webnovel

CHAPTER ONE

    MABIBILIS ANG mga hakbang na ginawa ni Anniza. Ngayong araw ang interview niya sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. Alam niyang wala privilege siyang makukuha ng araw na iyon. Kahit na scholar siya ng MDHCG o mas mas kilalang Mei De Hau Group of Companies ay siguradong hahasain at titingnan ang qualification niya para makapasok sa kompanya. Kaya kailangan niyang galingan mamaya sa interview. She really wants to work at MDHGC. Hindi lang dahil sila ang nagpa-aral sa kanya kung hindi dahil na rin sa napaka-stable na kompanya. Isa sa pinakasikat na kompanya sa bansa ang MDH, hindi lang dahil sa isa ito sa pinakamayamang kompanya kung hindi maayos ang trato at benipisyong binibigay sa empleyado.

    Nang makarating sa entrance ng building ay lumapit siya sa security guard.

    "Hi po, Kuya. Narito po sana ako para first interview." Kinuha niya ang I.D sa bag at ibinigay sa guard.

    "Check muna naming ang pangalan niyo po kung nandito, ma'am."

    Tiningan ng security guard sa logbook nito kung nandoon ba ang pangalan niya. 

    "Ma'am, log in po muna kayo dito tapos lumapit na lang po kayo sa receptionist." Ibinalik sa kanya ng guard ang kanyang I.D.

    Sinunod niya ang ibinigay na instruksyon sa kanya ng guard. Naglog-in siya sa logbook ng mga ito at pumunta sa receptionist. Dalawang babaeng nakangiti ang nandoon. 

    "Good morning," bati niya.

    "Good morning, Ma'am. Can we help you?"

    "Miss, nandito ako para sa interview. Ito po ang I.D ko." Ibinigay niya ang I.D na hawak.

    Agad naman iyong tinanggap ng receptionist. "Please! Wait for a while." May tiningnan ang babae sa computer.

    Habang hinahanap ng babae ang pangalan niya ay iniikot niya ang paningin sa paligid. Busy ang lahat ng tao. May iilan pa na tumatakbo at ilan ay may ka-usap sa telephone. Natigilan siya ng makita ang isang lalaki na naglalakad papunta sa elevator. Napasinghap siya ng makilala kung sino ito.

    'Oh my! Ang president ng MDH. Napakaswerte ko naman at nakita ko siya,' aniya sa isipan.

    The man she saw is the great CEO and President of Mei De Hau Group of Companies. Ang taong nagpa-aral sa kanya, si Mr, Shawn Hans Wang. May kasama itong isang babae na hula niyang sekretarya nito. Napangiti siya. Napakaswerte naman niya ng araw na iyon dahil nakita niya ang CEO ng kompanya. Ang alam niya ay bihira itong makita sa loob ng main building dahil napaka-busy nitong tao.

    "Miss."

    Natigilan siya ng marinig ang pagtawag sa kanya ng receptionist. Napatingin siya ditto. May pagtataka sa mukha nito. Tumikhim siya at ngumiti ditto.

    "Yes."

    May ipinatong ito sa mesa. "Iyan ang floor number kung saan ang HR Department. Look for Ms. Antonio. She will assist you."

    Napayuko siya. Isang maliit na card itong inilapag sa mesa. Kinuha niya iyon at tiningnan ang nakasulat.

    '14'

    Kung ganoon ay nasa fourteen floor ang HR department. Nagtaas siya ng tingin at ngumiti sa receptionist. "Salamat." Tumalikod na siya at naglakad papunta sa elevator. Sumabay siya sa mga empleyado ng kompanya. 

