"Binbin, kumain ka muna bago ka matulog," tawag niya uli, saka lang ito humarap sa kanya at napipilitang bumangon.
Mabilis naman siyang kumilos, inalalayan itong makaupo saka tumabi rito.
"Ano ba'ng nangyari ba't ka nagkasakit?" usisa niya sabay kuha ng plato, kutsara't tinidor sa tray at nilagyan ng kunting kanin at pork Caldereta ang platong hawak saka sinubuan ang binatang tila bata namang ibinuka ang bibig.
"Hindi ginagamit ni Lorie ang credit card na binigay ko sa kanya, so i had to go and look for her, after that salitan kami ni Mama sa pagbabantay kay Kuya sa ospital," sagot nito sa pagitan ng pagnguya.
Natigilan siya.
Hinahanap pala nito si Lorie? Bakit 'di nito sinabi sa kanya?
"Alam ko namang gusto mo siyang bumalik dito kaya tinulungan na kita," dugtong nito nang masulyapan siyang natitigilan, saka kinuha ang plato at ito na ang kusang kumain.
Napayuko siya. Akala pa naman niya, nag-eenjoy ito sa buhay kasama ang jowa nito o di kaya magkasama ito at ang jowa sa pagbabantay sa kuya ng una. Naghahanap pala ito kay Ate Lorie niya.
"Hindi mo na siya kailangang hanapin, Binbin. Nagtext siya sakin, okay lang daw siya," pagsisinungaling niya nang mag-angat ng mukha.
Bumaling ito sa kanya, napayuko siya uli.
"You don't need to lie," anito't nakadalawang subo lang yata ng ulam saka inilapag na ang plato at uminom ng kunting tubig.
Namula siya. Alam pala nitong hindi totoo ang kanyang sinabi.
"Give me bioflu," utos sa kanya.
Tumalima siya agad, kumuha ng bioflu sa kit at nagmamadaling ipinainom ito sa binata.
"Binbin, totoo hindi mo na siya kailangang hanapin. May tiwala akong okay lang siya," pagbibigay niya ng assurance sabay tabi dito sa pagkakaupo.
Bumuntunghininga lang ito saka inihilig ang ulo sa kanyang balikat at pumikit pagkatapos magtake ng gamot at uminom ng tubig.
Katahimikan...
"Binbin, bakit pala lagi ko kayong nakikitang magkasama ni Chelsea? Kasama mo ba siyang naghahanap kay Ate Lorie?" kinapalan na niya ang mukha para lang isambulat ang laman ng isip.
Sandali uling katahimikan.
Hindi na siya nagtanong uli.
"Nasa labas siya ng gate sa tuwing umuuwi ako," saka naman ito sumagot.
"Hindi kayo magkasama sa ospital?" excited na niyang usisa.
Napangiti ang binata, ipinulupot na ang isang kamay sa kanyang beywang.
"Hindi," paanas nitong sagot, tila nakakaramdam na ng antok, umi-epekto na ata ang gamot na ininom nito. Ang bilis naman.
Napangiti na rin siya, biglang pumanatag ang isip.
Katahimikan uli.
Kumilos ito, humiga at ginawa na uling unan ang kanyang mga hita, this time iniharap na ang ulo sa kanyang tyan, saka ipinulupot ang mga kamay sa kanyang beywang.
"Let me stay here tonight. Mas mabilis akong gagaling 'pag kasama ka," anitong halos hindi na lumabas ang mga salitang yun sa bibig, pero dinig pa rin niya ang sinabi nito, namula pa nga ang kanyang pisngi, aminin man niya o hindi, kinilig siya roon.
Bigla, umalingawngaw na naman sa kanyang pandinig ang kanyang pangako sa ina nito.
"Honey..." paanas nitong tawag.
"Hmm?" ambilis niyang sumagot, nakalimutan agad ang pilit na umuukilkil sa isip.
"I love you..." bulong nito.
Natigagal siya. Tama ba ang pagkakarinig niya? Nag- 'I love you' ito? O baka nagdedeliryo na ito?
Bigla siyang nakaramdam ng takot at muling sinalat ang noo nito, pati leeg at mga braso. Ganun pa rin ang temperatura ng binata, hindi pa rin bumababa. Baka nga nagdedeliryo na ito.
Kaya dinukwang niya ang face towel sa plangganitang katabi ng tray, piniga muna iyon bago pinunasan ang noo ng binata, isinama na niya pati ang braso nitong nakayapos sa kanyang beywang.
"Honey..." tawag na uli sa kanya.
"Hmmm!"
"I love you..." gano'n pa rin ang inusal.
Kaya lalo pa niyang inigihan ang pagpupunas dito, baka nga totoong nagdedeliryo na ito. Lalo tuloy siyang kinabahan.
"Ba't ayaw mong sumagot? Ayaw mo ba sa'kin?" Nagdilat na ito ng mga mata at tumingala sa kanyang biglang nahinto sa ginagawa.
"Hindi ka nagdedeliryo?" taka niyang usisa.
"How can I when I'm comfortably hugging you?" nakangiti nitong balik-tanong, 'di inaalis ang mga titig sa kanya.
Parang siya yata ang magdedeliryo sa mga sinasabi nito aii!
Iniiwas niya ang tingin, kunwa'y 'di ito narinig.
Ngumisi ito saka muling isinubsob ang mukha sa kanyang t'yan.
"Bobo ka pa rin hanggang ngayon. Simpleng English lang 'di mo maintindihan," anito.
