ko sa iyo kung nasaan si Ate Jassie at Jamie ay nagkakamali ka. I won't tell you. Kahit bayaran pa kami ng pamilya mo ng milyon, hindi namin sasabihin sa iyo. So, stop your bull***." Galit na sigaw ni Jackie. Namumula ang mukha nito.

Itinulak siya sa balikat ni Jackie. "Stay out of our life." Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na tumalikod si Jackie at naglakad.

Na-iwan si Joshua na sinusundan ng tingin ang babae. Napahawak na lang siya sa sariling buhok at sinabunutan iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapatawad ng pamilya ni Jackie sa ginawa niya. Walang kahit isa sa kanila ang lumimot ng masalimuot na nakaraan na iyon sa buhay nila.

Ilang taon na din ang lumipas pero nasa loob pa rin ng mga taong nasaktan niya ang sakit ng kahapon. Hindi pa rin nakakalimot ang lahat. At aaminin niya, masakit pa rin sa tuwing naalala niya ang sakit ng nakaraan. Nawala sa kanya ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya. Ang babaeng hindi niya akalain na mamahalin niya ng ganoon.

"Hey! Are you okay?"

Napakurap si Joshua at napatingin kay Patrick na nag-aalalang nakatingin sa kanya. Tumungo siya kahit isa iyong kasinungalingan. Hinawakan niya sa balikat ang kaibigan.

"Kamusta iyong nasuntok ko?"

"I already take care of it. Okay ka lang ba talaga? Nasaan si Jackie?" Tumingin si Patrick sa paligid.

"Sumakay na siya ng taxi."

Bumalik ang tingin ni Patrick sa kanya at bumuntong hininga. "May sinabi siya na hindi mo nagustuhan."

Umiling siya at ngumiti. "Ano naman ang sasabihin ni Jackie na hindi ko magustuhan? At saka, kailan pa ako kina-usap ni Jackie?" Tinalikuran na niya ang kaibigan at kinuha ang susi ng kanyang kotse sa bulsa.

"Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong ipahanap sila. Mabilis ko lang silang mahahanap, Joshua."

Napahinto sa pagbukas ng kotse niya si Joshua. Ilang beses na bang nag-offer si Patrick sa kanya. Napahigpit ang hawak niya sa pinto ng kotse. Nilingon niya ang kaibigan at ngumiti dito.

"Wag na. Respetuhin natin ang desisyon ng pamilya ni J-Jassie. Kung talagang ayaw nilang malaman ko kung nasaan si Jassie. Handa naman akong maghintay hanggang sa kusa nilang sabihin sa akin."

Bunalot ng lungkot ang mukha ni Patrick. "Sigurado ka ba?"

Tumungo siya. "Paano? Alis na ako."

"Should I ride you home? Naka-inum ka di ba?"

"Dalawang baso lang naman ang ininum ko. Don't worry," aniya sa kaibigan at tinapik ang balikat nito.

Tumungo si Patrick. "Ingat ka. Called me if something happens."

Hindi na nagsalita si Joshua. Sumakay na lang ito ng kotse. Itinaas niya ang isang kamay bilang paalam kay Patrick bago mina-obra paalis doon ang kotse niya. Joshua drives the long road. Malalim na din ang gabi kaya konti na lang ang sasakyan. Tinahak ni Joshua ang daan papuntang Antipolo. May lugar siyang nais puntahan ng mga sandaling iyon. Hindi naman nagtagal ang byahe niya. Mabilis niyang narating ang isang kilalang subdivision doon.

Binuksan ng binata ang bintana ng kotse at kinawayan ang security guard na nakabantay sa main gate ng subdivision. Tuloy-tuloy si Joshua sa pagpasok sa loob ng subdivision hanggang sa huminto sa isang malaking bahay na gawa sa semento. It's modern American house. Nasa gitna iyon ng malawak na nahagi ng subdivision. Malayo ang bahay na iyon sa ibang kabahayan. Napapalibutan din iyon ng maraming puno. Joshua gets a small switch. Tinutok niya iyon sa gate at pinindot. Bumukas ang gate. Thanks to Asher and his company, he has a tight security.

