Chapter 21: Guilty
"Kuya?" Nandito na ako sa bahay at nakain na nang hapunan. Ngayon ay balak ko na rin sabihin sa kanila na ninakaw 'yong bike ko, siguro'y si mama alam na 'to, even she didn't ask me about it, I know she already noticed it our garage, nakita ko kasi siyang umiling-iling habang nakatingin sa pwesto kung saan dapat nakaparada doon 'yong bike ko.
"Ano? Sasabihin mo sa akin na nawala 'yong bisekleta mo?" Hindi na ako magtataka kung bakit naitanong na niya sa akin agad 'yan dahil baka nasabi na sa kanya ni mama or baka napansin din niya sa garahe.
"Yes?.. Pero kuya hindi ko sinasadya. Actually hindi talaga siya nawala eh, someone stole it no'ng nasa loob ako ng McDo." Hindi ako makatingin nang maayos kay Kuya John, tanging nakatingin lang ako sa pagkain ko na nilalaro-laro ko lang. Wala kasi akong ganang kumain ngayon dahil sa kaba ko.
"Natatakot ka ba na sermonan kita?" I nodded at him. "Huwag kang matakot, alam kong aksidente 'yong nangyari." This time, may lakas-loob na ako para tumingin sa kanya nang deretso.
"But kuya? I remember pinag-ipunan mo 'yon sa allowance mo dati 'di ba? Para lang maibili ako? Sayang naman 'yong pagtitipid mo tapos may nagnakaw lang."
"Jamilla, I understand your point. Marami na naman 'yon sira at almost 5 years mo na rin naman 'yon napakinabangan 'di ba? Kung hindi na maiibalik sa 'yo 'yon okay lang sa akin, kung maiibalik man e di mas okay." Hindi ito 'yong ine-expect kong mangyayari, kasi akala ko papagalitan niya 'ko, but I was wrong, kapag nagsasalita siya ay napaka-kalmado lang.
"Sabagay.." Tama naman siya pero first bike ko 'yon eh, mahirap palitan lalo na't ang tagal na no'n sa 'kin. May sentimental value na rin.
Kahit gano'n 'yon sinabi ni kuya, aasa pa rin ako na mahahanap 'yong bike ko. Walang imposible, basta maniwala lang.
"Pero Jamilla, matagal pa bago ulit kita maibibili, I can't reduce my allowance like before, kasi I am college student already, marami nang gastusin. But don't you worry, ibibili kita. Promise." I suddenly remembered what promised didn't grant my long-lost father for me. Kaso 'yong kay kuya, alam kong gagawin niya 'yong pangako niya sa akin pero kapag hindi niya natupad iyon hindi 'yon magiging rason para hindi ko siya pagkatiwalaan ulit kasi maiintindihan ko kung bakit hindi niya natupad, hindi katulad ng tatay ko na bigla na lang siyang nawala. Kasabay rin nang pagkawala ng tiwala ko sa kanya.
"Kaya from now on, maglakad ka na lang muna. Malapit lang naman 'yong school dito eh." Tumango-tango na lang ako sa sinabi ni Mama.
-
Kinagabihan, sinabunutan ko 'yong sarili ko habang nakaharap sa salamin.
"Bakit gano'n?" Saad ko. Umupo ako sa gilid ng kama at hinayaan tumulo 'yong luha ko.
Bakit gano'n? 7 years has been passed when my father left us. Bakit ngayon naaalala ko na naman siya? Bakit gumugulo na naman siya sa utak ko? Bakit no'n nag-usap kami ni Jess kanina ay nagsimula na ulit siyang maglaro sa isipan ko? Matagal ko na siyang kinalimutan pero bakit tuwing may mga mabagay na naka-konektado sa kanya ay hindi ko maiwasan na maalala siya?
Flashback...
"'Nak tara na, kain na!" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa loob ng bahay namin, nandito kasi ako sa garden niya dahil naglalaro ako ng bahay-bahayan.
