SAY IT 18 : ST.CELESTINE SCHOOL FESTIVAL
(FINAL PART)
"Lonely feather"
RAY
"I know what my mom did tell you that day noon sa ospital."
Glenn confessed, nandito kaming dalawa ngayon sa shared unit nila ni Klein pero wala ito ngayon dito kaya kaming dalawa lang ni Glenn ngayon ang nandito.
"So you knew.." I mumbled, dito kaming dalawa pumunta matapos niya akong tanungin kanina.
"Of course, Lloyd told me." that mad scientist.. wala talaga siyang pinapalampas na information.
"You know, if I were you. Hindi ko na lang papansinin ang sinabi ng mom ko sa'yo, yeah she's not joking about that but still.. susundin ko ang kagustuhan ko kaysa sa kagustuhan ng iba. Do you want me and Kuya Nash to leave without saying goodbyes?" he's really into this. I can't blame him though.
"N-No, I don't want you guys to leave."
"Then that's it. Just forget everything what our mom said para mapanatag ang loob mo, you have too many problems to deal with at ayaw ko nang madagdagan pa 'yon ng dahil sa amin. We don't want to be a bother, we instead want to help you get through all of this." there he is again. Acting on his very own.
"Then paano na lang kung—" he cutted me off.
"Kung paalisin niya kami? then do so. You know us Ray, makulit kami at ang gusto namin ang kailangang masusunod kahit na ang ibig sabihin pa 'non ay kailangang naming lumayas—" this time, I cutted him off.
"No. Walang sinoman ang lalayas. I don't want you guys to go but I also doesn't want the two of you loose your home. Sila lang ang pamilyang mayroon kayo at sa kanila kayo nanggaling. Hindi niyo sila pwedeng suwayin ng ganon lang, after all of those struggles they went to just to keep the two of you safe in sound and grow up with all the knowledge you need. Ayokong balewalain niyo lang ang hirap na pinagdaanan nila para lang sa'kin. That's too much for me to ask.. hindi ko kayo hahayaang umalis at mas lalo nang hindi ko kayo hahayaang mawalan ng respeto para sa mga taong nagpalaki sa inyo."
Glenn's eyes were wide after hearing all of those words. He was stunned for a seconds or so bago siya mahinang tumawa. E? he's laughing? after telling him my words of wisdom all he did was to laugh it off? what a cheeky brat he is.
"Why are you laughing? may nakakatawa ba sa sinabi ko?" I asked him, baka naman may dumi sa mukha ko kaya siya natatawa? sure naman ako na hindi ako nagjo-joke e.
"N-no.. there's nothing laughable with all of those words. Natuwa lang ako sa mga sinabi mo." patuloy pa siya pagpipigil ng tawa niya habang sinasabi 'yan.
"What's so funny about it?"
"I told you it's nothing..pfft.."
"E? bakit ka natatawa?"
"Nakakatuwa ka kasi.."
"E? mind explaining it para naman maintindihan ko?"
"No, I don't want to."
"Just tell me already!"
"Nope! HAHAHAHAHAHAHAHAH"
And after that niyaya niya akong kumain sa pinakamalapit na grocery store. I keep pestering him na sabihin sa'kin kung ano bang nakakatawa sa sinabi ko kanina pero ayaw naman niyang sabihin sa'kin ang dahilan kung bakit siya natatawa. Cheeky brat..
After naming kumain ay inihatid niya na ako sa may apartment ko but..
"Oh! Ray-chan okaeri!" cheerful na bati sa'kin ni Ate Naru sabay yakap. As she sees Glenn behind me..
(welcome back/home)
"Oh! Ray-chan! you got yourself a cute boyfriend? I'm so proud! pero aral muna ha bago kasal. By the way, what's his name?"
I shoved her inside, "Ate Naru. You got it wrong, he's just a friend of mine. Okay?" bulong ko, kapag narinig naman 'to ni Kuya Ryle ay baka maglabas 'yon bigla ng samurai at habulin si Glenn 'non.
"O-okay.." she nervously said.
I faced Glenn, "Salamat sa paghahatid Glenn. I enjoyed your party today. Ingat sa pag-uwi and see you tomorrow." he only gave me a nervous smile bago siya naglakad paalis.
