webnovel

Chapter 9 : Sabotage

Kinapkap ni Jeanlie ang kanyang alarm clock na nasa gilid ng kanyang higaan habang siya'y nakahiga para tingnan kung anong oras na. 5:30am palang. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos dahil sa halong kaba at excitement na naramdaman, ngayon na kasi ang big event na kanyang pinaghahandaan.Mamayang gabi pa lang ang pageant pero kailangan after lunch ay nandon na sila sa venue para mag insayo ng kaunti at ikabisado ang malawak na stage ng gymnasium.

****

Nagulat si Jeanlie ng may biglang bumagsak sa kanyang hinihigaan at nagtitili.

"Hoi besh anong oras na !gising na! malalate tayo mag alas onse na, diba dapat after lunch nandon na tayo sa venue? "sabay yugyog sa kanya ni Nathalie.

Inaantok pa sana siya ng marinig niya kung anong oras na ,bigla nalang siyang bumangon at dumeretso sa banyo at nagmamadaling naligo.

Ilang sandali ay bumaba na siya para kumain, at nandon na naghihintay sa kanya ang kaibigan na masayang sumusubo na kasama ang kanyang mga magulang.

Pagkakita sa kanya ni Aling Nina ay agad siya nitong tinawag para kumain.

"Ba't ba late kanang nagising? kung di kita pinuntahan sa kwarto mo eh malamang ngayon naghihilik ka pa. Pero ok na din yan besh atleast nakapagpahinga ka ng maayos, mahaba ang oras natin ngayon" tugon sa kanya ng kaibigan habang kumakain.

"Hindi kasi ako nakatulog ng maayos at kanina ,nagising ako ng alas singko ng umaga, kung kaya pinilit kung matulog ulit, buti nalang besh at ginising mo ako, your my angel talaga" sabay ngiti sa pisngi ni Jeanlie na sumusubo na rin ng pagkain.

"Anak goodluck para mamaya ha, aagahan kong umuwi galing trabaho para maaga kaming makarating sa venue para manuod" sabat ng Papa niya na nasa harapan niya na kumakain.

"At nagtext din si Kuya mo na manunuod daw sila ng mga kabarkada niya mamaya. Anak ha manalo o matalo proud parin kami sayo. Kaya e enjoy mulang ang moment mo mamaya. " Nakangiting tugon ni Aling Nina sa anak.

Kaya tumayo at humakbang si Jeanlie sa mga magulang na magkatabing nakaupo at niyakap niya ang mga ito, at pinisil ng halik sa mga pisngi nila.

"Hala teka naman sali din ako sa moment na yan" sambit ni Nathalie na agad ding tumayo sa inuupuan at yumakap din sa mga taong tinuring na din niyang kapamilya. Masayang nagyakapan ang apa't at muling bumalik sa kanilang pagkain.

****

Pagkatapos ng kanilang final rehearsal ay agad ng nagtungo sila sa kanilang dressing room, at doon nagpahinga sila ng konti at kumain na ng maagahang dinner. Habang kumakain ay nasulyapan niya si Margarette, at nasabi niya sa isipan niya na buti naman at walang ginawang kagagahan sa kanya ang babae. Pagkatapos kumain ay pumunta na si Jeanlie sa CR para maghilamos at magtoothbrush.

Habang minimake upan na si Jeanlie ng kanyang make up artist, ay pumunta naman sa may silid si Nathalie kung saan nandoon ang mga damit na isusuot ng mga contestant. Dumeretso na siya sa may mga hanger na nandon ang mga isusuot ni Jeanlie mula introduction number hanggang sa evening gown. Agad niyang chinicheck ang bawat isa para siguraduhin na kompleto ang mga ito.

Masayang nagkukwentuhan si Jeanlie at ang make up artist habang nag mamake up ito sa kanya. Nang tumakbo palapit sa kanila si Nathalie "Besh may problema! wala don sa closet mo ang swimwear at evening gown mo! boses na may pag alala ni Nathalie.

"What? are sure? chinicheck ko pa nga yan kanina ng dumating ako dito. " Pabaklang sigaw ng make up artist na siya ang nagdala at naghanda sa mga susuotin ni Jeanlie sa event. At tumakbo na ito papuntang closet at tiningnan ang sinabi ni Nathalie, at sumunod naman sila nito.

"Hindi ako nagkakamali ini isa-isa ko pa ito kanina habang nagpapractice kayo. At sigurado ako na kumpleto ang isusuot mo ngayong gabi. "nagpapanic na tugon ng artist niya na si Pula habang iniisa isa ang mga damit nito.

