webnovel

52. Being With Each Other

"Logan, bakit ang sarap mo humalik?" totoo naman eh. Para ngang natutunaw yung puso ko kapag dumadampi yung labi niya sa akin. Para pating may nag-pipiyesta sa dibdib ko. Nakita ko namang napaalik-ik.

"It's never taste like that unless for someone whom I love. Don't you?" napa-salubong ako ng kilay.

Anong sinasabi niya? Hindi ko maintindihan.

"Anyway, Do you already had a dinner?"

"Hindi pa.." ngumiti ako sa kanya. "Papakainin mo ba ako?" sumilay rin ang ngisi sa kanyang labi.

"Yeah. And I'll make your lip filled by me.." napa-tanga ako sa sinabi niya. Hindi naman 'yon yung tinutukoy ko eh, hays. Hindi niya siguro ako naintindihan.

Pagdaka'y hinawakan niya ako sa kaliwang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas ng gusaling iyon.

Nang dalhin niya ako sa parking lot, natanaw kong parang may naka-tayo na lalaki 'don. At nang malapit na kami 'don, nakita kong si kuya Jak pala iyon. Naka-tayo siya sa harap ng kotse niya Logan na kulay grey. At sa pagkaka-tanda ko, 'yan madalas yung kotseng ginagamit niya. Syempre 'no, natatandaan ko pa rin.

Pero nagtaka ako, bakit nandito si kuya Jak?

Nakita kong may hinagis si Logan kay kuya Jak, at mukhang susi iyon ng kotse. Pagdaka'y pinag-buksan ako ni Logan at saka naman ako naka-pasok sa loob.

Napansin kong nasa loob na rin pala si kuya Jak, at hinihintay na makasakay si Logan. At ilang segundo ay naka-sakay na na rin siya. Bale nasa backseat kaming dalawa. Nakaupo siya tabi ko sa'king kaliwa. Pagkatapos ay saka naman pina-takbo ni kuya Jak yung kotse.

Naka-tanaw lang ako sa labas habang umaandar yung kotse. At hanggang ngayon, hindi pa rin nagbibitiw ang kamay namin sa isa't-isa.

Sandali ay napa-lingon ako sa kanya ng kausapin ko siya.

"Siya nga pala, saan pala tayo pupunta?" pag-puputol ko ng katahimikan. Hindi ko alintana na mukhang kanina pa ata nakatingin sa akin si Logan.

"You'll be suprise." sandali ay napa-ngiwi naman ako sa sinabi niya.

Ay ang daya, bakit hindi pa niya sabihin?

Binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa labas nang wala nang magsalita sa amin.

"Marsha.." matapos ang ilang segundo, siya naman ang kuma-usap sa akin. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa'king baba at iniharap niya iyon sa kanya.

"Do you really said to me that you love me?" walang ekspresyon ang kanyang mukha. Naka-tingin lang kami sa isa't-isa.

"Oo.." tumigil muna ako sandali habang naka-pukol parin ang paningin namin sa isa't-isa. "Bakit? Hindi ka pa ba naniniwala?" sabay napakunot noo ako. Gumalaw ang kanyang mga balintataw habang ilang segundo pa rin kami sa ganoong posisyon.

Akala ko, hindi na siya kikibo. Natutunaw na kaya ako sa titig niya. Jusme.

"I really do. I just..I just can't believe that you love me also. You know I waited for it in a long time.." malumanay niyang sabi. Naka-tuon pa rin ang mga tingin ko sa kanya. "Marsha.."

"B-bakit, Logan?" Nako. Sabihin niya na ang gusto niyang sabihin. Kanina pa kaya ako parang istatwa dito. Tapos sumasabay pa yung kabog sa dibdib ko. Jusko. Baka mahimatay na lang ako dito bigla.

"I want it to hear from you that you love me.."

"H-ha? Hindi ba sinabi ko na?" napakurap-kurap pa ako. Ghad. Tama na, lalabas na yung puso ko. Tibok ng tibok eh.