I explain it to him tomorrow. As of now..
"Where's Kuya Ryle?"
"In the kitchen, making dinner. So.. what's his name?" pagpupumilit niya. Si Ate Naru talaga pagdating sa mga lalaki hindi mapigilan halos parehas lang sila ni Wendy.
"Glenn, the end. Magpapahinga na ako
tawagin niyo na lang ako kapag kakain na." paalam ko bago dumiretso ng lakad papunta sa kwarto ko. Hindi naman kasi siya titigil sa pagtatanong tungkol 'kay Glenn kapag nagkataon.
• • •
"Let's give it all our best today as well just like yesterday. Speaking of yesterday, it was a big success for us lalo na't nangunguna ang stall natin sa ngayon. Sa ngayon, kailangan lang natin panatilihing nasa unahan ang stall natin para sure win na ang Class 1. Okay?!" wika ni Justin sa aming lahat.
"Okay!!" we all yelled after him.
Nagsimula na ang second day ng school festival at gaya ng first day ay dagsa 'din ang tao dito sa school. Gaya kahapon ay halatang magpapagod na naman ang klase namin dahil sa haba agad ng pila ng mga tao para sa stand namin.
Habang busy sa paggalaw ang lahat, bumukas ang pinto sa may likod saka iniluwa 'non si Klein na mukhang tumakbo ng ilang kilometro. Mabuti na lang nasa backdoor siya dumaan para hindi maabala ang mga customers sa main, nasakto naman na nasa kusina ako para agad siyang lapitan.
"What happened to you?" agad 'kong tanong sa kaniya. He's sweating a lot at mabilis 'din ang paghinga niya.
"I.. I.. uhh.. Let's.. talk later. Bieber, give me my uniform." he said as he walk past through me.
"Okay, here." Inabot ni Justin ang uniform niya sa kaniya,
Lumabas siya ulit sa backdoor habang dala-dala ang uniform niya para magpalit leaving me there speechless. What just happend?
"Ray, back to work." Justin said.
"O-okay.."
Sinimulan ko na ulit ang pagse-serve ng mga pagkain at pagkuha ng order pero hindi matanggal sa isip ko ang nangyari kanina. He's late and he looked like he just ran a marathon para lang makapunta dito. Did something happened?
I remember my conversation with Glenn yesterday.
"I know you noticed my behaviour kanina nang makita ko kayo ni Kuya Nash sa canteen, may sinabi ba siya sa'yo? it's okay you can tell me."
"Nag-aaway kayong dalawa. Dahil ayaw mo sabihin sa kaniya ang dahilan ng pag-aaway natin bago ka makita sa pool."
"Of course I won't tell that to him, dawit ang pangalan ni Sofia and I know that you know what will happen if he finds that out."
"I know. But Glenn.. what you did with Ashton is a bit too much you know? bakit ka nagpabugbog sa kaniya? tell me why."
"Oh that? it's because I'm feeling really bad at the moment. I made you mad and cry at the same time, hindi ba sasama ang loob ko dahil 'don? of course sasama. After all I don't want to see Ray's crying and angered expression but I just did make you kaya naman masama talaga ang loob ko.."
"But why? why letting Ashton to beat you up and letting yourself fall on the pool? that's crazy Glenn! you can't swim! mabuti na lang talaga at agad na nakapunta 'don si Klein kung hindi... k-kung hindi... baka wala ka na ngayon.."
"That's impossible. Getting drown can't make me die that easily, you see? nasa harapan mo pa ako at malaya mo pang nakikita at nakakausap. I'm not dead."
"Kahit na! paano na lang kung hindi siya nakapunta on time? alam mo ba kung anong mangyayari? No! dahil wala ka na Glenn!"
"Hush Ray, please don't yell. Hindi naman ako namatay kaya okay na ang lahat, no need to yell at me dahil sa ginawa ko dahil tapos na at nangyari na."
"But still.. bakit mo kasi ginawa 'yon? hindi mo alam kung gaano ako nag-alala para sa'yo at para sa Kuya mo after niyong dalawa na ma-confine sa ospital na 'yon. I'm worried as hell! nawalan na ako ng kapatid, hindi ko na kayang mawalan pa ng dalawang kaibigan.."
