webnovel

Chapter 6

Maraming mura na ang narinig ni Margareth mula sa maliliit na sigaw ni Norbert at napahilamos pa ito ng mukha gamit ang duguang kamay nito. Hindi naramdaman ni Margareth na nakarating na pala sila sa parking lot ng bar. Yumuko nalang sya dahil hindi nya alam kung magpapasalamat ba sya sa lalaking tumulong at nagligtas sakanya mula kay Luke. Heto na naman kasi ang buong sistema nyang kinakabahan at pinagpapawisan dahil sa mga kuryenteng dumaloy sa buong katawan nya mula sa kamay ni Norbert.

Napakagat sya ng labi si Margareth dahil sa nangyari. This is not right. Hindi nya maaring maramdaman ang ganitong uri ng pakiramdam lalo na sa isang lalaking kakikilala lang nya. Lalaking pinaglaanan nya ng kanyang virginity para lang sa kagustuhan nyang gumawa ng isang desisyon sa buhay nya. Desisyon na hindi nya alam kung pinagsisihan nya ang resulta dahil si Norbert ang resulta nun.

Nababaliw na sya. Nababaliw na si Margareth dahil sa mga nangyayari at dahil na rin kay Norbert. Hindi nya maaring maramdaman ang biglang pagtibok ng puso nya tuwing nasa tabi nya ang lalaki mula sa maikling panahon. Ang pakiramdaman na parang sasabog sya sa sobrang kaba dahil sa lalaking nakatitig sakanya. Maikling panahon palang na magkasama sila pero madami na ang nagbago kay Margareth at hindi tama yun. Hindi maaring magkagusto sya sa isang lalaki sa maikling panahon lang. Isa yung kabaliwan! Maikling panahon at nagkagusto na sya?! Isa itong malaking kabaliwan at nababaliw na nga sya. Napayuko nalang si Margareth.

"S-Salamat sa---" pinutol ni Norbert ang pagsasalita nya ng bigla sya nitong nilapitan at hinawakan sa braso. Hinawakan rin nito ang baba nya para itaas mula sa pagkakayuko. Alam ni Margareth na makikita na naman nya ang mata ng lalaking kaharap nya na may nag-aalab na apoy roon pero nagkamali ata sya dahil hindi nag-aalab ang nakita nya roon kundi maliit lang na silab lang ng apoy.

"A-Are you okay? May masakit ba sayo? May ginawa ba sayo ang lalaking yun?" Gustong magmura ni Margareth dahil sa kakaibang Norbert ang nasa harap nya. Mula sa pagiging naughty and bad boy look guy ay napalitan ng isang mala anghel na lalaki at isa pa ang husky voice nito.

Hindi makasagot si Margareth sa tanong nya. Napalunok nalang ito ng unti-unting nagdilim ang mukha nito at ang kinanang maliit na apoy sa mata nya ay unti-unti na namang lumalaki at umiinit. Kinabahan sya dahil doon dahil ngayon lang nya nakita ang galit nitong itsura. Nakakatakot pala sya kapag galit tulad na lang ng nakita nya kanina sa loob.

Ano ba ang meron ang lalaking ito at nagagawa nyang maiwala ang four senses nya pati at common sense ay nawala na rin kay Margareth.

"Answer me! Answer that fucking question!" Halos mapatalon si Margareth dahil sa pagsigaw nito.

"W-Wala. I-I mean hindi ako nasaktan. Wala---" Kinakabahan nyang sagot pero pinitol na naman ni Norbert ang sinasabi nya. Umiwas sya ng tingin kay Norbert at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa balikat nya.

"Babalik na ako sa loob." Sambit nya. Naalala nya palang kasama nya si Axel at Claire sa pagpunta rito.

"No. Hindi kana babalik sa loob." Malamig na sabi ni Norbert. Sasagot na sana sya pero hinila na nito ang kamay nya papunta sa isang big bike.

"N-No way. Hindi ako sasakay dyan." Umurong si Margareth pero agad na nahawakan ni Norbert ang kamay nya.

"Bitawan mo ako.Hindi ako sasakay dyan kahit anong sabihin mo. I'll never in my entire life." Takot na takot na sambit ni Margareth. Naluluha na rin sya dahil sa takot. Takot na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin. Hinawakan ni Norbert ang balikat nya at tinitigan sya nito pero nag-iwas sya ng tingin.

"Trust me." Sambit ni Norbert. Hindi umimik si Margareth. Naramdaman nalang nya na hinalikan ni Norbert ang likod ng kamay nya.

" Just trust me, Baby. You'll be safe with me." Dahil sa sinabi nito ay kumalma sya. Tila nawala ng kaonti ang takot nya. At ang puso nya, kumakalabog na naman ng malakas dahil sa kakaibang dulot ng sinabi ni Norbert sakanya.

