webnovel

THE DISGUISER

Kung ano-anong diskarte ang ginawa ni Marble nang mahanap ang kinaruruonang ospital ni Chelsea. Bumili muna siya ng minicon dress saka nagtungo sa ospital at nagpakilalang isa sa mga kaibigan ng dalaga.

Sa 4th floor, room 412, 'yun ang sinabi ng nurse sa counter. Nagsuot siya ng sunglasses at wig para di makilala ni Vendrick sakaling naruon man ito sa kwarto ni Chelsea.

Sa elevator pa lang, kumakabog na ang kanyang dibdib. Paano kung maawa si Vendrick kay Chelsea at ngayon din ay hiwalayan siya nito? Wala siyang laban sa dalaga. Buntis ito sa anak ni Vendrick.

Hanggang ngayon, di niya alam kung bakit wala siyang tiwala sa asawa, o mas tamang sabihing wala siyang tiwala kay Chelsea. Alam niyang magagawa nitong bawiin sa kanya ang asawa kung gugustuhin nito.

Biglang lumungkot ang kanyang mukha. Umuwi na lang kaya siya? Ano'ng silbi ng pagsunod niya kay Vendrick hanggang dito sa ospital? Para saktan lang ang kanyang damdamin? Alam naman niyang malalim talaga ang pagkakaunawaan ng dalawa, natural na magmadali ang asawa sa pagsaklolo kay Chelsea, nakigulo lang siya sa mga ito.

Npahikbi siya. Ano'ng point ng ginagawa niyang 'to kung alam na naman niya ang sagot sa gustong mapatunayan?

Ngunit bago pa siya umatras sa plano ay nakabukas na ang pinto ng elevator kaya humakbang siya palabas duon.

Nakita pa niya ang tatlong nurse na nag-uunahan sa pagtakbo papunta sa isang private room. Hinabol niya ng tingin ang mga ito.

Nang mapadako sa kabilang pasilyo ay lumiko na siya at hinanap ang room 412. Room 408 na ang kanyang unang silid na dinaanan.

Sa pasilyo pa lang papunta sa room 410 ay natanaw na niya si Vendrick sa hallway na kausap ang dalawang kasing-edad ng mga magulang ng lalaki. Marahil ay mga magulang ito ni Chelsea. Nang magsipasukan sa kwarto ang mga tumatakbong nurse kanina ay sumabay na rin ang tatlo sa loob.

Nakaramdam na naman siya ng kirot sa dibdib, halatang nag-aalala ang asawa sa dati nitong nobya.

Nakagat niya ang ibabang labi at lupaypay ang mga balikat na napaupo sa mahabang bench sa tapat ng room 410.

Nakayuko siya habang pasulyap-sulyap sa kwartong kinaruruonan ni Chelsea. Eksakto namang may tumabi sa kanyang isang lalaki at dalawa ang newspaper na hawak.

"Kuya, pwedeng makahiram ng isa?" pakiusap niya.

Ngumiti ito saka ibinigay sa kanya ang hinihingi.

Kunwari'y nagbabasa siya sa laman ng pahayagan pero ang mga mata niya'y panay sulyap sa pinasukang silid ng asawa hanggang pagkaraan ng sampung minuto'y lumabas ang dalawang kausap nito kanina, dumaan sa kinaruruonan niya, dere-deretso sa elevator.

Pagkalipas na uli ng sampung minuto'y lumabas na si Vendrick. Itinakip niya agad ang newspaper sa mukha. Dumiretso din ito sa elevator.

Saka lang niya nakita ang isa sa mga nurse na palabas sa silid na 'yun, tumayo siya agad at nagmamadaling sinalubong ang huli.

"Nurse, saan po nakaconfine ang kaibigan ko? Chelsea Madrigal po ang name niya. Ang sabi ni tita, nasa room 412 daw po siya," simula niya sa pag-arte, pinagaralgal pa ang boses.

"Ah-- yun po, miss! Duon po ako galing," sagot nito sabay turo sa hinahanap niyang silid.

"Kumusta na po siya, kritikal ba ang lagay niya? Ang sabi kasi ni tita, halos 4 months na daw siyang buntis kaya delikado raw ang lagay niya ngayon," usisa niya uli.

"Four months? Four weeks pa lang po siyang buntis kaya nga po delikado po ang lagay ng nasa sinapupunan niya lalo po't nag-take siya ng pills para malaglag ang bata," pagtatama ng nurse sa kanyang sinabi.

Natigilan siya, di agad nakasagot. Four weeks pa lang? Paanong four weeks pa lang samantalang bago sila ikasal ni Vendrick ay buntis na ito? Halos isang buwan na ang dumaan pagkatapos nun.

Ngunit di na siya nakapagtanong uli sa nurse, mabilis na itong umalis.

