"You can eat whatever you want Marsha.." halos mag-ningning ang mga mata ko sa mga pagkain na nasa harap ko. Kakaiba ang lahat ng 'yon sa akin at mukhang masasarap pa.
Okay. Kailangan kong mag-hulos-dili, makakain ko rin silang lahat.
Naka-upo ako sa tabi ni Logan. Nasa harap ko naman si mamá Felisha, katabi ni papá Jackson.
Nakakatuwang isipin pero 'yon kasi yung gusto nilang itawag ko sa kanila. Nakilala na rin nila ako nang ipa-kilala ako kanina ni Logan sa kanila. Maging 'ganon rin sila sa akin.
"Here iha, Taste it." kinuha ko naman yung inabot sa akin ni mamá Felisha. Sumandok ako sa plato ko pagkatapos ay inilagay ko na iyon sa mesa.
"You like it?" matapos kong tikman iyon, nilunok ko muna yung pagkain. Tumingin ako at napa-tangong ngumiti sa kanya, saka ako nagsalita.
"Ang sarap po ng luto niyo."
"You're right, Marsha. That's why I love Felisha too because she's good at cooking.." sabay singit ni papá. Napa-tawa naman ako ng marahan at napansin kong mukhang kinilig pa ata si mamá.
Tungkol naman dito, hindi naman pala sila nangangain. Mabait sila, kahit na akala ko lalo na kay papá, masungit siya at mala-Logan rin ang ugali, pero nasa mukha lang pala 'yon. Pati si mamá Felisha, malambing siya at mabait, kaya siguro 'yon rin yung isang bagay na nagustuhan sa kanya ni papá.
"Hey, you okay?" Napasulyap ako kay Logan nang mapansin kong kinakausap pala niya ako. Tumango ako sa kanya at sabay ngumiti.
"Salamat love.." napa-kunot noo siya sa sinabi ko.
"For what?" hinawakan ko siya sa kanyang kamay na naka-hawak sa tinidor, at napalingon naman siya doon.
"Salamat dahil pinakilala mo ako sa kanila.." biglang napawi ang kanyang pagtataka nang mapansin kong umaliwalas ang mukha niya, sabay binigyan niya rin ako ng isang matamis na ngiti.
"Everything love, just for you.." napa-awat kami sa momento namin ni Logan nang marinig kong napa-ubo si papá Jackson.
Mabilis ko namang inayos ang sarili ko at pinag-patuloy ko ang kinakain ko.
"You two really love each other, Am I right?" sinubukan kong tapunan ng tingin si papá. Nakita ko nakangisi ito pareho sa amin ni Logan.
"Ano ka ba, Jackson. You're interrupting them.." pagsuway ni mamá kay papá Jackson. Napa-iling nalang siya.
"Sorry Marsha, ganyan talaga siya." sambit niya. Sabay napatawa siya ng marahan.
Sinulyapan ko si Logan at nakita kong naka-ngisi rin siya habang napapa-iling na lang rin. Sabay binalik ko ang tingin kay mamá ng magsalita ulit ito. "Well. Anyways, Speaking on it--what are you two planning for your wedding? It's better if you two are preparing for it. Right?" sa pagkakataon na 'yon, hindi sinasadyang nabilaukan ako.
Napansin kong mabilis na rumesponde si Logan at binigyan niya ako ng tubig. Hinimas niya ang likuran ko at halata sa kanyang mukha na nag-alala siya.
"You okay, love?" alalang tanong niya sa akin. Nakangiti akong napa-tango sa kanya.
"Are you now alright? Oh, maybe you're pregnant?!" dinig kong sabi ni mamá.
Baka siguro kung hindi ko kaagad nainom yung tubig, naibuga ko na 'yon kay papá na nasa harap ko pa naman din.
Jusme. Bakit ba nabaling na sa ibang usapan yung pinag-uusapan lang namin kanina? Baka mamaya naman, itanong nila kung pang-ilang anak na namin 'to ni Logan. Jusko.
Pero syempre 'no, masaya ako kung 'yon man yung mangyari. Yung mapangasawa si Logan at mag-kaanak kami. Pero paano nga kaya kung nabuntis ako ni Logan? Pero imposible, wala akong natatandaan na may nangyari sa amin?
Hmm, baka siguro sa panay halik niya sa'kin?
"Hey, love. You okay? It looks like your in a deep thought. Tell me, what is it?" sandali'y napukaw ang atensyon ko kay Logan na mukhang kanina pa ata ako kinakausap. Nag-alala pa rin ang kanyang mukha at may halong pagtataka.
