webnovel

ADVENTURE #5: "Ang Lagusan"

Daphne's Pov

Kinabukasan, gumising ako ng maaga dahil magsisimba pa kami, hindi ko nalang itinuloy ang tulog at baka kung ano pang makita ko sa panaginip ko

"Ang aga mo ha?" Tanong ni mama pero di nalang ako umimik

~~~

Pagtapos naming magsimba ay pumunta ako sa bahay ni Chiyeon, dala-dala ko ang libro. Kinuwento ko sa kanya ang napanaginipan ko

"Eh diba nga sabi ng lolo ni Shelton na tayo daw ang pinili ng nakaraan?" Tanong ko

"Kailangan nating mahanap ang lagusan" Sabi naman ni Chiyeon

"Saan naman?" Tanong ko pero pag-iisip lang ang naging tugon nito

Chiyeon's Pov

Pilit ko paring iniisip ang napanaginipan ko noong isang gabi. Wala na'kong natatandaan bukod sa pagpasok ng kamukha ko sa salamin at saka ako nagising....

Teka...

SALAMIN! Oo! Salamin nga!

"Alam ko na kung nasaan ang lagusan!" Bigla kong sabi

"Nakakagulat ka naman! Oh? Alam mo na? Saan?" Tanong ni Daphne kaya tumayo ako't pumunta sa banyo, sumunod naman siya

"Dito! Dito sa salamin na'to! Dito ko nakitang pumasok yung kamukha ko sa panaginip ko!" Sabi ko

"Panaginip mo? Sus! Di totoo yan!" Sabi lang ni Daphne

"Basta! Try mong ipasok yang isang kamay mo, kapag pumasok, dito nga ang lagusan" Paliwanag ko

"Bakit ako?" ~Daphne

"Sige na! Kaysa naman magmukhang tanga tayo dito" Sabi ko

Dahan-dahan siyang lumapit sa salamin at unti-unti niyang inangat ang kaliwang kamay niya para ipasok sa salamin

"Waahh!! Chiyeon!!" Sigaw ni Daphne kaya napalayo ako ng kaunti

"Anong nangyare?! Daphne?!" Pag-aalalang sabi ko pero dahan-dahan siyang naglakad habang tawa ng tawa

"HAHAHAHAHAHAHA!!! ANG-ANG ASTIG!!" Tawang tawa niyang sabi nang lumabas sa cr

Bwiset! -___- !!

Lumabas din ako ng banyo at inis na umupo sa sofa habang si Daphne ay tawa lang ng tawa

"Hindi ako natutuwa, I'm serious!" Sabi ko at nag-cross arms

"Okay okay! Walang lagusan sa salamin okay? Wala, wala, wala" Seryosong saad nito saka humalakhak. Tss!

"Eh yon yung nakita ko sa panaginip ko eh!" Pagpipilit ko

"Alam mo kasi, pag-isipan mo pang mabuti yung napanaginipan mo, malay mo may something pa doon" Sabi nito

Tama! Tama! Baka may something pa nga! Kahit pala papaano may naitutulong din itong babaitang to!

Nagpaiwan muna ako sa kwarto ko nang kakain na nang pananghalian, kailangan ko pang hanapin ang lagusan sa pag-iisip ko

"Saan ba yun?! Saan ba yun?!" Sabi ko sa sarili ko habang nakapikit

"Chiyeon!! Kakain na!!" Biglang sigaw naman ni Daphne pagkabukas ng pintuan ng kwarto ko

"PLEASE?! MAMAYA NALANG!" Sigaw ko rin. Iniistorbo nila ang pag-iisip ko

"Okay...." Sabi ni Daphne, ngumiti muna siya ng nakakaloko sakin bago siya umalis, nakita ko naman ang maliwanag niyang hikaw

"ALAM KO NA KUNG NASAAN ANG LAGUSAN!" Bigla kong sigaw nang maalala ko na ang nangyari

Drinawing ko ang nakita kong salamin sa panaginip ko, nakatitig naman si Daphne sa ginagawa ko

"Ganito, ganito ang nakita ko" Sabi ko at pinakita ang sketch

"Ahhh..... Ang pangit ng drawing" Sabi ni Daphne, sinimangutan ko naman ito

"Basta yan ang nakita ko" Sabi ko

"Edi I-send mo kina Shelton, Cris at Miko yan baka sakaling makatulong sila" Request ni Daphne na agad ko namang ginawa

Shelton's Pov

Nakatambay parin kaming tatlo dito sa kwarto, dito sila nag-overnight nang hindi nalalaman ni lolo. Bawal ang ibang tao, remember?

"She, may si-nend si Chiyeon, lagusan daw sa past" Sabi ni Cris kaya lumapit ako at tinitigan iyon

"Pamilyar yan sakin! Yan ang makalumang salamin na koleksyon ni lolo" Sabi ko

"Oh? Tara kunin natin" Sabi ni Miko

"Hindi pwede, magagalit si Lolo" Sabi ko

"Pero ayaw mo bang malaman ang sinasabi ng nakaraan?" Ani Cris

"Oo nga, tsaka diba sabi naman ng lolo mo na tayo ang nais ng nakaraan?" Sabi naman ni Miko

Sabagay, may point naman sila. Kaya pina-chat ko si Cris na pumunta sina Chiyeon at Daphne dito sa bahay hangga't wala pa si Lolo

Next chapter