'Sa isla ng Iganda'
"Mauna ka na!! Tumakbo ka papuntang gubat! Hanapin mo ang ermitanyo at kailangan mong makabalik sa lagusan!" Pabulong ng ni Drake.
"Ang ermitanyo?! Hindi ba't alamat lang ang mga 'yon??" Pabulong na tanong ni Eudora.
Inilapit ni Drake ang ulo ni Eudora sa kanya at tinignan ito sa mga mata.
"Darating ang manlalakbay, hanapin mo siya."
"Ayon sila!!!" Sigaw ng itim na salamangkero.
"Siya ang nakasulat na i.." naputol ang pagsasalita ni Drake ng tumama sa kaniyang dibdib ang palaso.
"Drake!!!!!"
"Umalis ka na!! *Nagsusuka sa dugo*" pinilit ni Drake na tumayo at pigilan ang mga itim na salamangkero.
"Tanda!! Isakay mo na siya palayo! Ngayon din!",
"Sige na Eudora," pabulong ni Drake habang may bumuong ngiti sa labi.
"...Ako si Drake!! Ang ikalawa sa heyarkiya ng mga matataas na mandirigma ng Trinadia! Tinatawag ko ang huling kapangyarihang bumuhay sa lamang aking dinadala!!!..."
"Drake!! Huwag!!" Sigaw ni Eudora habang umiiyak at tinatakas papalayo.
Pumikit si Drake at pumatak ang luha mula sa mga mata nito.
---
*"Drake! Hahah, tignan mo oh! Oh diba?" Sayang bumungad sa mukha ni Eudora habang suot ang uniporme. Kakatapos lang ng koronasyon ng Prinsesa at binansagan na ang ilan sa mga mapipiling Avial na Heral.
"Makakasama na kita sa digmaan. Pangako di kita bibiguin." pangiting sambit ni Eudora.
"Oo na.., halika nga rito." masayang tugon ni Drake habang kinukuskos ang ulo ng dalaga.
"...at pangako, ililigtas kita palagi, asahan mo" mahina't palambing na pahabol ni Eudora.*
---
"...matagal mo na akong iniligtas, nuon pa. Tandaan mo.. mahal na mahal kita..."
"... Yvandri... Crystalia!!!!!!!"
"Draaaaaaaakkee!!!" Gusto niyang pigilan ngunit ang tanging magagawa niya ay ang sundin ang pagkakataong makatakas mula sa mga kamay ng mga itim na salamangkero.
*Drake, hindi ko pa nasabi sayo..kung gaano kita kamahal.* Patuloy ang pagpatak ng luha ni Eudora habang papalayo.
Lumiwanag ng napakalakas at lumabas ang mala-kristal na pakpak ni Drake. Sinugod niya ang mga itim sa salamangkero dala ang isang mahabang espada.
*Fredriez, makakasama na kita.*
Napatumba niya ang ilan at unti-unti na siyang naglaho na pawang napupudpud na kumikinang na kristal sa hangin.
"May tumatakas! Habulin niyo!!" Utos ng isang Itim na salamangkero.
Hinabol ng ilang alagad na salamangkero sina Eudora.
"Ihanda niyo na ang susunod na ipapadala sa karagatan!" Utos ng isa sa namumuno.
...
"Nasisilayan ko na ang isla! Mga ilang oras na lang at mararating na nating ang Iganda!" Sigaw ni Aldrin sa manibela ng layag.
Nagmamasid lang sa paligid ang prinsesa at si Dantr ay nagpapatalim ng kaniyang espada.
"Dantr, pwede kong mahawakan ang espada?" Tanong ng prinsesa.
Ibinigay ni Dantr sa kamay ni Andalia ang espada at nang binuhat ng prinsesa ay biglang humilay paibaba ang itaas na parte nito habang nasa hawakan ang kaniyang dalawang kamay.
"Ang bigat! Di ka ba nahihirapan sa pagdadala nito?" Pagkamanghang tanong ng prinsesa.
"Di ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ko, marahil anak ako ng isang taga-mundo niyo." Inalsa ni Dantr ang espada ng parang simpleng maliit na punyal ang dinadala.
"Dantr! May ipapakita ako sayo....." Natutula si Anna ng biglang makita ang napakaliwanag na bagay sa malayo.
"Sa isla ba nanggagaling ang liwanag na yan?" Pahabol na tanong ni Anna.
"May mga Avials na nandito?" Nagtatakang tanong ng prinsesa sa sarili.
"Avials? Isang Avial ang liwanag na yun?!" Gulat na tanong ni Anna.