    Sa pinakasulok ng elevator siya pumesto. Ganoon naman lagi ang ginagawa niya. Ayaw niyang pansinin siya ng ibang tao kaya naman madalas ay sa isang sulok siya tumayo. Humigpit ang hawak ni Anniza habang nakatingin sa monitor kung saan pinapakita ang floor. Bumibilis ang tibok ng puso. Kinakabahan siya ng mga sandaling iyon. Ito ang unang interview niya at hinihiling niya na sana maging okay ang lahat. Nais niya talagang makapasok sa MDH dahil ang kompanyang iyon ang nagpa-aral sa kanya sa kolehiyo.

    Ang alam niya ay dating katulong ang Ate Kristine niya sa pamilya ng mga Wang. Nang magtapos siya ng high school ay sinabihan siya ng Ate Kristine na kumuha ng scholar ship ng dati nitong amo. Maswerte siyang nakapasa sa exam dahil doon ay sinagot ng kompanya lahat ng gastusin niya sa pag-aralan. Maliban pa doon ay binigyan siya ng allowance na natatanggap niya kada-linggo. Naging madali sa kanya ang lahat pagdating sa financial. Sabay pa nga sila nagtapos ng Kuya niya sa pag-aaral. Iyon lang, sariling sikap at gastos ang Kuya niya dahil hindi naman ito scholar ng kompanya. Ngayon nga ay naghahanda ang Kuya niya na kumuha ng exam.

    Nang bumukas ang elevator sa 14th floor ay huminga ng malalim si Anniza at lumabas ng elevator. Iniikot niya ang paningin sa paligid. Mahabang paselyo ang bumungad sa kanya. Tumingin siya sa kaliwa at doon niya nakita ang karatulang HR department. Muli siyang huminga ng malalim bago naglakad papalapit sa babaeng malapit sa pinto ng HR department.

    "Hi. Good morning," bati niya.

    Nagtaas ng tingin ang babae. Isang ngiti ang agad na sumilay sa labi nito. "Yes, Miss."

    "I'm Anniza Jacinto. Nandito ako para sa isang job interview."

    "Ah!" Nagtaas ng isang daliri ang babae. "Wait lang." May kinuha ito sa drawer at inilapag sa mesa. "Fill up this form and seat there. Mamaya lang ay lalapit sa inyo ang isa naming kasamahan."

    Napatingin siya sa itinuro nito. BIgla siyang napangiwi ng makita ang mga taong nandoon. Mukhang hindi lang siya ang aplikante ng araw na iyon. Maraming taong naka-upo at nakapili. Huminga ng malalim si Anniza. Kung hindi madali ang pagpasok sa MDH. Maraming kakompetensya. Humarap siya sa babae at ngumiti. Sinunod niya ang sinabi nito. Umupo siya sa isang upuan na nandoon. Sinimulan niyang sagutan ang papel na binigay ng babae. Application form iyon. May iilan pang dumating na kagaya niyang aplikante din. Napatingin si Anniza sa paligid. Nasa trenta yata ang mga taong nandoon. Inikot pa niya ang tingin sa kwartong iyon. Busy ang lahat ng mga empleyado. Lahat ay halos na katutok ang atensyon sa ginagawa. Nagtataka siya kung bakit maraming empleyado ang floor na iyon. Hindi iyon kagaya ng kompanyang pinag-OJT niya. Limang HR assistant lang ang mayroon doon habang dito ay nasa sampo yata.

    Natigilan si Anniza ng may tumikhim. Napatingin siya sa taong nakatayo sa harapan nila. Napasinghap si Anniza ng makita ang lalaking nakatayo ng maga sandaling iyon sa harap nila. Hindi mapigilan ni Annie na mapatulala sa angking kagwapuhan nito. Small eyes that have a small eyebag. Manipis lang ang kilay nito na siyang nagpadagdag ng character sa lalaki. His pointed noise that complement his chin and small face. The guy is the best description of tall, dark and handsome. Hindi maputi ang lalaki pero hindi iyon naging dahilan para hindi masabihing hindi ito gwapo. The man standing in front of them is very handsome. Malinis itong tingnan sa suot na two peace suit. Hindi naitago ng suot nito ang malapad nitong dibdib. Ano kayang pakiramdam na makulong sa katawan nito?