"Teka lang po Mama!" Sigaw ko. "Baby Penny at Baby Memmy d'yan muna kayo ah, kakain lang muna si Mommy. 'Wag kayong mag-aaway." Ni-hug ko muna 'yong mga teddy bear ko bago pumasok sa loob ng bahay namin.
-
"Malapit na 8th Birthday mo Jamilla. What gift do you want?" Malambing na tanong ni Papa sa akin. 1 month na lang ay birthday ko na pala.
"Hmm.. Bisikleta po!" Masaya kong sabi kaya nagtawanan sila kuya John at si Mama. Gusto ko ng bike para maggala kami nila Baby Penny at Baby Memmy sa malapit na park sa amin habang kasama si Kuya.
"Okay, I'll promise, I will buy my daughter on what she want." Nakangiting sabi ni Papa at bahagya niyang ginulo-gulo ang buhok ko.
"Omooo. Talaga po?"
"Oo naman. Cute-cute ni Baby ko, eh." Ningitian ko siya nang malaki.
"Papa, gusto ko kulay pink!"
"Sige ba. Pero dapat may kiss si Papa ngayon para ibili si baby ko." Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi. Kitang-kita sa mukha nila Mama at kuya John kung gaano sila kasaya sa akin. Hindi na ako makapaghintay para ibigay sa akin ni Papa 'yong matagal ko nang gusto.
End of Flashback...
'Yong promise na mukhang simple lang pero ang tagal kong umasa para ibigay niya 'yon sa akin na hindi niya pala tutuparin. Sa totoo lang, kahit hindi niya tinupad 'yon pangako niya, kahit hindi niya ibinigay sa akin 'yon. Okay pa, pero 'yong iwan niya kami, 'yong lungkot na binigay niya sa amin. 'Yon 'yong hindi na okay.
Pinunasan ko ang mukha ko at humiga sa kama. Ayokong umiyak ngayon kaso mahina ako eh.
Sabi ko sa sarili ko kanina na wala nang sakit ako nararamdaman pero mali pa rin pala ako, meron pa rin palang nakatago sa loob-loob ko. Kamusta na kaya siya? Mas sumaya na ba siya? Iniisip niya pa rin ba kaming iniwan niya? Psh. 'Wag nang umasa kasi ilan taon na rin naman nang hindi siya nagparamdam.
Pero... ang sakit Papa, eh. Sobra.
-
Pawis na pawis ako nang makarating sa room namin. 7:30 ang start ng klase namin pero 7 ako gumising. Eh dahil tulog mantika ako hindi ko narinig 'yong alarm ng phone ko at nakalimutan naman ni Mama ako gisingin. So now, tinakbo ko lang naman mula sa bahay namin hanggang sa School kaya halos basang sisiw na ako. Ang laki talaga ng disadvantage sa akin no'n pagkawala ng bike ko, sana talaga mahanap na siya.
Nang makarating ako sa room ko ay wala pang guro na nagtuturo dahil meron pang 3 minutes left bago mag 7:30. Bahagya ako napangiti nang makitang meron isang bottled water sa ibabaw ng 'mesa ko. Alam kong galing ito kay Rence na secret admirer ko raw even walang nakasulat ditong letter, still, I know it's coming from him. Ang galing naman niya, saktong-sakto na kailangan ko 'to ngayon.
-
Second subject na at hindi pa rin napasok si Oliver. Himala't absent siya, wait? Na-offend ko ba siya kahapon kaya hindi siya pumasok or hindi talaga siya papasok ngayon? Hala.
-
Tapos na ang klase sa araw na ito at ako'y nandito na sa loob ng kwarto ko. Kinakabahan pa rin ako kasi wala talaga paramdam si Oliver, hindi niya manlang ako tine-text or tinawagan. Hala. Nakakabwiset naman 'yon Mokong na 'yon eh, bigla na lang hindi nagpaparamdam.
