"Wait, saan ka ba nakidnap?"
"Sa loob ng bar at kasama ko 'yong apat na 'yon." sabay turo sa apat na kalmado lang na nagmamasid sa paligid. "Teka paano mo nalaman na isang school 'to?" he curiously asked.
"Because nagtransfer ako dito pero di ko alam na gangster school 'to."
"Gangster school?!" sigaw niya kaya maraming nakarinig sa amin at lamapit sa kinaroroonan namin para malaman ang totoo.
Patay tayo nito. Nagsimula na silang magkagulo at sabay-sabay akong ina-atake ng tanong.
"What do you mean?"
"This is a gangster school? That's rediculous!"
"Why I am here? I didn't enrolled here!"
"OMG! This school is insane! They let the students hold a dangerous weapon!"
Nagkapatong-patong na ang kanilang mga tanong na di ko alam kung masasagot ko lahat.
"Magsitahimik nga kayo, di niyo ba napapansin 'yong mga nakapalibot sa atin na mga kalalakihan na may dalang baril? Baka isa-isahin tayong barilin mamaya pag nagkagulo tayo!" I furiosly talk to them kaya uminahon naman ang iba sa kanila.
"Okay gu---" magsasalita pa sana ako nang may nagpaputok bigla ng baril.
"Okay, all guest are now here? So, let's start the game!" Someone announced behind the speaker at nagsimula nang maghiyawan ang mga teenagers na nasa paligid namin.
Nagsimula na akong kabahan. Pinagpipilitan kaming i-akyat sa pabilog na stage.
"Welcome our special guests! I know that you are still confuse. So, let me explain to you that you are invited to join our school."
Nagulat ang mga kasamahan ko dito sa stag sa narinig, pwera na lang sa akin kasi dito naman talaga ako ipinasok ni papa.
"But in one condition," the voice behind the speaker added. "You must pass the entrance exam."
"That's bullshit! Wala akong balak pumasok dito!"
"Yeah, kaya pakawalan niyo na kami!"
Nagsimula nang magreklamo ang iba at ang iba naman ay nagtatangkang tumakas.
"Wait! Wag kayong padalos-dalos!" I shouted to the guys who really wants to go down from the stage. They didn't sense the danger!
I was about to grab one of them but it's too late, isa-isa na silang pinagbabaril ng mga kalalakihang nakaitim.
"What are you doing?!" I shouted furiously to the gun man, lalapitan ko na sana ang isa sa mga nabaril nang bigla akong hinila sa braso ko.
"Don't!" someone pulled me and hugged me tightly. Nakaharap ako ngayon sa dibdib ng isang lalaki at sa tingin ko ay ginawa niya 'yon para di ko masaksihan ang karumaldumal na nangyari sa mga nagtangkang tumakas.
Nanginginig na ako sa takot. Di ko alam ang mangyayari pagkatapos nito. Makakatakas pa ba ako ng buhay o magiging isang malamig na bangkay na lamang akong mamakauwi kay Daddy?
Di ko namalayan ay umiiyak na pala ako. Di ko akalain mula no'ng seven year ago ay makakakita na naman ako nang pagbaha ng dugo sa harapan ko mismo.
"Sweety ayos ka lang?" Di ko siya sinagot, takot na takot ako pero nabawasan 'yon nang bigla niyang hinagod ang likod ko at pinat niya ang ulo ko. I felt secured under his embrace kaya bigla kong naalala si Junho na lagi ring pinapagaan ang loob ko pag nasa delikado ako na sitwasyon.
"Ayos na ako, salamat." Marahan ko siyang itinulak at sinuklian siya ng ngiti. Hindi ko pa pala natanong ang pangalan ng manyak na 'to.
"You can call me Maze, what's your name?" nagulat ako dahil nabasa niya kaagad ang iniisip ko.
"I'm..."
"CHLOE?!" someone shouted my name behind my back. Napalingon ako sa taong 'yon na ikinagulat ko.
"JUNHO?!"
Anong ginagawa niya dito?!