Ipinasok ni Joshua ang kotse. It's his own house. Binili niya iyon ng mag-isang taon siya sa MDHGC pero hindi ito madalas doon. Tatlo o apat na beses lang sa isang buwan siya pumupunta sa bahay na iyon. May inuutusan naman siyang tao para maglinis kaya naman kahit anong oras ay pwede siyang pumunta doon.

Pagkatapos ma-iparada ang kotse ay bumaba si Joshua. Sumalubong sa binata ang malamig na haplos ng hangin. Kaya niya nagustuhan ang lugar na iyon ay dahil sa malamig na simoy ng hangin. Pakiramdam niya ay malapit siya sa kalikasan kapag nandoon siya. Tumingin si Joshua sa harap ng kanyang bahay. May fountain sa gitna at maraming halaman ang nagkalat. Mula sa gumagapang at matataas na bulaklak ay mayroon nakatanim doon. His home is his simple adobe.

Pumasok si Joshua sa loob ng bahay at hindi nag-abalang buksan ang ilaw. Tuloy-tuloy siya hanggang sa second floor ng bahay. Pumasok siya sa unang pinto ng floor. Sumalubong sa binata ang kadiliman ng kwartong iyon. Lumapit siya sa gitarang nakapatong sa sofa ng makapag-adjust ang kanyang mga mata. Joshua went to the slide door. Binuksan iyon ng binata at naglakad sa malawak na teresa. May dalawang couch doon. Umupo si Joshua at isinandal ang ulo. Pumikit si Joshua habang yakap ang gitara.

Ilang sandali din nakapikit si Joshua bago umayos ng upo at sinimulang ikaskas ang gitarang hawak.

"There goes my heart beating..." Panimulang kanta ni Joshua.

'Cause you are the reason

I'm losing my sleep

Please come back now

And there goes my mind racing

And you are the reason

That I'm still breathing

I'm hopeless now

I'd climb every mountain

And swim every ocean

Just to be with you

And fix what I've broken

Oh, 'cause I need you to see

That you are the reason

There goes my hand shaking

And you are the reason

My heart keeps bleeding

I need you now

If I could turn back the clock

I'd make sure the light defeated the dark

I'd spend evert hour of every day

Keeping you safe

And I'd climb every mountain

And swim every ocean

Just to be with you

And fix what I've broken

That you are the reason, oh

Muling napapikit si Joshua. Memories of the past cross his mind. Ang malakas na tawa ng babaeng minamahal ay naririnig niya ng mga sandaling iyon. Hindi napigilan ni Joshua ang pagkirot ng kanyang puso. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya. Move on? Ganoon ba kadali ang lahat?

I need you to hold me tonight

Naging bulong na lang ang huling mga salitang iyon. Tuluyan ng hindi napigilan ni Joshua ang pagdaloy ng tubig na nagmula sa kanyang mga mata. Sinasabi niyang naka-move on na siya ngunit hindi pa talaga. Sa tuwing naalala niya ang mga pinagsamahan nila ay may munting kirot pa rin siyang nararamdaman. He can't move on. Hindi niya makakalimutan ang kanyang nakaraan. Ang sakit ng pagkawala nito sa buhay niya dahil sa mga mali niyang desisyon. He loves her. She always been his special woman. At mukhang habang buhay niyang dadalhin ang sakit ng pagkawala nito.

MABIBILIS ANG bawat hakbang ni Annie. Late na siya at kung hindi niya bibilisan ang mga hakbang ay siguradong mahuhuli na siya. Halos takbuhin ni Annie ang Time-in machine. Mabuti na lang at walang humarang sa kanya. Pagdating niya sa department nila ay agad siyang lumapit sa kanyang mesa. Nandoon na rin lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho. Busy na din ang lahat.

