webnovel

Secluded Feelings

Chapter 79: Secluded Feelings Part 1

Haley's Point of View 

  Mga bandang alasiyete ng gabi. Mabilis na nakarating ang ambon sa lugar habang patakbo kami na pumunta kina Mirriam. 

Napagabi kami dahil sa sobrang traffic sa SAED, hindi rin kami nakaalis kaagad sa ospital dahil sa mga kung anu-anong ganap sa loob ng kwarto ni Sir Santos. Saka may  suspetsa si Rose kanina nung napansin niyang nagmamadali akong umuwi, palagi niyang tinatanong kung pupunta ako kina Mirriam. 

  Kasi kung sinabi kong oo, sasama siya kasama ang iba pa naming mga kaklase. At ayokong mangyari iyon kaya nag desisyon akong manatili pa roon Mahirap na kasi kung sasama pa sila, mas lalo lang lalala ang sitwasyon at lalo pa kaming 'di payagan na makita si Mirriam. 

Flashback: 

  Kauuwi ko lang galing sa Garcia Residence at katatapos ko lang din gawin ang mga kinakailangang linisin at ayusin nang tumunog ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng CPU ng computer desk ko. Kinuha ko iyon at tiningnan ang screen, registered number ito ni Jin kaya sinagot ko. 

  "Hello? Jin?" Sagot ko sa tawag. 

  "Hindi ba't sabi ko, Caleb na ang itawag mo sa akin?" Tanong niya sa kabilang linya na hindi ko kaagad nasagot at isinara ko lang ang bibig kong nakabuka nang kaunti. Humagikhik siya nang kaunti. "Siya nga pala, may sasabihin lang pala ako kaya ako napatawag." 

  Lumakad ako papunta sa harapan ng bintana ko. Hindi ako sumagot at hinintay lang ang kanyang sasabihin. I bet this is about her sister. "Ah… You see? Nag desisyon si Mama na aalis dito para kay Mirriam. Baka hindi n'yo na siya makita." 

  Namilog ang mata ko. Napahawak din ako sa salamin ng bintana dahil sa gulat ko sa nalaman ko. "A-Aalis?" Ulit ko sa kanyang nabanggit. "K-Kailan?" Wala akong mailabas na kahit na anong tanong kahit ang dami-daming pumapasok na tanong sa utak ko. 

  "Hindi ko rin alam kung kailan, pero pumunta kayo gaya ng ginagawa n'yo madalas. Titingnan ko kung ano pa ang pwede kong gawin." 

End of Flashback: 

  "Bakit hindi mo na lang sinabi sa kanila na susunod na lang tayo?" Paninisi ni Reed sa akin habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Harvey parked his car somewhere na hindi lalayo mula rito kaya ngayon ay tumatakbo na lang kami papunta sa bahay ng Garcia. 

  "It would be unfair to him," Tukoy ko sa adviser namin. "Kung hindi tayo magpapakita sa kanya." Kahit na nadalaw na namin siya nila Jasper at Reed nung isang araw. "At isa pa, Rose already asked us to come. It's not something that we can just shrug off." Pasimple akong napatingin sa balikat ko pagkaalala ko pa lang kung paano niya saluhin 'yung saksak ng kutsilyo imbes na sa akin dapat 'yon babaon. 

Ang laki ng nagawa niya sa akin kaya hindi ko magawang tanggihan na hindi pumunta. 

 

  Pumikit ako sandali bago ko iniharap ang aking tingin. "Magtataka rin ang iba kung bakit hindi tayo sasama." 

  Hindi na nagsalita si Reed at pumaharap na lang din ng tingin. Pero nagsimula ng umambon kaya tumigil na muna ako gayun din ang iba. Lumingon ako kay Kei. "Kei, you don't need to come." 

