Cris's Pov
Nang makarating kami sa taas, nakita namin ang lumulutang na susi sa gitna habang kumikinang-kinang pa. Kukunin na sana namin ito nang hawakan kami ni Chiyeon
"Baka may panganib yan" Paalala niya
"Ganon talaga, diba sinabi naman yan ni Mzaxumar?" Sabi ko at kinuha agad ang susi
"Alam niyo kasi, dapat easy lang ga--"
Napahinto ako sa sinasabi ko nang biglang yumanig ang buong paligid
"Humawak kayo!" Sigaw ni Shelton, balak sana naming bumaba kaso gumuho ang inakyat naming hagdanan
"Paano na yan guys?! Mamamatay na ba tayo dito?!" Kabadong tanong ni Daphne
"No, hindi tayo mamamatay!" Sagot ko
"Miko! Tulungan mo'kong putulin tong puno! Medyo malambot naman!" Sigaw ni Chiyeon sa may bintana ng tore, sinipa iyon ng malakas ni Miko pero nabali lang ito
"Okay na'to! Tara! Dito tayo dumaan! Sakto!" Sigaw uli ni Chiyeon at naunang bumaba, sumunod naman kami
Kitang kita namin ang taas ng binababaan namin. Napahinto si Daphne dahil hindi nito kaya
"Halika na Daph!" Sigaw ko
"Hindi k-ko kaya!" Sigaw din nito, bumalik ako at binuhat siya para makababa, tinakpan naman niya ang mga mata niya
Nang makababa naman kami ay papunta uli kami sa pinanggalingan naming madilim. Dahan-dahan kami dahil may mga nalalaglag na tipak ng bato mula sa itaas
Malalaglagan na sana si Miko ng tipak ng bato nang itulak siya ni Shelton "Thanks Bro" Sabi nito at saka ipinagpatuloy ang pag-alis namin
Papasok ulit kami sa madilim kaya binuksan agad ang mga flashlight ng mga cell phone, bago ako pumasok ay nakita kong gumuho ang mataas na tore at lumakas ang labas ng tubig sa falls
"Dalian niyo!!" Sigaw ko sa kanila
"Dalian na ninyo! SASARA NA ANG KWEBA!" Sigaw naman ni Miko at binilisan pa ang lakad
Nakalabas na sila Shelton, Miko at Chiyeon pero kami ni Daphne ay papalabas palang
"DALI CRIS! MASASARHAN TAYO!" Sigaw ni Daphne, mauuna na sana siyang lumabas kaso nadapa ako sa batong nadaanan ko. Ang dilim kasi!
"CRIS!!" Sigaw nila, bumalik naman si Daphne para tulungan ako
"ANG KWEBA!!" Sigaw ko
Hinarangan naman iyon ni Miko ng mga naglalakihang tipak ng bato at mga naputol na puno, kaso hindi pa yon sapat para pigilan ang pagsara nito
Pagkatayo sakin ni Daphne ay agad kaming kumilos paalis. Pinalabas ko muna siya saka ako, muntikan pa akong maipit dahil kakarampot nalang ang pagitan sakin ng sumasarang kweba. Pagkasara nito ay natabunan ito ng mga tipak ng bato
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ko habang hingal na hingal "Salamat Daphne" Sabi ko pero tango lang ang naging tugon nito dahil sa hingal
~~~
Nilagay ni Chiyeon ang susi upang mabuksan ang susunod na daan
"Wow! Nice!" Papuri ni Miko nang magbukas ito na parang elevator
"Tara na" Sabi ni Shelton, sumakay kami sa mga kabayo namin at pumasok sa lagusan
Daphne's Pov
May tulay kaming tinawiran bago kami makalabas
"Nasaan tayo?" Tanong ko nang bumungad samin ang madilim at malagubat na lugar
"Sa Afeston, lugar ng mga taong may matang ahas, huwag ka lang mag-iingay o makarinig mula sayo dahil kakainin ka nila" Paliwanag ni Chiyeon habang nakatingin sa mapa
"Nakakatakot man pero....... Tara na" Sabi ni Cris at naunang naglakad
"Walang maingay ha? Ssshh" Sabi naman ni Miko
Habang naglalakbay kami, di namin maiwasang kabahan dahil sa kung anong susunod na mangyayari
Nag-sign language si Chiyeon "Walang maghihiwalay" Sabi nito
Ilang oras kaming naglalalakad nang makaramdam kami ng pagod. Magga-gabi na kaya naisipan naming mag-stay muna, gumawa ng apoy si Cris dahil lumalamig na ang pakiramdam naming lahat
"Nagugutom na ko" Sabi ko ng walang boses
"Kuha kami" Walang boses na sagot ni Miko, sinama niya si Cris
Kami nina Shelton at Chiyeon ang naiwan, binuksan ni Chiyeon ang libro at nilipat niya sa iba't ibang pahina.