A/N: Vocabulary po nasa dulo. Hehe Sana hindi kayo maguluhan.

Lei's POV:
1 week later
Napakabilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap nawala sa akin ang unang lalaking minahal ko. Kahit naman hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Franco, masakit pa rin para sa akin ang pagkawala niya. Ni hindi ko nga magawang pumunta sa burol at libing niya. Paano ko siya haharapin gayong ako ang naging dahilan ng pagkamatay niya? Ako dapat yun. Ako dapat ang pinaglalamayan nila ngayon.
Hindi ko din lubos matanggap ang mga nalaman ko tungkol sa mga kaibigan ko. Para akong nagago ulit. Alam kong may dahilan sila sa paglilihim pero hindi naman ganun kadaling tanggapin at isaksak sa utak ko ang mga nadiskubre ko.
Fina erase everyone's memory on the day that Franco died. Pinalabas nila na napagtripan si Franco at nasaksak. That's Fina's power. She can erase someone's memory and replace it with another. Parang ang unfair ng ginawa niya pero wala eh, kasama daw talaga sa protocol yun. Hindi dapat malaman ng mundo ang tungkol sa kanila. Sa amin.
"Hey!"
"Hey mo mukha mo!" Napairap na lang ako kay Austin. Umagang umaga siya agad ang bubungad sa harap ko paglabas ko palang ng bahay.
Suot suot na naman nito yung paborito niyang t-shirt na may print ng mukha ni Nezuko. Yung character sa anime na Demon Slayer. Fan na fan ni Nezuko ang gago. Ako din naman. Ang cute cute naman kasi talaga ni Nezuko.
"Highblood naman. Magbihis ka."
"Bakit? Nakahubad ba ko?" bulyaw ko sa kanya. Huwag niya kong inuutusan. May kasalanan pa sila sa akin. Akala ko walang lihiman? Kaibigan ko pa ba talaga sila?
"Kung ready ka na talagang malaman ang lahat tungkol sa atin, sumama ka sa akin," pahayag nito.
Napalunok ako. Kinakabahan ako sa maaring madiskubre ko pa pero ayoko namang maiwan sa dilim. Curiousity might kill the cat.
"Gaano katagal niyo na akong niloloko?" may pagtatampo sa boses ko.
"Lei, hindi ka namin niloko. Promise! Nagulat nga din kami ni Fina nang malaman na isa ka ding Sehir pero syempre kailangan muna naming magpanggap na wala kaming alam hanggang hindi kami nakasisiguro na katulad ka nga namin," depensa niya.
"Okay, whatever." I rolled my eyes. Badtrip pa din ako.
"Matatanggap mo ba ang katotohanan? Kakayanin mo ba?" paniniguro pa nito.
"Well, try me."
*****
Nasa harap ako ng isang abandonadong gusali. Tandang tanda ko na dito ko pinagtago sina Austin at Fina nang lusubin kami ng mga pesteng ibon nung nakaraan.
Lumang luma at sirang-sira na ito sa labas pero nang pumasok kami sa loob ay napakaayos naman nito. Para siyang lounge area. May pabilog na table sa gitna, makukulay na plastic chairs at couch. May pink pa na mini-ref. Flat-screen na tv at game consoles. Astig!
Wala itong pintuan, tumagos lang kami sa pader para makapasok dito! Wow! Hindi ako makapaniwala talaga! First time kong tumagos sa pader.
"This is a secret place. Tanging mga Sehir lang ang may kakayahang makapasok dito."
Nag-aalalang napatingin sa akin si Austin. "Kumbinsido ka na ba?"
Hindi ako nakaimik. Alright, I'm a Sehir.
"Upo ka muna. Padating na sila. May gusto kang kainin?" Nanlalambing na tanong nito. Palibhasa may kasalanan kaya mabait.
"Kahit ano," tipid kong tugon.
Umupo ako sa may blue na couch. May nilabas naman na blueberry cheesecake si Austin mula sa mini ref. Siyempre tinanggap ko agad nang binigay niya sa akin yun. Bawal tumanggi sa grasya.
Nabitin ang pagkain ko ng cheesecake nang parang isang anghel na bumagsak mula sa langit si Fina. Muntik na tuloy tumapon yung cheesecake ko dahil sa pag-entrada niya.
"Leeeeeei!" Masiglang bati nito.
"Gusto mo ba talagang dagdagan yung kasalanan mo? Tatapon mo pa cheesecake ko," pagtataray ko. Pero balewala ata sa kanya kasi mahigpit lang niya kong niyakap. Weakness ko ang hugs. Natunaw bigla ang tampo ko.
