webnovel

Chapter 3: Contest Registration

She rolled her pretty eyes and said, "Naku tigilan mo ako sa mga praises mong iyan. Exaggerated na po masyado,"

"Hindi ah, maganda ka naman talaga. Saka matangkad. Pang beauty queen ka nga eh, at kaya mong makipagsabayan sa mga kilalang artista sa bansa natin kung ganda lang din ang pag-uusapan," anito.

She did not answer her best friend. At binigyan niya na lamang ito ng matamis na ngiti. After an hour, inilabas na ang mga pictures niya.

"Miss Natalie Saadvedra, andito na po ang pictures ni Miss Cruz!" tawag ng staff sa kaibigan niya sabay abot ng envelop na naglalaman ng mga larawan niya.

Sabay silang tumayo at tinanggap ang inabot nitong envelop. Excited na binuksan ni Nathalie ang envelop. Napasinghap ito ng makita ang magandang larawan niya.

"Oh, wow! You look elegant and beautiful, bestie!" Nathalie exclaimed.

"Hush! Boses mo ang lakas nakakahiya naman sa kanila," sita niya sa kaibigan.

"Humph! Totoo naman ah, ganda mo bestie! Panalo kana," tili nito sabay yakap sa kanya.

"Ay ang advance mag-isip! Sa dami ng aspirant beauty queen at tiyak kong kasali sa contest na ito, di pa natin masasabi kung mananalo nga ako," aniya.

"Naku, tara na! Mag register kana!" hinila na siya nito palabas ng studio.

Muli silang sumakay ng jeep at nagtungo sa munisipyo dahil doon magpapa rehistro ang bawat kalahok. Pagbaba nila ng jeep, halos mangalog ang tuhod niya. Inatake siya ng matinding kaba. Ramdam ni Nathalie ang reaksyon niya at inakbayan siya nito.

"Bestie, kaya mo ito! Halika na!"

Pagkapasok nila para magrehistro, halos napamangha siya ng makita ang nagkagandahan at nagkasexyhan na mga kalahok. Hindi niya akalain na ganun karami ang gustong sumali.

"Miss hello po sasali po ba kayo sa beauty contest? "

natigilan nalang siya ng marinig ang boses na nasa harapan nila.

"Ai! oo po itong kaibigan ko ang sasali" sagot ni nathalie at sabay hablot sa kaibigan papunta sa harapan.Pinaupo na muna sila ng mga organizer para makinig sa announcement nila.

" Hey ladies! nais po naming ipaalam sa inyo na may gaganapin tayong screening bukas. Dahil sa malaki ang premyo na igagawad ng contest nato ang mananalo ay gagawing modelo two years contract sa isang sikat na shipping lines sa ating bansa ang MONTENEGRO SHIPPING LINES CORP." see you all tomorrow for tge screening"

***

"Wow narinig mo yun bestie? " namanghang bulalas ni Nathalie sabay ngiting papalit sa kaibigan"

"Oo besh rinig na rinig ko,di ko nalang kaya ituloy ang pagsali ko, kasi naman tingnan mo yung mga contestant ang gaganda at sexy tapos parang sanay na sanay na sila sa beauty pageant, halata naman sa hitsura nila na nasa 20's na sila, kaya yakang yaka na nila ang ganito"

"Gaga" sabay batok ni Nathalie sa kanya. "Haller kung maganda at sexy sila ganun ka naman din diba.? "eh ano ngayon kung nsa 20's sila? 16-25 years old ang pwedeng sumali eh pasok na pasok ka don, basta sasali ka,sasamahan kita bukas, total sabado naman"wag ka ng kabahan kaya mo yan, madami kana kayang sinalihan, tapos dito ka pa aatras na may malaking premyo. Isipin mo nalang na para sa pagkacollege mo yung mapanalonan mo. "

At tuluyan na nilang nilisan ang lugar, pero si Jeanlie ay may kaba at pag-alinlangan parin, pero katulad nga ng sabi ng kaibigan niya na malaking tulong na din yun sa pag-aaral niya.