"A-ayos lang ako. Wala 'to. Wala kang dapat alalahanin.." pilit kong nginitian siya. Naramdaman ko na hinihimas na niya ngayon ang kamay ko at ngayon ko lang napansin na medyo malapit ang mukha namin sa isa't-isa.
"I think son, she needed your help. Maybe you just don't notice about what's women are experiencing. Especially if it's really the reason.." rinig kong sabi ni papá. Tinapunan ko siya ng tingin at ngayon ay tinuloy na niya ang kinakain niya.
"Your, papa is right, apo. You need to bring immediately here in the hospital to check if how's her health, and also the baby of yours.."
Kanina pa ako halos namumula dito dahil sa naririnig kong batuhan nilang mga salita. Jusko. Paano ko ba matatakasan sila sa usapin na 'yan? Mukha na ba akong buntis kung nabilaukan lang ako?
"A-ahh..papá, mamá, h-hindi naman po talaga ako buntis. Nabilaukan lang po ako. Hehe.." sabay napayuko ako at napakagat labi.
Hays! Ang advance nila mag-isip.
Napansin kong inalis na rin ni Logan ang mukha niya na kanina'y malapit sa akin.
"You know iha, Marsha. I'm also the experience the same to your situation when I was like you now. But then, even I know that is not--suddenly, nalaman kong buntis pala talaga ako. Well, that's life. And it seems that you and Logan really needs to have an action for an immediate wedding.." pinakinggan ko nalang muna si mamá. Umiinit na rin yung atmospera ko sa paligid.
Sabay naisapan kong ubusin na yung mga pagkain ko. Saka naman gumatong si papá habang kumakain na ako.
"So, what's your decision about it, son? Your wife needs to hear it now from you. Right, Marsha?" inawat ko muna ang kinakain ko.
Hays. Hindi na ako umiimik eh. Jusme. Binanggit pa pangalan ako. Ugh!
"A-ahh..op--"
"Don't worry about it, papá, mamá. I'll prepare for our wedding immediately. So, our baby will take and grow happy with a family.."
Sandali akong napa-sulyap kay Logan. Tinitigan ko siyang mabuti pero hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Naka-ngisi lang siya kila mamá at papá, at ngayon ay halatang natuwa pa ata sila sa sinabi ni Logan.
Jusko. Nabilaukan lang ako. Hindi nga buntis. Ugh! Nakakaloka 'tong lolo't lola ni Logan, pagkatapos ng kasal, buntis na. Jusme. Baka pag-nagkataon, magpa-buntis na talaga ako kay Logan.
----
Naka-upo ako sa terrace dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok. Naka-patong sa ibabaw ng barandilyang gawa sa kahoy ang magkabilang braso kong naka-tupi, habang naka-patong din dito ang ulo ko at naka-tanaw sa malayo.
Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko yung naging usapan nila kanina habang kumakain kami. Napapa-ngiti nalang ako at natatawa na ewan. Hays.
Sa totoo lang, hindi naman ako salungat sa gusto nilang mangyari, pati ni Logan. Pero nakakatawa lang kasi, dahil nabilaukan lang naman talaga ako, kung ano nang pakahulugan ang ibinigay ni mamá.
Hays. Sabagay, sabik na rin daw kasi siyang magka-apo sa side ni Logan, pati si papá. Jusmiyo. Mga matatanda nga naman oh.
"Oh, iha, Marsha. Hindi ka pa ba matutulog? Gabi na.." inalis ko ang pagkakapatong ko ng aking ulo ko sa magkabilang braso ko, nang makita ko si mamá na naka-upo na ngayon sa tabi ko. Inikot ko ang katawan ko paharap sa kanya.
"You know, I'm so happy that Logan met you. Simula pa kasi noon, wala pa siyang babaeng pinapakilala sa amin ng papá Jackson niya. They're some girls but he's not serious on them. Ikaw palang yung babaeng pormal na ipinakilala niya sa amin.." habang sinasabi niya iyon, parang sumaya ang puso ko.
Akala ko kasi noon, may naging karelasyon na siya noon bukod pa sa akin. Kahit na hindi pa naman ganoon katagal ang relasyon namin, nararamdaman ko kay Logan na mahal niya talaga ako. At ganon rin ako sa kanya.
Pero tungkol dito, naalala ko sandali si Stella. Paano pala siya? Ano ba talagang meron sa kanila ni Logan?
Tumigil ako sa pag-iisip ng ibaling ko ang atensyon ko sa kanya.
