"Uhm... is he your brother?" tanong ni Korain kay Jei na hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Lalo pa't lumapit sina Rain at Wonhi sa kanila.
"You must be Jei's brother. I can see the resemblance," saad ni Korain kay Rain at agad na inilahad ang kanyang kamay. Nakangiting kinamayan siya ni Rain.
"You must be Korain," saad ni Rain. Biglang nanlaki ang mga mata ni Korain ng makita si Wonhi na tahimik na nakatayo sa likuran ni Rain.
"Oh my gosh! Are you really Wonhi Park? Whoa, you look good," saad ni Korain. Hindi sumagot si Wonhi bagkus ay nakatitig siya sa di mapakaling dalaga.
Maya- maya ay bumaling siya kay Korain at ngumiti ng tipid. "Hmmm... you seem very happy," saad niya. Napakagat- labi si Jei dahil alam niyang pinapasaringan siya ng binata.
"Of course! Can we take a photo?" saad ni Korain kay Wonhi saka hinila si Jei. "Let's take a photo with my idol! Whoa, this is unbelievable," masiglang saad ni Korain habang hinihila si Jei palapit sa kanya. Lalong nagdilim ang mukha ni Wonhi ng akbayan ni Korain si Jei habang nagseselfie sila.
Masayang nagpaalam si Korain sa mga ito. Pinisil pa niya ang pisngi ni Jei. "See you tomorrow," saad nito. "Please, go first," saad nito sa dalaga. "Ladies first."
"Are you saying that I'm a lady?" inis na saad ni Wonhi.
"Whoa! I'm not picking up a fight with my idol. I didn't mean to offend anyone," apologetic na sagot ni Korain na nagtaas pa ng kamay tanda ng pagsuko.
"Uhm... thanks for today," nahihiyang saad ni Jei kay Korain na agad ngumiti at tumango at nagwave. Bumaling naman ang dalaga kay Wonhi. "I- I think we should go," kinakabahang saad ni Jei saka hinila ang kamay ng binata. Walang nagawa si Wonhi kundi sumunod sa dalaga.
"See you around, man," saad ni Rain kay Korain bago sumunod sa dalawa. Hinintay muna niyang makapasok ang mga ito bago siya sumakay ng taxi pabalik sa cafe.
Dumiretso siya sa isang lumang hotel at mabilis na tinuntong ang fire exit patungo sa isang kwarto. Marahas na tinadyakan ang pintuan at agad na itinutok ang kanyang baril sa isang lalaking nagmamasid sa siwang ng kurtina at naghahandang kalabitin ang gantilyo ng kanyang snipper riffle. Ang kanyang target--- si Jei!
"Drop your weapon or I'll kill you!" nagbabantang saad ni Korain.
Sa gulat ng lalaki ay nagmistula siyang estatwa. "K- korain! W-what are you doing here? I thought you already left?" gulat na tanong ng lalaki.
Lingid sa kaalaman nito, pinara ni Korain ang taxi ilang metro lang ang tinakbo saka naglakad patungo sa lumang apartment na malapit sa apartment complex ng dalaga. Dahil sa nagtataasang hotels at bars sa harap ng lumang apartment ay hindi ito agad mapapansin. Ngunit ang halos isang metrong pagitan ng dalawang matatayog na buildings sa harapan ay sapat upang magawang magmatyag ng lalaki sa apartment ni Rain.
"Give me your gun," mando ni Korain. Nagdalawang- isip ang lalaki kung susundin ang utos ng ninata o hindi. Biglang ipinutok ni Korain ang kanyang baril sa may paanan ng lalaki.
"Ya... n-no michosso?! (Hoy, b-baliw ka ba?)" pinagpapawisang at nanlalaki ang mga matang saad nito sa binata. Naka-silencer ang baril ng binata kaya't alam niyang walang makakarinig kahit barilin niya ng ilang beses ang lalaki sa harap niya.
"Ani," malamig at nagbabantang sagot ni Korain. "Majimak gyonggoimnida! Hana... dul... (Eto ang huli mong babala! Isa... dalawa)"
"Wae... wae ironeun gojyo? (Bakit mo ginagawa ito?)" nanginginig ang boses na tanong nito.
