WARNING- matured content... R-18... SPG? BXB Story: Siya si Kanye Anderson. Akala niya ay maayos na ang lahat. Nasa kanya na ang lahat lahat maliban sa isang bagay. Ang isang maganda at masayang pamilya kasama ang mahal niya sa buhay. At isa na doon si Elijah ng makilala niya ito. Pero wala siyang pag asang makamtam iyon dahil ang taong natutuhan na niyang mahalin ay asawa ng pinsan niya. Kaya naman mas pinagtuunan na lang niya ang pansin ang kanyang mga negosyo. Until one day, na ang akala niyang matagal ng wala ay bumalik at hindi lang nag iisa, kundi may dalawa pang sangkot sa pagbabalik nito. Na gugulo at magpapaalala sa kanya sa buhay niya noong kabataan niya. Sino siya? Sino ang taong iyong sa buhay niya? ***** Naghabol, nag stalk, nangulit siya para lang pansinin siya nito. Ipinagsiksikan ang sarili kahit alam niyang hindi siya nito seseryusuhin. At dahil sa kapangahasan at kapusukan niya noong kabataan niya ay nagbunga iyon ng isang alaala na kailanman ay hindi pwedeng basta na lang ibaon sa limot. Siya si Raellan Charles Dela Cruz, nagmahal siya ng isang lalaki na hindi alam ang salitang pagmamahal noon. Isang laro lang ang pag-ibig para dito. Kaya naman napilitan siyang lumayo dahil ayaw niyang mas masaktan sa piling nito dahil ipinapamukha sa kanya na isa lamang siyang pampalipas oras at hindi dapat siniseryuso. Nasaktan, nagpakalayo, bumangon ng buong puso at kalimutan ang lalaking iyon. Pero sadya bang mapaglaro ang tadhana? Kung kailan nakatakda na siyang magpakasal ay siya naman nagpakita ito sa kanya? Ano ang gagawin niya? Kung ito na ngayon ang lumalapit at inaangkin ang noon pa ay dapat sa kanya? Abangan!
Prologue..
This Chapter Dedicate to @Alkie02 na siyang nagbigay ng ibang ediya sa kwento ni Kanye. He is the one who push me na gumawa ng kwento nilang dalawa. Siya din ang nagbigay ng pangalan kay Reallan Charles na makakapareha ni Kanye at sa kambal.
Atin nang tunghayan ang kanilang kwento. Sana po magustuhan niyo.
❤❤❤
==¤==
"Dad, lets go, tito Jason is here." Tawag sa akin ng isa sa kambal. Si Francis.
Napangiti ako ng mapagmasdan silang dalawa. They are identical. Kaellan Francis and Kaellan Charles. At nakuha nila lahat ng features nila sa kanilang ama. Kanilang ama na matagal ko ng ibinaon sa limot. At sila ang tanging naging naiwan sa akin at naging bunga ng kapusukan ko noong kabataan ko.
I'm Raelan Charles Dela Cruz. 23 years old. Male but can get pregnant.
Noon akala ko isang sumpa ang kalagayan ko. Na nagbuntis ako kahit lalaki. Pero naging dahilan iyon para ipagpatuloy ko ang aking buhay na minsan ng nasira dahil sa pagmamahal ko sa kanilang ama. Naging marupok ako noon, nagpadala sa nararamdaman ko sa kanya. At dahil doon nasaktan ako at nagpakalayo. Dahil wala ding magandang naidulot ang pagpipilit ko ng sarili ko sa kanya.
But time can heal. Ngayon, wala na ang sakit na iniwan niya sa puso ko dahil nag iwan naman siya ng dalawang mahalagang kayaman sa akin. And they are my twin.
"Dad, dad are you with us?" Napakurap pa ako ng hilain naman ni Charles ang kamay ko na nakapagpagising sa akin at muling bumalik sa kasalukuyan ang aking pag iisip.
"Yeah baby. May naalala lang si daddy." Tanging sagot ko na lang sa kanila. Magkasabay na ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mga ulo nila at masuyong humaplos doon. I also give them a kiss in their forehead.
"Lets go na. Kanina pa nasa baba si tito Jason eh."
Napangiti ako at nagpahila na lang sa kanilang dalawa ng hawakan nila ako sa magkabilang braso ko.
Napakabibo nilang dalawa. Mag aanim na taon na sila sa susunod na limang buwan. Kaya naman pinaghahandaan ko iyon ng mabuti.