  Hawak-hawak niya ang mga tuhod niya habang hingal na hingal. Tumingala siya para makita ako. "Are you guys planning to leave me again?" Tumayo na siya nang maayos pagkatapos samantalang sinundan ko lang siya ng tingin na may kaunting gulat sa mukha ko. "Wala pa rin akong kaalam-alam sa mga nangyayari, kung ano 'yung mga nangyayari sa inyo na hindi n'yo sinasabi."

  Tumungo siya nang kaunti. "Siguro nga hindi ako nakakatulong kaya gusto mo 'kong maiwan na lang din sa isang tabi."

  Mas nagulat ako sa sinabi niya kaya humakbang ako ng isa para lapitan siya. Nakatingin lang din sila Jasper sa amin. "N-No. You're wrong, sinasabi ko lang na hindi mo kailangang sumama dahil umaambon na. Baka magkasakit ka." 

  "At kayo, hindi?" Ganti naman niya dahilan para umurong ang ulo ko nang kaunti. "Don't mind me, Haley. Hindi naman ako mamamatay kahit na magkasakit ako." She paused. Inangat pa niya lalo ang tingin niya sa akin. "Take me with you." Aniya na may suot na seryosong mukha. Subalit ngumiti rin siya, isang makabuluhang ngiti. 

  "Ito na lang 'yung pwede kong magawa. Huwag mo ng ipagkait 'yon sa akin." Umawang-bibig ako ng ilang sandali bago ako palihim na mapakagat-labi. 

  Huminga ako nang malalim. "I'm sorry," Hinging pasensiya ko. "Let's go." Anyaya ko at tumalikod para puntahan na ang bahay ng Garcia. 

  Ano ba 'yong mga desisyonan na dapat ko ring gawin sa hindi? Ginagawa ko lang ba 'to para sa kanila o para talaga sa sarili ko?

  Noon, sabihin natin na ayokong pumayag sa isang bagay na alam kong pwedeng magpahamak sa kanila kaya ang dami kong tinatago. Pero habang tumatagal na wala silang kaalam-alam, mas lalo lang din silang napapahamak. Kaso kapag naman sinabi ko sa kanila 'yung mga nangyayari, mag-aalala lang sila. Maaapektuhan 'yung mga ginagawa nila kaya hindi rin magandang epekto 'yon para sa kanila. 

  Yumuko ako. Wait, is that an excuse? Am I just being selfish for not thinking about their feelings? 

  Or… for a long time now, I'm actually trying to keep distance from the company of others. There's always a part of me that hadn't change. My Secluded Reasoning? Or my Secluded Feelings? 

  Nagsimula ng bumagsak ang ulan pero narating na namin ang bahay ng Garcia. 

May silong doon sa may gate pero basang basa na kami. Buti na nga lang din at nakabukas pa ang ilaw dahil madilim na rin talaga at medyo malayo sa amin 'yung post light. 

  Pinindot ko ng ilang beses ang doorbell pero mukhang wala ng magtatangkang lumabas para tingnan ang taong kumakatok sa kanila. 

  "Wala na yatang magtatangkang tingnan 'yung tao rito kahit sa bintana nila." Sambit ni Harvey.

  "Ano balak n'yo? Ako, mag stay na muna ako sandali rito." Pagpasya ni Reed.

  Tumango naman si Jasper. "Ako rin." Sabay lingon sa amin. "Pero sigurado kayo? Nabasa kayo ng ulan."

  Nag-alala rin ako pero nagpameywang si Kei kaya pare-pareho kaming mga napatingin sa kanya. "Edi sama sama tayong magkasakit lahat." 

  "Pag-aalalahanin nga lang natin sila Manang." Pilit na ngiti na sabi ni Reed. 

  "May bago ba?" Taas-kilay na tanong ni Harvey kaya sinuntok siya ni Reed sa braso kasabay ang paghagikhik nilang dalawa. 

  Patawang umismid si Jasper. "Hindi n'yo ba alam ang kasabihan? Mahirap tamaan ng sakit ang mga tanga." 

