webnovel

Chapter Fifteen

Naririnig ng apat ang naghihiyawang na mga lasing sa labas ng bahay. "So, may ipapakita ba tayong klase ng bullet proof sa media tungkol dito?" tanong ni Van na ang tinutukoy ay ang buong karahasang nangyari, "paano kung tayo ang magiging salarin sa mga mata nila?" tanong pa ng reporter. Nakatayo ang apat sa may binata at panay ang silip nila sa bintana sa mga taong nagpa-party sa labas. "Di mangyayari 'yan." Sagot ng cameraman sa iniibig niya. Ibinigay ni Garry kay Van ang isang maliit na camera mula sa sapatos nito. "Na-record ko lahat ng nangyari simula nang pumasok ako dito, at hanggang ngayon, naka-on pa rin 'yan." Sabi ni Garry. Natuwa at napangiti ang tatlong dilag dahil napahiran din ang takot at kaba sa puso nila dahil may pruweba na sila na wala silang kasalan sa karahasang nangyari. "Sige na, lumabas na kayo. Dito lang ako. Kausapin niyo na sila." Sabi ni Garry kay June, Paige at Van. "Exclusive eye-witness ka ngayon... Twinkle..." sabi ng cameraman sa reporter. Nagulat sina Sparkle at Dazzle sa sinabi ni Garry kay Van. "Twinkle?" sabay na tanong nina June at Paige kay Garry. "My little shooting star." Sagot ng cameraman sa dalawang artista. Napangiti lang sa killig itong si Van sa dalawa nitong kaibigan. "Matagal na niya 'ko tinatawag na ganyan, sweet 'no! twinkle little star..." sabi ng reporter dalawang aktres. Kinarga ng tatlong dalaga ang cameraman at pinaupo sa sofa na naka-harang sa front foor. "Handa na kayo?" tanong ng cameraman sa sa tatlong celebrities. "Opo direk!" sagot ng tatlong dilag. "Lights, camera, action..." sabi ni Garry na nakaupo lang sofa na parang movie director.

Binuksan ng tatlong dalaga ang main door ng bahay at lumabas. Patuloy sa pagpa-party ang mga lasing. Nang biglang pumutok at umusok ang sound system sa sasakyan ng mga pulis at napatigil ang mga deputy at mga newscaster sa pagsayaw at pag-ingay. Nadismaya ang mga lasing dahil nagiba ang audio system na gingawa nilang music sa kanilang party. Ngunit nang may marinig silang tinig ng lumalakad na mga naka-high heels na mga babae, tumingin sila agad sa front door ng bahay ng sabay-sabay at nagulat ang lahat na mga pulis at mamahayag sa kanilang nakita. Nakita ng mga lasing sina Dazzle, Sparkle at si Twinkle na lumalakad palabas ng bahay. Pumagitna si June at sa kanan niya si Paige at sa kabila naman si Van. Napanganga lang ang lahat habang nakatitig sa tatlong dalaga na bumababa ng hagdan mula sa balkonahe ng bahay. Everything was in slow-motion. Patuloy ang pag-usok ng sound system na para bang nagbibigay ng mensahe sa lahat kung gaano ka-sexy at kaganda sina Paige, June at Van, kahit punit-punit na ang mga gown nila, puro dugo at may mga bukol at sugat sa mukha, idagdag mo pa ang pulang hagdan, parang nagpapahiwatig sa mga lasing na may tatlong magagandang dilag na naglalakad sa red carpet. Napatakip naman ng long-sleeves ang isang matabang reporter ng kanyang balikat at tiyan dahil nahihiya ito sa katawan niyang hindi masyadong maalindog. Napalunok ng laway ang isang deputy at ang isang cameraman ay patuloy sa pag-laway habang nakatingin sa tatlong babae.

Nang biglang may isang cameraman na nag-take ng picture sa tatlong dalaga na naglalakad pababa ng hagdan at nagkaroon ng flash. At ilang segundo lang, nagsitakbuhan agad ang mga reporter at cameraman papunta sa tatlong bituin. Bumaha agad ng mga tanong mula sa mga newscaster hawak-hawak ang kanilang mga microphone. Kahit nahihilo at lasing na, umaksiyon naman agad ng mga pulis para harangan ang mga mamahayag na makalapit kina June, Paige at Van.

