webnovel

Chapter 18: Unexpected Moment

Kinabukasan ay agad binigay ni Jeanlie sa kuya niya ang pang enroll para sa summer class nito. "Ito yung pang enroll mo this summer class oh! Tandaan mo kuya sana nga lang hindi ka nagloko, kasi kung nagloloko ka, hinding hindi kita mapapatawad. "pariin na bulong ni Jeanlie sa kuya para hindi sila marinig ng ina na nasa kusina na naghahanda ng almusal. Hindi na hinantay ni Jeanlie na makasagot ang kuya niya, agad na siyang tumalikod at nagtungo sa kusina. "Ma binigay ko na po ang pang enroll ni kuya, at ito naman po ang gagastusin mo para sa pagkain natin sana makatulong po ito. Magbabaon pala ako ngayon ma, kasi wala na akong klase ,so whole day na po ang trabaho ko. "Sabay abot ni Jeanlie sa Ina ang pera, at dumeretso na itong umupo para kumain. "Naku anak subra-subra naman na ito, ikaw na nga ang nagbigay ng pang enroll ng kuya mo, tapos nagbigay kapa para sa pang araw-araw nating gastusin, nah dapat kami na ang didiskarte. "Sambit ng Ina niya na maluha luha na tinanggap ang binigay na pera ng anak. "Ma, ayoko kayong mahihirapan, kaya hayaan mo akong tumulong sa pamilya natin. "Palakas na sabi ni Jeanlie para marinig ng kuya niya ang kanyang sinasabi. Nagpasalamat nalang ang kanyang Ina at inihanda na ang kanyang babaunin. Habang ang kuya naman niya ang ay busy sa pagpindot ng cellphone na tila ba may kaaway sa katext niya dahil expression nito sa mukha. Nang matapos ng kumain ay agad namang naghanda sa sariling si Jeanlie sa sarili para sa trabaho. Nagpaalam na siya nito sa mga magulang. At inihatid naman siya ng mga ito sa may sakayan ng jeep.

****

Nang dumating na siya sa opisina ay agad siyang pinareport sa opisina ng CEO, dahil sa hindi pa siya nito naharap mula ng mag umpisa siya sa kompanya dahil sa subrang abala nito sa negosyo nila. Natigilan siya at bigla siyang kinakabahan, Sa isip niya ay makakaharap na niya ang lalaking nakita niya sa pageant na minsan ay tinulungan siya sa kabruhaan ni Margarette. Agad na kumawala siya ng isang malaking hininga at tinatahak na ang daan papasok sa opisina ng isang Jethro Montenegro. Pagbungad palang niya sa opisina nito ay langhap niya ang swabe at mabangong pabango nito. "Oh hi Ms Cruz! come in! "bungad nito sa kanya na nakangiti, parang tumigil ang mundo niya ng makita ang subrang gwapo ng mukha nito, medyo singkit ang mata, at may matangos na ilong, ang mga labi nito ay natural na namula mula, at pag ngumiti ay nagsilabasan ang malalim na dimple nito sa magkabilang pisngi. Kahit naka tie at suit ay makikita na may matipuno itong pangangatawan at matangkad ito na parang nasa 6'5 ang tangkad nito. At subrang bango pa na hindi masakit sa ilong ang ginamit nitong pabango. "Hey Ms. Cruz! are you okey? "tugon nito na wini wave ang kamay nito sa harapan niya para mapansin niya ito na kanina pa siyang natulala. "Bigla nalang siyang natauhan at oabigla niyang sabi. "Ay sorry po Sir! Goodmorning po! Agad nalang niyang bati sa kaharap na lalaki. Agad naman itong ngumiti at ginaguide siya papunta sa upuan na nasa harapan ng kanyangn mesa nito. Namangha siya sa opisina nito dahil sa subrang laki, pwedeng pwede maghabulan at maglaro ng basketball don dahil sa subrang lawak ng opisina.Natigilan nalang siya sa kanyang ehiminasyon ng magsimula na itong magsalita. Madaming tinanung ang lalaki tungkol sa buhay niya, sinagot naman niya ito ng buong katapatan.Hanggang sa nagtanung ito kung bakit siya ay sumasali-sali sa mga pageant at kakayanin ba niyang ipagsabay ang trabaho at pag-aaral. "Sumasali po ako sa mga pageant hindi po dahil sa sarili kung interest at para makilala po ako, sumasali po ako para makatulong sa pamilya ko, malaking tulong po kasi sa amin ang pera na mapapanalonan ko. Isang karpentero ang aking Papa, samantalang nasa bahay lang ang aking Mama, at nasa college pa po yung panganay kong kapatid , batid po sa mga mukha ng aking mga magulang ang hirap para lang maitaguyod nila kaming dalawang magkakapatid, kung kaya ginamit ko ang talento ko para makatulong sa kanila.Kung kaya malaking pasasalamat ko po na ako ang nanalo sa pageant na kayo ang nag sponsor dahil matutupad ko na po ang pangarap ko na makapag kolehiyo na walang gagastusin ang aking mga magulang.Kaya wala po akong dahilan na hindi kakayanin na isabay ang pagtatrabaho at pag-aaral. Oportunidad na po ito kaya kakayanin ko. "Mahabang sagot ni Jeanlie habang kumawala ng maikling ngiti. Nakangiti naman ang kaharap na binata na tila ba ay humahanga sa kanya madamdaming explenasyon. "So Ms. Cruz hindi kami nagkakamali na ikaw ang aming pinili, kung mayroong mga conflict sa gitna ng pag-aaral at pagtatrabaho mo , just let me know. We are here to guide you para hindi magkaroon ng problema sa pag-aaral mo. So Welcome to Montengro Shipping Lines. "Nakatayong tugon ni Jethro sa kanya at mabilis itong lumapit para ibiso-biso siya. Wala na siyang nagawa kundi suklian din ang binata. Habang papalabas na ng opisina ni Jethro si Jeanlie ay nakadama siya ng kilig at dinadaan na lang niya ito sa palihim na ngiti.

"Hala ka! Jeanlie yung kilig mo nadala mo pa dito oh, ano ang gwapo ni Sir Jethro nuh? makalaglag panty, lalo na pag ngumiti. "Sambit ni Feisha na nahalata ang pilit na tinatagong kilig niya sa tagpo nila ni Jethro. "Hindi ah! may nagtext lang sa akin ng joke quotes kaya ako nakatawa. "Tangging paliwanag ni Jeanlie kay Feisha. "Hoi bruha wag kanang magkaila, ganyan din ang naramdaman ko nung ini interview niya ako nung baguhan pa ako dito. Normal lang yan, halos mga babae dito pati yung mga may asawa na, ay crush si Sir Jethro nuh. "Padampi nitong sabi sa kanya. Kung kaya hindi na siya nakipagdebate dito, kasi totoo naman ang sinasabi nito na kinilig siya sa tagpo nila ni Jethro. Nag ngitian nalang sila na puro kinikilig. Kahit baguhan palang kasi si Jeanlie sa kompanya ay open na sila sa bawat isa, at tinuturing na din niya itong ate si Feisha, may asawa na din at dalawang anak ang ito. At naramdaman din niyang may malasakit din ito sa kanya kahit na bago palang silang magkakilala.

Next chapter