"Palubog na ang araw, dito na muna tayo magpalipas ng gabi." Wika ni Dantr nang makarating sila sa isang abandonado at maliit na nayon. "Anna, maglagay ka ng kadina palibot sa labas ng bahay na to." utos ni Dantr. "Eto na!" Sagot ni Anna.
"Bakit? Para saan?" Nagtatakang tanong ni Andalia.
"Nagbabaga at nagliliwanag ang kadinang bakal tuwing may papalapit na mga halimaw gaya ng ogre at ilang mahihinang nilalang. Napapaso sila nito, magkaiba ang bakal niyo sa bakal mula sa mundo ng mga tao." Wika ni Anna.
Nag ayos na ng matutulugan si Dantr para sa dalawa at tinapos na rin ni Anna ang paglalagay ng bakal na kadina sa palibot. Umupo lang si Dantr sa harap ng apoy sa gilid ng kubo habang nagbabasa ng libro.
Nakatingin si Andalia kay Dantr nang magsalita si anna,
"Iba siya sa lahat. Hindi siya pangkaraniwang tao, o sabihin na nating ekstra-ordinaryong nilalang. Marahil nasabi niya na rin sayo, dalawang mundo ang bumubuo sa pagkatao niya. Ang mundo niyo at ang mundo ng mga tao. Ilang daang taon na nung unang bumukas ang lagusan mula sa mundo niyo at may isang dalagang tumawid dito. Nakilala nito ang ama ni Dantr, nagkatuluyan at nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Ngunit dumating ang araw na nawala na lang ng biglaan ang ina ni Dantr. Marahil may dahilan ito at hanggang ngayon, dala niya ang mga tanong at mga bakit. May tanong lang ako, imortal ang mga nilalang sa mundo niyo, tama ba ako?"
"Tama ka. Nabubuhay nga kami ng daan-daang taon pero namamatay din kami kung sadyang papatayin kami gamit ang armas." Sagot ng Prinsesa.
"Narinig ko, isa ka palang Prinsesa sa mundo niyo, paumanhin kung ganito kami dito" dagdag ni Anna.
"Naku huwag mong isipin yun, wala ako sa kaharian namin kaya wala kang dapat ipag-alala" nahihiyang sagot ni Andalia.
Ilang oras ang lumipas nang makatulog si Dantr sa upuan sa harap ng apoy at ang dalawa sa kubo, nagising ang Prinsesa ng biglang may napansin siyang lumilitaw na maliit na apoy na parang tumatawag sa kaniya. Bumangon at sinundan niya ito palabas ng kubo. Tumigil ang apoy sa isang sulok ng bigla siyang hatakin ng isang ligaw na Zharun. Bago pa man makuha ang Prinsesa ay biglang naputol ang kamay ng Zharun.
"Pumasok ka, huwag kang lalampas sa kadina." Kalmadong utos ni Dantr sa Prinsesa habang kaharap ang walong ligaw na Zharun. Pinalakas ni Anna ang apoy at nagbungad ang iilan pang mga ligaw na Zharun.
"Sa tingin ko sila ang naninirahan sa nayon na 'to!" Sigaw ni Anna kay Dantr.
"Diyan lang kayo." nagsindi si Dantr ng sigarilyo at inilabas ang dibinong espada.
Hinagisan ng unang Zharun si Dantr ng maitim na apoy at mabilis na mga pag atake. Subali't mas mabilis si Dantr sa inaakala nila. Habang naglalaban, ang maitim na usok na nagmumula sa Zharun ay pawang nagiging matigas na espada at panangga ng mga ito.
"Ngayon ko lang nakitang ganiyan ang mga Zharun." gulat na wika ng prinsesa.
"Ang espada ni Dantr ay nilikha mula sa itim na usok ng Zharun at ang pinakamatigas bakal na mahahanap sa mundo ng mga tao." bungad ni Anna.
"Ngunit..walang nilalang ang may kakayahang makakahawak sa itim na usok ng Zharun!!"
Napangiti lang si Anna at si Dantr ay napangisi habang hawak ang libro sa kanang kamay at ang dibinong espada sa kaliwa. Dala ng malalakas na hampas ng hangin, ang manto ni Dantr ay pawang naililipad at bumungad ang isang marka sa kaniyang noo. Lumiwanag ng mala-mahiwagang kahel sa kaniyang mga mata at siya'y pawang nagiging itim na hangin sa sobrang bilis at lakas.
