webnovel

Ang Huling Yakap

*"Parang kailan lang ano? Mga panahong pinangarap nating lakbayin ang mundo nung mga bata pa tayo" Sambit ni Anna habang tanaw ang karagatan. "Minsan, di naman ganun kasama ang mundo."* *"Dantr! Tignan mo ang mga isda!"* *"Ang tanging makakapagtawag ng pangalan ng libro ang itinakda."* *"Ako nga pala si Andalia."* *"Aba, may babae ka na pala Dantr!" Sigaw ni Aldrin. "Saan?! Aba! Oo nga! Kamusta!"* *"Matagal tagal na rin ang mga panahon, tinanggap mo na rin sa wakas, kuya.*"

"Hindi...." Biglang sambit ni Dantr habang nag-aagaw ang kaniyang katauhan. "Hindi maaari!" Gulat na sambit ng reyna habang unti-unting nawawasak ang mga tanikalang nakagapos kay Dantr. "....nangako ako.." Nilakasan ng reyna ang salamangkang kumakapit kay Dant habang patuloy na nag-aagawan ang halimaw at ang katauhan nito. *"Di ko inaasahang tatawagin mo si Aneria nung huling laban mo. Sa tingin ko tanggap mo na ang lahat sa mga panahong yun." Ngumiti lamang si Dantr at tumugon habang tanaw si Andalia sa gilid ng barko na tinatanaw ang mapayapang kagiliran, "Siguro. Siguro nga."* Bumukas ang libro at hinigop ang halimaw na kumakatawan sa pagkatao ni Dantr, inangat nito ang kaliwang kamay at tumugon ang dibinong espada kasabay ng librong Yvandria. "Aking Prinsesa, magiging maayos ang lahat." Kalmadong sambit ni Dantr habang tanaw sa mata si Andalia. "Mula sa relikong lumikha ng espadang aking dinadala.." *"Tama nga ang Propeseya, ipagkakaila mong ikaw ang itinakda."* "Dinggin mo ang tinig ko.. ANERIA!!" *Salamat sa pagbigay ng lakas simula ng mga bata pa tayo.* Nagbaga sa mahika ang dibinong espada at bumungad ang totoong anyo nito. Sinugod si Dantr ng napakaraming naglalakihang Zharun ngunit ang bawat hampas at atake kay Dantr ay pawang hinahati lamang ang isang mala-usok na hangin. Nagsumite ng itim na encanta ang reyna at umangat sa himpapawid ang estatwang dragon kung saan nakagapus ang Prinsesa konekta ang malalaking Yvandri Crytalia sa limang direksyon. "Walang sinoman ang pipigil sakin! Hindi kahit ang propeseya!!" Sigaw ng reyna at umusbong ang napakalakas na kapangyarihang naggagaling sa limang krystal. Mas lumakas ang paglawak ng itim na encanta sa buong arkipelago at kasalukuyang inaatake ng mga Zharun ang pitong kaharian ng Encantria mula sa Verrier. "Wala kang karapatan upang gayahin ang itsura ko, walang hiyang Zharun!" Biglang inatake ni Anna ang aninong encantang gumagaya sa kaniya. "Dantr!!! Sagipin mo ang Prinsesa!! Kaming bahala sa bulok na 'to!!" Sigaw ni Aldrin. "Sabi na eh, magiging seryoso 'to!!" Sambit ni Greg habang sabay nilang pinapalabas ang pinakamalakas na kapangyarihang taglay at hinarap ang nag ilan pang naglalakasan itim na salamangkero at mga naglalakihang Zharun habang si Anna ay kumakalaban sa Aninong Encanta habang nakabukas ang kaniyang sumpa.

---

"Sinabi ko na diba? Darating ang itinakda gaya ng nakasulat sa propeseya sabay ang nakatakdang pagbagsak ng kahariang ito." Sambit ni Andalia habang sinusubukang tawagin ang kapangyarihan ng Krystal. "Ako ang Propeseya!" Sigaw ng reyna habang nagsusumite ng napakalakas na itim na encanta sa himpapawid at lumikha ng mas maraming mga halimaw at naglalakasang aninong encanta patungo kay Dantr. "Gabayan mo 'ko, Aneria." Mahinang sambit ng ermtanyo at gayunding dumating sina Anna at sumabay sa naglalakasang sanggaan ng mga mahika at espada. "Sapat na ang sampung minuto." Sambit Anna at binuksan ang sumpa dumadaloy sa pagkatao niya. "Dantr, mauna ka na." Dagdag ni Anna at gayunding tumango sina Greg at Aldrin, nagpapahiwatig na sila na ang bahala at kailangan niya ng iligtas ang Prinsesa. Umiipon si Dantr ng malakas na enerheya sa dibinong espada at nawala sabay ang malalakas na pag atake at winasak ang mga pulsong naka konekta sa estatwang dragon kung saan hinihigop ang kapangyarihing taglay ng hiyas mula sa prinsesa. Bumungad sa galit ang totoong anyo ng reynang itim na encantang bumubalot sa pagkatao ni Arha. "Nangako ako sa sarili ko, simula ng mga oras na yun, na hinding hindi kita pababayaan." Sambit ni Dantr habang tanaw mula sa tuktok ng isang Yvandri Crystalia ang prinsesa at ang reynang itim na encanta. "...Sabay sa pagliwanag ng buwan, ang gabi ay tuluyang mawawalan ng dilim."