"Ano po'ng nangyari sa loob?!", "Ba't puro po kayo dugo?", "Nandoon po ba sa loob si Starkiller?"... Bumabaha ng mga tanong at hindi masagot-sagot agad ng tatlong dilag ang mga tanong. Nang biglang pumito si Garry ng malakasan mula sa kinuupuan nito. Napatingin lahat sa nasabing cameraman at sumenyas ang binata sa mga nagsisitanungan na kumalma lang at isa-isa lang kung mag-tanong. Napatigil ang mga reporter sa pagtanong ng sabay-sabay. "Miss Van, nasa loob po ba ang killer?" tanong ng isang dalagang newscaster. Napangiti si Van. "Killers actually..." sagot ni Twinkle. "Miss Paige, nasaktan po ba kayo?" tanong ng isang madia man sa tabi ng morenang artista. Nagalit si Paige sa tanong ng newscaster na binata. Napaisip si Paige ng linyang, 'Hindi ba obvious sa mukha ko?' ngunit hindi niya na lang sinabi at tumingin nalang siya ng masakit sa nagtanong sa kanya at tinuro bigla ni Dazzle ang bukol at mga sugat nito sa mukha. Napayuko lang sa hiya ang binatang newscaster. "Miss June, sino po ang killers? Napatay niyo po ba sila?" tanong ng isang lasing na dalagang reporter kay Sparkle na nakatutok ang hawak na microphone sa ilong ng nasabing artista at hindi sa bibig. "Ano ba Rosa! Ayusin mo na naman ang mike mo!" sinasabihan ng mga kasamahang newscaster ang reporter na nagtanong kay June dahil sa panunutok niya ng microphone nito na hindi direkta sa bibig ni Sparkle. Hindi maitutok ng maayos ng newscaster ang microphone ay dahil sa kalasingan nito, nahihilo at parang matutumba. Ibinaba ni June ang mike na nakatutok sa ilong nito sa kanyang bibig. "Oo, napatay na namin sila." Sagot ni June. "Sino ang mga 'sila' na ito miss June?" tanong pa ni Rosa, ang nasabing journalist. Hindi masagot ni Sparkle ang tanong dahil isa sa mga killers ay ang kuya Ricky nito. Napayuko si June sa lungkot. Hinawakan nina Paige at Van ang mga kamay ni June para kumalma ito. Inagaw na lang ni Paige at nagsabi ng, "No comment muna kami." Sabi ni Paige. "Magpapatawag pa din naman kami ng presscon mamaya." Dinugtungan na lang ni Van ang sentence ni Dazzle at nagsimula ng lumakad papunta sa mga sasakyan nila itong tatlong biktima ng sakuna. Tinuro ni Van si Garry sa mga pulis na nakaharang sa kanilang daan para kunin ang binatang cameraman at umaksiyon naman agad ang mga deputy sa pag-kuha kay Garry sa may front door ng bahay.

Habang nagla-lakad ang magka-kaibigan, papunta sa kanilang mga BMW, narinig nilang tatlo ang sinasabi ng journalist na tumanong kanina kay June na si Rosa. "No comment, no comment, may comment 'yang si June! Tinatago lang niya. Magpapatawag sila ng presscon para makaisip sila ng alibi nila, kasi, sila ang killers! Puwede naman nilang i-summarize ang buong nangyari sa loob, arte to tha max, mga arista nga talaga." Dinig na dinig ng lahat ng mga tao ang sinabi ng nagpaparinig na si Rosa, kay Sparkle. Napatigil si June sa paglalakad, at nanginginig ito sa galit nang marinig ang sinabi ng repoter. Napansin nina Paige at Van, at kahit si Garry na nasa malayuan, ay nakita si June na na napatigil sa paglakad dahil sa galit. "Oh God..." sambit pa ni Garry. "Bes, 'wag mo mo ng pansinin 'yon." Sabi ni Paige sa bestfriend. "June just breathe..." sabi ni Van kay June na tinuturuan kung papaano huminga. "I know that was going to happened..." sabi ni Sparkle sa sarili. Huminga ng malalim si June, ngumiti at nagsimulang lumakad ulit. "June 'wag mo ng pansinin 'yon, sa presscon mo na lang upakan ang--" sabi pa ni Sparkle sa sarili habang naglalakad nang biglang magsalita ulit ang nasabing newscaster, "Tatakbo na naman siya..." nagpaparinig ulit itong si Rosa kay June. Hindi na makatiis si Sparkle, tumalikod ito at lumakad pabalik sa lasing na newscaster na si Rosa. Sinundan agad nina Paige at Van ang kaibigan nila, at baka saktan nito ang nagpaparinig na newscaster. Napatayo rin si Garry sa wheelchair na kinauuupuan nito nang makita si June na bumalik sa nasabing mamahayag. "June..." sambit ni Van na kinakabahan sa kaibigan at pinipigilan ang kanang braso ni June. "Bes... calm down..." sabi din ni Paige kay June na hinahawakan din ang kabilang braso ng bestfriend. Napatingin ng masakit si Sparkle kay Rosa. Biglang ngumiti si June sa nasabing reporter at biglang niyakap ang lasing na newscaster. Nagulat ang mga pulis at ibang journalist sa ginawa ni June, at kahit sina Paige at Van na humahawak kanina sa mga braso ni June ay napanganga lang sa gulat. Nanlaki lang din ang mga mata ni Garry habang tumitingin kay June. Mali ang ninisip ng mga tao na gagawin ni June sa lasing na reporter at kahit ang nasabing newscaster ay nagulat din mismo. Napatigil si June sa pagyakap kay Rosa at ngunmiti ito sa harap niya at nagsimula ng magsalita. "Pasalamat ka lahat ng sinabi mo, hindi totoo dahil kung naging totoo 'yon, malamang, ikaw ang isusunod ko..." sabi ni Saprkle sa nasabing newscaster. Natakot si Rosa. Natawa ang lahat at napangiti naman sina Paige, Van at si Garry. "By the way, nagpatawag kami ng presscon, kasi, we have to take a rest muna at clean up ourselves. Ikaw, wala ka bang planong linisin ang mukha mo? Amoy alak ka na, sarap mo pang sampalin." Sabi pa ni Sparkle kay Rosa. Napatawa na ang lahat kasama si Dazzle, Twinkle at ang nasa wheelchair na si Garry. Taas noo lang si Rosa para di siya mapahiya. "Sorry ha, arte lang... artista kasi ako..." sabi ni June sa newscaster. Namamawis na si Rosa sa hiya. "Van, na-record, ba lahat ng nasabi ko?" tanong ni June sa bestfriend nitong reporter. "Yes bes." Sagot ni Van kay Sparkle sabay pakita ng mini-camera na patuloy pa rin sa pag-record. Nagulat si Rosa, nang makita ang camera ni Van dahil baka na-record din ang sinabi nito kanina. "gusto mong malaman ang nangyari kanina?" tanong ni June sa nasabing newscaster, "puwes, pumunta ka sa presscon mamaya, pumila ka, at siguraduhin mong makakapasok ka pa, ha!" dugtong pa ni Sparkle. Natakot pa lalo ang newscaster, dahil baka hindi siya papasukin sa presscon. "Miss Spark'z, O.A niyo naman, bakit, di niyo na ba 'ko papasukin sa presscon niyo?" tanong ni Rosa. Ngumiti si Sparkle at sumagot ng, "Nahulaan mo?" at napatawa lahat sa sagot ni June. "You're so great! Galing mo!" dugtong pa ni Sparkle at lumakad papalayo sa press. Napatawa lang si Van at sumunod kay June. "Ouch!" sambit ni Paige sa nasabing newscaster at sumunod na din si Dazzle kay Sparkle at Twinkle. Naiwan lang si Rosa at ang cameraman niya dahil lahat ng mga mamahayag, cameraman at mga pulis ay sumunod na din sa tatlong bituin. Natawa din si Garry sa ginawa ni June sa nasabing newscaster, pumasok sa loob ng sasakyan ni Warren at nag-drive ang isang deputy ng sheriff car at bumyahe.