Uupo na sana siya ng mapansin ang isang bagay na nakapatong sa kanyang mesa. Lalong nasira ang araw ni Annie ng makita ang bagay na nakapatong sa kanyang table. She picks it up and saw the sticky note below.

Uminit lalo ang ulo ni Annie ng kinuha niya ang note at binasa.

"Take care of your beautiful skin. Sayang ang makinis at maputi mong balat.""

Pinunit ni Annie ang note at tinapon sa basurahan. Tiningnan niya ang hawak na lotion at binasa. Isang kilalang brand ang hawak niyang lotion pero hindi iyon dahilan para hindi niya iyon itapon sa basurahan. She didn't find it sweet but an insult. Sino ba kasing matinong lalaki ang magbibigay ng lotion sa isang babae? Parang ang tanga lang. Tapos ganoon pa ang iniwan na note. Hindi na talaga nakakatuwa kung sinuman ang nag-iiwan ng kung ano-ano sa table niya. Kailangan na niyang alamin iyon.

Umupo na si Annie at sinimulan ang kanyang trabaho. Nang hindi na siya ganoon kabusy ay nagpaalam siya sa kasama na pupunta ng security department.

"Annie."

Tumigil sa paglalakad si Annie ng may tumawag sa kanya. Lumingon siya at nakita si Joshua na malalaki ang mga hakbang papalapit sa kanya.

"Anong kailangan mo?" Mataray niyang tanong dito.

"Saan ka pupunta?"

Muntik na niyang ma-iikot ang mga mata. "Security department. May titingnan lang."

Tinalikuran na niya ito at pinagpatuloy ang paglalakad. Akala niya ay hindi na ito susunod pa pero nagulat na lang siya ng pumasok din ito ng elevator.

"Anong ginagawa mo?"

Tumingin sa kanya si Joshua at ngumiti. "Pupunta din ng security room. May kailangan akong sabihin kay Asher. Sabay na tayo."

Inirapan niya ang binata at hindi na inimik. Wala siyang oras makipagtalo dito. Baka lalo lang masira ang araw niya. Pagdating sa floor ng security room ay magkatabi silang naglalakad ni Joshua. Hindi pa rin niyang kinaka-usap. Nagulat si Asher ng makita silang dalawa ni Joshua.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" Tumayo sa harap nila ang head ng security department.

"Can I ask a favor, Sir Asher?" Tumingin muna si Asher kay Joshua bago sa kanya.

"What is it?"

"Someone always put something on my table. Pwede ko bang makita ang CCTV footage kaninang umaga?" tanong niya dito.

Nakita niyang nanigas sa kinatatayuan nito si Asher. "Ha?"

"Gusto kong malaman kung sinong baliw ang naglalagay ng mga kung ano-anong bagay sa table ko. Kailangan ko siyang ka-usapin sa kalukuhang ginagawa niya. Hindi na kasi nakakatuwa ang pinanggagawa niya. It's for my safety also."

Ngumiti ng alangan si Asher sa kanya. "Ganoon ba? Sige. Pwede naman natin tingnan? Anong oras ba siya naglalagay ng kung anu-ano sa table mo?"

Humarap si Asher sa tatlong computer na nasa harap nito. Nagsimula itong hanapin ang hinahanap niya.

"Sa tuwing darating ako sa umaga ay nandoon na ang mga iniiwan niya. I think we need to check 7 to 8 o'clock in the morning."

Tumungo si Asher at nagsimulang gawin ang pinapaki-usap niya. Ilang sandali pa ay lumabas na ang isang video kung saan kuha sa departamento nila. Napansin niyang tumaas ang kilay ni Joshua at tumingin sa malaking monitor. Napatingin na din siya doon. Hindi naging katulad ni Joshua ang naging reaksyon niya.

"Bakit hindi kita ang table ko sa CCTV?" tanong niya kay Asher.

"Your table is in the blind spot. I check the other CCTV."