Mangani-nganing sapakin niya ito kung wala lang sakit, saka tadyakan palayo sa kanya. Ngunit umingos lang siya bilang sagot at itinuloy pa rin ang ginagawa sa binata para bumaba ang lagnat nito.
Ngunit tila yata ito 'di mapakali at muli na namang nagdilat ng mata saka tumingala sa kanya.
"Honey..." anas na uli.
"Ano na naman? Matulog ka na lang kaya kung inaantok ka!" Hindi na niya naitago ang inis.
Ngumisi na uli ito at mariin siyang tinitigan.
"Marble, do you like me?"
Namumula ang pisnging umirap lang siya at di ito pinatulan.
"Hmmm... You'll be my first gilfriend if you do."
Gigil nang inihampas niya ang towel sa katawan nito.
"Giatay ka talaga! Maysakit ka na nga nagagawa mo pang magsinungaling! Hindi ako bulag oy! Jowa mo na nga si Chelsea, gusto mo pa akong ipila sa kanila!" sermon niya.
Tumawa lang ito, mahigpit na siyang niyapos.
"I love you, Marble," sambit na uli, mas malakas kesa kanina.
Hinampas na niya ito sa braso.
"I love you na kung I love you! Matulog ka na!" gigil niyang singhal, nakanguso na.
Natahimik ito, pagkuwa'y biglang bumangon at tumabi sa kanya saka siya hinalikan sa noo, padampi lang, hinawakan ang kanyang mga balikat at iniharap siya rito.
"You really are my first girlfriend, honey. And you will be my last," mariin nitong sambit pagkatapos ng ilang segundong katahimikang namayani sa kanila.
'Di niya maiwasang tumitig dito.
"Si Chelsea?" 'di rin niya maiwasang mag-usisa.
Sa halip na sumagot. Dinampian nito ng halik ang kanyang mga labing kusang umawang para pagbigyan ito. Padampi lang 'yon, smack lang pero naramdaman niyang tila tumaas lalo ang temperature nito, sa init pa lang ng hininga ng binata at sa pagtaas-baba ng dibdib nito.
Pagkuwa'y muli itong tumitig sa kanya.
"Akin ka na mula ngayon, Marble. I promise you, you'll be my first kiss and my last, my first love and my last, my future wife. I'll devote myself to you 'til my last breath."
Pakiwari niya, nasa loob sila ng simbahan nang mga sandaling 'yon, nagpapalitan ng wedding vow. Gano'n pala ang pakiramdam ng may jowa. Para siyang lumulutang sa alapaap habang binibigkas ni Vendrick ang mga katagang yun sa mismo niyang harapan.
Gano'n ba talaga ang mag-jowa, gano'n magdrama? O ang binata lang ang ganun? Ewan, wala siyang ideya.
"Honey...I love you," muli nitong sambit, muling inangkin ang kanyang mga labi, isang smack kiss uli at nahiga na muli sa kanyang mga hita, niyapos uli ang kanyang beywang at isinubsob ang mukha sa kanyang tyan.
Kinilig na uli siya. Ganto pala ang feeling ng may jowa? Para siyang idinuduyan sa alapaap, sarap ng pakiramdam.
Pero teka? Sinagot niya na ba ang giatay na 'to? 'Yon na ba 'yun? Nagpakurap-kurap siya. Hindi naman niya narinig na nag-"I love you too" siya.
Pa'no nitong nasabing sila na? Inihilig niya ang ulo. Gano'n ba talaga 'yon? Dapat pala nag-practice muna siya bago niya ito sinagot. Hindi ang gan'to, nag-I love you lang 'to, tapos sila na agad?
Napayuko siya't pinagmasdan ang ulo nito at ang dibdib na normal na ang paghinga, 'di tulad kanina, para itong may hika.
'Di bale, sinagot man niya ito o hindi, ang mahalaga ngayon ay gumaling ito. Baka nga dala lang 'yon ng lagnat nito kaya kung ano-anong sinabi sa kanya.
Pero promise, kinilig talaga siya. Para pa ngang totoo lahat ng sinabi nito eh.
Napahagikhik siya't nahimas ang buhok nitong medyo mahaba na, kulang sa gupit.
Sasamantalahin niya ang pagkakataong wala itong alam sa nangyayari ngayon.
"I love you too Vendrick. Akin ka lang din ha?" pabulong niyang sambit. Pabulong lang 'yon, pero bakit kumilos nang bahagya ang binata?
"Yes," sagot nito.
Muli siyang napahagikhik. Paktay talaga siya pag naalala nito ang sinabi niya ngayon. Pero segurado siyang wala itong matatandaan pagkagising bukas lalo na 'pag nawala ang lagnat nito. Kahit tanungin siya, todo deny ang gagawin niya. Bakit ba? Maysakit naman ito kaya abswelto siya sa mga sinabi niya ngayon, invalid din ang mga sinabi nito sa kanya. Kung wala itong sakit, pustahan at 'di ito mangangako sa kanya ng pag-ibig. Sino ba siya para seryosohin nito? Isa lang siyang hamak na pangit na tagapag-alaga sa lolo nitong ulyanin.
Muli niyang inihimas ang isang palad sa buhok nito. Kahit ngayon lang magawa niya yun habang may sakit ang binata. Kahit ngayon lang, managinip siyang siya nga ang nagmamay-ari sa puso nito.
Hanggang sa mapapikit na rin siya't nakaramdam na din ng antok, at nakatulog silang dalawa sa gano'ng ayos.