"Okay, I won't do it again if that's what you wanted."
"You really should.." After that, he again enveloped me in his arms dahil nagsisimula na naman na magtubig ang mga mata ko.
A.. remembering it now only makes my face go red. It's embarrassing!
"Ray, okay ka lang? namumula ang mukha mo. May sakit ka ba?" alalang tanong ni Maybel saka inilagay ang kamay sa noo ko.
"Ouch ha.. mainit. Gusto mo ihatid na kita sa infirmary?"
"H-hindi na, okay lang ako."
"Sure ka?"
"Yeah.."
Nang magtawag ng unang break si Justin, lahat kami ay halos sumalampak sa mga upuan dahil sa pagod. Parang mas marami pa yata ang tao ngayon kaysa kahapon. Maybel insisted na pumunta daw ako sa clinic dahil nga daw mainit ako pero hindi na ako nagpadala. Hindi naman talaga ako mainit e, kapag inaalala ko lang ang nangyari kahapon habang kasama ko si Glenn, hindi mapigilan ng mukha ko na mag-init at mamula.
"Lalabas na muna ako." rinig kong paalam ni Klein 'kay Justin.
"Saglit, Klein!" tawag ko sa kaniya.
Hindi naman ako nito nilingon, he keeps walking as if na hindi naririnig ang pagtawag ko sa kaniya. Tinotoyo na naman ba siya?
"Hey! I said wait!"
Kanina ko pa siya tinatawag pero hindi pa 'rin siya umiimik. Maiikot na lang yata namin ang buong campus kakahabol ko sa kaniya, ang bilis niya kaya maglakad at ang laki pa ng mga hakbang na ginagawa niya. Pinapagod niya talaga ako.
"Klein!"
As I called him by his name, bigla siyang huminto sa paglalakad causing me to bump on his back.
"Ouch.." I mumbled habang hawak-hawak ang ilong ko.
"What do you want?" malamig ang boses na tanong niya.
"Saan ka nagpunta kahapon?"
"I told you guys already right? maaga akong umuwi kahapon."
"Then...saan ka galing kanina? It's unusual for you to be late."
"Late na akong nagising dahil nagpuyat ako kagabi."
"You're lying."
"I'm not."
"Yes you are."
"Nag-away na naman ba kayo ni Glenn?"
"No."
"Then what?"
"I don't want to tell you, bye."
Nagsimula siyang maglakad muli paalis but this time hindi ko na siya hinabol pa. It will be useless kung hahabulin ko ang taong ayaw naman ako kausapin at sabihin ang totoo.
Bakit siya naman ngayon ang iba ang kinikilos?
Imbes na bumalik sa room ay dumiretso ako sa isang specific na lugar kung saan ako siguradong makakakuha ng sagot sa tanong ko.
I know two specific persons na makakatulong sa'kin.
I repeatedly knocked on his door hanggang sa buksan niya ito. Perfect! mabuti na lang at nandito siya...
He looked at me in boredom.
"What do you want Ray? make it quick." aniya, pshh akala mo naman talaga busy.
"Lloyd, do you know what happened to Klein? iba kasi ang kinikilos niya ngayong araw. He's colder than usual." wika ko, inayos niya muna ang salamin bago ngumisi ng pagka-lapad lapad.
"Of course I know!" he boasted.
"What?"
"How much do you have?"
Is he seriously wanted me to pay for the information? Inilabas ko ang wallet saka tinignan kung anong nasa loob.
"Is 1,200 enough?" I asked, 'yan lang kasi ang laman ng wallet ko. Poor me.
"It's not, ang pinakamababang tinatanggap ko ay around 50,000 up to 100,000 Ray. I'm not that cheap." seriously?! at saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking pera?
"Business is business Ray, ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang isang information broker so you need to do your job as a client. Kung ayaw mo, you can just ask his brother pero wag ka lang magugulat,okay?" aniya saka ako sinaraduhan ng pinto.
Jeez! ano ba 'yan! bakit ba kasi pagkalaki-laking pera pa ang kailangan para sa information na kailangan ko. Mayaman na nga siya lahat-lahat ganoong kalaking pera pa ang hinihingi. Talk about being greedy.
