webnovel

28

"Fabielle!"

Saglit na natigilan si Fabielle sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon na tumatawag sa kanya. Bigla parang gusto niyang pagsisihang hindi siya sumakay ng taxi noon pa lang na nasa labas ng restobar. Kung bakit kasi miserableng miserable ang pakiramdam niya at ayaw niyang umuwi kaagad sa kanila dahil ayaw niyang mapansin ng mga magulang ang dinaramdam niya. Kaya nauwi siya sa paglalakad habang pinapakalma ang sarili at ang mga luhang hindi paawat sa pagdaloy.

"Fabielle, wait!" tawag muli mula sa likod niya.

Mabilis niyang pinalis ang mga luhang nanulas sa mga pisngi niya. Hindi dapat nito malamang nasasaktan siya. Tinapakan na nito ang puso niya, hindi siya makakapayag na pati ang pride niya ay madurog pa nito.

"Fabielle, please." wika nito kasabay nang pagpigipil sa braso niya saka siya basta na lamang iniikot paharap rito. Muntik na siyang mapasinghap nang muling masilayan ang mukha ni Josh.

Para bang kay tagal na nung huli niyang makita ang lalaki nang ganoon kalapit. Maging ang tibok ng puso niya ay kinikilala ang presensiya nito.

Ilang sandali rin niya itong pinakatitigan bago bumalik sa huwisyo.

"What is it?" sa malamig na tono ay sabi niya.

"Let me explain please. What you saw back there was---"

"No, stop it." agaw niya sa sinasabi nito. "Wala ka namang dapat ipaliwanag. Wala namang tayo, hindi ba?"

Saglit na natigilan ito. Pilit binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Fabielle..."

"Balikan mo na ang fiancee mo. Matagal mo na 'yong hinihintay, hindi ba? Ang bumalik siya sa'yo? By the way, congratulations on your heartfelt reunion." malamig ang tinig na sabi niya.

"She's not my fiancee." seryosong sabi nito.

"Oh right! Nagkahiwalay nga pala kayo. Propose to her again, then. I'm sure pagkatapos ng halik na iyon, magtatatalon pa siya sa tuwa kung aalukin mo siyang muli ng kasal."

"Look, alam kong nagagalit ka sa nakita mo pero---"

"Sinong galit? Ako?" pagmamaang-maangan niya. Hindi na siya magtataka kung papasa na siyang artista nang mga oras na iyon. Maging siya ay nagugulat sa nagiging pag-arte niya. "Hindi ah. Masaya nga ako para sa'yo. As a friend, you know."

"A friend..." mahinang sabi nito.

"Yup. Magkaibigan tayo, hindi ba?" she showed a fake smile. Sana lamang ay hindi nito mahalata iyon. "Tinulungan natin ang isa't isa na makarecover. That made us friends."

"I don't kiss my friends."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Bakit kailangan pa nitong sabihin iyon ganitong nasasaktan na nga siya? Ano pa ba ang gusto nitong mangyari?

"Anyway, hindi naman ako galit na ginamit mo ko para maka-recover sa break up niyo dahil alam ko namang kamukha ko siya." Just hurting. Bulong ng isang bahagi ng isip niya. "At masaya akong okay na kayong dalawa. Sa ganoon ay hindi na ako mag-aalalang umamin sa'yo."

"Umamin?" kunot ang noong tanong nito.

She gritted her teeth. This would be the lamest lie she would ever say. Ngunit ang pride na lamang niya ang natitira sa kanya. Maski man lamang iyon ay maisalba niya para sa sarili.

"I-I realized I still love my ex-boyfriend." bahagya niyang nakagat ang labi bago nagpatuloy. "At ang sabi niya mahal niya pa rin ako. Aayusin na namin ang naputol na relasyon namin."

Nagtangis ang mga bagang ng lalaking nasa harap. O imahinasyon lamang ba niya iyon? Dahil nang magsalita itong muli ay mahinahon naman ang tinig nito bagaman bahagyang madilim ang mukha.

"That guy's a cheating loser." mababa ang boses na sabi nito.

"That guy's the one I l-love." kulang sa sustansyang sagot niya. She cannot believe lying was this exhausting. Especially when you are lying to the one you love about loving someone else.

Namamalikmata nga yata siya. Dahil tila ba nabasa niya ang sakit na saglit na dumaan sa mga mata nito.

Naramdaman niya ang dahan-dahang pagbitaw nito sa braso niya. Pagkatapos niyon ay dumiretso ang mga kamay nito sa loob ng bulsa nito saka malamig ang titig na ibinigay sa kanya.

"Congratulations, then." sa malamig na tono ay sabi nito sa kanya habang blangko ang ekspresyon.

Bakit sa halip na matuwa dahil sa naisalbang pride ay parang tinarakan naman ng punyal ang dibdib niya. She had never seen him act this cold. Not towards her at least. And it hurts her even more.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya. Maging ang pagbabanta ng luha mula roon. Kaya naman bago pa ipahiya ang sarili ay iniiwas na niya ang tingin rito.

"Goodbye." bakit nang sabihin niya ang katagang iyon ay parang may kung anong nakaharang sa lalamunan niya? Na iyon na ang pinakamahirap na yatang salitang nasabi niya? Dahil ba sa pagkakataong iyon, maaaring iyon na talaga ang huling beses na makikita at makakasama niya ito?

Nagsimula na siyang maglakad palayo ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay naramdaman na niya ang pagpigil nitong muli sa braso niya. Saglit siyang natigilan ngunit hindi na siya lumingon pa dahil nag-uunahan na naman ang mga luha sa pagbagsak mula sa mga mata niya. Lihim din niyang ipinagpasalamat na sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nito pinaharap.

"Thank you." mahinang sabi nito bagaman umabot naman sa pandinig niya. "For being a part of my life."

Next chapter