Pagkatapos ng ilang araw na pag-eenjoy sa Isla del Fuego ay nagbiyahe sila pabalik sa Myan Ji kasama si Martina na malaki ang pinag-iba simula ng bigyang pansin siya ni Rain.
"Welcome to our humble home," nakangiting saad ni Rain sa dalaga na hindi makapaniwalang nasa bahay siya ng binata. Abo't tainga ang kanyang ngiti habang buhat- buhat ang kanyang maliit na luggage na naglalaman ng kanyang mga damit.
"Rain, this is exquisit!" komento ni Martina na nakatingin sa kabuuan ng bahay.
"Let me carry that," kaswal na saad ni Rain sa dalaga na hindi agad nakapagreact. Napangiti ng maluwang si Rain bago kunin ang luggage nito.
"I will show Martina her room. Sumunod na lang kayo," saad ni Rain kina Wonhi at Jei.
"Opo, kuya!" sagot ni Jei.
Nabigla si Jei ng walang sabi- sabi ay kinuha ni Wonhi ang kanyang bag mula sa kanyang mga kamay at naunang pumasok sa bahay. Sa kabiglaan ay hindi niya nakuhang magsalita man lang.
"Oh, andito na pala kayo. Magpahinga muna kayo at ako'y nagluluto ng ating hapunan," sabi ni mang Liam ng makapasok sila sa bahay.
"Where will I put this?" tanong ni Wonhi nang makapasok sila sa kwarto ni Jei.
"Uhm... just leave it there. Thanks," sagot ni Jei na itinuro ang sahig malapit sa pintuan. Nakunot ang noo ni Wonhi sa sinabi niya pero di na siya nagsalita. Tumango lamang siya saka inilapag sa sahig ang bag ng dalaga.
"T-thank you," mahinang saad ni Jei sa binata.
"Uhm... Jei," saad ni Wonhi habang titig na titig sa dalagang hindi malaman ang gagawin.
"Y-yes? What is it?" sa wakas ay nasabi ni Jei na pumutol sa mahaba at nakakailang na katahimikan.
Huminga ng malalim si Wonhi saka marahas na napabuga ng hangin. Napakurap na lang si Jei ng biglang lumapit si Wonhi at yakapin siya ng mahigpit.
"Take a rest," masuyong saad nito bago dumampi ang kanyang mga labi sa noo ng dalaga.
Matagal nang nakaalis si Wonhi ngunit hindi pa rin alam ni Jei ang gagawin. Gulong- gulo ang kanyang utak at damdamin sa mga oras na iyon.
"Why is he acting weird these days? Kung umakto siya, para ko siyang boyfriend," sabi niya sa sarili na ikiniling pa ang ulo na parang nag- aanalyze ng isang mahirap na mathematical problem.
"Heysh! Dati naman niyang ginagawa iyon kaya walang meaning ang kanyang pakikitungo sa iyo," saad naman ng kanyang utak.
"Pero bakit ganun. Iba ang nararamdaman ko pag niyayakap niya ako o kahit malapit siya sa akin," sagot niya sa sarili.
"Baka naman gusto mo siya!" sabi ng kanyang utak.
Nanlalaki ang kanyang mga mata saka niya tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang unan at nagsisisigaw.
"No way! Jei! Anong nangyayari sa yo?!" malakas niyang sabi saka napahiyaw ng bigla niyang tapikin ng malakas ang kanyang mukha.
"Jei! Okay ka lang ba?" sigaw ng kanyang kuya saka niya narinig ang sunod- sunod na malalakas na katok.
"Opo, kuya. Okay lang ako!" sigaw niya.
"Open the door!"
Nagulat si Jei ng marinig ang mariing sigaw ni Wonhi kaya napigilan siyang tumayo at buksan ang pinto.
"What happened? Are you okay? Is there something painful?!" sunod- sunod na tanong ni Wonhi sa kanya habang sinusuri ang mukha at katawan ng dalaga.
"I am fine. You're overreacting," sagot ni Jei.
"What's this?" nag- aalalang tanong ni Wonhi sa dalaga habang nakatingin sa namumulang pisngi nito. Sa lakas ba naman ng kanyang pagkakasampal sa sarili kanina, sigurado siyang magkakamarka ito anumang oras.
Napalunok siya ng mariin ang boses ng binata ng ulitin niya ang kanyang tanong. "What the heck is this? Did you fall?"
Sa ilang sandali ay hindi niya alam kung ano ang idadahilan.
"Anong sasabihin ko? Alangan na sabihin kong nalilito ang isip ko dahil sa kanya. Baka pagtawanan niya ako," saad ng kanyang isip.
"Uhm... a big mosquito landed on my cheek so I..."
"A big mosquito? So, you screamed like you're about to get killed... by a mosquito?" nag- aalangan na saad ni Wonhi. Nakataas pa ang isang kilay. Tanda na hindi siya nito pinapaniwalaan.
"Uhm..." tanging nasambit ni Jei bago magbaba ng tingin.
"As long as you're not hurt...," saad ng binata. Bumuntong- hininga lang si Wonhi bago niya imassage ang namumulang pisngi ng dalaga.