Nakangiti naman tumingin sa amin si Jason na ngayon ay matiyagang naghihintay sa sala ng bahay. Tumayo pa ito sa pagkakaupo at sumalubong sa amin. Awtomatikong kinarga niya ang isa sa kambal bago lumapit sa akin and give me a kiss in my cheek.
"Your beautiful." Bulong pa niya sa akin bago tuluyang lumayo. "Tara na, pagkatapos nating magpasukat ng damit ay mamasyal pa tayo para naman sulit na ang araw natin." Baling naman nito sa kambal na agad na sumang ayon at masayang masaya.
Tatlong taon na simula ng manligaw sa akin si Jason at tanggap ako, tanggap ang dalawang anak ko.
Sa simula ay hindi ko na intensyong magkaroon ng relasyon sa iba simula noong lumayo ako. Dahil hindi ko na kailangan ng kalinga ng iba dahil ang kambal na anak ko ay sapat na sa akin para maging kumpleto ang buhay ko.
Pero naging masigasig si Jason sa panliligaw sa akin. At mas naging doble pa ang pagsisikap niya ng malamang sa akin mismo nanggaling ang kambal. Tanggap niya ang kambal at sinabing aakuin niya ang dalawa na parang sa kanya sila galing.
Umabot ng isa hanggang sa maging tatlong taon na din simula noon at hindi parin nagbabago ang trato niya sa akin at sa kambal. Kaya naman nakagaanan ko na ito ng loob. Na unti unti na itong nagkakaroon ng puwang sa puso ko at ipinamulat sa akin na hindi daw ako dapat magpaapekto sa nakaraan, at kailangan na harapin ang kasalukuyan ng bagong simula, bagong kakilala, at dapat bukas ang puso para sa bagong pagmamahal.
He said that he can wait until na matutunan ko na daw siya mahalin. Kaya naman heto na kami. Halos isang buong pamilya na dahil dalawang buwan na lang ay ikakasal na kami.
Dito na kami magpapagawa ng damit na gagamitin namin bago kami magtungo sa Japan para sa kasal. Mas malapit na doon. Inaasikaso na namin ang lahat para lang matapos iyon at ng legal na ang pagsasama namin.
Kaya heto ako, sinasanay na ang sarili ko na lagi siyang kasama. Sinasanay ko ang katawan ko sa presenya niya. Sa hawak niya. At sa halik niya.
Nandoon parin ang pangingilad ko, at iniiwasan pang lumagpas sa halik ang pagsaluhan namin dalawa. Sabi ko sa kanya na, saka na lang kapag tapos na ang kasal naming dalawa.
"Hey! Baby, lets go." Untag niya sa akin sabay pisil ng kamay ko na hawak na niya ngayon. "Your mind is out of nowhere baby. Are you okay?" Tanong niya sa akin na may pag aalalang tuno.
"Okay lang ako." Halos hindi lumabas iyon sa bibig ko dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
"Dadday is always like that those few days tito. He always out of his mind." Sabi ni Charles na karga niya.
"Are you sure, that your okay?" Muli nitong tanong sa akin. "Napapansin ko din iyan simula ng magsimula nating asikasuhin ang kasal natin." May kung anong nakita kung pag aalangan sa boses nito na parang bang nasa isip ay baka nagdadalawang isip na ako sa naging pasya ko. "Baby, tell me." Aniya saka ibinaba si Charles. "Go first in the car babies. Susunod kami ng daddy niyo." Bilin sa dalawa.
Agad naman sila na tumalima at naiwan nga kaming dalawa. Hinarap niya ako at masuyong hinaplos sa pisngi habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.
"Nagdadalawang isip ka parin ba hanggang ngayon?" Tanong nito sa akin na puno ng lungkot ang mga matang nakatitig sa akin.
Isang ngiti ang isinagot ko sa kanya at humaplos din ang ang kamay ko sa pisngi niya. "Wala sa isip ko ang pagdadalawang isip Jason. Kaya alisin mo iyan sa isipan mo." Sagot ko.
"Kung nagdadalawang isip ka, sabihin mo lang sa akin Baby. Dahil kaya ko pang maghintay hanggang sa buong buo na sa puso at isipan mo ang pasya mo. I love you. And I really do. At hindi kita pipilitin. Alam mo iyan."