Sumakay na si Norbert saka nito isinuot ang helmet nya. Inilahad naman nito ang kamay nya para makasakay si Margareth. Nang makasakay si Margareth ay sya ang naglagay at nag-ayos ng helmet.

"Kumapit ka." Inilagay ni Margareth ang kamay nya sa beywang ni Norbert. Nagpapasalamat sya dahil nakahelmet sya ngayon kung hindi makikita ni Norbert ang pamumula ng mukha nya dahil sa nahihiya syang humawak sa katawan ng lalaki.

Madami na syang nabasang kwentong ganito ang nangyayari sa ibang bahagi ng libro. Kikiligin ang babae dahil sasakay sya sa isang big bike motor kasama ang lalaking mahal nya. Yayakapin ito sa mula sa likod na parang nasa langit sya habang nasa byahe pero iba ang nararamdaman nya. Natatakot at kinakabahan sya. Ibang pakiramdaman na nagdadala sakanya mula sa bingit ng pagkahulog mula sa isang malalim na pakiramdaman na hindi nya alam kung makakaahon pa ba sya kung sakali man.

Hinawakan ni Norbert ang nanlalamig nyang dalawang kamay at ipinulupot yun sa katawan nya. Ramdam na ramdam ni Margareth ang init ng katawan ni Norbert at ang matigas nitong tyan na may bukol bukol pa. Napalunok si Margareth at napapikit ng mariin. This is what they called romantic scene? Mamatay ata ako sa sobrang kaba dahil dito. Sa isip ni Margareth.

Narinig nyang pinaandar na ni Norbert ang motor at napayakap sya ng mahigpit ng umandar na ito. Mabilis ang pagtakbo ng motor hanggang sa unti-unti 'yun bumagal. Napamulat ng mata si Margareth at tumingin sa dinadaanan nila. Kahit na para na syang tanga sa kakaamoy sa mabangong likod ni Norbert ay nagawa pa rin nyang magtanong.

"S-Saan ba tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa bahay." iniliko kasi nito ang motor sa daan na dapat papasok sa village nila. Hindi sumagot si Norbert sa tanong nya kaya nagpanic na sya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"Muling tanong nya.

"Sa lugar na hindi mo pa nakikita." Masayang sambit ni Norbert. Kinabahan si Margerth dahil doon at naalala na naman nya ang nangyari sakanila noon.

"Hey! I know what you're thinking. We're not going to do that again." Humalakhak si Norbert at napayuko nalang sya dahil sa kahihiyan na natanggap nya. Bakit ba kasi nya naalala yun? Atsaka bakit nabasa ni Norbert ang iniisip nya?

Tumahimik nalang si Margareth at tinignan nalang ang bawat sasakyang kanilang nadadaanan. Unti-unting lumalamig ang hangin na humahaplos sa balat nya. Wala pa naman syang suot na jacket dahil naka tube na kita ang maputi nyang tyan habang napauting pantalon sya na hapit sakanya at kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nya.

Margareth is really a catch pero kahit na palaging sinasabi ng lahat na maganda sya ay hindi nya nakikitang maganda sya dahil kahit isa mang lalaki ay walang nagtatangkang lumapit sakanya sa unibersidad na pinapasukan nya. Kahit isa ay wala at duon sya nalulungkot kahit man lang magkaroon sya ng lalaking kaibigan ay wala dahil iniiwasan sya ng mga ito na para syang may malalang sakit.

Napabuga nalang sya ng hangin dahil sa mga iniisip nya. Hindi nya naramdaman na huminto na pala ang motor na sinasakyan nya at hindi pa rin nya binibitawan ang pagkakayakap kay Norbert.

"S-Sorry." Sambit nya saka bumaba sa motor. Tinignan nya ang paligid at napanganga sya dahil sa nakita nya. Nasa mataas silang lugar at kitang-kita nya ang buong city lights na parang mga Christmas light mula sa kinatatayuan nya.

"You like it?" boses mula sa likod nya. Inilagay ni Norbert ang kaninang suot nitong jacket sakanya. Tumabi ito sakanya at tinignan na rin ang city lights sa baba.

"Yeah, I like it." Nakangiti nyang sambit habang nakatingin sya sa buong paligid. Tama si Norbert. Dinala sya nito sa lugar na hindi pa nya napupuntahan at ito yun.

"Palagi ka bang pumupunta dito?" tinignan nya si Norbert na nakatingin rin sa city light sa baba.

"Dati. At ngayon nalang ako bumalik ulit."

"Bakit?"