Hindi na kumibo sila Jeanlie at agad itong naghahanap sa mga sulok sulok, nagbabasakaling makita ang mga damit na nawawala. Habang busy sila sa paghahanap nasagip sa paningin ni Nathalie si Margarette na nakatawa ito habang pinapanuod sila. Kaya agad-agad na pinuntahan ni Nathalie ang closet ni Margarette at hanapin don ang nawawalang damit ng kaibigan, duda kasi siya na si Margarette ang nagsabotahe sa kaibigan. Nang makita siya ni Margarette na patungo siya sa closet nito ,ay agad siya nitong hinabol at malakas siyang sinisigawan. "Hoi! bakit sa closet ko hahanapin ang nawawalang niyong gamit?Bakit kasalanan ko ba na tanga kayo !"nakatayo na ito sa harapan ng closet niya at binabarahan si Nathalie para hindi ito makapagpatuloy na halug hugin ang kanyang closet.

"Alam kong ikaw ang may kagagawan nito, ikaw ang nagtatago sa damit ng kaibigan ko! Kung talagang wala kang alam, hayaan mo akong halug hugin ang gamit mo. " subrang gigil at dinidiin na ni Nathalie ang mukha niya kay Margarette. Nagkagulo na ang buong tao sa dressing room kaya napansin ito ng organizer at nagtungo sa kinatatayuan nila, at nagtanung kung ano ang nangyari, nagdedebate na si Nathalie at Margarette, subrang naiingayan ng ang organizer ,bigla itong sumigaw at nagpagitna sa dalawa na parang magsusuntukan na sa subrang lakas ng boses "Sandali! Okey para matapos nato, Margarette allow them to check your things, we don't have enough time for this! "

Magsasalita pa sana si Margarette ng pigilan siya ng organizer gamit lang ang pagsesenyas ng kamay, na nangangahulugan na tumahimik na siya. Kahit labag sa kalooban niya, umalis nalang siya sa kinatatayuan at hinayaan na e check ni Nathalie ang kanyang gamit. Agad namang ino open ni Nathalie ang kanyang closet at nagsimula na itong naghanap.Iniisa- isa na niya ang mga damit na naka-hanger ni Margarette, ngunit di parin niya nakita ang hinahanap, Nang pagbaba niya ng tingin ay agaw pansin sa kanya ang black plastic bag, na nasa baba ng mga damit, akto na sana niya dudukutin ang plastic, ngunit kinuha agad ito ni Margarette "Oh nakita mo ba ang hinahanap mo? dba wala? kasi wala akong alam sa binibintang niyo sa akin! Umalis na nga kayo dito! inaaksaya niyo oras ko! "Pabulyaw na sabi ni Margarette sa kanyang habang hawak ang plastik. Biglang hinablot ni Nathalie ang hawak nitong plastik at agad na binuksan ,don nakita nila ang hinahanap at punit na punit na ito, at hindi na masusuot ni Jeanlie, sa subrang galit ni Nathalie agad niyang tinapon ito sa mukha ni Margarette at sinabunutan na niya ito, at mabilis naman silang naawat sa mga taong nandon. hinawakan siya ng mahigpit ni Jeanlie para pigilan, hinarap siya nito at hinawakan ang kanyang mukha sa magkabilang kamay nito. "Huminahon ka besh. Hahanapan nalang natin ng paraan to, okey? Kaya natin to, wala tayong sinusukuan dba? " Unting unti naman siyang huminahon, at hinila na siya ni Jeanlie palayo sa lugar. Habang papalayo ang dalawa hinarap ng organizer si Margarette. "Your a bad example! "pariin na sabi ng organizer at agad umalis papunta kina Jeanlie. Naiwang inis na inis si Margarette at binulyawan niya ang mga tao na nakiki-intriga sa pangyayari. "Oh tapos na ang show! magsi-alisan na nga kayo!. " At agad na itong bumalik sa upuan kung saan iniaayusan siya ng kanyamg make up artist.

"Jeanlie! ok ka lang? try kung pahanapan ka ng ibang evening gown at swimwear, pero parang di aabot kasi we only have 2hours left, at magsisimula na ang show"pasigaw na tugon ng organizer habang papalapit sa kanila na may halong pag-alala sa kanyang mukha.

"Don't worry sir! We can handle this. We can find solution for this. "Nagpakawala ng maikling ngiti si Jeanlie sa organizer, para di na ito mag-alala. Pero sa totoo lang di niya alam kung saan siya maghahanap ng susuotin niya. Agad naman siyang tinapik ng organizer na nagpapahiwatig ng suporta sa kanya.

Next chapter