  Sumimangot si Harvey at humarap kay Jasper. "Ikaw lang naman 'yung tanga sa 'tin." Itinagilid nang kaunti ni Harvey ang ulo niya na may pagtaas noo. "Kung magkakasakit man kaming lahat, hahatiran mo kami ng mga kailangan namin. Ikaw magluluto ng lugar at pupunta puntahan mo kami sa mga bahay bahay namin. Ayaw namin kila Manang, dapat ikaw." 

"Luh." reaksiyon lang ni Jasper kaya tumawa silang apat. 

  Buka buka ko lang ang bibig kong pinapanood sila nang iharap ko ang tingin sa gate. 

  Sinubukan ko ba silang intindihin? Mukhang hindi.

Noong nandito si Lara, nandoon 'yung pakiramdam ko na para akong napag-iiwanan. Nalulungkot ako, natatakot ako dahil wala akong ideya sa kung ano 'yung nangyayari dahil walang sinasabi na kahit na ano sa akin kaya mas nag-aalala ako sa mga taong na sa paligid ko. Alam ko kaso… 

  Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Kei. "Haley," Tawag niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya. Nakatingin din siya sa gate na nasa harapan namin. "Pinili namin na pumunta at manatili rito kahit ganito ang panahon, kung ano man 'yung mangyayari sa 'min kami ang may kasalanan. Kaya kung sakaling may parte sa'yo na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari kay Mirriam," Lumingon siya sa akin. "Hindi mo 'yon kasalanan." 

  Bumuka kaunti ang bibig ko't nanlaki panandalian ang aking mga mata. "We're trying to protect each other, kaya tayo nasasaktan ng ganito." Pag linya ng ngiti sa labi niya at ibinalik na ang tingin sa harapan. "Don't blame yourself for what happened, walang may gusto nito." 

  Marka na sa mukha ko 'yung sakit pero lumunok ako't tumango. "I'm sorry." Panghihingi ko ulit ng pasensiya pero pinitik lang niya ang noo ko. Humawak ako ro'n at tiningnan siya. 

  Nakasimangot siya pero nginitian din ako. "Make sure to tell me everything so that I could understand your reasoning, 'kay? Li'l sis." 

 

  Namilog ang mata ko bago ko siya tinawanan nang kaunti at tumango. 

*** 

  Kalahating oras na kaming nandito at nakatayo sa labas. Lumalakas na rin ang hangin kaya medyo nilalamig na kami. Humalukipkip si Jasper. 

"Ayaw n'yong kumanta ng jingle bells?" 

"Isang buwan pa bago ang Pasko." Sagot ni Harvey na nakahalukipkip din. 

  Nagkibit-balikat naman si Jasper. "Eh, malay mo? Lumabas si Tita Airam?" Patanong na tugon nito at nag pogi sign. Paismid siyang ngumisi. "Tapos abutan tayo ng aguinaldo." 

 

  "Abutan ng pera para paalisin tayo." Kontra ni Reed.

  Tumango-tango si Kei. "Kasi maingay tayo." Dugtong niya sa sinabi ni Reed.

  Humalukipkip na rin ako't hinawakan ang chin ko ng kanan kong kamay. "Alam n'yo rin ba 'yung isang meme na madalas makita sa Facebook? Bibigyan ka ng malaking pera para lang lumayo ka sa anak nila? Baka ganoon pa ang mangyari sa'tin." 

  "Ang daming nagmamahal sa Mirri ko." At umakto pa itong lumuluha dahil nagpupunas siya ng mata. 

  Humawak si Harvey sa noo niya. "Hindi ba't dapat maging optimistic tayo kaysa 'yung nagsasabi kayo ng mga ganyang bagay?" 

  "Ah, what you often say will attract them the most kuno nga raw nila, 'di ba?" Si Reed.

  "Walang pinagkaiba 'yon sa law of attraction, 'di ba?" Paninigurado ni Kei. 