I'm no billionaire!
Okay, kung si Glenn na lang ang makakasagot sa tanong ko then do it. I made my way to the room next to us which is Class 2 kung nasaan si Glenn.
• • •
"He's acting strange? how come?" tanong ni Glenn. Nandito kami ngayong dalawa sa bench na nasa ibaba lang ng building namin.
"Late na siyang dumating kanina and he's avoiding my question kung bakit iba ang ikinikilos niya. He's even more colder than before." wika ko, mabuti na lang at agad 'kong nakita si Glenn kanina nang makarating ako sa room ng Class 2.
"Oh... really?"
"Yeah, one more thing. Nagbati na ba kayo?"
"Yeah. Sinabi ko sa kaniya na tinulungan kita without mentioning Sofia, I told him that I did buy an information to Lloyd para makatulong saka nagalit ka kasi masyado na akong nanghihimasok then after that hindi na siya nagtanong. He gave me a pudding sign na bati na kaming dalawa." o, hindi ko alam na ganoon lang silang dalawa kadali na nagbabati. Ang simple masyado.
"O, edi maganda. But Glenn.. do you know the reason behind his sudden change of mood ngayon?" pagtatanong ko. Gustong-gusto ko na talaga malaman kaya naman sabihin mo na kundi baka makasakal ako ng isang sunshine energy at isang mad scientist ngayong araw.
"Of course I know, he's my brother after all."
"Then.. could you please tell me?" I'm begging you okay? hindi ako makakatulog ngayong araw hangga't hindi nasasagot ang tanong ko na 'yan.
"Actually medyo mahirap ito, I don't know kung pwede ko ba 'to sabihin sa'yo because I know na once na nalaman mo 'to, you'll start to do things again without thinking. Kaya magdadalawang-isip ako kung sasabihin ko pa ba o hindi. I think it's better kung manggagaling 'kay Kuya Nash mismo ang sagot para naman makapag-explain siya. I'm sorry Ray," he sincerely apologized bowing his head.
Gaano ba kalala ang dahilan ng pagbabago ni Klein?
"Even me, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari dahil biglaan and he can't do anything about it 'din so.. I'm sure na masama ang loob niya 'kay Mom dahil sa biglaang decision nito sa kaniya." he added.
"Aalis ba siya?" tanong ko.
He shakes his head, "No. Walang aalis sa amin pero.. sa sitwasyon niya ngayon. Sa tingin ko mas pipiliin niya ang umalis kaysa gawin ang pinapagawa sa kaniya ni Mommy,"
Base sa tono ng pananalita ni Glenn, mukhang sobrang lala nga talaga ng nangyari 'kay Klein para mag-iba ang kilos niya.
What might that be? hindi ako makaisip ng kahit anong dahilan.
"I hope na sana ay maintindihan siya ni Mommy sa gusto niya,"
After naming mag-usap ay bumalik na kaming dalawa sa sarili naming mga klase. Nang makabalik ako 'don ay wala si Klein sa kahit saang sulok ng room, he really did go somewhere. Hindi na ako nag-abala 'pang tawagin siya dahil baka hindi naman nito sagutin ang mga tawag ko.
So far, maganda ang pagtatapos ng 2nd day ng school festival ng St.Celestine dahil kaming Class 1 pa rin ang nangunguna sa lahat ng stalls. In a blink of an eye, Day 3 went easily fast without Kleins' presence inside our room. Hindi na siya nagpakita pa after niyang mawala noong last na kita namin.
Hindi sa'kin sinabi ni Glenn ang dahilan ng pag-iiba ng kilos ni Klein kaya naman wala akong ibang iniisip noon kundi ang mag-isip ng dahilan kung bakit siya nagkaganoon.
Our class won at ang prize na natanggap namin mula sa headmaster at SC president ay isang full package 4-day trip to Japan. Hindi maipinta ang mukha ni Wendy at Glenn nang malaman kung ano ang napanalunan namin dahil gusto 'rin nilang dalawa na sumama sa amin. Gaganapin 'yon bago matapos ang 3rd semester which is a few weeks before now.