"Hindi lang siya tao, at hindi rin siya halimaw. Siya si Dantr" pangiting bigkas ni Anna.
*Iba siya sa lahat. Hindi siya pangkaraniwang tao, o sabihin na nating ekstra-ordinaryong nilalang. Marahil nasabi niya na rin sayo, dalawang mundo ang bumubuo sa pagkatao niya. Ang mundo niyo at ang mundo ng mga tao.* Biglang naalala ng prinsesa ang mga katagang iyon ni Anna.
Isang pagbihirang bilis at lakas. Patuloy siyang nakikipaglaban habang si Anna ay pinuprotektahan ang prinsesa.
Malapit na sanang mataman si Prinsesa Andalia ng isang Zharun nang dumaan ang mabilis na maitim na usok ni Dantr at hinati ang Zharun sa dalawa at binuhat palayo si Andalia.
"Mag-ingat ka." kalmadong salita sa mga bibig ni Dantr at biglang namula ng di inaasahan ang Prinsesa.
"Whohoaa! Hahaha! Dito ka lang, sasali ako sa laban!" Nagpipigil na nagsasabik na wika ni Anna.
"Teka!!....Ang lalakas nila, nasa mundo ba talaga ako ng mga tao?" Tanong sa sarili ng Prinsesa at humanga sa kakayahan at lakas ng dalawa.
Malapit na rin ang liwanag, parating na ang madaling araw. Natapos na rin ang labanan at patuloy na naglalakabay ang tatlo para sa patuloy na paghahanap sa itinakda.
Nakarating sila sa isang maliit na bahay na pwede nilang pagkainan. Wala pa ring tao kaya't pinili nilang doon na lang mag-agahan.
"Marahil na nagtataka ka? Kung bakit may mga Zharun dito?" Tanong ni Anna kay Andalia.
"Kaya nga, bakit nga ba? Paano sila nakapunta sa mundong 'to?" Tanong ng prinsesa.
"Daang taon na ang nakakaraan. Katulad sainyo, mapayapa ang mundong 'to. Subali't dumating ang delubyong dala ng mga Zharun ng mga panahong tumawid ang aking ina sa lagusan ng dalawang mundo. Yun ang dahilan kung bakit nilikha ang espadang ito." Bahagi ni Dantr.
"Kasali nga ba ako sa propeseya? Bakit kailangang ako ang magiging dahilan sa kasasaysayang iguguhit sa mundo niyo?" Nag-aalinlangan tanong ng prinsesa.
"Dahil ikaw ang tanging Avial na may apat na pakpak." biglaang sagot ni Dantr.
"Ha?! Anong kinalaman ng pakpak ko? at tsaka paano mo nalaman?! Wala akong pakpak ng mga panahon ng una nating pagkikita ah?!" Takang-takang tanong ng Prinsesa.
"Di ko nakikita, pero nararamdaman ko." Mahinang sagot ni Dantr habang kinakain ang isang malaking hati ng inihaw na karne.
"Tsaka sa espada ba nanggagaling ang maitim na usok sayo? Kaya ba't nagiging itim na hangin ka dahil sa..."
"Ahhmm! Marami pang pagkain!, alam kung nagugutom ka Prinsesa!" Pangiting alok ni Anna at pasimpleng pagputol ng malalim na pag-uusap ng dalawa.
"Wag mong tatanungin ang mga bagay tungkol dun." pabulong ni Anna sa Prinsesa.
Nagpatuloy sila sa paglalakbay patungong Timog at may nakaharap na ding ibang mga mahihinang nilalang na kumakalaban at gustong dumukot sa prinsesa. Nakarating na rin sila sa baybay ng dagat sa lupain ng Endral. Isa sa malalaking syudad sa kontenente ng Demiulera.
Nanatili muna sila roon at tinamasa ang kagandahan ng baybay at ang kamangha-manghang paglubog ng araw sa kanluran. Nagtampisaw ang dalawa sa dagat at si Dantr naman ay nagpaiwan lamang sa baybay upang maglinis ng kaniyang espada at magbasa ng libro.
"Tanong ko lang, ba't palaging hawak ni Dantr ang libro tuwing lumalaban siya?" Nagtatakang tanong ng Prinsesa.