"I know that Jason. Kaya nga tinanggap ko na ang alok mo. At nagpapasalamat ako sa pagmamahal mo sa akin, at sa anak ko. At bago kita sinagot ay buong buo na ang pasya ko, dahil nagkakaroon ka na ng puwang dito." Sabay turo ng tapat ng puso ko.
Yumakap siya sa akin ng buong higpit. Ako man ay ganun din sa kanya.
"I love you baby."
"I love you too." Halos pumiyok pa ako ng sagutin ko iyon. I know, mahirap bigkasin ang salitang iyon lalo na kung hindi mo talaga mahal ang isang tao.
Ang sinabi kong puwang nito sa puso ko ay hindi ako sigurado kung nasa kalahati ba iyon. O sadyang nababaitan lang ako dito.
Kung magkaganun man, ay matututuhan ko siyang mahalin ng puong puso kapag kasal na kami. Natuturuan ang puso. Oo, may tiwala ako sa sarili ko na kaya ko ng ipagkatiwala sa kanya iyon ng buong pagmamahal.
"L-lets go." Kumalas ako ng yakap sa kanya. "Para agad na matapos. Excited pa naman ang dalawa." Aya ko na sa kanya at ako na mismo ang humila sa kanya.
=
"Dito lang muna kayo saglit baby, natanawan ko lang kasi ang isa sa colleague ko." Paalam sa akin ni Jason ng tumayo. At humalik sa nuo ko.
Nasa isang restaurant na kami para sa tanghalian matapos kaming magpasukat para sa mga damit naming apat.
"Sige lang." Pagpayag ko.
"Bantayan niyo si Daddy okay. Huwag niyong hahayaan na may ibang lumapit sa kanya." Pabirong bilin pa nito sa kambal na agad namang sumaludo sa kanya bilang sagot.
Naging magana ang dalawa sa pagkain nila habang nakatanaw ako kay Jason na lumapit sa isang lamesa sa hindi kalayuan.
Tumayo ang isa na nandoon at nakipagkamay dito. Halata na sinabi ni Jason na kasama kami dahil itinuro nito ang lamesa namin at kumaway pa sa amin. Kumaway din ako pabalik sa kanya.
Pero para akong nabuhusan ng isang drum na malamig na tubig at na estatwa ako ng makilala ang lalaking kausap niya.
Paano kong makakalimutan ang mga ngiting iyon. Ang mga malalalim na mata kung tumingin. Halos wala siyang ipinagbago sa higit anim na taon na lumipas.
Napalunok ako at nagbawi ng tingin sa gawi nila ng mapansin kong dumako na ang tingin niya sa amin.
No! This can't be happening. Bakit dito pa? Bakit ngayon ko pa ito nakita kung kailan nakamove on na ako at nagbabagong buhay na kasama ng lalaking gusto ko ng makasama sa buhay na tanggap ako at tanggap ang anak namin.
Gusto ko sanang tumayo na. Ayain ang kambal para umalis na sa restaurant na iyon pero ayaw kumilos ang katawan ko.
Pero mas napako ako sa kinauupuan ko ng mapansin kong palapit sila sa amin.
Damn it! Jason please.
Lihim akong nanalangin na sana hindi niya ako makilala. Malaki na din ang ipinagbago ko simula noon dahil hindi na ako ang dating Reallan Charles na nakilala niya.
I hope so! I hope so.
Sandali. Ang mga anak ko.
Pinilit ko ang sarili ko na kumilos para umalis na lang. Isasama ko ang kambal para hindi niya makita. Pero.....
"Baby. What happened?" Si Jason na tuluyang nakalapit sa akin at huli na para makaiwas pa.
"N-nothing." Halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko.
"You look tense. May dinaramdam ka ba?" Muli nitong tanong.
"W-wala. A-ayos lang ako." Muli kong sagot.
Pero mas nagimbal ako ng mapansin ko na ang kambal ay napatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin na din siya sa dalawa.
"They are cute. Mga anak niyo ba sila?" Tanong niya kay Jason. "Hi kiddo." Sabay gulo ng mga buhok nila ng ipatong ang mga kamay niya sa ulo nila.
"Hello po." Magalang na halos panabay din na bati nila sa kanya.
"Oo bro. They are my children." Sagot ni Jason sa kanya pero hindi nakaligtas sa akin ang tinging ipinukol niya. "By the way, met my fiance. Allan, baby. Colleague ko si Kanye. Kanye Anderson."
