Margareth planned already kung saan gaganapin ang kasal one month from now. Inaayos nya din ang ibang papers kasama si Norbert na full support sa ginagawa niya. Hindi nawawala si Norbert sa tabi nya sa tuwing may pupuntahan sya ay laging nakasunod ito sakanya. Meron ding mga pagkakataong hindi maiwasan ang pagtatalo pero nadadaan naman sa maikli at maayos na usapan.
They've decided na gawing church wedding dahil iyon ang gusto ni Margareth at iyon ang pangarap nya na maikasal sa simbahan, sa alter kaharap ang dyos at ang taong mahal nya. Gusto din nyang masaksihan ng lahat ang kasal nilang dalawa ni Norbert kasama ang mga kapamilya nila at mga kaibigan.
A V-neckline, shoulder straps and V-back white wedding dress ang napiling isuot ni Margareth na may mga crystal beading accents at may mga swarovski diamond na nakapalibot sa strap ng dress mula sa harapan hanggang sa v-line na likod. At isa iyong chapel train upang mas lalong maging isang elegante ang dress.
Handa na rin ang mga mga gagamiting damit ng mga abay sa kasal nila. At sya na rin ang nag-asikaso sa mga invitations at maging sa mga ihahandang pagkain sa reception. Hindi na tumutol si Norbert sa mga gusto nyang mangyari dahil gusto nyang ibigay kay Margerth ang isa sa pinaka engrande at magandang kasal para sa babaeng tulad nya.
Ang tanging ginawa na lang ni Norbert ay ngumiti habang nakikitang masaya ang babaeng mahal nya sa paghahanda para sa kasal nilang dalawa. She deserves to have a grandiose wedding dahil iyon naman talaga ang nararapat para sakanya. Norbert wants to give everything to Margareth kahit na maging ang mga bituin ay susungkitin nya para sakanya.
"I invite TJ Monterde to sang into our wedding." nakangiting sambit ni Norbert. Nanlaki ang mata ni Margareth dahil sa sinabi ni Norbert. Hindi sya makapaniwalang inimbitahan nya ang isa sa pinakapaborito nyang singer sa bansa at ito pa ang kakanta sa kasal nila.
Napatayo si Margareth at parang batang nagtatalon dahil sa tuwa. Nilapitan nya si Norbert saka hinalikan sa labi.
"Thank you. I love you, Baby. Akala ko makakalimutan mo ang isa sa wish kong mangyari sa kasal natin." napangiti si Norbert. Niyakap nya si Margareth na nakaupo na sakanyang kandungan.
"Ibibigay ko lahat ng gusto mo basta ako lang ang lalaking mamahalin mo hanggang sa pagtanda mo kasi ako, ikaw lang wala ng iba." kinilig si Margareth sa sinabi ng soon-to-husband nya. Nanggigil syang kinurot ang pisngi ni Norbert. Palagi nya iyon ginagawa kapag kinikilig sya sa mga sinasabi ni Norbert.
"A-Aray. Bitaw na. A-Aray. Baby naman." hindi pa binititawan ni Margareth ang pagkakakurot sa pisngi ni Norbert.
"Pinaglilihian siguro kita, Baby. Ayaw mo nun para kamukha mo ang magiging babies natin pero sana huwag nilang magaya ang tatay nilang chickboy." napasimangot si Norbert sa sinabi ni Margareth. Tumawa lang si Margareth. Inilapit nya ang mukha nya para muling halikan ang mga labi ni Norbert.
"I love kissing you. I love everything about you. Hinding-hindi siguro akong magsasawang halikan ka." namula ang pisngi nya sa mga sinabi nya.
"Ako dapat ang kinikilig pero bakit ikaw yung namumula?" panunudyo ni Norbert sakanya.
"Ewan ko. Basta mahal na mahal kita kahit na badboy ka." niyakap sya ni Norbert. Isinubsob nito ang mukha nya sa dibdib niya.
"Hep! Huwag muna ngayon dahil may pupuntahan pa tayo." nakakalokong ngiti ang ibinigay ni Margareth kay Norbert. Sumimangot lang si Norbert dahil hindi napagbigayan ang gusto niyang mangyari.
"Madaliin lang natin, Baby. Please?" nakayakap pa rin si Norbert habang nakatingin kay Margareth at may nagmamakaawang mukha.
"No. Pupunta tayo sa birthday ni Ate Merideth. Nag-aantay na yun sa akin." tutol ni Margareth. Humiwalay sa pagkakayakap si Norbert saka tumayo si Margareth.