"Hindi yun basta bastang liwanag, yun ang pagtawag ng direkta sa krystal ng aming mundong sa mundo ng mga tao upang magkaroon ng kapangyarihang dala ng Yvandri kapalit ang buhay ng sino mang Avial ang tumawag sa pangalan nito." Wika ni Andalia.
"Mukhang may haharapin na naman tayo ah?" Tanong ni Greg habang may sabik na ngiti sa labi.
"Aldrin!" Mahinang sigaw ni Dantr, "ilayag mo pakaliwa, hindi tayo pwede direktang dumaong sa kung saan nanggaling ang liwanag"
"Tama si Dantr, maaaring may masamang nangyayari sa isla" dagdag ng prinsesa.
Di nagtagal ay narating na nila ang isla at dumungka sa isang baybay malapit sa nayon ng Avi.
Naiwan ang halos lahat ng tauhan upang magbantay sa barko habang sina Dantr, Andalia, Anna, Aldrin at Greg ay nagtungo sa nayon. Natagpuan nila ang lugar at may napansing kakaiba. May mga umiiyak at nangungulila at ang iba ay halatang may galit na dinadaing. May mga wasak na bahay at ang iba ay nasusunog.
"Ano pong nangyari dito?" Nilapitan ni Anna ang isa sa nangungulilang babae.
"Mga halimaw ang mga salamangkerong yun! Kinuha nila ang halos lahat ng mga lalaki sa lugar namin, bata, matanda, kapatid, ama. Mga wala silang puso!!" Iyak na iyak ang babae sa isang sulok ng isang kubo.
"Saan po sila nagtungo?" Tanong ni Anna.
"Ano bang pakialam niyo ha?! Parang akala niyo may magagawa kayo ah!" Sigaw nito.
Lumapit ang isa sa pinuno ng nayon.
"Nandito ba kayo upang tumulong? Pakiusap po, tulungan niyo ang lugar na 'to. Mukhang mga mandirigma kayo mula sa dakong hilaga. Pakiusap po." Nagmakaawa ang pinuno at lumuhod sa harapan nila.
"Saan po sila nagtungo? Saan po sila dinala?" Naaawang tanong ni Andalia.
"Papunta silang timog kanluran, malayo-layo ang kampo ng itim na mga salamangkero mula rito subali't isa lang ang daan papunta roon, ang madilim na gubat." Pagpapaliwanag ng pinuno.
"Huwag po kayong mag-alala, ililigtas namin ang mga mahal niyo sa buhay" dagdag ni Andalia.
Tumakbo sa isang bahay ang pinuno at dali-daling bumalik dala ang ilang bote ng potion.
"Heto, makakatulong ito sa lakbay niyo. Regalo iyan ng isang mabuting naka asul na salamangkero."
"Asul?..." Tinignan ni Anna si Dantr.
"Dantr, ang habilin ng ama mo."
Tinanaw ni Dantr ang timog at nag-umpisang maglakad.
"Teka! Hintayin mo naman kami!.. Mamang pinuno, salamat po!" Pasigaw na paalam ni Anna sa pinuno. Habang papalayo sina Dantr mula sa nayon biglang nawala ang matandang pinuno nang tanawin muli pabalik ni Andalia.
Sinimulan na nilang maglakbay patungo sa madilim na gubat. Habang papasok, pawang bumubulong ang gubat at binabalaan silang huwag ipagpatuloy ang pagpasok sa gubat na yaon. May mga mahihinang sigaw na dapya ng hanging may dalang bulong ng mga ligaw na boses habang sila'y papalapit sa gitna ng gubat.
*Ulyaw ng mga patak ng tubig*
*Ssss..krkk...* Naririnig ni Dantr ang mahihinang hakbang na papalapit. Hindi katulad sa tunog ng hakbang ng mga kasama niya.
"Sshhh!" Tumigil si Dantr at pinansin ang paligid.
*Kreishhhhh..sshhkrr!!!*
Bumungad sa kanilang harapan ang isang higanteng gagamba na may itim na usok na nagmumula sa kanilang mata. Di kalaunan ay pinalibutan na sila ng napakaraming naglalakihang mga gagamba at unti-unting umatake.
"Bantayan niyo ang kaniya-kaniyang likod! Huwag kayong magpapahawak sa mga galamay! Magiging itim na bato ang matatamaang parte ng katawan niyo!" Binaba ni Dantr ang ilang dala at inilabas ang dibinong espada.
"Anna", tawag ni Dantr na pabulong sa hangin.
"Oo Dantr, akong bahala" tugon ni Anna.
*Hindi pwede matamaan ang Prinsesa* Nagkulay kahel na ang mga mata ni Dantr at umabante sa atake na parang sumasabay sa hangin sa bilis.