"S-sandali, ano bang sasabihin ko?" naguguluhan na tuloy ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Kanina pa pala.

"Say that you love me. Because I love you more.." naintindihan ko naman ngayon yung gusto niyang sabihin ko. Pero bakit parang nahihiya ako?

"A-ahh, I-i love y--"

"Ehem.." sabay kaming napa-tingin ni Logan kay kuya Jak nang marinig namin itong napa-ubo.

"Sorry sir kung naistorbo ko kayo. Mukhang mawawalan na ata tayo ng gas. Magpapa-gaas lang po ako.." pagkasabi niya niyon ay napakamot siya sa ulo niya.

Inayos ko ang sarili ko at binalik ko ang tingin ko sa labas. Sandali ay para naman akong abnormal na bigla nalang napapangiti.

Napansin kong bumagal sandali ang takbo ng sasakyan at mukhang magpapa-gaas na ata si kuya Jak. Matapos ang trenta minuto, inabot na niya ang bayad niya, saka naman uling nagsimulang tumakbo ang sasakyan.

Matapos dumaan ang ilang oras, ay nasa biyahe pa rin kami. Saka naman ako dinalaw ng antok. Napa-hikab ako at pumipikit na ang mga mata ko.

Sinulyapan ko si Logan na nakasandal ang ulo at naka-pikit. Mukhang natutulog na ata siya. Naisipan kong pag-masdan siya sandali, pero medyo nabigla ako ng makita kong napa-mulat siya.

Iniyuko ko ang ulo ko kaagad at sabay napakagat ako sa ibaba kong labi. Jusmiyo. Naaaning na talaga ako sa kanya. Pati 'pag-tulog niya, kailangan ko pang siyang pag-masdan sa lagay na 'yon. Ugh!

"What? Is there something wrong?" dahan-dahan akong napa-angat ng tingin sa kanya.

"G-gusto kong tumabi sa'yo.."

Ano bang klaseng litanya 'yan Marsha? Diba kayo na nga? Malamang pwede ka nang tumabi at lumampong sa kanya. Hays.

Napansin kong hindi siya umimik at tinignan lang niya ako. Okay, ako nalang lalapit sa kanya.

Hindi na ako nag-atubiling yakapin siya. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at saka ko ipinikit ang mga mata ko.

"Do you feel better at that posisyon?"

"Oo. Salamat.." tugon ko habang naka-pikit na ang mga mata ko. Naramdaman kong ipinulupot niya ang kanyang mga bisig sa aking katawan, at saka naman ako napa-siksik lalo sa kanyang dibdib.

Hanggang sa makalipas ang ilang segundo at naka-idlip na ako.

----

"Logan, nasaan tayo?"

Speaking dito, nagising ako bigla, sabay napa-bangon ako. Napagtanto kong mukhang wala na kami sa kotse. Kaya naisipan kong libutin ang paligid para alamin kung nasaan nga ba kami.

Pinag-masdan ko ang paligid at parang naalala ko yung Tagaytay. Parehas lang ito katulad doon, ang ganda tanawin. Maraming mga puno sa paligid, at sariwa ang hangin. Wala rin masyadong katabing kabahayan sa palibot nito.

Naramdaman kong parang may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Pinagsaklop niya ang mga kamay ko sa kanya, at naramdaman ko namang tumatama sa"king ulo ang kanyang baba.

"I brought you here in Bicol.." mabilis akong napa-ikot sa kanya. Nakita ko naman siyang naka-ngiti.

"S-sa bicol? nasa bicol tayo?" gulat kong tanong sa kanya.

"Yes. And besides, I know you like this kind of place. So, I decided to go here with you.." sa sobrang saya ko, bigla ko nalang siyang niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik.

"Salamat Logan. Napasaya mo ako.." malapad na ngiti kong sinabi.

"I'll make you more glad if you'll give me kiss." humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya. Tinignan ko siya at tinaasan ko siya ng kilay.