    Napalunok si Annie at iniiwas ang mga mata sa katawan ng lalaki. Napadako ang kanyang mga mata sa labi nito. Naging maling hakbang tuloy ang ginawa niya dahil agad naagaw ng kanyang atensyon ang mapupula nitong labi. Why this man has a very lovely lip?

    Hindi napansin ni Annie na unti-unti siyang patulala. Napatitig na lang ito sa labi ng lalaking nasa harap. Pinakatitigan niya ang pagbuka at paggalaw ng labi nito. Now, she wonders what it feels like to be kiss by this man. Natigilan si Annie ng biglang tumaas ng isang sulok ng labi ng lalaki. Naglakad palapit sa kanya ang binata na siyang ikinagising ni Annie.

    Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng tumayo ito sa harap niya na puno ng pagtataka. Salubong ang kilay nitong tinitigan siya.

    "Miss, are you okay?' tanong nito.

    Napakurap ng ilang beses si Anniza. Sobrang bilis ng tibok niya at rinig na rinig niya ang pintig noon.

    "Are you okay, Miss?"

    Nagising si Annie ng marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. It's so manly and makes her heart flinch a little. 

    Lumingon ang lalaki sa kasama nitong babae. "I think she need—"

    Hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla niya itong hinawakan sa braso. "I-I'm fine."

    Napatingin sa kanya ang lalaki at ngumiti. Nakita tuloy ng dalawa niyang mga mata ang pantay na pantay nitong mga ngipin. Bago pa tuluyang makalimot ulit si Annie ay tumayo siya bigla dahilan para magulat ang lalaki at mapa-upo sa sahig.

    "I'm fine, Sir. Thank you for your worries." Yumuko siya dito.

    Nais batukan ni Annie ang sarili ng mga sandaling iyon. Gagawa pa talaga siya ng eksena. Nagtaas lang ng tingin si Annie ng tumayo ng tuwid ang lalaki.

    "Miss, come with me."

    "Ho? Saan po?" Kinabahan siya bigla.

    "Exam. Kailangan mong kumuha ng exam bago ang interview. Follow me para makapag-exam ka." Tumalikod ang lalaki.

    Napapikit ng mariin si Annie. Ano ba kasing iniisip niya? At ano ba kasing kapalpakan ang itong pinanggagawa niya. Huminga siya ng malalim bago sumunod sa lalaking nakapagtulala sa kanya. Bakit ba kasi nakaka-distract ang mukha ng lalaking ito? Hinihiling niya na sana ay wala na siyang kapalpakan na gagawin.

    NAPATAAS NG kilay si Annie ng makita ang isang cup ng isang kilalang coffee shop sa table niya. Umikot ang kanyang mga mata sa loob ng departamento nila. Sino na naman baliw ang naglagay ng kape sa table niya? Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Annie bago kinuha ang isang note na naka-ipit. Napataas ng kilay si Annie ng mabasa ang note.

    'Are you sweet like this coffee?'

    Sino na naman kayang baliw ang naglagay noon at ganoon pa ang iniwang note? Inis na tinapon niya sa basurahan ang note at kinuha ang kape. Inilagay niya iyon sa isang sulok at sinimulang linisin ang kanyang mesa. She had a very busy day. Marami silang aplikante ng araw na iyon kaya kailangan na niyang taposin ang ilang trabahong naiwan kahapon.

    Busy na sa ginagawa nito si Annie ng may tumayo sa tabi ng table niya at walang babalang kinuha ang kape sa isang sulok. Napataas siya ng tingin at nanlaki ang mga mata na pinanood ang pasaway niyang katrabaho na iniinum ang kape na bigay sa kanya ng kung sino.

    "Ang sarap naman ng kapeng ito," anito pagkatapos ilapag ang baso. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Good morning, babe."

