webnovel

Stay safe

"Hmmmmmm......Ano kaya ang magandang gawin sa mga ganitong sitwasyon?"

"Hay....! napakahirap naman ng sitwasyong to!"

"Ang dami-dami kong napanood na pelikulang zombie2x pero lahat ng pamamaraan nila hindi praktikal"

"Maliban nalang sa pagpunta sa ligtas na lugar"

".............."

"Kumusta na kaya sila? Sana may nakaligtas sa kanila!"

"............"

"................."

"Oo nga pala! Sino kaya tumawag sa akin kanina?"

Agad kinuha ni Jan ang kanyang cellphone upang malaman kung sino yung tumawag sa kanya.

"hmmmmm........"

"11:24 na pala ng umaga kaya pala ang init dito sa bubong, nakalimutan ko magdala ng payong"

"Oh! si Ric pala yung tumawag kaninang 9:38 ng umaga"

"Buti nakaligtas siya!" natutuwa si Jan.

"Tawagan ko kaya siya?..... di, text ko nalang baka mapahamak si taba"

Jan: (txt msg) Hoy taba! Muntik na ako mapahamak sa tawag mo kanina! Pero buti tumawag ka at ligtas ka!

Ilang minuto ang makalipas.

Jan: (txt msg) Hoy! magreply ka!

"tsk2x! di manlang nagreply! Siguro hinahabol yun ng mga zombie"

"Nga pala kailangan kong magbrowse sa internet para makakuha ng impormasyon"

"hmmmmmmm.... tignan natin!"

"new found unknown virus are spreading all over the world, infecting humans blah blah blah!"

"the World Health Organization still don't have the classification of the virus yet"

"all they know, that it's spreading very rapidly"

"by looking to it's data and infection rate, it could infect 75% of the total world population within 3 days"

"the WHO said they still validating the modes of transmission and if it's airborne or not"

"the person who are infected in this kind of virus will have a sudden change of mode, extreme aggression, severe fresh scars all over the body, whitening of the eyes resulting to partial blindness, in short they're like what we called "zombie""

"WHO advised the people to stay away from the people who are infected because of their extreme dangerous behaviours"

"they said that people should protect themselves from the people who are infected and be aware of their bite especially their saliva"

"posted 15 hours ago"

"15 hours ago? meaning kagabi pa nila ito natuklasan?"

"Ok! so, zombie apocalypse nga ang nangyayari ngayon!"

"Kahit na yung mga expert wala pa ring alam kung anong virus to at saka lahat ng bansa ay nagkakagulo ngayon"

"Mukhang wala akong maaasahan ngayon kundi sarili ko lang!"

"hmmm... may nag message!"

Ric: (txt msg) Tol! Zombie Apocalypse tol! Zombie Apocalypse!

Jan: (txt msg) Uu! alam ko! Nabasa ko! Buti nakaligtas ka!

Ric: (txt msg) Tol! Tulungan mo ako dito! Di ko makita yung Lola at Kapatid ko! Kailangan natin silang hanapin!

Jan: (txt msg) Di ako makakapunta ng mabilis diyan.

Ric: (txt msg) Tol! Basta pumunta ka dito ha! Tulungan mo ako! Saka tol dito tayo sa fisbok messenger, sa group chat natin andito si Geo.

Jan: (txt msg) Nakaligtas siya? Buti naman kala ko ikaw lng.

Geo: (fb msgr) Jan puntahan mo kami dito sa Brgy. Kamatis. Kailangan natin magsama-sama para makaligtas.

Jan: (fb msgr) Ok! Walang problema. Tayo lang ba tatlo ang nakaligtas? Nasan sila Carl, Marv at Dan? Bkit hindi naka online?

Ric: (fb msgr) Kanina ko pa tinatawagan yung mga yun walang sumasagot! Baka naging zombie na sila?

Jan: (fb msgr) Diba magkasama kayong umuwi tatlo ni Carl?

Ric: (fb msgr) Pumunta kami sa Internet Cafe para maglaro. Umuwi na ako nang naglalaro pa silang dalawa ni Geo.

Geo: (fb msgr) Iniwanan ko na siya doon. Umuwi rin ako. Sabi niya magpapa-umaga daw siya kasi nga walang pasok bukas.

Jan: (fb msgr) Patay! Baka nakatulog yun doon.