"What? then its okay if you don't want.." sabay napansin kong sini-mangutan niya naman ako.

Hays. Para naman siyang bata. Adik siya siguro sa labi ko. Sabagay, masarap rin naman siguro akong halikan.

Napa-buntong hininga ako sandali. Pagdaka'y, mabilis ko siyang hinalikan sa labi niya. Pero sa halip na smack lang 'yon, pinugpog na naman niya ako ng halik. Tumagal iyon ng ilang segundo pagkatapos ay humiwalay na ang labi niya sa akin.

"Then I'm glad too." sabay kindat niya pa sa akin. Loko siya ha. Pinag-piyestahan pa labi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay, pero napatawa lang siya ng marahan.

Jusme. Loko talaga 'tong halimaw na 'to.

Speaking pala sa kanya, kaya pala hindi niya sa akin sinabi kanina, ito pala yung sopresiya niya. Oo, sa totoo lang, bukod sa cebu, ito yung pinapangarap ko ring puntahan namin ni Dwayne. Matagal ko na kasing gustong pumunta dito dahil ilang taon na rin akong hindi nakakapunta dito.

Speaking dito, habang tumanaw muna ako sandali sa paligid, bigla may pumasok sa isip ko. Bigla nalang may babae akong nakita, nakatayo ako sa puntod niya at kasama si Dwayne. Habang pinag-mamasdan ko yung puntod niya, biglang pumasok sa isip ko si mama. Sandali ay sumakit ang ulo ko nang bumalik iyon sa isipan ko.

Hindi ko pa rin binabalik ang tingin ko kay Logan nang naka-tanaw pa rin ako sa paligid. At habang naka-tuon ang atensyon ko doon, saka unti-unti ring bumabalik ang alala ko kay mama. At naalala ko na dito siya sa bicol inilibing ang puntod niya. Pero hindi ko matandaan kung saan. Tanging itim at puting larawan ng kanyang mukha at ang lugar na 'yon ang lumalabas sa isip ko.

"Marsha. I want you to go there with me in Legazpi tomorrow.." napa-uwang ang bibig ko ng bahagya. "I want you to meet my grandma and my grandpa there. And that's makes me also think why I brought you here.." inikot ko uli ang katawan ko para matanaw ko siya. Napuna kong naghihintay lang siya sa sasabihin ko habang naka-halukipkip siya.

"I-ipapakilala mo ako sa kanila?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Sabay tumango naman siya.

"Yeah. I want you to meet them, and to introduce you to them as my girlfriend. And soon to be my wife.." pagkasabi niya niyon, ramdam kong namula ang pisngi ko. Napayuko ako.

"Why? Is there something wrong that you don't like about what I've said?" napa-iling ako matapos niyang sabihin 'yon. Saka ko inangat ko tingin ko sa kanya, at nginitian siya.

"Salamat, Logan.." bigla siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

"I'm doing this because I love you Marsha.." sabi niya. At parang sandali ay ayaw kong kumawala da piling niya.

"Ako rin, Logan. Mahal kita.." nakangiti kong tugon sa kanya.

Hindi ko na alintana ang pag-iisip ko kay mama. Masyado na siguro akong nalulunod sa nararamdaman ko para sa kanya.

Pero speaking kay mama, ayoko rin namang itago 'yon sa kanya, at gusto ko sa kanyang sabihin 'yon.

Pero bukod dito, naaalala ko na kailangan ko ring itanong sa kanya tungkol sa nakaraan namin. Gusto kong malaman ang lahat ng 'yon sa kanya. Gusto ko nang ibalik ang mga alaala ko.

hello there!!

hope you like this another chapter!

salamat sa mga nakaka-tabang comments and support niyo sa story na ito!

love you guys. Keep safe always. ❤️

Ps. Your votes, comments and sending gifts is my inspiration and gives me pleasure to write this story. ;-)

Maiden_pinkishcreators' thoughts
Next chapter