"Di ko nga rin alam eh, marahil may malaki siyang dahilan, at dahil narin siguro sa alaala ng kaniyang ama." sagong ni Anna habang nagtatampisaw. Binasa ni Anna si Andalia ng pagwisik ng tubig nang matamaan si Dantr sa mukha. Umusok ng kaunti ng maitim ang kaliwang mata ni Dantr at nawala rin. "Nagalit siya?" Tanong ng prinsesa. "Eeish! Asar lang yun, nukaba! Huy Dantr! Di ka maliligo?"
"Wag kang ano, ihahagis kita sa gitna ng dagat pag di ka tumigil." Malumanay na parang galit na sagot at tanong ni Dantr.
"Oo na nga!!" Tugon ni Anna.
*Di ko alam kung ano ang dala ng tadhana. Kung bakit kailangan kung iwan ang aking mundo at kung bakit ko nahanap ang magigiting na mga mandirigmang ito. Pero kung sakaling isa nga ako sa naisulat sa propeseya, at isa sa guguhit sa kasaysayan ng dalawang mundo, kung gayon, umpisahan na natin ang tunay na paglalakbay, Andalia* Ngumiti ang prinsesa habang nakatingin sa napakagandang tanawin sabay ng paglubog ng araw.
"Pero teka!!, Palubog na ang araw! Baka susundan ulit tayo!" Nag-aalalang tanong ng Prinsesa ng biglang may bumungad na mala-kampanang tunog at isang mala-piratang barko.
Ngumiti si Anna, "Nandito na sila, Dantr!"
"Abaa, di namin alam may syota ka na pala Dantr? Hahaha!" wika ni Aldrin sabay tawa, isa sa pinakamalakas na alagad ng kaniyang ama.
"Huy saan?! Abaaaaa! Oo nga!!" Isa rin itong si Greg. Tumungo ang ibang mga tauhan at tinignan sabay kantiyaw at tawanan.
Ngumiti si Dantr at tumayo dala ang mabibigat na sanggang nakapulipot sa kaniyang katawan at ang espada't libro.
*unang beses ko siyang nakitang ngumiti, ba't ang lakas ng dating niya*
"Huy namumula ka na! Tara, sakay na tayo! Hahaha." masiglang panggulat ni Anna sa Prinsesa.
At nagpatuloy silang naglakbay sa dagat ng Halea patungong timog.
Nandun lang si Dantr sa harap na parte ng barko tanaw ang paghampas ng tubig sa dagat habang may bumubuong mga tanong sa kaniyang isipan, "Ama, anong kailangan kong malaman? May sekreto bang dapat kong matuklasan? Anong mayroon sa timog? Salamangka? Salamangkero? Bakit mo sinulat ang mensahing yon? Nakasulat din ba ako sa propeseya?"
"Dantr..." napatingin si Dantr sa Prinsesa sa malumanay nitong pagtawag habang nakangiti, "Tara, kain na tayo."
Ngumiting tumango si Dantr sa Prinsesa at tinapik ang ulo nito.
"Ngayon ko lang napansin, ang ganda mong Prinsesa." Mahinang bigkas ng Ermitanyo.
"Ha?" Nabigla't namula ang prinsesa sa narinig.
"Tara, akala ko kakain na tayo?" Tanong ni Dantr.
"Ahh, ehh, ano.. oo nga." Madaling sambit ni Andalia at dali-daling pumasok sa loob.
---
"Mahal na reyna! Nahanap na namin ang prinsesa!" Sambit ng alagad na Zharun
"Magaling!, subali't bakit di niyo parin siya dala dala kung nahanap niyo na?" - kalmadong tanong ng Reyna ng Verrier habang nagsusumpungan ang dalawang kilay.
"Kasa-kasama po niya ang isa sa mga alagad ni Ferrir, at...." takot na sagot ng isang bagong dating na alagad habang lumuluhod sa harap ng reyna.
"At?" Mahinang tanong ng reyna.
"...ang ermitanyo..napakalakas po niya..sadyang di namin kakayin sa kasalukuyang lakas namin.."
Napa-angat ang reyna ng kaniyang ulo na pawang nabigla sa impormasyong narinig niya.
"Matagal-tagal na rin tayong di nagkikita.. mahal kong anak.."