Naiwan siyang tulala sa gitna ng hallway, agad umandar ang utak niya sa pagkalkula ng mga araw.

Isang buwan? Naalala niyang isang buwan na pala ang lumipas mula nang malasing siya sa club noon at siya pa raw ang namilit kay Vendrick na pakasalan siya nito. 'Yun din ang araw na nagsinungaling ang asawa sa kanyang nakuha na nito ang kanyang pagkababae.

Ibig bang sabihin, may nangyari din dito at kay Chelsea nang gabing 'yun?

Balak daw ipalaglag ni Chelsea ang bata? Bakit???

Naguguluhang bumalik siya sa pagkakaupo sa bench at hinintay na lumabas ang dalawa pang nurse na pumasok sa kwarto ng dalaga pero sa halip ay si Gab ang lumabas ng kwarto, hinihimas ang kabilang pisngi. Nang mapatapat ito sa kanya'y saka niya napansing namumula ang pisnging hinimas nito, bakat ang palad na dumapo duon.

Nalilitong hinabol niya ito ng tingin. Bakit mas naunang umalis si Vendrick kesa kay Gab? Hindi ba't kaya pinapunta ng ina ni Chelsea angh kanyang asawa duon ay para ito ang magbantay sa dalaga?

Sa dami ng katanungang pilit na umuukilkil sa kanyang utak ay di na niya namalayan ang pagtabi ng isa pang lalaking naka-sunglasses din saka umakbay sa kanya.

"Ayy kabayong walang matres!" bulalas niya sa paggkagulat sabay tayo, ngunit pinagsisihan din ang ginawa nang biglang sumakit ang kanyang puson saka lang napatitig sa umakbay sa kanyang napatayo din bigla para saklolohan siya.

"Vendrick?!" bulalas niya uli.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong nito, tinanggal na ang suot na sunglasses saka siya hinawaka sa braso.

Napatingin tuloy sa kanila ang lalaking nagbigay sa kanya ng newspaper.

"Tarantado ka talaga! Bakit mo ako ginulat?" hiyaw niya sabay suntok sa tyan nito.

Napa-"ouch" lang ito ngunit pigil ang matawa.

"Inakbayan lang naman kita ah. Ano ba kasing pumasok sa utak mo't sumunod ka rito?" sermon na nito saka siya inakbayan at hinimas ang parteng sumakit sa kanya, iginiya na siya papunta sa elevator.

"Ano'ng nangyari bakit sumakit ang tyan mo?" usisa nito, nasa boses pa rin ang pag-aalala sa kanya.

"Napatayo kasi ako bigla. Akala ko kung ano nang nakahawak sa'kin. Bwisit ka kasi!" nakasimangot niyang tugon.

"Ipa-check-up na kaya kita sa baba," presenta nito.

"Wag na. Nawala na naman eh," tutol niya habang nakatayo na sila sa elevator.

Katahimikan...

"Paano mo akong nakilala?"

"Bakit ka sumunod?"

Sabay pa silang nagtanong.

Katahimikan uli...

"Paanong di kita makikilala eh asawa kita?" pabulong nitong sagot.

"Ano kamo?" matigas niyang usisa.

"Wala, umuwi na tayo," sagot na nito, nakaakbay pa rin sa kanya.

"Paano mo nga ako nakilala?" giit niya.

Dismayado itong tumingin sa kanya.

"Paano kitang di makikilala, eh ikaw lang naman itong pinaka-engot na nakilala ko. Tingnan mo nga 'yang high heels mo, sa pagmamadali mo'y magkaiba ang kulay na naisuot mo," paliwanag nito sa kanya.

"Huh?" gulat na napatingin siya sa suot na sandals. Napangiwi siya, magkaiba nga iyon ng kulay. Bakit di man lang niya 'yun napansin kaninang binili niya?

Napasulyap siya sa lalaki, napangisi.

"Tsaka 'yang wig mo, di pantay ang bangs," puna pa nito.

"Huh? Talaga?" painosente niyang tanong.

Pumalatak na ang asawa pero nanatiling nakaakbay sa kanya.

Inayos naman niya ang suot na wig.

"Bakit ka nga pala andito?" ito naman ang nag-usisa.

Eksakto namang bumukas na ang pinto ng elevator, sabay silang lumabas mula ruon.

"Wala lang, namamasyal lang," pakaswal niyang sagot.

"Style mo. Wala ka lang talagang tiwala sa asawa mo," komento nito.

Natahimik siya.

"Ano'ng wala? Inihatid ko lang si Ynalyn dito baka maligaw at magaya sa'kin noon!" hiyaw niya para ikubli ang pagkapahiya nang mabuko.

"Asus, sinungaling ka talaga," pambabara nito pero pumisil sa kanyang braso.

Napangisi na uli siya pero agad ding natahimik nang tumunog na naman ang phone nito sa bulsa.

Next chapter