"I miss you! Daya mo. Ilang days kang absent."
"Nagluluksa po," pag-amin ko. Tinuro ko yung dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko. Iniisip ng iba na hindi naman talaga ako apektado sa pagkamatay ni Franco, but who are they to judge me. Hindi naman nila alam ang totoong nangyari at ang totoong nararamdaman ko. Ang bigat bigat kaya sa pakiramdam.
"Sorry," she whispered.
Binalot kami ng katahimikan. Awkward. Hindi ako sanay na ganito kami. Nasanay kami na naggagaguhan. Ang tagal na naming magkakilala pero nitong nakaraang araw na-realized ko na hindi ko pala talaga sila kilala ng lubusan.
"Wassup my friends!" Biglang niluwa ng pader si Elliot. Nanlaki ang mga mata nito nang dumako ang mata niya sa direksyon ko. Gulat na gulat din siya nang makita ko pero wala nang tatalo pa sa gulat ko. Isa din siyang Sehir?
"Bakit nandito si Lei?" Dinuro pa ko ng hayup. Shook din ako uy!
"Baka namasyal lang?" sarkastikong tugon ni Austin. Tinapik niya ito sa balikat. Agad namang nakarecover si Elliot sa shocked niya. Kumuha ito ng yakult sa ref at umupo sa ibabaw ng mesa.
"She's one of us? Eh di kumpleto na tayong mga Hemore?" May aliw sa boses na tanong nito.
Nakunot ang noo ko dahil sa narinig kong bagong salita.
"Ano na naman yang Hemore?"
Bago pa nila ako masagot, biglang sumulpot si Janus at may kasama ito. Ang adviser namin at ang president ng klase namin!
Natatanga na ako sa mga nalalaman ko. Sehir din sina Andrea at ang adviser naming pogi na si Sir Hidalgo!
"Surprise!" Puno ng galak na sambit ni Andrea. Pumalakpak pa sila ni Sir. Oo, nasurpresa talaga ko.
"Ano 'to? Sehir din kayong dalawa ni Sir? May iba pa bang susulpot? Sabihin niyo na para naman isang bagsakan na lang. Stress na stress na ang short hair ko sa inyo, malapit na 'tong kumulot," asik ko sa kanila. Hindi ko maiwasang magtaas ng boses.
"Don't talk to the elders like that," suway ni Janus.
Anong elders? Mababaliw na ko.
Mukhang nabasa ni Fina ang nasa isip ko. At may binulong ito. "They look young, but believe me. Nasa 50's na sila."
Halos malaglag na ang panga ko. Sinuri ko sina Sir Hidalgo at Andrea mula ulo hanggang paa. Hindi naman sila mukhang matanda. Jinojoke time ba nila ko?
Umupo kaming lahat sa bilugang mesa. Nakatingin lang silang lahat sa akin. Pinagmamasdan ang reaksyon ko. Nanatili lang akong nakatingin sa kawalan. Tila may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko magawang bumuo ng salita. As in wala talaga akong masabi.
May mahinang tumapik sa balikat ko. Si Elliot. "Huwag kang mag-alala. Ganyan din unang reaksyon ko."
"Yeah! Me too!" Tumaas pa ng kamay niya si Fina.
"Where's Azure? Man, he's late again?" Nabubugnot na tanong naman ni Janus. Napalingon ako sa kanya pero sinamaan lang niya ko ng tingin. Problema niya? Hindi ko siya inaano.
May dadating pa ba?
As if on cue, the guy with blue eyes appeared in front of us.
Lumapit si Janus dito. "You're late! Ya should treat us for an ice cream." Parang close na close sila dahil may pag-akbay pa si Janus dito. Adoration can be seen on Janus' soft-brown eyes. Azure pala pangalan ni blue eyes.
"Magkapatid ba ang dalawang yan?" curious na tanong ko kay Fina. Naalala ko kasi nabanggit ni blue eyes na may kapatid siya.
"Hindi. Sobrang idol lang talaga ni Janus yang si Azure. But Azure has a twin brother though."
Napatango tango ako. Nagtama ang tingin namin ni Azure. Nakangiti ito sa akin kaya gumuhit din ang isang napakalapad na ngiti sa labi ko. Ang gaan talaga ng loob ko sa taong 'to-- scratch that. Hindi nga pala sila tao.
Maya maya pa ay may lumitaw na maliliit na bolang apoy. Sigurado akong hindi kay Azure ito dahil asul ang mga apoy nito. Kulay pula at orange kasi ang mga nagpapaikot-ikot na bolang apoy sa ere.