 

  "Kaso hindi ba't may kasabihan din na kung ano 'yung kinaaayawan mo, makukuha mo?" Sabi ko pa saka ako humakbang kaya napatingin sila sa akin. 

Inangat ko ang mga kamay ko't inilagay sa tabi ng labi ko para makagawa nang mas malakas na tunog. "Hinding hindi na namin pupuntahan si Mirriam! Bahala kayo! Palagi kayong ganyan, ah? Akala n'yo kung sino kayo?! Hindi na kami babalik! Hindi na! Ayaw na namin!" Sigaw ko at ibinaba na ang kamay ko. 

  Nagpameywang ako samantalang gulat na gulat ang mga kaibigan ko, hindi mo rin maipaliwanag kung takot ba 'yung nakamarka sa mukha nila o nag-aalala. "Tingnan natin kung lalabas." 

  "H-Haley. Iba ang ayaw sa hindi gusto." Pagtatama ni Jasper sa akin na tinaasan ko ng kilay. 

  Binatukan naman ni Harvey si Jasper. "Bobo. Pareho lang din 'yon. Iba kamo ang ayaw sa sumusuko." 

 

  "Hoy! Sino 'yung nag-iingay diyan?!" Galing ang boses ng lalaki sa hindi kalayuan. Marami-rami yata sila at nandoon sa may bandang kanto't papunta rito. Nakikita na namin 'yung mga liwanag sa flashlight nila na kung saan-saan nila itinatapat. 

  "Hala, p*tangina. Iba 'yung lumabas." Chill lang talaga si Reed nang sabihin niya 'yan. 

  "Tanod?" Tanong ni Kei. 

  "Basta galing sa baranggay 143." si Jasper

  "Anime 'yon." si Reed.

  "Ayaw n'yo pang umalis? Isusumbong tayo niyan sa magulang natin." Tanong ni Jasper sa 'min. 

  Naglabas ng hangin sa ilong si Harvey. "Okay lang, wala naman sila Dad." Ah, kaya pala ang lakas ng loob. 

  "Na sa bahay si Mama." Walang gana kong sabi. "Ako ang mapapagalitan." Dagdag ko. 

  "Naol may magulang." Pokerface na sabi ni Reed kaya pare-pareho kaming napatingin sa kanya pero imbes na maawa pa kami, binatukan namin siya isa-isa. Papunta na ang mga tanod sa amin kaya nagsimula na kaming mataranta. 

  Sabay-sabay kaming napatingin sa gate nang unti-unti itong magbukas. Laking gulat na 'yung kasambahay nila ang bumungad. May payong siyang dala. "Pumasok na kayo." 

*** 

  TILA PARA kaming mga sisiw na basang-basa na pumasok sa pamamahay ng Garcia. Wala 'yung mga kapatid ni Mirriam, pero alam kong nandito sila dahil nag text sa akin si Jin na hihintayin niya kami rito. 

  At hindi nga ako nagkakamali, nandoon siya sa hagdan. Huminto siya sa kalagitnaan ng pagbaba nang makita kami. Nginitian niya ako't tumango. Parang alam niya na pupunta talaga kami. 

  Tumango lang din ako pabalik saka ko ibinalik ang tingin sa kasambahay nila. "Pwede po ba naming makausap si Tita Airam?" Paghingi namin ng permiso. 

  Nakatingin lang din siya sa amin nang pumikit siya. "Bago iyan, maligo na muna kayo para hindi kayo magkasakit. Humiram kayo ng damit sa kanila," At lumabas mula sa kung saan si Jean. Galing yata siya sa sala. Bumaba rin si Jin mula sa hagdan kanina. 

  "Ibababa na lang namin 'yung damit n'yo. Maligo muna kayo ro'n sa likod. May tatlong shower doon." Turo ni Jean sa likod niya. "Mauna na muna 'yong mga babae." Ngiti ni Jean sa amin kaya pare-pareho kaming mga nag bow panandalian. 