"Oh, Sige mamaya na lang." ngumisi ito ng nakakaloko saka kinuha ang kamay ni Margareth para tumayo na rin.
"I've plenty of things to be done. And also I have so many surprises to you na pinaghahandaan kong gawin para hindi naman nakakahiya sa dami ng surprises mo na pinaiyak mo ako ng sobra." Margareth kissed Norbert's lips once again.
"Okay. I love surprises naman lalo na kapag galing sayo." He said in a happy voice.
"Sinasabi mo lang yata sa akin yan, eh. Nagpapagood shot ka lang sa akin." She laughed and leave Norbert there inside dahil akma pa itong tututol sa sinabi nya.
"Hey! That's not what you think." He laughed also. Nasa labas na sila ng bahay nilang dalawa. Norbert decided to bought a new house but Margareth insisted pero wala na ring nagawa. Gusto pa nga sana ni Margareth na doon na lang sa bahay nila Norbert sila tumira pero ayaw ni Norbert. Ipinangalan ni Norbert ang lupa at bahay kay Margareth. Malaki ang bahay para sakanila pero sabi ni Norbert hindi naman daw para lang sakanila ang bahay dahil iyon ay para din sa mga magiging anak nila.
"Tara na. Okay na ba tong ayos ko? Maganda pa rin ba ako sa paningin mo?" Sambit ni Margareth habang sinisway pa ang kulay white na suot nyang paneled skirt with pink colored sweetheart top which is strapless and it's formed a two curve recalling a heart shape.
"Palagi ka namang maganda. Eh, ako gwapo pa rin ba sa paningin mo?" nagpogi sign pa si Norbert saka sinuklay ang buhok na medyo messy gamit ang kamay. Nakasuot sya ng black leather jacket na may v-neck white t-shirt sa loob na pinartneran naman nya ng blue faded jeans at black boots.
"You look gorgeous, Baby." she answered. Ngumiti lang si Norbert saka pinagbuksan ng pintuan ng kotse si Margareth saka naman umikot ulit at pumasok. He started the engine but before they leave their house ay isang matamis na halik ang ibinigay ni Margareth kasama ang isa pang matamis na ngiti. And everything went into nightmare...like a dream that you can't scape anymore.
Pagmulat ng mata ni Norbert ay ang basak na salamin ng kotse nya. Ramdam nya ang sakit ng katawan nya pati ang duguang ulo. Agad syang nataranta ng maalala si Margareth na kasama nyang nakasakay sa kotse. Kinakabahan sya dahil sa mga naiisip nyang posibleng nangyari kay Margareth. Binuksan ng kaliwang kamay nya ang pintuang katabi na sira-sira at basag rin ang salimin na nagkalat pa sakanyang upuan.
Akmang tatayo na sya ng maramdaman ang hapdi ng sugat na dulot ng pagkakatusok ng isang bakal sakanya kanang braso. Puno iyon ng dugo na patuloy pa rin ang pagdaloy. Pinilit nyang tumayo at lumabas kahit na masakit ang braso at ang ibang bahagi ng katawan pero paglabas nya ay natumba sya. Hindi lang pala braso nya ang may sugat pati pala ang paa nya. Natusok iyon ng basag na salamin na kapiraso ng mga basag na basag na salamin ng kotse.
Namilipit sya sa sakit. Malaki ang sugat nya sa paa kay minamuti na lang nyang unti-untiin ang pag-upo hanggang sa unti-unti rin syang nakatayo gamit ang isa pang paa. Para syang isang asong sugatan ang isang paa dahil sa itsura ng paglalakd nya. He seems like he's been into a war at ngayon lang sya uuwi dahil sa mga sugat sa katawan nya.
Pinunasan nya ang dugong dumaloy sa mata nya na tinatakpan ang isang paningin nya. Agad syang naglakad sa kabila ng kotse para tignan si Margareth. Nakita nyang nabukas iyon at wala roon ang babaeng hinahanap nya. Nataranta na sya at kaya agad na nilibot ng mata nya ang lugar pero walang makitang Margareth na nakatayo, naglalakad o nakaupo man.
Pumikit sya ng mariin dahil mas sumasakit ang ulo nya dahil hindi nya kamita si Margareth. Naglakad syang pasuray-suray para hanapin si Margareth pero wala pa din. Nakalayo na sya sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. Napaupo sya dahil sa pagod at nanlumong binalikan sa isip ang mga nangyari.
"Baby, anong gusto mong pangalan ng mga anak natin?" Margareth asked him in a joyous voice. He just smile at her at nag-isip din kung anong magiging pangalan ng mga anak nila. Seems she's so excited sa paglabas ng anak nila at ilang buwan pa iyon pero nag-iisip na ito ng mamaging pangalan nila.