May tinipa si Asher sa keyboard at lumabas ang isang CCTV kung saan makikita ang table niya. Nakahinga siya ng maluwag. Asher move backwards the video to see who's the crazy guy, but they didn't saw anyone put something on her table until the last fifteen minutes. Someone enters their department, Pinakatitigan niyang mabuti ang likuran ng lalaki. Matangkad ito at malapad ang balikat. May ipinatong ito sa table niya ngunit hindi nila nakita kung ano iyon. Mabilis din umalis ang lalaki pagkatapos ipatong ang kung anuman ang ipinatong nito doon. Hindi nila nakita ang mukha nito dahil hindi ito humarap sa kamera.

Anniza feels disappointed. Kung sinuman ang lalaking iyon ay masyado itong ma-ingat sa galaw nito. Alam nito kung paano gagalaw sa loob ng opisina nila para iwasan ang kamera.

"Matalino ang admirer mo. Alam niya kung nasaan ang kamera." Humarap sa kanila si Asher. "Dalawa lang ang CCTV sa opisina niyo. Kaya hindi na natin makikita ang mukha niya."

"Sa hallway papuntang elevator, hindi ba at may CCTV doon?"

Nakita niyang natigilan si Asher. Napatingin ito kay Joshua na tahimik lang na nagmamasid sa kanila pero mabilis dn bumalik ang mga mata nito sa kanya at ngumiti.

"Of course, may CCTV footage doon. We can also check the elevator." Muling humarap si Asher sa computer.

Napatingin siya kay Joshua. Nakatingin ito sa malaking monitor. Walang emosyon ang mukha nito. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang ganoon pagkatao ng lalaki. Pwede naman palang maging ganoon si Joshua. Sa isang taon niyang pagtatrabaho sa MDH ay puro lang kalukuhan ang nakikita niya kay Josua.

"There."

Naalis ang tingin ni Anniza ng marinig ang sinabi ni Asher. Napatingin siya sa malaking monitor at nakita ang isang lalaki na naglalakad sa hallway. Magkatulad sila ng suot ng lalaki na naglagay ng kung ano sa mesa niya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay may suot na itong itim na sombrero kaya hindi nila makita ang mukha nito. Napakuyom si Annie. Alam nito na may CCTV sa lugar na iyon. Pinakita din ni Asher and CCTV footage sa elevator at kagaya ng inaasahan nila ay hindi pa rin makikita ang mukha nito. Nagdikit ang labi ni Annie sa sobrang inis.

"He is good." Narinig niyang komento ni Asher.

"Alam niya kung saan nakalagay ang CCTV sa lugar. Matalino din pala ang admirer mo, Annie."

Napatingin siya kay Joshua at binigyan ito ng masamang tingin. Hindi talaga nito papalampasin ang isang araw ng hindi siya iniinis. Tumingin siya kay Asher. Wala siyang napala sa pagpunta doon. Kahit isang palatandaan lang ay wala siyang napansin sa lalaki.

"Thank you, Asher. Pasensya na sa istorbo." Yumuko siya dito at lumabas ng opisina nito.

Nagpapasalamat siya ng hindi na siya sinundan pa ni Joshua. Siguradong ang ipinunta naman nito ang gagawin doon.

Annie feels so frustrated about what happen. Gusto niyang makilala ang kung sinumang naglalagay ng bulaklak at inumin sa table niya. Nagsisimula na kasi siyang mainis at matakot sa ginagawa nito. Ilang buwan na ba itong naglalagay ng ganoon sa table niya at hindi na iyon nakakatuwa pa? Kapag hindi pa tumigil kung sinuman ito ay baka magsabi na talaga siya sa HR head nila para ma-aksyonan ang ginagawa nito. It's not sweet, it's creepy.

PA-UWI NA SI Annie galing sa pagkikita nila ng kanyang mga kaibigan. Pagkagaling niya sa opisina ay tumuloy siya ng Cubao para makasama ang mga dati niyang kaibigan, mga kaibigan niya noon sa kolehiyo. Nagkayayaan sila dahil umuwi ang isa nilang kaibigan na galing Canada.