After ng festival ay dalawang araw na walang ibang ginawa ang mga students kundi maglinis kasama ang buong cleaning committee kaya naman wala kaming ibang ginawa pagkatapos kundi ang maglinis lang ng maglinis. Hindi pa rin nagpakita si Klein after 'non at nagsisimula na akong mag-alala pero ang sabi ni Glenn ay nasa mansion daw nila ito para kausapin ang parents nila. At least he's save.
Bumalik na sa normal ang klase namin pero hindi 'yun masasabing normal. Without Klein's presence beside me.. hindi 'yon normal. Ilang araw na ang nakakalipas simula noong mawala siya at hanggang ngayon hindi pa rin normal para sa'kin ang mga nangyayari sa pang-araw araw.
Hindi totally bumalik sa dati ang lahat after ng festival. Kung walang mayabang na Klein sa tabi ko.. hindi 'yon matatawag na balik sa dati.
On my way to St.Celestine habang nakasakay sa kotse ni Kuya Ryle, simula kanina ay nakatingin lang ako sa may labas.
"Hey sis, got a problem?" he asked, hindi ko ito pinansin.
"Nothing..."
"A, may itatanong nga pala ako. Kilala mo ba kung sino yung nagpadala ng chocolates sa apartment?" hindi talaga siya titigil sa mga tanong niya.
"From a friend of mine."
"Pakisabi thank you ha, feeling ko kasi mabubulok na ang ngipin ko kakakain."
Hindi ko na pinansin pa ang pagdaldal niya kundi itinuon ko na lang ang pansin sa labas. Everyone looks so happy and lively as ever, I'm jealous of them. Simula noong may nangyari nang kakaiba sa buhay ko noon, parang ang lahat ng kasiyahan sa katawan ko naging artificial na lang. Hindi permanente, sasaya ako pero hindi tatagal. Sino ba naman ang matutuwa kapag nalaman mong may mga taong may balak na masama sa'yo.
Habang nakatingin sa may labas, I saw a glimpse of a very familiar figure na matagal ko nang gusto makita. But wait.. kung hindi nagkakamali ang mata ko.. he's with someone.
Someone na hindi ko kakilala at never ko pa nakita sa buong buhay ko.
"Wait Kuya Ryle, dito na ako bababa." he abruptedly stopped nang marinig ako.
"Are you sure? medyo malayo pa ang school mo."
"No it's fine, may nakita akong pwedeng kasabay." habang sinasabi ko 'yon ay unti-unti na akong lumalabas sa kotse. Hindi pwedeng mawala sa paningin ko ang dalawang 'yon.
Nagpaalam na ako 'kay Kuya Ryle bago tuluyang itakbo ang distansiya ko sa dalawa kong nakita kanina.
Kung hindi ako nagkakamali, sigurado akong si Klein ang nakita ko.. pero ang kasama niya ang hindi ko kilala. Ang mas malala pa ay isa itong babae.
Hindi naman ako nabigo sa pagsunod sa kanila dahil kalaunan ay nakita ko 'rin ito papasok sa isang mall kaya naman sinundan ko ito. Sana ay walang makakita sa'kin dito na taga-St.Celestine or else patay na ako. I hope din na sana ay walang maghinala sa ginagawa ko. I'm not a stalker, sinusundan ko lang ang kaibigan kong matagal na hindi nagpakita kasama ang isang babaeng hindi ko kilala.
It's now or never. Good luck to me.
Ilang minuto ko 'rin sinundan ang dalawa. I made a great distance between them at sinigurado ko na hindi ako makikita ni Klein.
Maya-maya pa ay pumasok silang dalawa sa isang sikat na ice cream store, sa dinami-dami pa naman ng pupuntahan dito pa talaga.
Naupo ang dalawa sa may unahan malapit sa counter at ako naman ay malapit lang sa pinto, ipinantakip ko sa mukha ang menu na nakalapag sa may lamesa para hindi nila makita ang mukha ko. Pasilay-silay lang ako sa ginagawa ng dalawa.
As I saw the girl na kasama ni Klein, muntikan na akong malaglagan ng panga. She's so beautiful! parang isang manhwa character sa totoong buhay! Ramdam ko hanggang dito sa kinauupuan ko ang nakakasilay niyang ganda.