Niluwa ng mga bolang apoy ang isang lalaki na may kulay pulang buhok at kulay orange na mata. Magkamukhang magkamukha sila ni Azure! Magkaiba nga lang ang mga kulay ng buhok at mata. Nakasuot siya ng black shirt, cargo pants and combat boots. May suot pa siyang pulang scarf. Ang init na nga.
Napansin niya ata na nakatitig ako sa kanya kaya bigla itong lumapit sa akin. He leaned closer to me. Pinag-aaralang mabuti ang mukha ko. Hindi ko magawang gumalaw dahil ang lapit lapit lang ng mukha niya sa akin.
"Hello! Ako si Azval," bati nito. Ganda rin niya ngumiti. Kambal nga talaga sila ni Azure.
"Alam mo, ang ganda mo," dugtong niya.
Walang sabi sabing hinila siya ni Azure palayo sa akin. Napapadyak padyak naman ito na nagreklamo.
"Kuya naman. Nagpapakilala lang naman." Halos magkanda-haba haba na ang nguso nito. Para siyang bata. Lumingon siya ulit sa akin at kumindat. Ang cute.
Kung si Azure ay napakatahimik at seryoso, ito namang si Azval ay napakaligalig. Nakakatuwa silang pagmasdan.
****
Napahimas ako sa magkabilang sentido ko. Kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa mga pinagsasasabi nilang lahat. Kahit anong paliwanag nila wala talaga akong maintindihan o baka ayaw ko lang talaga intindihin at tanggapin.
"Ganito na lang, makinig kang mabuti Lei." Lumapit si Sir Hidalgo sa maliit na whiteboard sa harap at kumuha ng marker. Para siyang maglelecture. Itinupi niya saglit ang manggas ng mahabang white sleeves niya. Ang puti puti talaga nito ni Sir. Parang kasing puti ng niyebe ang kutis niya.
"Nahahati sa dalawa ang mundong ito. Ang mundo ng mga tao at mundo ng mga Sehir." May isinulat siyang dalawang kataga sa board.
Sehir at Perzie.
"Perzie ang tawag namin sa mga mortal. Sa mga normal na tao. Tayo naman ang mga Sehir," paliwanag nito.
"What is Sehir? Are we supernatural creatures?" tanong ko.
"Uhm, paano ba? Para tayong mga encantados. Something like that. Basta ganun!" Magulong paliwanag ni Fina sa tabi ko.
"Sehira naman ang tawag sa lugar kung saan tayo galing. Sehira was a vast and enchanted world. Hindi alam ng mga mortal ang tungkol sa atin, pero tayo alam natin ang lahat ng tungkol sa kanila."
Now, that's unfair!
"Pero bakit hindi nila alam?" Nagtaas ako ng kamay. Recitation lang ang peg.
"Kasi greedy ang mga tao. Mapaghangad sa kapangyarihan," si Austin ang sumagot.
"At pwedeng gamitin ng mga Galur ang pagiging ganid at kaitiman ng budhi ng mga tao laban sa ating mga Sehir," dagdag pa ni Sir Hidalgo.
"Galur?" Parang nabanggit na ito ni Janus.
Muling nagsulat si Sir Hidalgo sa white board. Isinulat niya ang mga salitang Galur at Daphvil. Bwisit! Ang sakit na sa ulo ng mga salitang 'to.
"Si Daphvil ay isa ding Sehir pero dahil gusto niyang makahigit sa lahat, he choose the evil path. Ang mga Galur naman ang galamay niya."
"So they are like the bad guys? Our enemy?" Tanong ko. Medyo nagegets ko na. Tumango si Sir. I'm so amazing!
"Pero bakit tayo nandito? Bakit wala tayo sa mundo natin?" Naguguluhan kong tanong.
"Dahil sinakop ni Daphvil ang buong Sehira at pinatay niya ang mga Sehir na humadlang sa kanya. Iilan na lamang ang mga Sehir na nabubuhay... Ako. Kayo," sagot ni Azure. Kakaibang lungkot at pangungulila ang rumehistro sa mga bughaw na mata nito. Nakaramdam ako ng pagkahabag.
"Labing walong taon ang nakakaraan, nagkaroon ng digmaan sa Sehira. Maraming nagtaksil na Sehir at pumanig kay Daphvil. Marami ang namatay. Hangad ni Daphvil noon na makuha ang bata sa propesiya, si Sehria." Huminto si Sir Hidalgo at isinulat ang salitang Sehria sa white board bago siya nagpatuloy muli.