  "S-Salamat. Pasensiya na rin sa abala." Nahihiyang pagpapa-salamat ni Kei. 

  "Salamat." Sabay na sabi namin ni Jasper at Reed samantalang tahimik lang ako. Si Harvey naman, humawak lang sa kanyang batok. 

  Nakita ko ang pagpapameywang ni Jin. "Aba? Kailan pa kayo naging formal." Pang-aasar ni Jin dahilan para iangat ko na 'yung ulo ko't ngitian siya nang pilit. 

Huwag mo na nga kaming asarin. 

  Nag lead na ng way si Manang para makaligo na kami. Hindi naman kami nagtagal sa pagligo ni Kei gayun din ang tatlong lalaki kaya noong matapos ang lahat. Naghintay kaming lima sa sala dahil pupuntahan kami ni Tita Airam. 

  Hindi rin naman kami naghintay nang matagal dahil nandiyan na siya. Kaya sabay-sabay kaming mga tumayo. Ramdam ko 'yung takot at kaba sa mga kaibigan ko, ganoon din ang maingay na pagtibok ng puso ko. 

  Pero nag desisyon ako, na tatapusin ko lahat ng ito. Saka nakakita ako ng liwanag, nakapasok kami rito sa bahay na ito kaya ibig sabihin may pag-asa pa kaming makausap si Mirriam. 

  Na sa harapan na namin si Tita Airam. Nandoon pa rin 'yung galit sa mukha niya nang makita kami kaya medyo nag-alanganin kami. Pero nilakasan ko na ang loob ko. Nandito na kami, ayoko ng umatras. 

  Humakbang ako ng isa. "Good evening po." Pagbati ko. "Alam po naming hindi ka sang-ayon sa pagpasok namin sa pamamahay n'yo. Pero nandito po kami para humingi ng pasensiya sa inyo." Panimula ko pero kumunot na ang noo niya. Muli akong huminga nang malalim. "At alam na alam po namin na hindi mapapalitan ng paghingi ng kapatawaran 'yung nangyari sa anak n'yo. Ayaw rin naming irason na wala kaming kontrol doon sa nangyari, kami ang huling nakasama ni Mirriam bago nangyari ang lahat. Kaya naiintindihan namin kung bakit ganito ang laki ng galit n'y--" 

  "Bakit ba palagi n'yong pinapalabas na ako 'yung may mali?" Biglang sabat ni Tita Airam na nagpatigil sa akin. "Kayo ang huling magkakasama, hindi ba't kasalanan n'yo talaga kung bakit nagkaganoon ang anak ko? Lalo ka na." Tukoy niya sa akin. "Wala na akong ibang narinig sa 'yo kundi disgrasya o kaya kapahamakan. Ilang ulit ng nangyari 'yon sa'yo kaya pati anak ko, idadamay mo?"

  Hindi ako nakapagsalita. Gagamitin talaga niya 'yung nangyari sa akin?

  "Ngh." Calm down, Haley. Intindihin mo siya. Alam mo sa sarili mo ba't siya nagagalit. Kumalma ka.

  "Sinira mo 'yung buhay ng anak ko." Namilog naman ang mata ko sa kanyang sinambit. "Kung alam ko lang na mangyayari 'to sa kanya, hindi ko na lang sana hinayaan na kaibiganin niya kayo." 

  Nanikip 'yong dibdib ko. Bumubuka sara rin ang bibig ko dahil gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.

Alam ko na isa ito sa mga sasabihin ng magulang ni Mirriam, pero nasasaktan ako. Parang hindi ko napaghandaan. 