"Basta. Mahabang kwento at baka kapag ikinuwento ko maabutan natin ang sunrise." Humalakhak si Norbert habang nakatingin sakanya.Napangiti si Margareth dahil dun.

"Salamat ulit."

"Para saan?" tanong ni Norbert..

"Para sa pagligtas sa akin." Nakangiti nyang sagot. Hindi nya alam kung bakit sya nakangiti kahit sa maikling sagot nyang yun siguro dahil sa ganda ng lugar. Ngumiti lang si Norbert.

Ilang minutong walang umimik sakanilang dalawa at nag-iisip silang dalawa kung sino ang unang magsasalita. Kung sino ang babasag sa katahimikan na bumabalot sakanilang dalawa.

"Sorry." Si Norbert.

Napatingin sakanya si Margareth at napabuntong hininga ito dahil doon. Alam ni Margareth kung saan nagsosorry si Norbert 'yon ay sa sinabi nito kanina sakanya.

"Hindi ko kasi alam kung bakit..." huminga ng malalim si Norbert saka ipinagpatuloy ang sasabihin.

"Nangyayari sa'kin ito. I mean. Bakit ko naman mamimis ang isang katulad mo, diba? Yung iniisip kita at yung nangyari sa atin before. I'm no longer a Norbert that I used to be before. I know you can't believe what I'm saying right now but this is the truth."Napanganga si Margareth sa lahat ng sinabi ni Norbert. Is he confessing his love to her? Oh bullshit! Isa na naman ba ito sa mga taktika ng isang Norbert Santiago? Sweet words to get a girl? Or this is real? Pero hindi naman kapani-paniwalang ang isang Norbert Santiago ay namimis ang babaeng nakilala lang nya sa bar at naging kaone night stand nya ay mamimis nya? This is insane! Really insane dahil kung totoo ito ay siguradong mababaliw na si Margareth.

"Wait. What did you just said? What?!" napahilamos ng mukha si Margareth dahil sa lahat ng sinabi ni Norbert sa harap nya. This can't be dahil gulo ang mangyayari. He knows everything in this guy at alam nyang gulo ang idadala nito sakanya.

"This can't be happening, Mr. Santiago. This can't be. Alam mo ang ibig kong sabihin dahil ikaw ang kaaway ng Daddy ko kahit na magkasosyo kayo sa negosyo. Alam mo ang mangyayari diba?" naguguluhang sambit ni Margareth.

"He will going to use me and you also." Nanlumong sambit ni Margareth.

"No. I'm not!" tumaas ang boses ni Norbert dahil sa sinabi ni Margareth. Galit syang tiningnan ni Margareth dahil sa sagot nya.

"Yes you are! You've had used many girls before just for satisfying your needs as a men. To keep your company alive dahil ang mga pinapatos mo ay ang mga anak ng mga businessman na kalaban ng kumpanya mo. I've researched you, Mr. Santiago. At may katibayan ako. You can't feel love. You can't feel that dahil manhid ka at ang gusto mo lang makitang bumabagsak ang mga kalaban mo. And of course you can't say that you've had fall in love to me dahil lang sa maikling panahon na nagkakilala tayo. Walang taong nahuhulog sa maikling panahon lang, Mr. Santiago." Pinal na sambit ni Margareth.

Malungkot syang tinignan ni Norbert. Nag-iwas ng tingin si Margareth dahil hindi nya kayang salubungin ang mga tinging iyon dahil parang may nasasabing bawiin nya lahat ang sinabi nya.

"You're a beast. At kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng ito sana hindi nalang ako pumunta sa bar na yun at gumawa ng isang napakatangang desisyon dahil pinagsisihan ko na yun ngayon."

"Don't say that." Si Norbert. Malamig ang tinging ibinigay nya kay Margareth tulad ng boses nito. Biglang nakaramdam ng lamig si Margareth kahit na may suot syang jacket.

"Hindi ko pinagsisihan ang gabing yun. Hinding-hindi." Napalunok si Margerth.

"Dahil nakilala kita. Dahil nakasama kita kahit sa maikling panahon na sinasabi mo. Sana maniwala kang may mga taong nagkakagusto kahit sa maikling panahon lang. Sana maniwala ka sa akin kahit ngayon lang tulad ng pagtitiwala mo sa akin kanina sa pagsakay sa motor. "

"I like you, Ms. Margareth Singson Ty. I like you and you can't change that." Ngumisi sakanya si Norbert saka ito naglakad at tinalikuran sya papunta sa motor bike.

What's with that smirk? Damn! What I'm going to do next?! Can he just disappear and leave me alone? Sa isip-sisp ni Margareth. naglakad na sya papunta kay Norbert na nakasakay na sa motor habang nakatingin sakanya na may ngisi sa labi.

Next chapter