"Ayon sa nakasaad sa propesiya, si Sehria ang magiging Aurora-- ang pinaka-malakas, at pinaka-makapangyarihang Sehir. Hindi tumatanda ang mga Sehir pero maaari pa rin tayong mamatay. May hangganan pa din ang buhay natin. Pero ang Aurora, isa siyang immortal. Gustong gusto ni Daphvil na makuha ang kapangyarihan nito. Sanggol pa lamang si Sehria noon, kaya para maprotektahan siya laban kay Daphvil ay itinago siya sa mundong ito, ang mundo ng mga mortal. Kasama ang iba pang sanggol na nakatakda para maging, Hemore." Nagsulat ulit si Sir. Teacher na teacher talaga ito. Mamaya bigla itong magpa-quiz. Lagot ako, wala kong notes.
Hemore.
"Ang Hemore ang limang Sehir na nakatakdang protektahan ang Aurora. At kayong lima yun. Kayo ang limang Hemore." Isa isa kaming tinuro ni Sir Hidalgo. "At kailangan niyo siyang mahanap bago kayo maunahan ng mga Galur."
Walanghiya. Pwede ba kong magback out? Nahihilo na ko. Dudugo na ang ilong ko.
"So the five of us were like a celestial warriors? Parang sa Fushigi Yuugi? O parang Sailor Soldiers? And we have powers?" Umiiral pagka-otaku ko. Pasensya.
"Parang ganun na nga. Kung saan ka mas madadalian intindihin," sagot ni Austin.
"Ilang taon ang ginugol namin sa paghahanap sa inyo, hanggang sa isang araw natagpuan ko si Austin. At sa tulong ng mga magulang niya, mas madali namin kayong natunton." It was Andrea this time. Kakaiba na ang pananalita nito, para siyang matanda kung umasta.
Tinapunan ko ng tingin si Austin. Magpaliwanag ka, boy!
"Matagal nang nakatira ang magulang ko sa mundong ito. Sila ang kauna-unahang Sehir na nanirahan sa mundo ng mga tao. I was born here. Just like Janus, dito na rin siya ipinanganak."
"Yeah. I'm a Perzier. Half human, half Sehir." Pagmamalaki pa ni Janus.
Lolo mo half, half.
Sinulat ni Sir Hidalgo ang salitang Perzier sa white board para mas lalo kong maunawaan. Tao ang nanay ni Janus at Sehir naman ang tatay nito. Si Janus ang kauna-unahang Perzier. Eh di wow! Ikaw na boy kidlat.
Saglit na nabalot kami ng katahimikan. Nag-concentrate akong i-sink in sa utak ko ang mga impormasyong binibigay nila. Nang makapag-isip isip ako, binasag ko ang katahimikan.
"Ang mga magulang ko. Kung Sehir ako, ibig sabihin ba mga Sehir din sila?" Kanina ko pa 'to gustong gustong itanong.
Napansin ko ang pag-iwas nilang lahat ng tingin sa akin. Nanginig ang mga labi ko at buong katawan ko. Tinatambol ang puso ko sa kaba. Ito ang bagay na kinatatakutan ko. Sapat na ang katahimikan nila para makumpirma ang hinala ko.
Nangilid ang luha sa mga mata ko. "K-kung ganun, hindi sila ang totoo kong magulang?" Halos pumiyok na ko.
Dahan dahang tumango si Sir Hidalgo na hindi man lang makatingin sa akin.
So my whole life was a lie.
"Sinong totoong magulang ko? Pwede ko bang malaman? Pwede ko ba silang makilala?" Nagsusumamo na ang boses na lumabas sa bibig ko.
Napabuga silang lahat ng malalim na buntong hininga.
"K-Kagaya ng mga magulang namin ni Elliot, namatay din sa digmaan ang tunay mong magulang, Lei." Malungkot na wika ni Fina. Naramdaman kong hinawakan niya ng mahigpit ang nanlalamig kong kamay.
Para akong binuhusan ng isang drum ng napakalamig na tubig sa sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman kong may kulang sa pagkatao ko. Pwede bang burahin na lang din nila ang alaala ko?
Gusto ko na ulit maging normal.
****
Vocabulary: (naks may paganun)
Sehira (Se-hi-ra) - enchanted world kung saan nakatira ang mga Sehir.
Sehir (Ser) - a being na parang tulad sa mga encantados.
Perzie (Per-si) - human
Perzier (Per-ser) - half Perzie (human) half Sehir
Daphvil (Daf-vil) - a Sehir who became an evil lord.
Galur (Ga-lur) - Daphvil underlings.
Aurora - a title given to the most powerful being in Sehira.
Sehria (Se-ri-ya) - the girl in the prophecy, the Aurora
Hemore (He-mo-re) - warriors, protector of Aurora