webnovel

Chapter 1

Lei's Point of View

"Good morning kuya, guard!" naka-ngiting bati ko sa guard ng school habang papasok ako sa gate.

"Good morning, hija. Late ka na naman." natatawang saad nito pero binigyan ko lang siya ng isang ngiti at tuluyan na akong pumasok sa loob ng campus.

Lakad-takbo ang ginawa ko dahil late na naman ako sa unang subject ko.

Dahil nasa ikatlong palapag pa ang classroom ko ay kinailangan kong gumamit ng hagdan kaya naman minadali kong tinungo kung nasaan ang hagdan.

"Excuse me, makikiraan." sambit ko habang nakikipagsiksikan sa ibang estudyante sa hallway.

Habang naglalakad ako ay sumisipsip ako sa kape na hawak ko na nakalagay sa isang disposable cup na kinuha ko sa canteen kaninang napadaan ako roon. Hindi kasi ako nakapag-agahan kaya kumuha ako ng kape sa vendo machine.

Nasa hagdan na ako at ihahakbang ko na sana ang aking paa para umakyat ng biglang may tumakbo sa tabi ko at nasagi nito ang kamay kong may hawak na kape kaya naman naibuos ito sa damit ko.

"What the f—" Hindi ko na tuloy iyong sasabihin ko ng isang panyo ang lumanding sa mukha ko.

"Here, use that to dry your blouse." rinig kong saad ng isang lalaki. Siya siguro ang nakabangga sa akin.

Sa inis ko marahas kong tinanggal ang panyo na nasa mukha ko para tingnan sana ang mukha niya pero ang likod na lamang niyang papalayo sa akin ang nakita ko.

"Hindi man lang nag-sorry." irap ko sa kawalan at saka pinunasan ang kulay puti kong blouse na ngayon ay kulay brown na dahil sa kape na natapon.

Napatingin naman ako sa pambisig na orasan ko nang makita kong limang minuto na lang ay matatapos na ang unang subject ko.

"Shit!" sigaw ko at tumakbo papunta sa classroom ko.

Nang makarating ako sa harap ng classroom ko ay bubuksan ko na dapat ang pinto nang biglang niluwa roon si Mrs. Tamani. Ang History teacher namin.

"Good morning, ma'am." bati ko sa kanya.

"There's no good in the morning miss Vizconde. You're late agai!" sigaw nito kaya napatingin ang mga kaklase ko sa amin. Napayuko naman ako.

"Sorry, ma'am."

Naramdaman ko naman siyang napabuntong hininga. "You always say sorry pero lagi mo namang ginagawa. One more late and I will drop you in my class. Naturingan ka pa namang honor student at SSG President ng eskwelahan na 'to pero ganyang pag-uugali ang pinapakita mo. How come that they vote you as their president? You don't know your priorities and responsibilities miss Vizconde. You can't be a role model in our school. If there's a chance to re-elect, I'd rather choose miss Rodriguez to become the SSG President than you."

"Sorry, ma'am" iyon na lang ang nasabi ko bago ito umalis.

Napabuntong hininga naman ako saka ako pumasok sa classroom.

Pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ng matalik kong kaibigan ng isang ngiti.

"You're late again, Lei!" natatawang wika nito at saka lumapit sa akin. "nagpuyat ka na naman kasi siguro kagabi no?" tanong nito.

"Oo?" patanong na sagot ko sa kanya.

Binatukan naman niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mamaya mabalitaan ko na lang mamatay ka sa kakapuyat mo." umiiling na wika niya.

"Ang OA mo na naman Shania." wika ko sa kanya at saka inilabas ang kwaderno ko sa math kasi meron na si Mr. Mesia, ang teacher namin sa mathematics.

"Wait, what happened to your clothes?" she pointed the stain in my uniform.

"Natapon iyong kapeng iniinom ko kaninang paakyat ako ng hagdan." sagot ko at pekeng tumawa.

"Hay nako, kahit kailan talaga ang clumsy mo. O, sige nandiyan na si sir, mamaya na lang tayo mag-usap."tumayo na siya at naglakad pabalik sa upuan niya.

Shania Rodriguez—ang kaibigan ko simula pa noong elementary ako magpahanggang ngayon. Siya rin ang tinutukoy ni Mrs. Tamani kanina na sana siya na lang ang naging SSG President ng campus.

