webnovel

Jei's First Romance

Nanlalaki ang mga matang tumingala si Jei sa binata. Mabagal na umusad ang oras sa mga sandaling iyon at tanging tibok ng kanyang puso ang naririnig.

"Kung nagbibiro ka lang~"

"Mukha ba akong nagbibiro?" seryosong tanong ni Archie sa dalaga. "Jei... ano girlfriend na ba kita?"

Napalunok saka marahang tumango ang dalaga. Dahil sa kasiyahan ay biglang niyakap ni Archie si Jei ng mahigpit.

"I love you, Jei!" masuyong sabi ni Archie habang yakap- yakap niya ito.

"I love you," sagot ng dalaga habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng binata.

"Shit!" mura ni Archie ng biglang pumatak ang ulan. "Tamo... pati ang langit nakisimpatya sa yo?" biro nito saka itinalukbong ang kanyang jacket sa napaluhang dalaga.

"Masaya lang ako Archie," natatawang sabi ni Jei.

"Kailangan na nating umuwi," saad ng binata ng lumakas ang buhos ng ulan. Magkahawak- kamay silang tumakbo patungo sa bahay nila Jei.

"Pumasok ka na," sabi ni Archie ng makarating sila sa may pintuan. Nakangiting tumango ang dalaga. Tatalikod na sana si Jei ng tumikhim si Archie.

"Parang may nakalimutan ka yata," sabi nito.

Nagtatakang lumingon si Jei. Ikiniling ang kanyang ulo para isipin kung ano ang nakalimutan niya pero wala siyang maisip.

"Binigay mo ba cp mo sa akin?" tanong niya. Lagi kasing pinapahawak ni Archie ang cp nito sa kanya basta lumalabas sila noon at may mga pagkakataon na siya ang sumasagot sa messages at tawag nito.

"Nope!" nakangiting saad ni Archie.

"So anong~"

"Wala," sabi ng binata bago niya yakapin si Jei. "Goodnight, Jei. I love you."

Natawa si Jei sa sinabi ng binata. "Archie, goodnight din. Kailangan mo nang umuwi!" sita ng dalaga.

"Pwedeng mamaya pa?" lambing ni Archie sa kanya.

"Baka magkasakit ka niyan! Kasalanan ko pa!" pagalit niyang sabi sa bf niya.

"Oo na po, nay. Kala ko may girlfriend na ako, ba't parang dalawa na ang nanay ko!" nakangusong biro nito.

"Isa pa!" inis na sabi ng dalaga. Nagbabantang sasapakin ito. Tumawa si Archie. "Sige na po. Uuwi na," sabi niya saka hinalikan ang noo ng dalaga. Nagpupunas siya ng luha ng madatnan ang dalawa niyang kuya sa kanilang sala.

"How's your date?" nakangising tanong ni Rain habang kinukuha ang 500 mula kay Wonhi ng makitang umiiyak ito.

"It was fine," nakangiting sabi ng dalaga. "It was magical."

"Ba't ka umiiyak kung "It was magical"? tanong ng kuya niya na kinopya pa ang pagkakasabi niya dito.

"Masaya lang," saad ni Jei na parang idinuduyan sa alapaap.

"Oooh! Are you already going out? For real?" tanong ni Wonhi saka pinagkrus ang kanyang mga paa. Napangiti si Jei sa tanong nito saka siya marahang tumango.

"Asus! Kaya pala para kang hinehele sa tono ng pananalita mo~" kantiyaw ng kuya niya. "I am so happy for you, little sis!"

"Yeah! Hope you're finally happy!" sabi naman ni Wonhi saka ngumisi kay Rain.

"Give me my 500 back! Told you it's gonna work," sabi nito. Nakasimangot na dinukot ni Rain ang limang daan sa bulsa saka binigay kay Wonhi.

Nanlalaki ang mga mata ni Jei sa nakikita. "Did you just bet on my date's result?" di makapaniwalang bulalas ni Jei sa dalawa. Pasimpleng tumingin sila sa isa't isa saka umiling na parang mga inosenteng bata.

"Ewan ko sa inyong mga lalaki kayo!" inis na sabi nito bago padabog na umakyat sa kanyang kwarto. Iniwan niyang nagpipigil ng tawa ang magkaibigan.