Sumakay na sila ng jeep pauwi, Tahimik at iniisip parin ni Jeanli ang nangyari kanina.Na excite naman siya sa premyo at oportunidad, pero nandoon parin ang kaba. Napansin ni Nathalie na tahimik ang kaibigan

"Alam mo kung nasa akin pa lang yang kagandahan at kasexysehan mo malamang artista na ako ngayon." sabay ngiti na sambit ni Nathalie

"Bakit lahat ba ng artista magaganda at sexy?, Dali mag audition ka bukas sa ABS-CBN, sasamahan kita"pangiting sabi din ni Jeanlie

"Heeee wag mo nga akong iwawala! Hoy Jeanlie Cruz " paturo na sabi ni Nathalie sa kanya. "Bukas na bukas ay agahan ko ang pagpunta sa inyo para sa screening, dapat fresh na fresh ka bukas ha"

Pairap na lang ang sagot niya sa kaibigan.

****

"Ma Pa nandito na ako" bungad ni Jeanlie sa may pintuan nila at lumapit sa mga magulang para magmano. "O anak san ka galing at naabutan ka na ng dilim sa labas" tanung ng papa niya na nanunuod nga balita sa telebisyon. "Galing po kasi kami ng bayan ni Nathalie pa, pinuntahan namin yung sasalihan ko na beauty contest, malaki kasi ang premyo at gagawin pang modelo sa Montenegro Shipping Lines ang mananalo. " sabay tabi ng upo sa papa niya".

"Wow nak maganda yan, kailan ba yan para manuod kaming lahat sa rampa mo" sabi naman ni aling nina na lumapit na sa kanila.

"Bukas ma may screening pa, kung sino makapasa sa screening bukas yun ang tutuloy sa contest, kinabahan nga ako kasi parang ako lang ang seventeen don, yung iba nasa 20's na, baka di ako papalarin" Nilapitan siya ng mama niya at tinapik sa balikat "Nak, gawin mo lang ang gusto mong gawin basta't alam mong makakatulong yan sayo. nandito lang kami na susuporta sa ano mang gusto mo" saad ng mama niya.

"Hali na kayo at maghapunan na tayo kanina patong pagkain sa lamesa, inantay ka kasi namin para sabay-sabay na tayong kakain. "Saad ng papa ni Jeanlie na nasa lamesa na't handa ng kumain. "

Sabay-sabay namang tinungo ng mag- ina ang mesa para sila ay kakain. Masayang pinagsasaluhan nilang mag-anak ang pinakuluang dahon ng kamote na may maanghang na salted fish na may kalamansi. Kahit masaya sila sa pinagsasaluhan na pagkain, nasa loob ni Jeanlie ang lungkot, alam niyang gipit na naman ang mga magulang niya. Dahil sa kuya Chard niya na nag-aaral ng kolehiyo sa may bayan. Lahat kasi ng kita ng pagkakarpentero ng kanyang ama ay napupunta sa pag-aaral ng kapatid niya. Kaya minsan lang sila makakatikim ng masasarap na ulam.Tiniis na lamang ni Jeanlie ang kahirapan nila kasi pag makatapos na ng pag-aaral ang kanyang kapatid, ito naman ang tutulong sa kanya.

Habang masaya silang kumakain may narinig silang boses na galing sa labas, kaya agad namang pinuntahan ng mama niya.

Malungkot at di mapakali ang mama niya ng bumalik sa kanila .

"Bakit? Sino ba yun? " Tanung ng Papa niya sa kanyang ina. "Si weng-weng, umuwi kasi siya galing bayan at nagpabigay ng mensahi si Chard na kailangan daw niya ng pera para sa project niya" ,"Magkano daw?" Five thousand" palungkot na tugon ni aling nina.

Hindi na umimik si Mang Ben, at alam ni Jeanlie.na nag-iisip na naman ito kung saan sila kukuha ng pera para ipadala sa kapatid niya.

Kaya Pursigido na si Jeanli na Sasali sa pageant, may dagdag na determinasyon na siya para sasali. Maaga siyang natulog para fresh siya bukas sa gaganaping screening.

Next chapter