Geo: (fb msgr) Sila Marv at Dan hindi ko alam. Diba magkasama kayong tatlo sa bahay ni Marv?

Jan: (fb msgr) Di ko rin alam. Naglalaro silang dalawa nang umuwi na ako bandang alas diyes.

Ric: (fb msgr) Ok sige! pumunta nalang kayo dito! Ako na bahala tumawag sa kanila!

Geo: (fb msgr) Sige sige! magkita-kita nalang tayo dito. Maghahanap muna ako ng mga armas para magamit natin.

Jan: (fb msgr) Hoy! Wag! Wag kang gumamit ng baril. Sensitibo yung mga zombie sa ingay. Gumamit ka nalang ng pamalo, yung bakal na pamalo. Paluin mo sa ulo ng malakas.

Geo: (fb msgr) Bakit? Diba sa mga pelikula mga baril gamit nila? At saka maganda yung baril hindi pa tayo mapapagod, pagbabarilin natin mga yan.

Jan: (fb msgr) Sabi ngang sensitibo yung mga zombie sa ingay tangina. Basta wag! May plano na ako! Mamaya ko na sasabihin pagdating ko diyan.

Ric: (fb msgr) Oo nga pala! Nakalimotan kung sabihin na walang kuryente ngayon. Nabasa ko sa isang post na pumutok at nasunog kaninang madaling araw yung planta na nagsusupply at nag-gegenerate ng kuryente dito sa lugar natin. Buti nakapag-charge ako.

Geo: (fb msgr) Ano? Bat ngayon mo lang sinabi Lowbat na ako!

Jan: (fb msgr) Ah! Kaya pala nung pag-gising ko ay wala akong narinig na kahit isang tugtug, wala palang kuryente. 22% nalang battery ko, Ric ikaw muna ang mangalap ng mga impormasyon para magamit natin sa ating plano. Ganito, Geo puntahan mo si Ric dahil magkalapit lang kayo ng bahay, wag kang gumamit ng baril sa mga zombie. Ric habang wala pa si Geo mangolekta ka muna ng pampa-ingay, mga lata or tansan o di kaya'y mga sound system na de batterya tulad ng lumang radyo. Sa bubong kayo dumaan para ligtas di naman siguro makaka-akyat yung mga zombie. MANATILI SANA KAYONG LIGTAS.

Geo: (fb msgr) Sige tol! Mag-ingat ka rin.

Ric: (fb msgr) Ok! pero sigurado ka ba na hindi makaka-akyat yang mga zombie? Diba sa movie na napanood natin yung "World War Z" ba yun? inakyat nung mga zombie yung pinakamataas na bakod!

Jan: (fb msgr) Sa pelikula lang yan. Gawin niyo nalang pero syempre mag-ingat parin kayo!

Geo at Ric: (fb msgr) Ok sige!

Jan: (fb msgr) Alis na ako! Pupuntahan ko na kayo diyan! Basta't wag kayong padalos-dalos ha! Planuhin niyo muna bago kayo kumilos.

Geo at Ric: (fb msgr) Sige! Hihintayin ka namin dito!

"Ok! kailangan ko sila puntahan"

"Kaso medyo malayo yung Brgy. Kamatis"

Bitbit ang hagdan na gawa sa kahoy, tubo na pamalo, at bag na may lamang pagkain at damit ay naglakbay si Jan patungong Brgy. Kamatis na gamit ang bubong bilang daan dahil na rin sa nagkalat ang mga zombie sa daan at paligid. Tumawid si Jan mula sa bubong hanggang sa bubong ng kabilang bahay at kahit medyo may distansya yung mga bubong ay kaya niyang tawirin gamit ang hagdan na gawa sa kahoy bilang tawiran.

"Ha!... Ha!..... Ha.....! Nakakapagod naman nito at sobrang init pa!"

"Ha!....Ilan pa kayang bubong ang tatawirin ko papuntang Brgy. Kamatis?"

"Ha!.....Hindi naman pwedeng dumaan sa daan dahil sa mga zombie na nagkalat!" hinihingal na pagkasabi ni Jan.

Nagpatuloy si Jan sa pagtawid sa mga bubong ng dikit-dikit na mga bahay hanggang sa may umatake sa kanya mula sa likod. May malakas at matigas na bagay na tumama sa kaniyang likuran na agad naman niyang ikinawalan ng malay.

"ughhh....................."

-------------------End of Part 4-------------------