Kung nagpapa-miss man siya sa akin, hindi nakakatuwa. Na-gi-guilty tuloy ako sa sinabi ko sa kanya kahapon. Baka nga nasaktan ko nga siya. Naku po. Hindi ko naman sinasadya eh. Huhu.
Bigla lalong bumilis ang tibok ng puso ko when my phone suddenly vibrate. Dahan-dahan akong lumapit dito para tingnan 'yon nag-text, mas lalo akong kinabahan habang papalapit ako rito. Hindi pa ako sigurado kung si Oliver ba talaga ito.
Rence: (Secret Admirer)
Good Night! ❤
Nadismaya ako nang hindi pala si Oliver 'to. Nag-reply na lang din ako ng 'good night' sa kanya bago nagpagdesyonan na lang na matulog kaysa maghintay ng text ni Mokong, mukha talagang wala siyang balak kausapin ako.
-
Tanghali na and as usual I didn't receive call and text from Oliver. Kaninang umaga ang aga-aga kong gumising dahil nagbabaka sakali na nag-text na siya kaso wala talaga. Huhu, at tulad din kahapon ay hindi na naman siya pumasok ngayon. Actually, kanina sa klase halos nilamon na niya ang isipan ko.
Kailangan ko na bang gumawa ng first move para malaman 'yon reason niya kung bakit siya absent?... Baka kasi mag-assume siya na namimiss ko siya eh. Gusto ko lang naman maging cleared lang talaga sa isipan ko kung bakit siya wala, para makahinga na ako nang maluwag at makapag-focus na lang sa studies ko.
Sa totoo lang, okay lang naman sa akin kung gusto niyang pumasok o hindi. But in my situation right now, may sinabi ako sa kanya nang hindi maganda kaya baka 'yon 'yong rason kung bakit wala siya ngayon.
"Besh! Ba't ka tulala?" Naramdam kong binatukan ako ni Claire. Aray, nandyan na pala sila, hindi ko na namamalayan gawa ni Oliver. By the way, we are here in Cafeteria for lunch.
"Aray naman." Bahagya kong hinihimas 'yon parte kung saan niya ako binatukan.
"Mukha kasi ang lalim ng iniisip mo. It's there any problem? Just tell us and we are here to help you." Aww.. Ang sweet naman.
Siguro kailangan ko rin sabihin sa kanila 'yong mga nangyari no'n Monday para makapag-ambag sila ng tulong sa akin kahit papaano.
"I feel guilty right now!" Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa.
"Why?" Rinig kong tanong ni Jess.
"Hindi pumasok si Oliver ngayon."
"Asus, miss mo lang siya eh." Hirit ni Aivin. Tumingin ako sa kanya nang kunot-noo. Hello? Never kong mamimiss 'yon kumag na 'yon 'no. Like duh, wala akong rason para mamiss ko siya.
"Hindi ah!" Depensa ko.
"Eh? Bakit ka nga na-gi-guilty?" Tanong ni Claire.
"May sinabi kasi ako sa kanya na hindi maganda. Natatakot ako na baka 'yon 'yong rason kung bakit hindi siya napasok at wala siyang paramdam sa 'kin." Napa-face palm na lang ako.
"Bakit ba? Anong bang nangyari?"
"Gan'to kasi 'yon..... " Kinuwento ko sa kanila 'yon nangyari.
-
Nang matapos ako magkwento they're all having one reaction. Pare-pareho sila nang naka-seryoso ang mga mukha habang nakaharap sa akin. Kinakabahan naman ako sa mga mukha nila.
Ayan na Jamilla. Sesermonan ka ng mga 'yan. Sila pa, kaibigan mo 'yan eh.
"Ang bobo mo. Promise." Saad ni Claire sa akin. Aray naman. Nakakadalawa na siya sa akin ngayon ah, kung hindi physical ay emotional naman. Grabe.
"Sorry ha."
"But seriously Jamilla, anong naramdaman mo nang sinabihan ka ni Claire ng Bobo?" Seryosong tanong sa akin ni Jess.