Lumalakad sina June, Van at Paige papunta sa mga sasakyan nila habang nag-uusap habang hinahabol sila ng media at hinaharangan lang ng mga pulis ang mga newscaster na makalapit sa tatlong bituin. "Taray mo do'n sa babaeng 'yon 'te!" napapangiting pagsabi ni Van kay June. "Kulang pa nga 'yon eh! Di ba bes?" tanong din ni Paige kay June. "Hayaan mo na 'yon, erase-erase!" sabi ni June sa dalawang kaibigan. "So?" tanong ni Twinkle sa dalwang artista. Dinugtungan ni Paige ang linya ng kaibigan ng, "Let's celebrate alnight?" tanong ni Dazzle sa dalawang bestfriend. Napangiti si June at sumagot ng "You're damn right..." at napatawa ng patago ang tatlong dilag at pumasok sa mga sasakyan nila at bumyahe papalayo sa media na humahabol sa kanila.

The End...Almost...

Nag-aaway si Rosa at ang cameraman nito. "Ikaw kasi!" sigaw ng cameraman sa nasabing newscaster, "sa sobrang kalasingan mo, wala ngayon tayong ibabalita tungkol sa nangyari dito!' dugtong pa ng binatang cameraman. Sa loob ng bahay ni Paige ay may mga pulis at detectives na naglilinis at may nag-iinbestiga sa sa salas, kusina, at dining room. "Bakit kasalanan ko ba'ng nasarapan ako sa alak na nainom ko?!" sagot naman ni Rosa sa cameraman nito.

Sa loob din pala ng nasabing bahay, ay may mga mamahayag din na kumukuha ng pictures sa crime scene at silang dalawa lang ang hindi pinapasok.

Nagalit na ng todo ang cameraman ni Rosa. "Buwiset!!" sigaw nito sa amo niya, sabay na ibinigay kay Rosa ang camerang dala-dala niya, "hayan! Sa'yo na 'yang camera mo! Ibili mo pa ng alak at toyo! Pang-sawsaw mo sa pulutan mo!" dugtong pa ng binatang cameraman at umakyat ng balkonahe at pumasok sa bahay ngunit sa front door ay may humarang sa kanyang pulis. "Hep! Hep! Hep!" sabi ng pulis sabay harang sa nasabing cameraman, "sinong nag-sabi sa'yong puwede kang pumasok dito?" dugtong pa ng pulis. "Hindi 'ko kasama 'yan, baka ibang cameraman ang tinutukoy mo!" sagot ng cameraman at napatitig ang pulis at ang cameraman kay Rosa. Ngumiti lang ang nasabing newscaster sa pulis. "Sa bagay, baka ibang cameraman nga ang tinutukoy ko." Sabi ng deputy at pinapasok niya ang cameraman ng nasabing mamahayag.

Isinara ng pulis ang front door ng bahay at naiwan ang lasing na si Rosa sa labas ng bahay bitbit ang camera.

The Real Ending...