    Napasimangot si Anniza. Kung minamalas ka nga naman ng araw na iyon. Ang pasaway pa na si Joshua Jhel Wang ang unang makakaharap niya ngayong araw. Bakit ba kasi naging kadepartamento niya ang baliw na pamangkin ng big boss? Joshua Jhel Wang, ang lalaking naging dahilan pagkapahiya niya ng araw ng kanyang job interview sa kompanya. Ito lang naman ang lalaking naging dahilan ng pagkatulala niya. Ang lalaking sobrang gwapo at hinangaan niya agad ng araw na iyon. Hindi niya akalain na ang pagkatao nito ay ibang-iba sa taong inaasahan niya. Halos maguho ang mundo niya ng makilala ito ng tuluyan. Ang dating hinahangaan niya na lalaki, ngayon ay kina-iinisan na niya.

    "Bakit mo ininum iyan?" May bahid ng inis niyang tanong dito.

    Napatingin si Joshua sa baso. "Akala ko ay ayaw mo. Itinabi mo na lang kasi basta-basta. Naghihinayang ako."

    Tumaas ang kilay ni Annie. "Pero sana, nagtanong ka muna bago mo kinuha at ininum. Alam mo bang kabastosan ang ginawa mo?"

    "Did I offend you? I'm sorry, babe. Gus-"

    "Could you stop calling me 'babe'?" Sinamaan na niya ito ng tingin.

    "Why? I called everyone babe here."

    Lalong na-inis si Anniza sa sinabi ni Joshua. Inirapan na lang niya ito at ibinalik ang mga mata sa computer. Wala siyang mapapala kung papansinin niya ang baliw na pamangkin ng big boss. Hindi niya alam kung bakit kailangan nitong inumin ang kape niya. Hindi sapat iyong naghihinayang ito. Mayaman ang pamilya ni Joshua kaya alam niyang nabibili nito kung ano ang nais.

    "Annie, galit ka ba?" Kinalabit siya ni Joshua sa kanyang balikat.

    Napahinto si Annie sa pagtipa sa keyboard at huminga ng malalim. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Naiinis pa din siya sa lalaking katabi. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong ginagalaw ang pagmamay-ari niya. 

    "Annie, kape lang naman iyon. Kung gusto mo bibili ako ng ganoon. Ilan ba an-"

    "Pwede ba Sir Joshua, umalis ka sa harap ko at bumalik ka na sa table mo. Isturbo ka sa trabaho, kita mo ba kung gaano karami itong kailangan kong tapusin tapos marami pa tayong aplikante ngayong araw."

    Nakita niyang napasimangot si Joshua pero hindi pa rin umalis sa kanyang harapan. Wala talaga itong balak na tigilan siya. Inihinto niya ang ginagawa at humarap kay Joshua.

    "Wala ka bang rush papers ngayon? Hindi ba deadline mo ngayon sa pag-submit ng mga listing ng applicant na nakapasa para sa Mei Hotel and Resort Cebu branch."

    "Paano mo nalaman? Ikaw ha, tinitingnan mo ang pinapagawa sa akin ni Maleficent."

    Napakuyom ang isang kamay ni Annie. "Anong sinasabi mo? Kung iniisip mo na interesado ako sa ginagawa mo, pwes, nagkakamali ka. Umalis ka na nga sa harap ko. Isturbo ka." 

Gusto na talaga niya sigawan ang binata ngunit hindi niya magawa. Wala siyang balak na sigawan ito at gumawa ng eksena. Last time she done those things; someone pick a fight at her. Inakala kasi ng fans club nito sa loob ng opisina ay may relasyon silang dalawa. Kung alam lang ng mga ito kung gaano niya sinusumpa ang isang Joshua Wang. Walang araw na hindi siya na iinis sa binata.