"Hmm...Lucas or Alexander? maybe pwedeng Lucas at Alexander ang pangalan nila if they're both my son." he answered. Kumislap ang mata ni Margareth dahil sa sagot nya.
"What if pareho silang babae dalawa? Athena or Aphrodite?" Margareth said. Natawa sya dahil sa expression ng mukha ni Norbert dahil sa dalawang pangalang sinabi nya.
"You really like the greek mythology, ah. What about Trina or Patricia?" Sambit naman ni Norbert.
"I love those names. Sige dahil iyon ang sinabi mo pero kapag babae at lalaki ang babies natin dapat Trina Eliza atsaka Lucas ang pangalan nila." ngiting-ngiti na sambit ni Margareth. Ngumiti lang sakanya si Norbert pero biglang nawala ang ngiti nya ng tawakan ang preno ng kotse. Walang preno ito at magsimula na syang kabahan dahil baka may masamang mangyari lalo na kay Margareth.
Kitang-kita ni Margareth ang kabadong mukha ni Norbert. Pinagpapawisan na rin ito at namumula ang dalawang tenga bilang tanda na kinakabahan ito.
"What's wrong, Baby?" She asked pero hindi sya sinagot ni Norbert. Sinulayapan lang sya nito at tila may gustong sabihin pero hindi nya magawang sambitin.
"Hey! What's wrong? You make me nervous." muli pa nyang pagtatanong.
"Nailagay mo ba ng maayos ang seat belt mo?" Kalmado pero halata sa boses ni Norbert ang takot.
"Yeah. Bakit ba? Ano bang nangyayari?" Kinakabahan na rin si Margareth dahil hindi magawang sagutin ni Norbert ang tanong nya.
"Baby. I'm sorry." nagigilid na ang luha ni Norbert at nakatutok pa rin sya sa pagmamaneho.
"Ano bang nangyayari? Sagutin mo nga ako ng tama! Bakit ka nagsosorry? May ginawa ka bang hindi ko magugustuhan?" histerikal na si Margareth dahil hindi pa rin sya sinasagot ni Norbert ng maayos. Lumingon sakanya si Norbert at kita doon ang mga luha na bumalong sa pisngi nya.
"Ano ba! Sagutin mo ako! Ano bang nangyayari sayo?" Muli nyang tanong. Kani-kanina lang ay masaya silang dalawa at nagawa pa nilang mag-isip ng pangalan ng magiging baby nila pero biglang nag-iba.
"I'm so sorry. I'm so sorry, Baby. W-Walang break ang sasakyan natin." nanlaki ang mata ni Margareth. Nagsimula na syang kabahan ng husto at pagpawisan ng husto. Naiiyak na rin sya dahil sa mga naiisip nyang pwedeng mangyari. Napahawak sya sa tyan nya at napaiyak.
"What are we going to do? Baby." Umiiyak na tanong nya kay Norbert.
"Baby. Don't cry please? Don't cry." Norbert said. Tila tumigil ang pagpintig ng puso nya ng makitang umiiyak si Margareth habang hawak-hawak nito ang tyan nyang umuumbok na dahil sa pagdadalang tao nya.
Gustong bumalik ni Norbert ilang oras lang para huwag ng sumakay sa kotseng sinasakyan nila ngayon pero hindi nya iyon magagawa. Naawa sya kay Margareth dahil wala syang magawa para tumigil ito sa pag-iyak dahil sa takot. Wala man lang syang magawang paraan para iligtas ito dahil pareho silang nasa bingit ng kamatayan.
May isang kotse ang nag-over take sa kotse nila at nasagi ang kaliwang side mirror nito. Napasigaw si Margareth at patuloy na umiiyak habang si Norbert ay napamura ng malakas. Gusto man nyang itigil ang koste para suntukin ang sino mang lalaking nagmamaneho ng kotseng iyon ay hindi nya magawa dahil walang preno ang tinatapakan niya.
"Baby. Please, don't cry. Please?" naawa na talaga sya kay Margareth. Kung may super powers lang sana sya at magawang ilipad si Margareth paalis dito sa kotse ay gagawin nya pero hindi sya isang super hero.
"Hold my hand, Baby." Inilahad ni Norbert ang isang kamay habang ang isa ay nagmamaneho. Kinuha ni Margareth ang kamay nya at mahigpit nya iyong hinawakan.
"Kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Okay? Mahal na mahal kita, Margareth." He said. May luhang bumalong sa mata nya hanggang sa sunod-sunod na. Gumewang ang sinasakyan nilang kotse dahil sa biglang pag-over take ng isang sasakyan mula sa likod nila. Napasigaw muli si Margareth at mas humigpit ang hawak ni Norbert sa kamay nya.
Nawalan na ng balanse ang kotse para bumalik pa sa lane nito. Pilit na ibinabalik ni Norbert pero hindi nya magawa. Tinapaktapakan pa nya ang break pero hindi ito gumagana. Napapikit si Margareth dahil sa tindi ng takot at panginginig nya. She scream ng sumagi ang left side ng kotse sa katabing truk na nasa kabilang lane at nabasag ang salamin sa backseat at gumewang muli ang kotse pakaliwa.
Unti-unting nawawala sa lane ang kotse hanggang sa nasa gilid na ito ng daan at mababanga na nito ang mga concrete barrier pero nagawa pang kontrolin ni Norbert dahil sa pagbitiw nya ng kamay ni Margareth pero iyon na ang huling beses na mahahawakan nya ang kamay ni Margareth dahil ang kaninang truk na sumagi sa kotse nila ay bumangga sa likuran nila at dumertso ang kotse sa concrete barriers.
Malakas na pagbanga ang nangyari. Wasak ang harapan ng kotse. Basag-basag ang ilaw nito pati ang harapang salamin, kaliwa at kanan maging ang salamin sa back seat ay basag-basag din. Yuping-yupi din ang pintuan ng kotse.
Napamulat si Norbert at ramdam ang sakit sa buong katawan at tumutulo pa ang dugo sa mukha nya na galing sa sugatang ulo. Pati ang braso ay madami ring sugat. Napatingin sya sa katabi nya. Andun si Margareth, sugatan at walang malay. Pilit nyang inabot ang kamay nito kahit na masakit ang braso nya dahil may nakatusok doon na bahagi ng salamin na basag. Napapikit sya at napaungol saka naabot ng tuluyan ang kamay ni Margareth. Pinulsuhan nya ito at nakaramdam sya ng relief dahil may pulso pa iyon pero biglang nagdilim ang lahat ng may biglang pumukpok sa ulo nya.
He cried in desperation and pain dahil wala sa tabi nya ang babaeng mahal nya. Nag-aalala din sya kung anong kalagayan ni Margareth. Nagbalik lang sya sa kasalukuyan ng magring ang cellphone nya na nasa bulsa ng black leather jacket nya.
Pilit nyang kinuha iyon sa bulsa kahit sugatan ang palad nya. Sinagot nya ang tawag kahit hindi alam kung sino ang tumatawag.
"Help...I-I need help..." Nabitawan nya ang cellphone at umiyak syang muli. Mas masakit pa ang nararamdaman nya mula sa puso nya kaysa sa mga sugat na natamo. Gusto nyang makita si Margareth. Gusto nyang mayakap ito pero bigla na lang nawala ito sa tabi nya ng magising sya.
Ilang minuto ang lumipas ng may mga dumating na ambulansya at tatlong kotse. Dinaluhan sya ng mga emergency service team. Pinahiga sya saka nilagyan ng neck supporter at binuhat sya. Biglang nasa tabi niya si Merideth ang ama nito kasama na din ang mga kaibigan nyang sina Ian at Bryle. Kita sa mata nila ang pag-aalala at mas lalo na ang mata ni Merideth pati ang ama niya.
"Norbert, asan si Margareth? Asan sya? Bakit wala sya? Diba kasama mo sya?" nag-aalalang tanong ni Merideth pero hindi iyon magawang sagutin ni Norbert dahil pati sya ay hindi alam ang isasagot.
Nakatingin lang sya sa mga ulap habang patuloy na bumabalong ang luha nya. Gusto nyang tanungin ang nasa itaas kung bakit nangyari ito sakanila at kung nasaan si Margareth pero alam naman nyang wala syang boses na maririnig o kahit na anong sagot.
Wala sya sa sariling ipinasok sa loob ng ambulasya. Hinabol pa sya ni Merideth para tanungin pero pinigilan sya ng isang myembro ng emergency team saka isinara ang pintuan ng ambulansya. Nakapikit lang si Norbert sa buong byahe papunta sa ospital na tila namanhid ang buong katawan nya. Wala syang ibang dahilan upang mawala si Margareth sa tabi nya. Hindi sya makahanap sa loob ng utak nya ng magiging dahilan. Pumikit sya ng mariin habang nakayukom ang dalawa nyang kamay. Nasaan na ba si Margareth? Bakit bigla itong nawala sa tabi?