Kung ang kwento ni hesus ang paguusapan ay hindi na ito lingid sa kaalaman ng nakararami. sa halos walong pong pursento ng kristyano dito sa ating mundo ay hindi na nakapagtataka na kung bakit ang buhay ni hesus ay tila naging bukas na aklat na para sa kaalaman ng nakararami na pinatutuhanan ng banal ng aklat o mas kilala sa tawag na bibliya kung saan nakapaloob ang lahat ng kasaysayang hindi ipinagdamot sa lahat.
mula sa langit at lupa na kanyang nilikha sa unang araw ito ay kanyang pinagbukod matapos gumawa ng kalawakan sa pangalawang araw. nilikaha nya rin sa ikatlong araw ang dagat sa lupa at kanya ring pinamunga sa lupa ang ibat ibang uri ng punot halaman na namumungat hindi. sa ikaapat na araw naman ay kanyang inilikha ang dalawang malalaking tanglaw na tinawag nyang buwan at araw kasabay ng mga makikinang na mga butuin.
sa ikalimang araw naman ay kanyang pinalitaw mula sa karagatan ang ibat ibang uri ng hayop na maaring mabuhay sa ilalim ng dagat, mula sa maliit hanggang sa pinakamalaki. lumitaw rin mula sa himpapawid ang ibat ibang uri ng ibong may ibat ibang wangis, kulay at laki.
matapos iyon ay lumitaw naman mula sa lupa ang ang ibat ibang uri ng hayop na maaaring mabuhay sa lupa. mula sa maamo't mailap maliit at malaki.
nang iyong ay masilayan ng diyos sya ay lubos na nasiyahan kaya kanyang nilikha ang tao na ayon sa kanyang wangis.
ginawa nya iyon sa ikaanim na araw bago mamahinga sa ikapitong araw.
mula sa pitong araw na iyon ay nag simula nga ang lahat, ang paglikha kina eba't adan na pinalayas sa harden ng eden dahil sa pagkain ng masamang bunga.
ang pagpatay ni cain kay abel. ang paglika ni noa ng malaking barko dahil sa malaking baha.
ang pagpili kay abraham.
ang paghati ni moises sa dagat na pula upang iligtas ang mga israelita.
ang pagsilang sa isang sanggol na nangngangalang hesus, lumaki at nangaral, nanggamot, dinakip, pinahirapan, pinako sa krus, namatay at muling nabuhay matapos ang tatlong araw.
iyan ang sinasabi ng banal na aklat
iyan ang pinaniniwalaan lahat.
ngunit papaano kung ang lahat nang iyong nalalaman ay syang di pala kabuuhan.
at mula harapan ay may nagkukubling kwento mula sa likuran.
ang bayan ng bethlehem ay isang malaking ok lugar sa israel marami ang nananahan rito tanan ng kanilang tahimik na pamumuhay.
si arona ang mabuting may bahay ng masipag na magsasakang si matiyas.
halos pitong taon na silang naninirahan sa bethlehem kasama ang kanilang apat na taong gulang na anak na si demas. tahimik ang kanilang pamumuhay tulad ng iba at maliban sa pag sasaka ay wala na silang iba pang hanap buhay.
di tulad ng magasawang macar at alinda.
ang bethlehen na ang kanilang kinalakihang lugar, mula sa kanilang lupang nasasakupan ay matatanaw ang lawak ng kalupaan na meron sila. mga gansa , tupa, baka't asnong bisiro ang alaga meron sila na pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.
at mula sa loob ng kanilang tahanan ay naroroon ang isang batang nag ngangalang gestas may edad na isang taon at kahati na dahilan ng pagsusumikap ng magasawang macar at alinda.
nang panahong si cirenio pa ang gobernador ng siria ay isinaagawang ang kauna unahang sensus na ipinagutos ni emperador augusto para sa lahat ng nasasakupan ng imperyo ng roma dahilan kung bakit nag uwian ang lahat nng mga tao sa kanikanilang mga bayan upang pagpatala.
isang gabing malakas ang ulan ang gumising kay gestas dahilan kung bakit bumangon ito mula sa kanyang pagkakahiga. kasabay noon ay narinig ni macar mula sa labas ng kanilang tahanan ang paulit ulit na sigaw kaya agad nya itong pinuntahan. sa kanyang pag labas ay kanyang nakita ang isang lalaki at isang babaing nagdadalang tao habang nakasakay sa isang asnog bisiro
"anu ang inyong pakay bakit kayo naririto" tanong ni macar. "kami po ay nanggaling pa sa nazaret sa galilea. sa judea po sana ang aming tungo upang magpatala ngunit sa aking palagay ay mukang hindi na kakayanin pa nang aking asawa ang susunod pang isang oras.... alam kong nakikita nyo naman ang kanyang kalagayan" wika ni jose. " kung hindi ako ng kakamali kayo ay makikiusap na pumarito muna pansamantala" wika ni macar. "sya ngang totoo" sagot ni jose. " ipagpaumanhin mo sana ginoo nais ko man kayong tulungan.. ngunit ang lawak ng aming tahanan ay sapat lamang sa bilang naming mag asawa at ng isa kong anak" paliwanag ni macar bago lumabas si alinda.