"Set! (three)" nakangising saad ni Korain.
"Aaaaaaaaaah!" sigaw ng lalaki ng barilin ni Korain ang binti nito. Napaluhod ito sa sahig at agad nagmakaawa sa binata. Imbes na maawa si Korain ay binaril niya ulit ito sa kabilang binti.
"Geumanhaeyo! (Tama na po!) I- I'm just following your father's order. Non igol wae haneun goni? (Bakit mo ginagawa to?)" tanong nito habang nag-aalumpihit sa labis na sakit.
"Just bored!" nakakalokong saad ni Korain. "I told you not to mess with MY girlfriend!" nanlilisik na saad nito. Kunot ang noong tumingin ang nanghihinang lalaki sa binata. Ngumiti naman si Korain na parang nagpapantasya. "Jo yojaneun nae goya! (Ang babaeng iyon ay akin!) Everything and everyone that Wonhi owns are mine! Understood?"
"N-nae, algessoyo! (Oo, naiintindihan ko!)" nakapikit at higit ang paghingang sagot nito. Lalo itong nangining sa takot ng itutok ni Korain ang hawak na baril sa sentido nito. "J- jaebal, salryojwo. Jugiji ma! (Parang awa mo na, huwag mo akong patayin!)"
"Too late!" nakangising sabi ni Korain saka kinalabit ang gantilyo ng kanyang baril. Tumawa ng nakakaloko ang binata ng magmisfire ang baril. "You look pathetic, Dr. Lee!" Tumawa ito ng tumawa saka iniwang ang doktor sa kaawa-awang sitwasyon. Nanghihinang binabalot nito ang sugat gamit ang pinunit niyang damit.
"F*ck you, Korain!" nanghihina ngunit galit na bulong nito.
Samantala, sa apartment ni Rain...
"Do you wanna help me prepare these?" tanong ni Rain sa kaibigan.
"No," walang kabuhay-buhay na sagot nito saka dumeretso sa kanyang kwarto. Nagkatinginan ang magkapatid.
"Nagtatampo yata siya," kinakabahang sabi ni Jei.
"Nagtatampo? He's outraged!" saad ng kapatid.
"Why? I mean I get it. I made a mistake pero walang rason para magalit siya sa akin. Korain is just a friend. His gestures have no meaning," paliwanag ni Jei.
"Ya, Wonhiya. Odiga? (Hoy, Wonhi. Saan ka pupunta?)" sigaw ni Rain ng makitang bitbit ni Wonhi ang kanyang mga gamit.
"My room," sagot nito na hindi man lang lumingon sa kaibigan. Nakagat ni Jei ang kanyang labi sa sobrang nadaramang guilt ngunit pilit niyang jinajustify na walang dahilan para magalit ito sa kanya.
Napahawak sa kanyang dibdib si Jei ng pabalibag na isinara ni Wonhi ang kanyang pintuan. "Galit talaga siya, kuya?" tanong ng dalaga ngunit sa tonong nagkukumpirma.
"Malamang! Sino ba naman ang hindi magagalit kung harap-harapang niyayakap ang girlfriend mo?" pagalit ni Rain.
Walang nagawa si Jei kaya't pagpasok niya ng kanyang kwarto ay nagshower siya. "Do I have to apologize to Wonhi?" tanong niya sa sarili habang nagsasabon. "Pero what should I apologize for?" sagot niya sa sariling katanungan. Mukha tuloy siyang baliw na kumakausap sa sarili. Binilisan niya ang pagshoshower ng hindi tumigil sa pagriring ang kanyang cp.
"Hello?"
Walang sagot.
"Hello? Who's this?"
Wala pa ring sagot.
Pipindutin na sana ni Jei ang end call ng biglang may nagsalita. "If you want to live, leave the country as soon as you can. The next bullet is for you," saad nito.
"What? Who are you?!" Napanting ang tainga ng dalaga ng marinig ang malakas na gunshot sa kabilang linya. Kinilabutan si Jei kaya't di siya agad nakagalaw at tinitigan ng matagal unregistered number sa screen ng kanyang cp.