Dingdong! Dingdong!
Ahhh!!!! Pambihira sinong bwiset ang sumisira sa restday ko? Ke aga aga eh nambubulabog,.
Napuyat pa naman siya dahil ginabi sila uwi ni Heshi galing sa reunion ng
batch nila, napasarap ang kwentuhan nila ng mga dati nyang kaklase.
Dingdong! Dingdong! Tuloy tuloy pa rin ang pagtunog ng doorbell sa apartment na inuupahan niya, napilitan na tuloy
bumangon si Yra bago pa sya masigawan ng mga kapit bahay nyang magigising sa ingay.
"Sandali lang anjan na!" sigaw nya, ayaw pa rin kasing tumigil ng doorbell nya sa pagtunog, kaya dali dali syang tumakbo palabas ng kwarto. Di nya napansin ang lamesitang nasa gitna ng maliit nyang salas at blog! tumama ang tuhod nya dito.
"Awww! Ang sakit!" hinimas himas ni Yra ang tuhod nya habang papunta sya sa pinto, at binuksan iyon habang iniinspekyon ang tuhod nya.
"Sino ba kasi yan ang aga aga eh?" tuloy tuloy pa rin si Yra sa paghimas sa nasaktang tuhod.
Tumapat sa mukha nya ang isang paper bag. Dahan dahan syang nagtaas ng tingin ng dumapo sa mata nya sa isang perpektong at mala anghel mukha.
wow! nanaginip ba sya? Si Jion nasa pinto ng bahay nya. Lasing pa ata sya.
"Breakfast." tumuloy na ito sa loob ng bahay niya. "busy ako kagabi kaya hindi na kita nasundo. Nagdala na ako ng almusal baka kasi hindi kapa kumakain eh." Tinakpan nya ng kamay ang bibig, Shit dipa sya nagmumumog!
Itinuro nalang dito ang mesa nya, at dali dali syang pumasok ng sa loob ng banyo. Binilisan nya ang pagtotoothbrush, bakit ba kasi ito nandito? Ano bang kailangan nito? Kinuha ni Yra ang towel at pinunasan ang bibig nya.
Paglabas nya ng banyo ay nadatnan niya itong inihahanda ang mga lamang pagkain ng paper bag na dala nito.
"Bakit ka nagpunta dito?" bungad kaagad ni Yra "pano mo nalaman kung saan ako nakati-"
"Hep! Hep! hep!" pigil ni Jion kay Yra sa pagsasalita "bago mo ako tanungin kumain muna tayo, kasi gutom na talaga ako eh!, sasagutin ko lahat ng yan habang kumakain tayo.!"
"Okey!" sumunod na lang si YRa kay Jion dahil biglang kumalam ang sikmura niya sa amoy ng nakahandang pagkain sa mesa niya. Bago isubo ni Yra ang piraso ng pritong manok ay tinanong na naman niya si Jion "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"I ask Heshi and she gave me the info.!" Sagot naman nito.
"Ang babaeng iyon. Ibenenta ako!? Humanda sya sakin bukas pagpasok ko sa opisina." Sa pagitan ng pag sipsip niya sa pakpak ng manok.
"Hindi ka naman talaga ibenta ng kaibigan mo. Nagkataon lang na hindi sya nakatanggi ng nagtanong ako." Seryoso pa din ito sa pagkain ng fried rice na dala nito, ngayon lang siya nakakita lalaking sobrang gwapo kahit kumakain lang. Ano ba ito model
ng fastfood na nagdedeliver ng breakfast?
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Medyo malalaking mata, napakatangos ng ilong at mapupulang labi, teka naglagay ba ito ng liptint?
"Bakit kaba talaga nagpunta dito sa bahay ko? Kala ko ba malinaw na sayo nung sinabi kong kalimutan nalang natin ang nangyari." nagtatakang tanong ni Yra matapos nyang lunokin ang nginangatang manok.
"Let's make it clear okey?." Tumigil na rin sa pagkain nya si Jion. "Ang sabi mo kalimutan na natin ang nangyari diba?"
"Tama, kaya nga hindi ko maitindihan kung bakit andito ka ngayon eh!?" sagot ni Yra.
"Pero hindi mo naman sinabing kalimutan kita." Patuloy ni Jion sa sinasabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" binitawan na rin ni Yra ang hawak na kutsara at tinidor.
"What I mean is" sumandal na ito sa upuan "I can't forget you." Nag pause muna ito bago muling nagpatuloy sa pagsasalita, "after what happened to us that night, I keep thinking about you!"
"Wag ka ng magpaligoy ligoy. Ano ba talagang tinutumbok mo?" naiinip na si Yra, pinag salikop niya ang mga kamay niya sa ibabaw ng mesa.
"I like you!."
"huh!?" Nahulog ang baba ni Yra na kasalukuyang nakapatong sa kamao nya.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" kunot noong tanong ni Jion sa kanya, di na kasi napigilan ni Yra ang impit na pagtawa niya.
"Wala naman!" ikinumpay kumpay pa niya ang isang kamay sa ere. "gusto mo ako? Bakit? Kase may nangyari satin ganon." ano bang tumatakbo sa isip ng isang ito?
" Hindi. Its not because of that, I like you!" inulit nito ang sinabi kanina.
"huh!? You like me?" di naniniwala si Yra.
"Yes." Di man lang kumurap si Jion.
Langyang to! Ang lakas ng kumpinsya ng sa sarili! napailing nalang si Yra at napabuntong hininga.
"Ayoko." Mariing sagot niya.
"Huh!?" di makapaniwala si Jion "what do you mean?"
"Ayoko! As in no! Hindi porket may nangyari satin eh maniniwala na agad ako sayo. At isa pa hindi mo pwedeng sabihin sa akin na gusto mo ako dahil lang doon. " Nginitian ni Yra si Jion, "what happen between us is just one night. Hindi mo kailangan makonsensya o maobliga dahil hindi mo naman ako pinilit, nangyari yun because were both drunk. At nasa tamang edad na ako so hindi ka naman makakasuhan ng child abuse."
"Ok!" Biglang tumayo si Jion sa upuan. "Busog na ako, may kailangan pa akong gawin sa opisina." Un lang ang sinabi nito at lumakad palabas ng bahay niya, naiwan syang tulala.
"Gusto nya daw ako pero isang tanggi ko lang layas agad! Aba! anung akala nya sakin pusa? Kung sinong unang magbigay ng pagkain doon na magpapaalaga!" iiling iling si Yra habang itininuloy ang pagkain niya.
Isusubo na sana uli nya ang pakpak ng manok ng tumunog uli ang doorbell nya. "Aba bumalik! Ano kayang nakalimutan ng lalaking iyon?" tumayo na sya para buksan ang pinto.
"Ang tagal mong magbukas ng pinto." Bungad sa kanya ni Heshi pagbukas na pagbukas palang niya ng pinto. Direretso na itong pumasok sa loob ng bahay niya.
"Hoy babae, anlakas naman ng loob mong pumunta dito pagkatapos mo akong ibenta sa bayaw mo.!" Sinundan na din ni Yra si Heshi patungong kusina.
"Oh, asan na si Jion?" baling ni Heshi sa kanya dahil hindi nito nakita ang sadya nito.