"Hindi naman rush iyang ginagawa mo, Annie. Kwentuhan muna tayo. Wala pa din naman si Maleficent. Kamusta naman tulog mo kagabi? Napaginipan mo ba ako?"

"Bakit ka naman dadalaw sa panaginip ko? Gusto mo bang bangungutin ako. Mukha mo palang nakakatakot na."

"Ang sama mo, Annie. Hindi naman nakakatakot ang mukha ko. Ang gwapo ko kaya. Nakita mo naman kung paano pagpilahan ng mga ka—"

"Ahhhh!!!!" Tuluyan na siyang narindi sa sinasabi nito. Tumayo siya at dinuro ito. "Isa kang malakas na bagyo." Sigaw niya. Wala na siyang paki-alam kung muli silang pag-usapan ng kanilang mga ka-opisina. Napipikon na siya sa lalaking ito.

    Nagulat naman si Joshua sa sinabi niya. Napa-atras ito bigla. Sinamantala niya iyon at tinalikuran ito. Naglakad siya papunta sa pantry. Kailangan niyang uminum ng malamig na malamig na tubig. Umiinit talagaa ng ulo niya kay Joshua. Tahasan ang pang-iinis nito sa kanya.

    Kumuha ng tubig sa refrigerator si Anniza at isinalin sa basong pagmamay-ari. Agad niyang ininum ang malamig na tubig. Lumuwag ang loob niya ng maramdaman ang paghagod ng malimig na tubig sa kanyang lalamunan. Ilang beses pang uminum ng malamig na tubig si Anniza para pakalmahin ang sarili.

    Natigilan si Annie ng tumunog ang phone niya na nasa bulsa ng suot na office coat. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti si Annie ng mabasa ang pangalan ng nag-iisang lalaki sa buhay niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag nito.

    NAGSALUBONG ANG KILAY ni Joshua ng mapansin ang mabilis na galaw ni Annie. Para itong may hinahabol sa bawat kilos nito. May pupuntahan ba ang dalaga na hindi niya alam. Kinuha ni Joshua ang cellphone na nakapatong sa table niya at mabilis na sinundan si Annie na malalaki ang bawat hakbang palabas ng departamento nila. Nagtataka siya sa kilos nito.

    Ma-aabutan na sana niya ang dalaga ng hinarangan siya ni Maleficent, ang head ng HR department.

    "Mr. Wang." Pormal nitong tawag.

    "Yes, Malefi-" Agad na tinikom ni Joshua ang labi ng mapansin kung ano dapat ang itatawag niya kay Mrs. Espejo.

    Nagsalubong ang kilay nito. "Anong itatawag mo sana sa akin?"

    Tumikhim si Joshua at ibinalik ang kaseryusuhan sa mukha. "Wala mo, Mrs. Espejo. May kailangan mo kayo?"

    "I need to talk to you. Come to my office." Tumalikod na ang matanda nilang HR.

    Napatingin siya sa harapan para hanapin si Annie ngunit wala na doon ang babae. Napabuntong-hininga na lang siya at sumunod na kay Maleficent na sinira ang diskarte niya ng pag-iinis ng araw na iyon. Kumatok muna siya sa loob ng opisina nito bago binuksan ang pinto. Naka-upo sa swivel chair si Mrs. Espejo. Seryuso ang mukha nito habang nagbabasa ng hawak na papeles. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito.

    Nagtaas ito ng tingin. "Come in and seat."

    Sumunod naman siya ditto. Umupo siya sa upuan na kaharap ng table nito. Isinara ni Mrs. Espejo ang hawak na papeles. Tumingin ito sa kanya.

    "What do you think of my position, Mr. Wang?'

    Nagsalubong ang kilay niya. "Ah… Anong ibig niyo pong sabihin?"

    Sumandal ang matanda. "How long you been in the company, Mr. Wang?'

    "Well, three years. Ito ang una kong trabaho pagkatapos kong magtapos ng kolehiyo."