"N-Nasaktan."
"Exactly! Besh, 'yon sinabihan mo si Oliver ng 'Malas', you're not in the right place and right time to tell him about it. Gan'to kasi 'yon Besh, siya ang naging dahilan kung bakit nawala ang bike mo tapos sasabihan mo pa siya nang gano'n. Ano na mararamdaman no'n tao? Malamang nasaktan ng doble." Paliwanag ni Jess, tama siya. Dapat hindi ko na lang muna sinabi 'yon sa kanya para hindi ako ma-guilty ngayon. Nadala lang naman ako ng emosyon ko kung bakit ko nasabi 'yon eh. Huhu. Sorry talaga Oliver.
"I agree." Pagsang-ayon ni Claire.
"So, what's your plan then?" Tanong ni Aivin.
"I don't know." Kibit-balikat kong sagot.
"Call him!" Suggest ni Claire.
"At bakit? Ano sasabihin ko sa kanya?"
"Mag-apologize ka at tanungin mo 'yon reason niya kung bakit hindi siya napasok."
"Ayoko nga. Nakakahiya."
"Bahala ka. Guguluhin ka na naman ng konsensya mo mamayang gabi. Ikaw rin." Pananakot ni Jess sa akin. Sige, kahit labag sa kalooban ko ay tatawagan ko na siya at 'pag nasabi ko na 'yon sorry at nakuha ko na 'yon sagot kung bakit siya absent, automatic, papatayan ko na agad siya.
"Fine, pero sandali lang ha."
"Go Girl!"
Nakadalawang dial pa ako bago niya sinagot 'yon tawag ko. Nakaka-intense naman ito.
"Why?" Malamig niyang tanong. Grabe talaga 'tong taong 'to wala manlang 'Hello' at 'Hi' muna.
Sa tono ng pananalita niya, halatang bagong gising pa lang. Ako yata gumising sa kanya eh, Pasensya na, I have to do this for the sake of my mind.
"Oliver? Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Why you didn't attented your class yesterday and today?" Narinig ko siyang nag-smirk bago nagsalita.
"Miss me?" Sabi na nga tatanungin niya ako nang ganyan. Hanggang dito pa naman sa tawag. Ang assuming niya pa rin talaga.
"Never! Ew! gusto ko lang malaman, kasi..." Nakita kong chini-cheer ako nila Claire, Jess at Aivin. Go! Jamilla. Sabihin mo na.
"Kasi?"
"Kasi.. nagi-guilty ako na baka 'yong rason mo kung bakit hindi ka napasok ay dahil sa sinabi ko sa 'yo when we last met." I get a deep sigh at pinakinggan kung ano ang magiging reaction niya.
"Okay. I admit Jamilla, I felt a little bit of pain. Siguro mga 3% over 100% lang. Pero hindi 'yon rason kung bakit ako um-absent, um-absent ako kasi meron akong lagnat ngayon." Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sagot niya. Hay, mabuti. Wala na akong aalalahanin mamayang gabi. Pero teka nga lang, 3% over 100%? Ano 'yon? Niloloko niya ba 'ko? Nasobrahan naman sa unti.
"May lagnat ka? Ba't 'di mo sinabi sa akin?!"
"Bakit? Girlfriend ba kita?"
"Hindi."
"'Yon naman pala eh."
"Psh. Pero.. ano.. Oliver.. Sorry?"
"Okay lang sa akin. Sorry din kasi parang ako 'yon dahilan nang pagkawala ng bike mo. Sige na. Kumain ka na ng lunch mo at ako'y ipagpatuloy ang napaka-ganda kong panaginip na kasama ka."
"Ang dami mong alam. Ba-bye na nga."
Ngayon, okay na ako. Alam ko na kung ano ang rason niya. Hindi na ako mag-aabang ng text at tawag niya katulad kahapon. Kung ito lang pala ang solusyon e di dapat kahapon ko na ginawa pero okay na rin at least cleared na sa mind ko.