May kasabihan nga tayo matalino man ang matsing napaglalamangan rin! Iyong ang nasa isip ni Jion ngayun habang sakay siya sa helicopter na pagaari ng pamilya nila. Tanging ang piloto lang at silang tatlo ang sakay niyon papuntang Quezon, habang ang mga pulis ay nakaagapay lang sa lupa. Masyado minaliit ng kalaban ang kakayahan niya sa ganitong bagay. Hindi porket isa siyang negosyante ay wala na syang alam sa pakikipagkaban.
Buti nalang at napagplanuhan nilang mabuti kung paano maliligtas si Yra, mas konti silang kikilos mas mapapadali ang trabaho.
Tulad ng napagkasunduan ay naunang bumaba si Vince sa helicopter isang kilometro ang layo sa palayan kung nasan si Yra, para hindi makahalata ang kalaban. Sinadya nila ang mababang paglipad niyon para makatalon kaagad si Vince, sinundo naman ito ng nakamotorsiklong tauhan nila. Dahil sa lakas ng ugong ng helicopter ay hindi na narinig ang palapit motorsiklo, nagpaikot ikot muna sa lugar ang helicopter bago tuluyang maglanding. Bago tuluyang makababa ang helicopter ay napasok na ni Vince ang grupo ng mga nakabantay sa likurang bahagi ng kubo. kinuha nito ang Jacket at sumbrero ng isa sa mga iyon sa humalo sa iba pang bantay.
"He's here!" sabi ni khalix.
Sampung minuto pa at matatapos na ang isang oras na palugit ng mga ito kay Jion.
"He's fast!" Sagot ng kasama nitong matandang lalaki, "dalhin yan"
Lumapit sa kanya ang isang bantay at binuhat sya pasampit sa balikat nito. Halos maalog ang utak niya sa pagkakabitin ng ulo niya mula roon.
"Where is she?" Jion in hes threatening voice kahit napapaligiran sila ng humigit kumulang 100 armadong kalalakihan.
"Wag kang atat! makikita mo rin sya!" sigaw ng isa sa mga naroroon na sa hinala niyay pinaka lider ng ito. "Nasan ang pera?"
Ibinaba ni Minjy ang buhat nitong overnight bag na naglalaman ng 100 milyong piso.
"Ibigay niyo sakin si Yra at inyong inyo na ang perang ito." sigaw ni Jion 50m ang layo niya sa kinaroroonan ni Yra dahil hindi pa ito inilalabas ng kubong iyon.
"Ikaw ang magdala ng pera dito sa loob!" sigaw ni Mr. amorillo
Dinampot ni Jion ang bag at sinimulan ang paglapit sa kubo habang nakatutok sa kanilang dalawa ni Minjy lahat ng armas ng mga ito. Dahil sa lakas ng tunog ng elisi ng helicopter ay hindi nila namamalayan na unti unti na palang nauubos ang mga nakabantay sa likod ng kubong iyon dahil pinababagsak na ng mga snipers nila.
Nang makalapit na si Jion ng tuluyan sa mga ito ay bumungad sa kanya ang nobyang nakasampay sa balikat ng isang lalaking nakabullcap at naka pang armyng jacket katulad ng mga lalaki sa labas.
Kaagad itinutok sa mukha niya ang baril ni khalix, "How are you big brother?" nakangising salubong nito sa kanya.
"Wag na tayong magkamustahan, ito na ang pera, akina ang girlfriend ko." sabi ni Jion sa kanyang pamatay na aura.
"Mayabang ka talaga Jion, kaharap mo na ang kamatayan pero para ka pa ring hari kung umasta." bago pa makalabit ni Mr. Amorillo ang baril nito ay isa na agad malakas na putok ang umalingawngaw sa labas ng kubo.
Bumagsak sa sahig si Mr. Amorillo, iisang bala ng baril ang kumitil sa buhay nito mula sa kay khalix.
Napatili si Yra sa sobrang takot dahil katabi lang niya si Mr. Amorillo, gulat na gulat naman si Jion dahil hindi niya iyon inaasahan.
Muli sa kanyang mukha itinutok ni khalix ang baril nito, "Ako ang nagpapakahirap kaya natural lang na ako ang makinabang." anito saka lumapit sa tabi ni Yra.
Abot abot ang kaba sa dibdib ni Jion, isang maling hakbang at siguradong mapapahamak silang lahat.
Kinuha ni Khalix ang bag kay Jion, "Sayang ang babaing ito, gusto ko pa naman sana sya kaya lang hindi ako kumakain ng tira-tira!" saka ni pinaputukan ng sunod sunod si Jion sa dibdib.
"Hindi!" sigaw ni Yra kasabay ng pagbagsak ni Jion.
Sabay sabay na malalakas na putok ang umalingawngaw sa labas ng kubong iyon.
"Wag kang magalala dahil sasama ka sa kanya!" siya naman ang babarilin ni khalix, pero bago pa nito naiputok ang baril ay ito naman ang bumulagta sa sahig.
Sunod sunod na putok ang ibinigay dito ng lalaki na syang may buhat kay Yra, nakatago ang baril nito sa pagitan ng hita ni Yra at ng dibdib nito para hindi makita ng lalaking target nito,.
Saka nito ibinaba si Yra at pinutol ang cable tie sa paa niya. "shhh! its okey now." habang dinidistrongka nito ang posas sa kanyang mga kamay.
Punong puno naman ng pinaghalong luha at pawis ang buong mukha ni Yra habang tinitingnan nobyo.
"Boy, tama ang na acting! Patay na ang kalaban!" sinipa sipa ito ni Khalix sa binti at bigla namang bumangon si Jion.
"ayss! gusto ko pa naman sanang maging bayani sa mata ng girlfriend ko kaya lang ang pangit ng binigay mong role!" Anito
Lalo naman lumakas ang pag iyak ni Yra ng makitang buhay ang nobyo, kaagad naman siyang niyakap nito ng mahigpit habang pagapang na lumalabas doon si Vince sukbit ang bag ng pera.
Bago tuluyang nakalabas si Vince ay pinaputukan ito ng kalaban mula sa labas. Gumanti naman ito ng putok hanggang sa matamaan nito ang kalaban.
Dahan dahan nababawasan ang mga putukan sa labas habang silay nakatago sa ilang sako ng ipa na nagsisilbing panangga nila sa mga balang tumatama sa kubo.
"Buhay pa ba kayo?" sabay sabay silang napalingon sa pinto ng magsalita roon si Minjy. "Okey na magsilabas na kayo jan." saka inalalayan si Vince sa pagtayo.
Walang masabi si Yra, hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman, halohalong takot at saya ang nasa dibdib niya. Sinubukan niyang tumayo subalit walang lakas ang kanyang tuhod kaya dirediretso syang napaluhod.
"Yra!" kaagad naman siyang sinaklolohan ni Jion, "May tama ka ba,saan?" hindi magkamayaw na tanong nito.
"Wala okay lang ako" muli niyang pinilit tumayo, kaya binuhat nalang siya ni Jion .
"Dito man lang mag ay magmukha akong bida!" anito saka lumakad palabas ng kubo, isinandig ni Yra ang ulo sa dibdib ni Jion.
Nandoon na ang mga pulis sa labas, napakarami ng nakabulagtang tao sa mga palayan.