    Tumungo si Mrs. Espejo. "Alam kong kulang pa ang mga kaalaman mo ngayon pero lahat naman ay matutunan mo."

    "A-ano po bang ibig niyong sabihin, Mrs. Espejo?"

    Umayos ng upo si Mrs. Espejo. "I'm going to take my early retirement."

    "What?"

    "You heard it right, Mr. Wang. And I want you to take my position."

    "Wait! Mag-reretire ka na?" Hindi niya makapaniwalang tanong dito. Hindi narinig ang huling sinabi ng matanda.

    Ang alam niya ay may dalawang taon pa si Mrs. Espejo bago ito mag-retire.  Bakit bigla nalang ito nagdesisyon ng ganoon?

    Ngumiti si Mrs. Espejo. "Yes. Ang totoo niyan ay kinukuha na ako ng anak ko na naka-base sa U.S. Gusto niya akong makasama kaya naman nagdesisyon akong pakawalan na itong trabaho ko."

    "Pero… Sino ang papalit sa inyo?"

    "Ikaw." Tinuro pa siya ni Mrs. Espejo.

    Nanlaki ang mga mata ni Joshua. Muntik pa siyang mutumba mula sa pagkaka-upo. Anong sinasabi nitong siya ang gusto nitong pumalit sa posisyon nito? Nagbibiro ba ito?

    "Bakit hindi ka yata makapaniwala, Mr. Wang?"

    "Bakit kasi ako? I mean, ilang taon palang ako sa kompanya at mas marami dito sa department natin ang mas nakakatanda sa akin."

    Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Mrs. Espejo. Sumandal ito sa upuan at pinagkrus ang mga braso. "Well, wala naman iyon sa tagal sa trabaho, Mr. Wang. It's about how efficient the person is at his work. Sa tatlong taon mo dito sa kompanya nakita ko kung paano ka magtrabaho. I already submit your recommendation letter to the CEO. Hopefully within this week, I heard a feedback from them, and I will start training you."

    "Wait!" Itinaas niya ang isang kamay dito. "Seryuso po ba kayo?"

    Ngumiti si Mrs. Espejo na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon simula ng pumasok siya sa MDHGC ay nakita niyang ngumiti ang pinakastriktong tao sa kompanya. 

    "Ikaw lang ang maluko sa atin, Mr. Wang. Alam mo naman kung anong ugali ko, di ba? Everyone called me 'Maleficent' here."

    Napalunok si Joshua. Napangiwi siya dahil sa sinabi nito. Alam pala nito na ganoon ang tawag dito. Pagkatapos makipag-usap kay Mrs. Espejo ay mabilis na pumunta ng CCTV room si Joshua. May gusto siyang panoorin na footage. Nagulat pa si Asher ng makita siya.

    "Anong ginagawa mo dito?"

    "Pwede bang makita ang footage ng five o'clock sa entrance ng building?" tanong niya ditto.

    Salubong man ang kilay ay sinunod ni Asher ang sinabi niya. May tiningnan lang ito sa computer nito at may isang video na nag-play sa malaking screen sa kwartong iyon. Nakita niya ang hinahanap na lumabas ng building at lumapit sa lalaking nakatayo sa gilid. Nagsalubong ang kilay niya ng makitang ngumiti ang babae at inilagay ang braso sa braso ng lalaki.

    "Siya ba iyong type mong babae sa department niyo. Mukhang may nobyo na ah." Komento ni Asher.

    Napakuyom si Joshua. Nakaramdaman siya ng inis sa kaalaman na may nobyo na ang babae pero kailan ba hindi nakuha ng isang Joshua ang gusto niya.

    'Hindi ako makakapayag. I want you for myself, Annie. Wala pang taong pwedeng tumanggi sa isang tulad ko.'

Welcome to Anniza and Joshua love story. Update every Saturday and Sunday.

HanjMiecreators' thoughts
Next chapter