Habang nasa harap si Mr. Mesia at nagsusulat ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin kaya naman umayos ako ng upo at hinanap kung sino ang nakatingin sa akin at hindi na ako nagulat nang makita kong si Triton pala ang nakatingin sa direksiyon ko.

Kinawayan naman niya ako at saka nginitian.

"What?" I mouthed to him.

"Sabay tayong mag-lunch mamaya." he replied.

"What?!" Nakagat ko naman ang iba ang labi ko nang mapatingin sa akin ang ibang kaklase ko.

What the hell, Eileithyia! Nakakahiya ka!

Doon ko lang kasi na-realize na naisigaw ko pala iyong sasabihin ko kay Triton imbes na bulong lang dapat. Hindi ko kasi marinig iyong sinasabi niya kanina kaya naman tinanong ko siya at iyon na nga nakuha ko ang atensiyon ng mga kaklase ko lalo na si Mr. Mesia na galit na napatingin sa akin.

"Miss Vizconde!"

Napatayo naman ako sa upuan ko. "S-sir?"

Halos mautal ako sa pagtawag niya sa apilyido ko.

"What do you think you're doing, ha?" inis na tanong nito sa akin.

"Sorry, sir." nakayukong sagot ko rito.

"You're not in the jungle so please don't shout at my class. If you don't like my class? Free to leave. Ang laki ng pintuan miss Vizconde."

"Sorry, sir."

"Come here infront then answer this quotation—" Hindi natapos ni Mr. Mesia ang sasabihin niya nang tumunog ang school bell hudyat na tapos na ang klase niya.

Yes! Save by the bell!

"Class dismiss." he said then he walk towards the door but before he left he called me. "Miss Eileithyia?"

"Sir?"

"If you do that again in my class? I'll make sure that your grandma will know this miss Vizconde." pagbabanta nito sa akin.

Napairap na lamang ako. Ito ang ayaw ko e. Kung may nagawa akong mali na hindi ko sinasadya o sinasadya isusumbong nila agad ako sa Lola ko.

Yes, you're right. My grandmother is the principal of the school where I'm studying.

Napasigaw naman ako sa gulat nang maramdaman ko ang isang malamig na bagay ang dumampi sa pisngi ko.

"Coke?" napalingon naman ako sa kanya. Si Triton.

"Thanks." abot ko sa coke na hawak niya saka ito binuksan at ininom.

"You, okay?"

"What do you think, ha?" irap ko sa kanya.

Napatawa naman siya at saka umupo sa tapat ko.

"Maybe yes? Maybe no?"

Inirapan ko lang naman siya.

"Sorry, akala ko kasi maiintindihan mo iyong sinasabi ko kanina—"

"Ehem! Baka gusto niyo akong tawagin no?" pagpuputol ni Shania sa sinasabi ni Triton. "Where's my coke?" inilahad ni Sha ang kamay niya sa harap ni Triton nang makalapit ito.

Napailing naman si Triton at saka kinamayan si Sha. "No coke for you. It's for Lei, only." pilyong ngiti ang ibinigay sa kanya ni Triton at saka binitawan ang kamay niya.

Umirap naman ang kaibigan ko at saka umupo sa harap naming dalawa.

"Kung gusto mong payagan ka talaga ng kaibigan ko na manligaw dapat binibilhan mo rin ako ng mga binibigay mo sa kanya. Remember, you must court me first, me, her bestfriend. Para makilatis kita kung pwede ka talagang manligaw sa kanya." humalukipkip ito.

Natawa naman si Triton sa sinabi ng kaibigan ko.

"You're just a bestfriend, Vizconde. I prefer to court first her parents before you, bestfriend." tumawa ng nakakaasar si Triton at saka napatingin sa gawi ko at kinindatan ako.

Napailing na lang ako. Sa tuwing magkasama talaga ang dalawang ito lagi silang nag-aasaran.

"Hoy, Ventura." tawag ni Sha kay Triton.

"What, Rodriguez?"

"Ito ka o!" she raised her middle finger to Triton.

Natawa na lang si Triton sa inasta ng kaibigan ko at ako naman ay napailing na lamang.

Next chapter