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya na nakatitig parin sa akin pero hindi maikakailang bahagyang kunot ang nuo niya na nakatitig sa akin. Nakikilala niya ba ako?
"Nice to meet you Allan." Sabi nito sabay lahad ng palad sa akin.
Alanganin na parang ayaw kong tanggapin ang pakikipagkamay niya ng maramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Jason sa siko ko kung saan siya nakahawak sa akin.
"N-nice meeting you too." Sabi ko na lang. Na agad ding binawi ang kamay ko matapos akong makipagkamay.
"If you don't mind. You can join us bro. Para naman may kasama kang kumain. Iyon lang kung may hinihintay ka pa." Alok ni Jason na lalong nakapagpahabag sa akin.
Ewan ko, mali pala ako ng akala. Na nakalimot na ako pero nandoon parin ang sakit na iniwan niya.
Iba din pala kapag hindi mo nakikita ang taong nag iwan ng malaking sugat sa puso mo na akala mo ay wala na iyon at naghilom na pero ngayon na nakita ko siyang muli ay bumalik lahat ng alaala na naiwan sa puso ko na matagal ng nananahan.
"Kung hindi ako nakakaabala sa date ng pamilya mo bro." Sagot niya dito.
"Oo naman bro. Come on." Saka nito inalok ang isang bakanteng upuan mismo sa tapat ng upuan ko.
Mabuti na lang hindi nakikisawsaw sa usapan at pumapagitna ang kambal. Para hindi niya mapansin ang pagkakatulad nila.
Hindi na ako umimik. Umupo na lang ako at pilit na iniiwas na lang na magawi ko ang tingin sa kanya na halata ko, hindi ko man derektang tignan ay napapasulyap siya sa akin.
"Daddy, I want Ice cream later." Charles said na katabi niya kaya halos sabay kaming napatingin dito na bumasag ng katahimikan sa pagkain namin.
"Of course baby. We will buy later." Si Jason ang sumagot.
"Me too, me too." Si Francis na agad din nitong sinang ayunan.
"I feel like, nakita ko na ang mga anak niyo pero hindi ko matandaan kung saan ko sila nakita." He said na napapatingin sa dalawa.
Muli akong napalunok ng magawi ang paningin niya sa akin at huli na ng bawiin ko ang tingin ko dahil nagtama na ang mga mata namin.
May kung anong sinasabi ang mga mata niya na hindi ko naman mapangalanan.
"Siguro sa mga health school program bro. Diba madalas ka naman minsan mag volunteer sa mga ganun."
"Mmm, I think so." Na sinabayan ng pagtango pero sa akin parin siya nakatingin.
"Excuse me. Magbabanyo lang ako." Nasabi ko na lang saka mabilis na tumayo.
"Go on baby."
"Thank you." Mabilis na tinalunton ko Comfort Room at nagkulong sa isang cubicle doon.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng mawala na siya sa paningin ko at hindi na ko na ramdam ang titig niya sa akin.
"Reallan Charles Dela Cruz. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko sa sarili ko na hindi ko din alam ang tamang kasagutan.
Anim na taon ng mahigit pero bakit parang naging sariwa parin ang mga nangyari noon.
"Damn it! Damn it Reallan. Damn it." Sunod sunod na mura ko sa sa sarili. Hindi ito maari. Nakalimot na ako. Nakalimot na.
Ahhhhhhh! Gusto kong sumigaw para lang sana mailabas ko ang kaba sa dibdib ko na nabuhay mula pa kanina.
Pero nasa pampublikong palikuran ako ay hindi ako makasigaw gaya ng nais ko.
Bigla akong nalito, ang daming katanungan sa isip ko at bumabagabag sa puso ko.
"Anong gagawin ko? Sana hindi niya ako makilala. Sana nga."
Kinalma ko ang sarili ko. Nagpalipas pa ng ilang sandali bago ako nagpasyang lumabas sa cubicle ng makabalik na sa kanila.
Kailangan kong humarap dito na tama at hindi iyong ganito na parang may hinala na siya.
Oo, I need to act like I don't know him. I will. And I can do that.
"It's been a while little Kitten."
Pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko na pagbukas ko ng pinto ng cubicle at nakasandal siya sa sink board habang ang mga kamay ay nakasalikop sa kanyan dibdib na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Seryuso na parang inaarok at hindi din makapaniwala na magkikita kaming muli.
Ang that little Kitten ay nagsasabing nakikilala nga niya ako.
*****
To Be Continued
*****