 

  "Magiging bastos ako pakinggan sa inyo pero wala pong naging kasalanan si Haley. Hindi n'yo rin po sana 'yan sinasabi sa kanya." Napatingin ako kay Jasper nung tumabi siya sa akin. Lalo pa nung lumuhod siya. "Pero humihingi po kami ng kapatawaran na hindi namin nagawang protektahan 'yong anak n'yo gaya ng inaasahan n'yo. Hindi ko siya… nagawang iwasan sa magpapahamak sa kanya gaya ng pangako na sinabi ko sa inyo." Pagtungo niya bigla. "Patawad."

  Humakbang din si Harvey para lumuhod. Si Reed naman ang nagsalita pagkatapos. "Hindi po kami 'yung makakatulong sa anak n'yo pero gusto po naming makita si Mirriam, at masabi ang dapat naming sabihin. Humingi ng tawad, at tingnan kung ano po ang pwede naming gawin para sa kanya." Lumuhod din si Reed pagkatapos niyang sabihin iyon. 

  Si Kei naman ang sumunod. "Narinig din po namin kay Haley na aalis na kayo rito." Napatingin sa akin si Tita Airam pero iniiwas ko lang ang tingni. "At naiintindihan po namin kung bakit n'yo iyon gagawin pero sana mapagbigyan n'yo kami na mapuntahan si Mirriam sa natitira niyang araw rito." Lumuhod na rin siya gaya nung tatlo. 

 

  Gulat na gulat pa rin si Tita Airam sa ginagawang pagluhod ng mga kaibigan ko hanggang sa mapatingin ulit siya sa akin. Malungkot lang akong nakababa ang tingin. 

  Dahan-dahan kong iniluhod ang mga tuhod ko. 6 days bago sila umalis, kailangan ko itong gawin. 

 

  Pumikit ako at naglabas ng mabigat na hangin sa ilong. "Hindi madaling magpatawad, at hinding hindi n'yo makakalimutan 'yung nangyari sa anak n'yo. Pero hinihiling namin na mapagbigyan mo kami na makita siya." 

  Kinuyom niya ang kamao niya. Mayamaya pa nang tumalikod siya kaya kami itong napatingala para makita siya. "Hindi ko rin kayo maintindihan ba't nagagawa n'yong lumuhod sa akin." Napahawak siya sa noo niya. "Ano ba'ng nangyayari?" Mahina pero sapat lang para marinig namin, animo'y gulong gulo. 

  Ibinaba niya ang kamay niya at lumingon sa amin. "Kung hindi lang talaga sa mga anak ko, hindi ko talaga kayo hahayaan na makapasok at mapagbibigyan na makita si Mirriam." Pare-pareho kaming mga bumuka ang bibig. 

  Napatingin ako sa kanang bahagi kung nasaan sina Airiam, Jean, at Jin. 

 

  Ibinalik niya ang tingin sa harap at umismid. Lumakad na siya ng walang iniwan na kahit na anong salita. Pero sigurado kami na binigyan na niya kami ng permiso na makita si Mirriam kaya tumingin ang apat kong kaibigan sa isa't isa habang nakababa pa rin ang tingin ko. 

  Huminga ulit ako nang malalim na ibinuga rin pagkatapos dahil na rin sa bigat na nararamdaman ko ngayon. Hindi ito 'yung oras para mag drama. 

  Tumayo na ako gayun din ang mga kaibigan ko nang lumapit sina Jean sa amin. "Hindi ko lang sigurado kung tulog na si Mirriam dahil paiba iba ang sleeping pattern niya, pero kung sakali mang naabutan n'yo siyang tulog. Hayaan n'yo na muna at bumalik na lang din kayo bukas." 

Tinanguan namin siya bilang pagsagot. "Ayaw rin namin siyang biglain." Sambit ni Reed bago kami I-lead ni Jean. Kasama namin sila Jin at Airiam.

  Sa mga sandaling iyon. Inaakala kong magiging madali kung makikita namin siya, akala ko magiging masay ako pero nagkakamali ako. 

*****

Last 2 chapters. Thank you for reading!

Yulie_Shioricreators' thoughts
Next chapter