"Anyway, where's kuya Rain. I heard him outside a while ago," tanong ni Jei hindi dahil totoong hinahanap niya ang kanyang kuya. Gusto lang niyang balewalain ang nakakalasing na damdamin sa bawat dampi ng kamay ni Wonhi.
"Are you running a fever?" biglang tanong ng binata habang hawak ang noo ng dalaga.
"Ah... nope. I don't think so," sagot ni Jei saka pasimpleng nag-iwas ng mukha.
"Are you sure?" nag-aalangan pa ring tanong ng binata.
"Let's go down. I bet they're waiting for us," saad ni Jei saka naunang lumabas ng kanyang kwarto.
Tahimik silang bumaba. Naabutan nilang masayang nagkukuwentuhan sina mang Liam, Rain at Martina sa kusina.
"Join us," saad ni Rain sa dalawa. Napamura si Jei ng makitang wala ng ibang upuan maliban sa gitna nina Wonhi at Martina.
"Ba't ka sumigaw kanina?" tanong ni mang Liam sa anak.
"Ah~,"
"A big mosquito landed on her cheek, tito. So, she slapped her face," paliwanag ni Wonhi ng hindi makapag- explain si Jei sa ama. Ayaw kasi niyang magsinungaling dito pero ayaw din niyang sabihin ang totoo.
"A big mosquito? So, you screamed like you're about to get killed?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang kuya. Nagulat ang lahat ng biglang natawa sina Wonhi at Jei.
"What's funny?" nagtatakang tanong ni Rain sa dalawa.
"Nothing. Sorry, it's just that... I said the exact same thing to her when she explained a while ago," natatawang paliwanag ni Wonhi sa kaibigan.
Nakangiting umiiling si Martina habang nakatingin sa magkaibigan.
"Another proof that you're more than just friends," saad ng dalaga.
"Yeah... we're brothers!" sagot naman ni Rain kay Martina saka bumaling kay Wonhi. "Right?"
"Yeah. Of course," tipid na sagot ni Wonhi kay Rain.
"Let's eat," saad ni mang Liam matapos tikman ang sauce para sa deep fried na malalaking alimango.
"This is a feast! Anong occasion, tay?" masiglang tanong ni Jei sa ama.
"I am just happy," sagot ng ama bago tumingin kay Rain na pinaghahain si Martina. Gustong mag-usisa ni Jei ngunit naputol ang anumang sasabihin ng ipaghain din siya ni Wonhi.
"Eat up. You're becoming stick thin," kaswal na saad ng binata. Tinitigan lang niya ang malaking sipit ng alimango sa kanyang harapan dahilan upang magkunot- noo si Wonhi habang pinagpalit- palit ang tingin sa dalaga at sa pagkain sa plato niya.
"Aw... how sweet. I've never seen you treat a woman like a gentleman before. Why the change?" amused na tukso ni Martina kay Wonhi na agad pinamulahan ng mukha.
"Nonsense," saad ni Wonhi kay Martina na agad tumikwas ang isang kilay habang may nanunuksong ngiti sa labi.
"Let him be. He's just being so nice probably because he's going back to Korea this Saturday," natatawang sabi ni Rain kay Martina. Tumango ito tanda ng pagkaintindi.
"Really? Work is calling you already?" tanong ni mang Liam sa binata.
"Yes, po. I asked for an extension but my manager declined. I have works lined up, so no matter how I want to stay longer, I just can't," paliwanag ni Wonhi sa matanda.
Tahimik lang na kumain si Jei habang nakikinig sa kanilang usapan. Hindi niya malaman kung bakit ngunit bigla siyang nawalan ng ganang kumain.
Sa kanyang isip, "Bakit di mo man lang sinabing aalis ka na? Kung sabagay, sino ba naman ako para sabihan mo ng mga plano mo sa buhay?"
Sa lalim ng kanyang iniisip ay di niya namalayang humugot siya ng hininga saka marahas na bumuga ng hangin.
"Are you okay?" nag- aalalang tanong Wonhi sa dalaga na halatang nabigla sa sinabi nito. Nagkunot- noo siya ng makitang nakatingin silang lahat sa kanya at hinihintay ang kanyang paliwanag.
"You seem kinda devastated," sagot ng kanyang kuya.
"May dinadamdam ka ba?" worried na tanong ng kanyang ama.
"I'm okay. Pagod lang siguro po ako sa biyahe," pagsisinungaling ng dalaga na pinilit pang ngumiti para ipakitang okay lang ito.
Nagkibit- balikat lang si Rain kahit alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo.
"Do you have any plans for your remaining days here?" tanong ni Jei kay Wonhi para ilayo ang sarili sa kanilang pag- uusisa.
Linunok muna niya ang nginunguyang pagkain bago sumagot, "Uhm... if Rain has a plan for me, then probably, yeah..."
"Ah... I haven't planned anything yet unless you tell me where you wanna go and what you wanna do," sagot ni Rain sa kaibigan.
"Then, let's have a party at the farm. We will have a feast before you go back to your country," biglang saad ni mang Liam kay Wonhi.
"What? Thank you so much, but no need na po, tito. Being welcomed as a part of this family is enough for me. Besides, I have enjoyed every single day of my stay here," nahihiyang sabi ni Wonhi.