*Ureàlî hänzéârü vèrieladientô...*
"Anong ginagawa ni Anna??!" Tanong ng prinsesa habang pinapalibutan nina Aldrin at Greg.
"Basta, hindi ka pwedeng mahawakan ng mga ito. Diyan ka lang, yan ang utos ng ermitanyo."
"Marami sila, kailangan ni Anna'ng gawin 'to."
Pinalibutan ng dalawa ang prinsesa.
*...Ylèävíreàn fîérô védríl..*
Patuloy ang pagbigkas ni Anna ng Salitang pangsalamangka habang papalapit ang mga halimaw.
Unti-unting napapalibutan ng lumiliwanag na halang sina Andalia, Aldrin at Greg habang nagkukulay kahel na ang mga mata ni Anna.
*..gréâlíchén êúvíléiâ révinàà!!..*
Umusok ng maitim ang katauhan ni Anna at tumayo pasulong sa nagbubundukang mga halimaw.
"Diyan lang kayo, walang makakagiba ng salamangkang iyan" kalmadong wika ni Anna.
"Bakit nagiging pareho ni Dantr si Anna?!" Nagtatakang tanong ni Andalia habang tanaw ang naglalakasan sagupaan ng mga halimaw laban kina Dantr at Anna.
"Magkapatid sila. Pareho nga sila, ngunit hindi kompleto ang kapangyarihan ni Anna kaya't kailangan niyang pagliningin at buksan ang kapangyarihang nakabaon sa kaniya sa pamamagitan ng salitang salamangka." Kinikuwento ni Aldrin sa prinsesa habang sabay na nakipagsanggaan si Anna kay Dantr laban sa mga halimaw na pawang dalawang magkaibang napakabilis na hangin.
"Ngunit may hangganan ang kapangyarihan ni Anna kompara kay Dantr. Subali't sila lang ang tanging makakahawak sa itim na usok na dala ng mga gagamba." Dagdag ni Aldrin.
Lalo pang dumami ang mga halimaw na gagamba at sa lawak ng gubat na ito, halos lahat ng gagamba ay sunod sunod ang pagsugod.
"Heto, makakatulong ito sa lakbay niyo. Regalo iyan ng isang mabuting naka asul na salamangkero."
*Ang bote ng potion* naalala ng prinsesa at kinukuha ang mga ito sa isang pakite.
"Dantr!!" Sigaw ni Andalia sabay hagis nito ng mga potion, "Gamitin niyo!"
Hinagis ni Dantr sa lupa at nagliyab ng kulay asul at napansing lumalayo ang mga halimaw mula rito.
"Anna! Kahinaan nila ang asul na Apoy!" Hinagis ni Dantr ang ilan kay Anna at sabay nilang pinagliyab ang mga naglalakihang gagamba. Natunaw sa hangin ang lahat ng natamaang gagamba at tumakbo papalayo ang mga naiwang halimaw.
Nawalan ng malay si Anna at nahulog sa di kataasan. Nasalo siya ni Dantr at nawala na din ang salamangkang pumuprotekta kina Prinsesa Andalia.
"Anong nangyari? Anna! Anna!" Nag-aalala sambit ng prinsesa.
"May limitasyon ang kapangyarihan ni Anna. Kompara sa kapangyarihang taglay ko, sumpa ang maituturing sa kaniya. Mahigit sampung minuto lang ang itatagal niya kung gagamitin niya ang kapangyarihang taglay at kapag ipinagpatuloy niya ay mawawalan siya ng malay at maaari niyang ikamatay. Subali't sa sampung minutong yaon ay kaya niya makipagsabayan sa lakas at bilis ko." Paliwanag ng ermitanyo.
"Di ko alam, magkapatid pala kayo" wika ng Prinsesa.
"Aldrin, ang dahon ng yvea." Utos ni Dantr.
"Teka, nanggaling sa mundo ko yan ah?!" Biglaang tanong ng prinsesa.
"Mahabang kuwento." Tugon ni Dantr habang patuloy na ginagamot si Anna.
"Tapos na. Magiging mabuti na ang kalagayan niya." Wika ng ermitanyo.
*Umubo't nakahinga ng malalim si Anna* "...ahhh...muntikan na ako dun ah.."
"Magpahinga ka na muna." Sambit ng prinsesa.
Nagpatuloy ang paglalakbay nila patungong timog kanluran sa isang malawak na madilim na gubat habang sakay ni Aldrin si Anna sa kaniyang likoran
"Malapit na tayo." Wika ni Dantr habang tanaw ang liwanag sa dulo ng gubat.