webnovel

Chapter 19

((Vanellope))

"Ang sarap nyang kausap"sabi ni Kring habang naglalakad kami pauwi.Bumaling ako dito.Tama naman kasi sya,ang sarap nyang kausap.Kung hindi lang siguro yun 1hour break baka hanggang ngayon kumakain pa rin kami at nagkukwentuhan.

Bigla naman itong huminto ng may tumawag sa kanya.Sumenyas ito na si tita daw iyon,mama nya.

Umupo muna kami sa tabi,kinuha ko rin ang cellphone sa bulsa ko at nag open ng messenger.

Napangiti naman agad ako kasi maraming messages si Cris na hindi ko nabasa simula nung nagbreak kami ni Kring.Hindi kasi namin nakuha sa storage room ang mga bag namin kasi nakakahiya naman sa naghihintay at sabi naman ni Sean na libre nya🤭

Nagulat ako kasi biglang tumawag kaya sinagot ko na lang,sumenyas din ako kay Kring na si Cristoff ang kausap ko.

"Ano bang pinaggagagawa mo ha!Kanina ka pa hindi online,pinag alala mo ako!" Alam ko sa tono ng boses nya na nag alala nga ito.

"Ano kaba okay lang naman ako,dumaan kasi kanina si Sean sa store eh niyaya kami ni Kring sakto naman na break namin kaya sumama na lang kami" paliwanag ko dito.

"Hindi ako na inform na may Sean kana pala tas pinapaasa mo lang ako"inis na sagot nya.

"Hahaha Duhh.. friend ko po yun at isa pa hindi kita pinapaasa okay?Nakilala ko sya nung nakaraan"

"Tuwang tuwa ka pa talaga,nakauwi kana ba? Gabi na ah,bat parang may katabi ka dyan?"

"Si Kring kasama ko,tumawag kasi mama nya kaya umupo muna kami sa tabi.Ikaw kamusta naman araw mo?"

"Eto parang baliw na naghihintay ng reply,yun pala may kausap ng iba"

"Hahaha kahit hindi ka mag antay ng reply ko baliw kana talaga"

"Ay opo,baliw na baliw po sayo"at rinig kong tumawa ito.

"Hahaha Loko ka talaga,sa bahay na lang ulit"paalam ko dito.

"Okay po prinsesa,mag ingat ka ha"paalam nya.

Tumawa naman ako.Loko talaga 'to🤭

Nakangiti pa rin ako habang hawak ko ang cellphone ko,nakalimutan ko tuloy na may kasama pala ako.

"Anong tingin naman ya bes?"tanong ko dito.

She rolled her eyes.

"Nakakainggit kayo bes, sarap nyong ibahon ng buhay"at tumawa ito.

"Loko ka! ganyan tagala si Cristoff,pinanganak yatang bolero"sagot ko sa kanya.

Pumasok na kami ng condo at nagbihis ako sa kwarto at nang lumabas ako sa sala nakita ko si kring nakaupo sa couch at may kausap sa telepono.Kaya dumiretso na muna ako sa kusina para maghanda ng makakain namin.

Narinig kong papalapit ito sa akin.At umupo ito sa harap ko habang naghahanda ng mga pagkain.

"Uy bes alam mo ba, malapit na pala fiesta sa lugar namin" excited na sabi nito.Kumuha ito ng isang slice ng apple na nasa harap nya.Hinihintay nito na magsalita ako.

"Sama kita don tulad ng dati" dagdag nito.Nag isip naman ako kasi last time na pumunta kami don nag enjoy talaga ako.

Umupo ako sa harap nya at naglagay na ng kanin sa plato at ganon na rin si Kring.Nagluto lang ako ng hotdog kasi gabi na at wala na akong time magluto ng adobo(as if marunong akong magluto nun😅)

Habang kumakain kami napansin ko na panay ang tingin nya sa akin.

"Oh anong tingin yan?"tanong ko dito.Uminom naman ito ng tubig bago nagsalita.

"What if kung isama kaya natin si Cristoff sa probinsya namin bes? Kasi malapit na mag fiesta dun at yun ang itinawag ni mama kanina,magsama daw ako ng maraming kaibigan para naman daw masaksikan nila kung gaano kasaya ang fiesta sa amin"pagpapaliwanag nito.

Bigla naman ako na excite sa sinabi nya.

"Time heals almost everything"

- mag uupdate na talaga ako this year kasi malapit na mag march10 hahaha '

Keepsafe sa lahat lalong lalo na sa mahal ko sa buhay

JMP_beautycreators' thoughts