webnovel

Chapter 4

(( Cristoff ))

Nakahiga ako habang kachat ko sya.She never failed to make me smile.Yung tipong nakangiti ka habang nagrereply sa kanya.Kahit walang kwenta mga replies nya napapangiti ka pa rin:)

"Iba pala talaga pag inlove eh,may pangiti ngiti pang nalalaman"sabi ni Kenneth ng umupo ito sa harap ko.

Bumaling ako sa kanya na nakangiti.

"Ganito ba talaga pag inlove?" tanong ko.

"Oo naman,yung tipong kahit hindi mo sya kaharap napapangiti ka"sagot ni kenneth.

So inlove na pala ako nito?🤭

(( Vanellope ))

"Kita ulit tayo mamaya"paalam ko kay Kring na nanunuod ng tv.

Ngumiti lang ito sa akin bilang tugon.Nakilala ko si Kring nung nag college na ako kasi yung mga bestfriends ko nung high school eh pumunta ng ibang bansa at ako lang talaga ang naiwan dito sa pilipinas.First day ng klase nun nang makilala ko sya kasi maingay talaga sya sa classroom namin,una ayaw ko sa kanya kasi medyo shy type ako pero di nagtagal ay naging mag close kami kasi parati kaming magkatabi sa upuan.Masaya itong kasama kaya kahit nangungulila ako sa mga dati kong bestfrieds ay nawawala din naman ang lungkot ko kasi nandyan naman si Kring para icomfort ako.

Nasa store na ako at nagsimula na naman ako magtupi ng mga nagkagulong damit.Nag early in kasi ako sa sobrang dami ng customers dahil nga magpapasko na.At abala ang lahat ng staff sa kakaassist ng mga customer kasama na ako diyan.

"Hi"Nagulat ako sa approach sa akin ng isang lalaki na nasa likuran ko.

Bumaling ako sa kanya.Nakangiti ito na akala mo model ng toothpaste.

"Medium size"sabay abot nya sa akin ng tshirt na hawak nya.

Ngumiti ako at kinuha ko ito mula sa kanya.

"Check ko po Sir"at umalis na ako sa harap nito.

Tiningnan ko sa computer kung meron pang available na size,at may natira pang tatlo.Hinanap ko sa stock room pero wala.

Naku! Patay ako nito sa kakahanap.Ukay ukay pa naman ang eksena ngayon ng store.

Bumalik ako sa kanya.Naghihintay pa rin ito.Ngumiti na naman ito ng makita nyang papalapit ako sa kanya.

"Sir wait lang po, hahanapin ko lang"at nagsimula na akong maghanap sa ukay ukay na kaharap ko.

Pano ko ba ito mahahanap eh sobrang gulo kaya ng mga damit.Napabuntong hininga ako.

"Tulungan na kita"

"Naku Sir wag na,kaya ko 'to"

At yun,tinulungan nya nga akong hanapin ang medium size na gusto nya.

"Ano pala pangalan mo?"simpleng tanong nya.

Bumaling naman ako sa kanya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Van,break ka na muna.Si Sara na bahala dyan"ani ni Sir sa akin.Tumango naman ako at tumalikod na ito.

Bumaling naman ako sa customer ko na nakatitig pala sa akin.

"Sa susunod na lang ako bibili,break ka na muna"

"Sigurado ka Sir?"tanong ko.

"Oo,pero kung nakokonsensya ka na hindi mo ako matutulungan,hayaan mo akong samahan ka sa break mo"nakangiting sabi nito.

Kakain daw kami sa isang fastfood.Nagpaalam ito para pumila sa mahabang pilahan:)Nagkaroon ako ng time para tingnan sya sa malayo.

Naka shorts ito at simpleng t-shirt.Naka sneakers din ito na bagay sa kanya.Aaminin ko,gwapo sya.Sobrang lakas ng appeal nya.Tipong kahit bakla napapatingin dito.

Tumingin naman ito sa akin at tsaka nag wave.

Ang gwapo nya sa part na yun! ahahaha:)Nginitian ko sya bilang tugon.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at inopen ko ang messenger.Ang daming message sa akin ni Cristoff.

"Goodmorning Ganda"

"Uy busy ka na ba?"

"Duty ka na? Ingat ka ha"

"Siguro nagtutupi ka na naman dyan no?"

"Miss na kaya kita:("

"Reply ka naman:("

Nakangiti ako habang binabasa ko ang mga mensahe nya.

Loko talaga 'to:) Nagreply naman ako sa kanya.

"Hi! kamusta ka?"

Online ito kaya nagreply agad sya.

"Wow naman,si dinami ng message ko sayo yan lang sasabihin mo?"

"Oh kalma lang,nag early in kasi ako kanina ang dami kasing customer eh"reply ko.

"Kaya naman pala,nakakamiss ka alam mo ba yun. Puntahan kaya kita?"

"Hahaha loko ka"reply ko sa kanya.

"Kelan ka pwede Van?Itour mo naman ako dito sa lugar nyo.Isang linggo kasi kami walang byahe eh"

"Talaga?Bakit naman?"tanong ko.

"Inaayos ang pyesa"reply nya.

Nagulat ako ng may nagsalita sa harap ko.Tumingala naman ako sa kanya.

"Mukhang special yang kachat mo"sabi nito.May hawak itong tray ng pagkain at inilapag ito sa mesa.

"Ano nga ulit pangalan mo?"Tanong nito ng makaupo sya sa harap ko.

"Vanellope nga pala,ikaw ano nga pala pangalan mo?

"Pati pala pangalan mo maganda rin..Ako nga pala si Sean"

Spread the never ending LOVE and CARE:)

pls.vote and rate :) Thankyou

-JMP

JMP_beautycreators' thoughts
Next chapter