webnovel

Chapter 5: During Practice

Nagmamadaling bumangon at naligo si Jeanlie kasi pupunta pa siya sa klase niya, at antayin ang hudyat ng kanyang adviser kung natanggap na ba ang Letter of consideration galing sa tourism office para sa kanyang practice sa gaganapin na pageant.

"Goodmorning ma, kakain ako ngayon para may lakas ako, ngayon kasi magsisimula ang practice namin para sa pageant" habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok papuntang kusina.

"Ganun ba anak, sige at ipaghahain kita, magbabaon ka ba para sa pananghalian mo" tugon ni Aling Nina habang nagsasandok na ng kanin.

"Di na ma, libre lahat don, at may ibibigay nga na allowance para pamasahi papunta at pauwi galing practice" tugon ni Jeanlie habang kumukuha na ng plato para handa ng kumain.

"Mabuti pala yan anak, talagang wala kang gagastusin niyan" habang nilalagyan na ng pagkain ang pinggan ni Jeanlie.

Tumango nalang si Jeanlie bilang sagot sa sinasabi ng ina, habang puno na ng pagkain ang kanyang bunganga.

****

Maagang dumating si Jeanlie sa classroom, at inaantay nalang ang kanyang mga kaklase at adviser para magsimula na ang klase. Ilang saglit ay dumating na ang kanyang kaibigan at nagulat na nauna siya nito sa classroom, palagi kasing naghahabol sa oras si Jeanlie at kalimitan ay late ito. Kasunod naman ang adviser nila at agad siya nitong nakita.

"Oi Ms. Cruz himala at maaga ka ngayon, dahil ba yan sa may practice ka para sa pageant? "pataas na kilay na tugon ng kanyang guro na nakaupo na sa upuan niya sa harap.Imbes na sumagot ay nagngitian nalang sila ng kanyang kaibigan na si Nathalie na nasa tabing upuan niya. "Parang hindi gusto ni teacher besh na sasali ka sa pageant, baka siya ang may gusto"pabulong ng kaibigan habang may mahinang tawa.

Siniko nalang ang kaibigan at binaling nalang ang pansin sa harapan.

"Goodmorning class, ngayong araw nato ay nakatanggap ako ng letter of consideration galing sa Tourism Office para sa kaklase niyo na si Ms. Jeanlie Cruz. Isa kasi siya sa nakapasa sa ginanap na screening para sa Beauty Pageant this coming April 12. So exempted siya sa lahat ng klase. Pero Ms. Cruz hindi ibig sabihin na wala kanang gagawin, dapat mag-aral ka parin sa bahay para sa gaganapin nating 4th grading exam.So you can go now"Pataray na tugon ng kanyang adviser habang nakaharap sa kanya.

"Okey maa'm thank you" sabay tayo at yumuko sa harapan ng kanyang adviser.

"Besh I'll txt you nalang" sabay flying kiss sa kaibigan at tuluyan ng lumabas. Nakangiti nagwave nalang sa kanya si Nathalie.

****

Habang nasa venue na ng practice si Jeanlie dali dali siyang pumunta sa may harap at nakinig sa announcement ng mga organizer. Sa kalagitnaan ng kanilang practice kanina pa niya napapansin na panay parinig sa kanya si Margarette hanggang sa naglalakad na siya papuntang stage ay bigla na lamang siyang tinulak nito at sabay sabing "Ay sorry nagmamadali kasi ako di kita napansin" kunwari na hindi niya sinasadya ang ginawa at patuloy na naglalakad. Nanggigil na si Jeanlie sa babae pero pinalampas nalang niya ito, ayaw kasi niyang magsanhi ng gulo sa event. Kaya minabuti nalang niya na lumayo sa babae at hindi niya bibigyan ng pagkakataon na lumapit ito sa kanya.

"Ms. Cruz dapat ikaw ang nasa gitna pag sa production number niyo" utos ng kanila choreographer . Nagmamadali nalang na pumunta sa gitna si Jeanlie bilang tugon sa utos ng choreo nila. Habang nagpapractice sila tuwang tuwa ang organizer nila kay Jeanlie kasi madali itong nakacatch -up ang bawat pinapagawa sa kanya, at magaling din itong sumayaw kung kaya madali nalang sa kanya ang bawat production number na gagawin nila.

****

Habang kumakain sila ng pananghalian, hindi niya napansin ang biglang pagsulpot ni Margarette sa tabi niya . "Wow ha ang galing mo palang magmagaling, at kuhang kuha muna ang loob ng bawat tao dito, yan ba ang technique mo para manalo?"sabi nito habang ang mukha ay nasa harapan na kunwari hindi niya kinakausap si Jeanlie.

"Hindi ako nagmamagaling, kung magaan man ang loob ng mga tao dito, yan ay dahil napansin nila na totoong tao ako at hindi plastik na katulad mo.Sa final mo makikita ang technique na sinasabi mo, kaya galingan at ihanda mo sarili mo. "Pabulong na may ngiting pang iinis na sabi ni Jeanlie sa kanya, at sabay alis bit-bit ang pagkain niya para lumipat ng upuan na malayo sa inggratang Margarette. Habang inis na inis naman ito ng marinig ang sinabi niya.

****

Pagkatapos ng practice ay agad namang umalis at sumakay ng jeep si Jeanlie. At ayaw na niyang bigyan ng pagkakataon na magkros na naman ang landas nila ni Margarette.

"Oh anak nandiyan kana pala, galing ako sa bahay nila Weng-weng para ihatid yung perang ipapadala natin sa Kuya mo. Kanina lang kasi nabigay ni Nathalie kasi may importante siyang pinuntahan kagabi.Kumusta ang practice niyo?" bungad ng ina niya na pauwi narin sa kanilang bahay.

"Ganun ba ma, mabuti naman para magamit na ni Kuya yung pera para sa project niya,.Pagod nga ako sa practice namin kasi pinag heels na kami para daw masanay kami, kaya medyo masakit ang paa ko. " sabay kapit sa braso ng ina at sabay na nilang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang bahay.

Di pa sila nakapasok sa bahay ng marinig nilang pasigaw na tawag sa kanya ng kaibigan habang tumatakbo papalit sa kanila.

"Hi besh kumustah ang unang practice niyo? di na ako nakasunod sayo kasi pumunta pa ako ng banko pagkatapos ng klase kasi may pinapaayos si Mommy. "pahingal na sabi ng kaibigan.

"Ok lang besh may susunod pa naman, sa pictorial isama kita kasi pupunta daw kami sa iba't ibang tourist spots na nasasakop sa ating bayan, sabado naman yun sakto wala kang klase niyan" saad ni Jeanlie habang hawak ang hinihingal na kaibigan papasok ng bahay.

"Wow! talaga besh? dadalhin ko yung bagong camera na pinadala ni mommy para magamit natin, pipicturan kita para may personal copy tayo. oh diba? "Excited na boses ng kaibigan habang nagpupunas ng pawis sa mukha niya.

Habang nakaupo na ang magkaibigan, busy naman sa kusina si Aling Nina na naghahanda ng hapunan. Kinwento ni Jeanlie ang kaganapan sa practice at lalong lalo na ang tungkol kay Margarette.

"Bwesit talagang babaeng yan! kung nandon lang ako nakakatikim sa akin yun" pagalit na sabi ni Nathalie.

"I can handle besh, you know me tahimik lang ako pero nakakapaso pag ako na ang tumira ng magic words ko" pakindat na may dalang maiksing ngiti na sambit sa kaibigan.

Ngumiti na din si Nathalie at ginawa nila ang friendship sign nila na gamit ang kanilang kamay.

Next chapter