Nakatalikod mula sa akin si Klein kaya naman hindi ko ito kita pero ang babaeng kasama niya is so.. I lost my words. Parang kahit ang salitang 'beautiful' ay hindi bagay sa babaeng 'to because she's far beyond that word.
Mukha naman siyang masaya habang kasama si Klein, lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti siya. Alam na alam ko ang tingin na ginagawa niya 'kay Klein, 'yan ang tingin ng isang babaeng inlove. Dati na akong tumingin ng ganyan 'kay Moon.
I wonder kung anong mayroon sa kanilang dalawa.
Tumayo si Klein saka may sinabi sa babae, she nodded saka nginitian ito. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa direksyon ko kaya dali-dali kong tinakpan ng menu ang mukha ko. As he walked passed me, saka lang ako nakabuga ng hangin ng maayos. Gosh, akala ko talaga makikita niya na ako.
Saan naman kaya 'yun pumunta? How dare him left a beautiful girl all by her own.
Minutes later bumalik din naman si Klein. Phew, akala ko talaga iniwanan niya na ang kasama niya.
Everytime na may sasabihin si Klein, lagi lang siyang nakangiti habang tinitignan ito. No doubt, inlove nga talaga siya dito.
But wait.
Is she Klein's girlfriend?
Maybe? I'm not sure. Wala naman sinasabi si Klein na mayroon na siyang girlfriend e kaya hindi ko pa maco-confirm sa ngayon.
Lumabas din ang dalawa 'don after nilang kumain ng ice cream and as a concerned friend of Klein, patuloy ko na sinundan ang dalawa.
Kung saan saan ko silang dalawa sinundan, hanggang sa sumakit na lang ang paa ko sa kakalakad. Ilang oras ba nila balak na maglibot dito sa mall? ang laki pa naman nito. Don't tell me iikutin nila itong buo?! the hell?!
Nang malapit nang pumatak ang dilim, lumabas na din sa wakas ang dalawa. Of course I'm still following them. Sinundan ko 'to hanggang sa parking lot kung saan iginaya ni Klein na sumakay ang babae sa isang magandang itim na BMW.
Agad naman akong pumara ng taxi para masundan ang dalawa. I thought Glenn was the only one who own such beautiful and expensive car. Hindi rin pala magpapatalo si Klein.
Matagal ko rin silang sinundan habang nasa taxi, saan naman kaya pupunta ang dalawa?
Tumigil ang sasakyan ni Klein sa tapat ng isang magandang condo, lumabas ang magandang babae galing sa sasakyan niya. Nag-usap pa ang dalawa saglit bago mag-isang pumasok ang babae 'don but before that ay kitang-kita ko kung paano niya nakawan ng halik sa pisngi si Klein.
What the?!?
"Uhh.. ma'am? bababa na po ba kayo?"
Saglit na tumayo muna 'don si Klein bago muling pumasok sa loob ng kotse niya. By me seeing her kissed him is an enough proof. She really is Kleins' girlfriend.
I've had enough.
"Manong, pahatid na lang po ako sa amin." wika ko sa driver.
Muli kong sinalayan ang itim na kotse ni Klein sa huling pagkakataon pero wala na 'yon doon. He already left.
Nang makarating ako sa apartment, dumiretso na ako sa kwarto ko agad matapos nila akong pagbuksan ng pinto.
I let myself fall on my beloved bed, facing my pillow, ni hindi na nag-abala pa na magpalit ng uniform.
Wala na akong lakas, after that stalking. I'm drained. Hindi ko pa alam kung anong mararamdaman after makita ang scene na 'yon. Hindi ko pa 'yon maalis sa ulo ko.
Magiging masaya ba ako dahil may girlfriend na si Klein or Malulungkot dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita sa school dahil inaasikaso niya ang girlfriend niya.
Ito ba ang ibig sabihin ng sinasabi ni Glenn?
I somehow feel bad, really really bad.
Napahiga na ako habang tinatakpan ng braso ang mga mata. Kinusot ko ang uniform ko sa may bandang dibdib.
"Why... does it feel so painful... right here?"
♡