Naglalakad na siya papunta sa terminal ng mg PUV papuntang Novaliches. Anong oras na din at iilan na lang ang mga taong naglalakad pero hindi natatakot si Annie? Sanay na din naman siyang umuwi at maglakad sa lugar na iyon. Lumabas siya ng SM Mall Cubao at naglakad papuntang Edsa. Pasara na ang Mall kaya madilim na ang lugar. May iilang empleyado ng Mall siyang nakakasabay.

Malapit na si Annie sa Farmers Mall ng may humablot ng kanyang bag. Nanlaki ang mga mata ni Annie ng makita ang mga batang lansangan na tumatakbo habang hawak ang kanyang bag.

"Magnanakaw!!!" sigaw niya at hinabol ang mga ito.

Pinagpasa-pasahan ng mga bata ang kanyang bag. Walang nagawa si Annie kung hindi sundan kung sinuman sa mga ito ang may hawak sa kanyang bag. Na-iiyak na si Annie habang patuloy sa paghabol sa mga bata.

"Akin na iyang bag ko."

Wala siyang narinig na kahit ano sa mga ito. Patuloy lang ang mga ito sa pagtakbo. Hinihingal na si Annie sa kakahabol. Ikot lang kasi sila ng ikot sa lugar. Hindi niya mabilang kung ilang bata ba itong hinahabol niya. Susuko na sana si Annie sa paghabol sa mga bata ng may humawak sa damit ng batang may hawak ng kanyang bag. Nanlaki ang mga mata ni Annie ng bigla na lang tinulak ng lalaki ang bata dahilan para mapa-upo ito sa semento. Napatulala naman ang mga kasama nito.

She can't saw the face of the man. May suot itong sombrero at may kadiliman na din ang lugar.

"Ibalik mo ang bag ng babae." Hindi maitago ang galit sa boses ng lalaki.

Napatulala si Annie at hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nasaksihan. Hinahabol niya pa rin ang paghinga kaya hindi nakakatulong ang nakikita niya ng mga sandaling iyon. Lalong bumilis kasi ang tibok ng kanyang puso. How could this man do that to a kid? Kahit pa nga na sabihing masama ang ginawa nito.

Hindi gumalaw ang bata. Nanginginig kasi ito ng mga sandaling iyon. Humakbang ang lalaki papalapit sa batang may hawak ng kanyang bag. Yumuko ito ng bahagya para ipantay ang sarili sa bata.

"Bata, hindi maganda ang ginawa mo. Alam mo bang pwede kang makulong sa ginawa mong iyan." Pahablot na kinuha ng lalaki ang bag niya sa bata. "Sibat na bago pa ako tumawag ng pulis para dalhin ka sa DSWD."

Pagkatapos pagbantaan ang bata ay tumayo ang lalaki. Mabilis naman tumayo ang batang lalaki at tumakbo palayo sa kanila. Sumunod dito ang mga kasama na nagtatago dahil sa takot sa lalaking ngayon ay naglalakad papalapit sa kanya.

Annie heart can stay steal. Tumitibok pa rin iyon ng malakas na halos lumabas na sa loob ng kanyang katawan. Nang tuluyang tumayo ang lalaki sa harap niya at napalunok si Anniza. Matangkad pala talaga ang lalaki. Hindi manlang siya umabot sa balikat nito.

"Here."

Bumaba ang tingin niya sa hawak nito. Ang bag niyang kinuha nito sa bata. Muling napalunok si Annie at tinanggap ang kanyang bag sa nanginginig na kamay.

"Thank you." Nakayukong wika niya.

"Hindi mo dapat hinabol ang mga bata. Tumawag ka na sana ng mga pulis. Kilala na nila ang mga batang iyon kaya alam na nila kung saan sila hahanapin."

Nagtaas siya ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngayon ay nakikita niya ang kalahati ng mukha nito. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala ito.

"Brix Montemayor!"

Next chapter