Sa gabing iyon ay hindi makatulog si Jei. Nagpabaling- baling siya sa kanyang kama. Hindi pa rin siya makapaniwala na magkasintahan na sila ni Archie. Kaya naman nagising siyang parang panda.

"Jei! Andito ang love of your life," sigaw ng kuya niya pagkatapos ng malalakas na katok.

"Oh shit!" mura niya. Nataranta siya habang maghihilamos saka nagsepilyo.

"Bakit andito siya... wala naman kaming usapan!" sabi niya habang pinupunasan ang kanyang mukha. Nag- apply siya ng konting pulbo at lip tint.

"Napadalaw ka," sabi ng dalaga ng makababa ito at madatnan ang boyfriend niya at ang dalawang kuya niya.

Napabungisngis sina Wonhi at Rain ng makita siya at pati si Archie ay di mapigilang mapangiti ng maluwag.

"What?!" inis na tanong ng dalaga.

"Ba't mukha kang espasol?" tanong ng kuya niya. Malakas ang tawa ni Wonhi ng ipaliwanag ni Archie sa kanya ang ibig sabihin ng espasol.

"I thought I saw Joker then I realized it was you!" dagdag pa ni Wonhi.

"*ssholes!" mura ni Jei bago pumunta sa banyo para maghilamos ulit. Nginangatngat siya ng kanyang inis kaya panay ang mura niya.

"At nasali pa ang lintik na Archie na yun! Bwisit siya!" litanya niya habang binubura ang lip tint.

Nadatnan niyang mag- isa lang ni Archie na nanonood ng TV. Wala na ang bruho niyang mga kuya.

"Jei... sorry na," natatawang sabi ni Archie kay Jei ng inirapan siya nito. "Hindi mo naman kailangang maglagay ng make up... kasi maganda ka na. Simple lang... pero maganda!"

"Oo na. Tama na. Di mo na kailangang isugar- coat ang mga puri mo!" inis na sabi ni Jei sa binata. Natawa lamang si Archie sa sinabi niya. Yayakapin sana siya ng binata ngunit biglang sumulpot si Rain na may pilyong ngiti sa labi.

"Lalabas ako. Si tatay nasa bukid kasama ni Wonhi. Manghuhuli daw uli ng tilapia," saad ni Rain bago ito umalis.

"Parang nasasanay na ang idolo mo sa buhay dito ah. At ang close niya sa tatay at kuya mo," may bahid ng selos ang mga katagang namutawi sa bibig ni Archie.

"Gusto lang niyang maging at home dito. Isa pa, magbarkada na sila ni kuya noong nasa Seoul ito," paliwanag ni Jei.

"Kelan ba siya babalik sa Korea?" tanong ni Archie sa dalaga. Umiling si Jei.

"Wala akong idea," sagot niya.

Tumango lang si Archie. "Anong plano mo ngayong araw?"

"Ah... gusto ko sanang mangabayo. Namimiss ko na sila Draco! Tara?" masiglang saad ni Jei kay Archie na napaisip muna bago tumango. Pagkatapos nilang mag- agahan ay pumunta sila sa kabukiran gamit ang motor ng binata.

Napahawak ng mahigpit si Jei sa baywang ni Archie ng paharurutin nito ang kanyang motor.

"Slow down!" sigaw ng dalaga habang isinusobsob ang kanyang ulo sa likuran nito. Nasusukang bumaba si Jei mula sa motor ni Archie habang inaalalayan siya nito.

"Kung gusto mong magpakamatay, wag mo akong idamay!" sigaw ni Jei. Tumawa lang si Archie bago humingi ng tawad mula sa kanyang girlfriend.

"Eto naman masyadong nerbyosa!" kantiyaw ni Archie na lalo niyang ikinainis.

"Kahit sino ay aatakehin sa bilis ng pagpapatakbo mo!" saad ni Jei sabay hampas ng braso nito.

"Sorry na. Pumikit ka muna para di ka malula," sabi ni Archie. Sasalungat na sana siya ng bigla siyang naduwal muli.

"Ooops!" saad ni Archie sabay haplos sa likod ni Jei habang patuloy itong sumusuka. Humingi ng paumanhin ang binata ng mahimasmasan si Jei.

Next chapter