Wow! sosyalin pala ang bar na pinagtatrabahuhan ng nakapulot ng Id ko! ani heshi sa sarili habang pinag aaralan ang labas ng naturang bar. Kinuha agad niya ng cellphone at itinext ang katagpo niya sa lugar na iyon, pero may ilang minuto na syang nakatayo sa labas niyon ay hindi pa rin ito sumasagot. Panay ang tingin ni Heshi sa relong suot dahil ayaw naman niyang abutin ng hating gabi sa paghihintay doon. Ayaw nya namang pumasok sa loob dahil natatakot sya, hindi pa kase sya Nakaka experienced na mag bar kahit dalawang taon na silang nagtatrabaho ni Yra.
Isinantabi ni Heshi ang hiya na baka makaabala sya sa trabaho ng lalaki dahil nagsimula na syang paringin ang telepono nito. Hindi naman siguro ito mapapagalitan ng boss nito dahil sandali lang naman siya doon.
Napatuwid sa pagkakatayo si Heshi ng sumagot ang lalaki, "H-Hello, ahm ako yung may ari ng Id na napulot mo at nandito na ako sa labas ng bar ninyo!" pandalas na sabi niya dito.
"Talaga! sige pasok ka dito sa loob kase hindi ako pwedeng lumabas! pakibigay mo nalang tong cellphone mo sa guard jan sa labas at kakausapin ko!" anito, at sinunod naman yun ni Heshi, kinalabit niya ang guard at iniabot dito ang cellphone niya.
"Kuya kakausapin ka daw!" sabi nya sa gwardya na parang nagulat sa ginawa niya. "Andun sa loob yung kaibigan ko kakausapin ka daw!" ulit niya dito.
Saka palang nito inabot ang telepono, "Okey po sir, sige po ako na po ang bahala!" sabi nito sa kausap.
"Ma'am, pasok na po kayo sa loob!" magalang na sabi nito habang iniaabot sa kanya ang cellphone nya.
Nginitian niya ang gwardya at nagpa thank you bago pumasok sa loob. nagpalinga linga sya sa paligid, hindi kase ito pangkaraniwang bar na katulad ng mga napapanood niya sa mga pelikula at mga commercial sa tv. Napakalawak ng lugar at napakasosyal ng paligid, Wow! pangmayaman! naisip nya habang naglalakad palapit sa naispatang bar counter.
Naupo sya sa isang bakanteng silya doon at saka muling tinawagan ang kausap kanina, nakakadalawang ring palang ay sumagot na ito. "I'm here!" sabi ng lalaking malapit sa kanya.
Ah! napanganga si Heshi ng makilala ito, "Ikaw yung lalaki kanina sa may Atm!" aniya dito.
"Yep! ako nga," sagot nito, "late na nung napulot ko yung I'd mo kase nakaalis kana kaya hindi ko naibalik kaagad."
"Ah, okey lang! nagmamadali rin kase ako kanina kaya umalis ako agad, salamat nga pala sa pagtulong mo sakin kanina don sa makulit na tindero!" nahihiyang sabi niya dito.
"Wala yun," anito saka dinukot sa bulsa ang I'd ni Heshi at iniabot sa kanya, "Ito nga pala yung I'd mo."
Tatanggapin na sana ni Heshi ang I'd nya ng muli itong ilayo ng lalaki kaya napatanga sya sa ginawa nito.
"Nakalimutan kong magpakilala," Ngumiti ulit ang lalaki sa kanya, "ako nga pala si Juno, Juno Guia!" saka iniaro sa kanya ang kamay nito. "And you are Heshi Mikaela diba? is okey if I call you Mine? este Heshi pala!" biro nito pa nito.
Kaagad namang namulang parang kamatis ang pisngi nya! ngayun lang kase sya nakarinig ng ganong birona nakadirekta sa kanya. "Okay!" sinabayan pa niya ng tango ang sagot niya dito.
Natatawa naman nitong iniabot muli sa kanya ang Id nya, "Do you want some drinks? libre ko!" alok nito.
"Ah, wag na nakakahiya naman sayo dalawang beses mo na nga akong tinulungan ililibre mo pa ako!" tanggi niya dito. "tsaka hindi ako pwedeng magtagal baka kase maabala ko ang trabaho mo at mapagalitan ka pa ng boss mo!" nahihiyang sabi niya dito.
"Mabait naman ang boss ko, sigurado kabang ayaw mong uminom?"
"Hindi kase talaga ako umiinom sa ganitong lugar eh, pasensya kana ha!" tatayo na sana si Heshi ng pigilan sya nito.
"Wait ihahatid na kita!" anito.
Huh! anu daw? ansabe nya? napalaki ang mata ni Heshi sa pagkakatitig dito habang nakahawak ito sa braso nya.
Tatanggihan nya sana ang alok nito kung hindi nya lang napansin na nakatingin sa kanila ang lahat ng tao roon kaya napatango nalang sya bilang sagot dito.
Lumabas ang malalim nitong biloy sa kanang pisngi dahil sa pagngiti ng malamang payag syang magpahatid dito. "Okey, lets go!" hinila na sya nito palabas ng bar na iyon ng hindi binibitawan ang pulsuhan nya na para itong may akay na bata.
"Ladies first!" anito habang binubuksan ang pintuan ng kotse nitong nakapark lang sa labas ng bar.
Medyo nagaalinlangan syang sumakay sa loob ng sasakyan nito, Hello! di naman siguro sa manyakis no! tsaka hindi ka naman lugi sa kanya kung sakali dahil sobrang gwapo niya kaya!!! bulong ng malandi nyang utak!
Lumigid na ito at sumakay na rin doon, pero ng maiistart nito ang makina ay dumukwang ito sa bahagi ng inuupuan ni Heshi, kaya napigil nya ang paghinga at napasandal sya sa bigla sa upuan.
"Yung seatbelt mo, aayusin ko lang!" anitong hindi inilalayo ang mukha sa kanya habang nagsasalita kaya naaamoy niya ang mint Cologne na gamit nito.
Jusmiyo, ang lapit ng mukha nya! Clack! narinig ni Heshing naglock na yung seat belt sa tabi niya, saka lang umurong palayo sa kanya ang si Juno.
Natatawang naiiling sa reaksyon nya ang lalaki, bumalik iti sa pwesto at nagsimulang imaniobra ang sasakyan.
"Ganyan kaba sa lahat ng babae?" tanong niya dito ng umandar na kotse nito.
"Anong ibig mong sabihing ganyan?"
"Feeling close!" mahinang sabi niya.
"No I'm not!" deretsong sagot nito, "nakikipaglapit lang ako pag type ko ang babae!"
Huwat?? so ano type nya ako ganern?? napahigpit ang pagkakahawak ni Heshi sa bag nya, maghunos dili ka babae! kakakilala mo palang sa kanya kaya malamang binibola ka lang ng isang yan!
"Nakakabigla ba!?" tanong ni Juno sa kanya, "I'm sorry kung na offend ka, hindi lang talaga ako mahilig magpaligoy ligoy, I always go straight to the point para mabilis ang usapan!"
Napalunok ng laway si Heshi, ngayun lang sya nakaencounter ng lalaking katulad nito kung magsalita, kalimitan kase sa mga iyon ay napipipi pag kaharap sya.