"Ako ang tanging dilim, na siyang kumakalaban sa dilim. Tinatawag ko ang kapangyarihan sa mga pahina ng libro..." Lumuhod si Dantr hawak pabaliktad ang dibinong espadang nakatutok sa nakalatag na libro. "..Yvandria at Aneria!...Maging isa!!" Itinusok ni Dantr ang dibinong espada sa librong Yvandria at bumukas ang sumpa at ang sainaunang Encantang nagmumula sa hiyas ng libro at naging isang kontroladong lakas at kapangyarihan. Bumungad ang isang anyo ng magkahalong liwanag ng Yvandria at dilim mula sa sumpa. "Ngayon, tapusin na natin 'to." Kalmadong sambit ng magkahalong boses ni Dantr. Bumungad ang ermitanyo sa taas ng reyna at mabilis namang nasangga ng isang malaking espadang encanta ang mabigat na atakeng dala ng dibinong espada. Mabilis na inaatake pabalik ng reyna ang ermitanyo ngunit nawawala ito sa hangin na pawang usok na lamang tuwing hinahampas niya ng encantang espada. "Salamat at itinabi mo ang mukha ng pinakamamahal kong ina." Biglang sambit ni Dantr, "Dahil hinding hindi ka magiging siya." Bumungad sa harap ng reyna. "Dantr! Ako ang iyong ina!!" Sambit ng reyna habang pinipigilan ang napakalakas na magkahalong pwersa ng sumpa at Yvandria dala ng dibinong espada. "Matagal ng patay ang aking Ina." Bumaon ang dibinong espada sa reynang encanta at sumabog ang napakalakas na pwersa at unti-unti naring nawasak ang tanikalang kumakapit sa Prinsesa. Napaluhod si Dantr at tumulo ang luha nito sa hawak na dibinong espada. Nasaksihan ni Anna at ng dalawa ang huling sanggaan at tumungo sa kinaroroonan ni Dantr at ng Prinsesa. "Dantr, Anna... Anak..." Bumungad napakalambing na boses ng espirito ni Arha at hinawakan ang pisngi ng mga anak. "Alam kong darating ang araw na makikita ko kayong muli. Ang araw na pipigilan niyo ang itim na encantang komokontrol at lumikop sa buong pagkatao ko." Tumulo ang luha ni Arha at niyakap ang dalawang anak. "Mahal na mahal ko kayong dalawa..." Huling bulong sa hangin ni Arha bago mawala. "Kuya, pumaalam na si mama." Sambit ni Anna habang nagpipigil sa luha. Sinagip na nila si Andalia at winasak ang ilan pang nakakapit na wala ng kapangyarihan tanikala sa mga kamay nito. "Prinsesa." Mahinang sambit ni Dantr nang bigla siyang niyakap ng napakahigpit ni Andalia. "Nangako ako, hindi ba?" Malambing na sambit ni Dantr at hinalikan siya ni Andalia. "Ahhmm, may ilan pang Zharun sa palibot." Napakuskos ng ulo si Greg habang nahihiya sa nakita. "Ako na ang bahala." Ngumiti lang ang Prinsesa at lumipad sa paitaas. "Ako si Andalia, ang Prinsesa ng Kahariang tagapagbantay ng lagusan ng dalawang mundo. Tinatawag ko ang kapangyarihan ng Yvandri Crystalia. Dinggin mo ang tinig ko." Bulong ng Prinsesa sa himpapawid nang nagsimulang lumiwanag ang limang krystal na nakalitaw palibot sa buong kaharian at unti-unting nilikop ang buong kalangitan. Nawalan na ng kapangyarihan ang Verrier at isa-isang napupudpud sa hangin ang lahat ng mga Zharun naiwan at itim na Encantang bumabalot sa kaharian. "Whooa!! Hahaha!! Ang galing!!" Sigaw ni Greg habang nasisilayan ang muling pagliwanag ng mundo at bumungad ang napakagandang islang puno ng mahihiwagang nilalang at ada at bumalik sa normal ang mga nakontrol na mga salamangkero at ilang mga mandirigma mula sa iba't ibang lahi. Muling bumalik ang dating kaluwalhatian ng Azerfaeil at bumalik sa normal ang mga naging itim na batong mga Avials gayundin sa Laziel. Muling bumalik ang limang Krystal sa limang parte ng kaharian ng Azerfaeil at nasagip na rin ang ilan pang Trinadiang kinulong ng mga Zharun.

*Minsan di naman talaga ganun kasama ang mundo.* Ngumiti si Dantr at tinanaw ang unang pagsinag ng araw sa buong kaharian habang nakasandal ang prinsesa sa kaniyanh balikat at hawak ang mga kamay nito.

"Teka, Dantr! Tignan mo!" Wika ni Anna habang hawak ang isang hiyas. "Palagay ko'y isa yang regalong iniwan ng inyong ina. Isa yan sa iilang hiyas ng Adryia, ang hiyas ng encanta." Wika ng Prinsesa at sabay nilang tinanaw mula sa tuktok ng kastilyo ng Verrier ang malawak na kagiliran at ang karagatan. "...Tara." Ngiting sambit ni Dantr at inilipad sabay ang Prinsesa. "Hintayin mo kami Dantr!!!"..

This is just the Ending of the First Journey. Thank you for reading my first ever written story. Baka may mga typos pa po pero Much Appreciated po sa mga bumasa. Godbless you.

DreamRealitycreators' thoughts