"Mamá, pwede ba akong magtanong sa inyo?"
"Of course. Ask me. What is it?" naghihintay siya sa sasabihin ko.
"Kilala niyo po ba si Stella? Ano po ba meron sa kanilang dalawa ni Logan?" tanong ko sa kanya. Napansin kong nawala ang kanina pa'y ngiti sa kanyang labi matapos kong itanong 'yon sa kanya.
Medyo nabigla ako ng hawakan niya ako sa magkabilang kamay ko at saka niya ako tinignang mabuti.
"His parents decided to have an arrange marriage to Stella. It's because of their business matters..."
"P-pero, bakit walang nabanggit sa akin si Logan tungkol dito? Akala ko po ba, wala pa siyang naging babae noon kahit na arrange marriage lang 'yon?"
"She had a past, Marsha. She love that girl before when she was started in his high school life. He always keep telling to us--to your papá Jackson that she's inlove on that girl. Dahil, mas malapit pa ang loob niya sa'min ng lolo niya kaysa sa kanyang mga magulang.." tumigil siya sandali. Napansin kong napa-baling ang tingin niya sa di-kalayuan, at nakita kong 'don pala siya naka-tingin kila Logan at papá Jackson na ngayo'y nandoon sila sa kubo-kubo, at napansin may pinag-uusapan sila habang umiinom sila ng alak.
Pagdaka'y, ibinalik ko ulit ang tingin ko kay mamá Felisha nang magsalita siya ulit.
"But afterwards, his behavior suddenly change. I ask him if he have a problem but he said that it's because of that girl. Iniwan daw siya nito without saying any words if why. Then until he's on college, hindi pa rin siya maka-move on sa babaing 'yon--which he really love. Hanggang sa naging may-ari siya ng isang kompanya na sarili niyang pag-sisikap matapos niya sa kolehiyo. Then, until he met Stella ng ipakilala sila sa isa't-isa ng kanilang mga magulang. It was just nothing to her, I still remember that he always keep his promise to his self na wala siyang mamahalin kundi yung babaeng 'yon. He almost tried to search that girl pero nabigo siya. And aside on it, hindi niya alam na may pag-tingin na pala si Stella sa kanya. She always do some ways para magustuhan rin siya ni Logan, mahalin at tanggapin siya nito. Because they're just in an arrange marriage. And it ends up there.."
Kaya pala honey ang tawag niya kay Logan, at fiance pati ang pagpakilala niya sa akin--dahil sa arrange marriage nila. Pero, bakit hindi manlang nalaman 'yon ni Logan? Imposible. Bakit niya hinayaan na ipakasal siya sa hindi naman niya mahal?
"Pero kung gayon, ikinasal na po ba sila ni Logan?" nang maitanong ko na sa kanya 'yon, hindi muna siya umimik sandali. Pagdaka'y saka siya nagbitiw ng salita. Bumaba ang tingin niya.
"No, Marsha.." parang gumaan naman ang loob ko ng sambitin niya iyon. Pero sandali, akala ko, 'yon na yung sagot sa katanungan ko.
"But, I want you to be informed that Logan will be getting marry to Stella this coming next week.." pagkasabi niya niyon, umangat na ang kanyang tingin sa akin.
Napa-bagsak nalang ang mga balikat ko at natameme ako. Parang tinutusok ng makailang beses yung sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng sakit doon.
Bakit? Bakit nilihim sa akin 'yon ni Logan? Bakit hindi ko mismo sa kanya 'yon nalaman? Akala ko ba, ako lang mahal niya? Bakit niya hinayaang makasal siya kay Stella? Paano naman ako?
"Marsha. I know you'll hurt about knowing this. But I'm telling you, ikaw ang gusto ko para sa apo ko. I think a way so far, so the wedding be stop. I know he loves you more than Stella, and you love him right?" mapanglaw akong napatango sa kanya.
"P-pero, paano ko mapatitigil 'yon?" bumuntong-hininga muna siya sandali, saka siya nagsalita.
"Then, make up with him. I know this is a better way so far so Logan will choose you over Stella. And the wedding might possibly stop.." napatitig lang ako sa kanya sandali matapos niyang sabihin 'yon.
S-seryoso? Anong make up? Memakeup-pan ko siya?
"It's not what you're thinking now, iha. Mag-pabuntis ka sa kanya. This is what I'm talking about, so you two will also build a family.."
Napa-tigagal ako sandali. So, 'yon pala ang gusto niyang sabihin sa akin?
Pero ano? M-magpapa-buntis sa kanya? Paano ba gawin 'yon?