"HAPPY BIRTHDAY, Chynna Lee!" nakangiting bati ng mga kaibigan at kaklase ni Chyn na noon ay inimbitahan niyang dumalo sa munting tahanan nila para sa mini-celebration niya ng kanyang ika-eighteenth birthday.
Hindi sila mayaman kaya sa simpleng selebrasyon lang nila idinaos ang kanyang kaarawan at masaya naman siya dahil kumpleto silang pamilya kasama pa ang kanyang mga kaibigan—na kahit hindi magkasundo sa mga gusto tulad kina Toffer at Emir ay magkakaibigan pa rin.
"Salamat!" nakangiting sabi niya, kinantahan uli siya ng birthday song at nag-wish bago hinipan ang kandila na nasa kanyang birthday cake.
Naalala na naman tuloy niya 'yong cake na b-in-ake niya na dapat ay ibibigay kay Emir na kinuha ni Toffer, hindi na niya 'yon na-retrieve mula sa lalaki dahil pumasok na ito noon sa loob ng classroom at nahihiya na siyang mag-eskandalo, kaya sa huli ay pinabayaan na lang niya. Gagawa na lang uli siya nang mas masarap na cake para kay Emir!
"Kainan na!" masayang wika ng mga kaibigan niya.
Sunday nang araw na 'yon kaya wala silang klase at hapon na ginanap ang birthday celebration niya para makapag-prepare sila ng mga ihahanda niya. Maraming nilutong putahe ang mga magulang niya; mga iba't ibang ulam, pasta, salads at marami pang iba, siya naman ang nag-bake ng sarili niyang chocolate cake at mga cupcakes na pandan flavors.
"Ang sarap po nitong pininyahang manok." Nakangiting sabi ni Che sa mga magulang niya.
"Bakit hindi niyo man lang po nahawaan sa galing sa pagluluto si Chyn?" nakangiting biro naman ni She.
"Ay naku hija, tinuturuan naman namin ang batang 'yan, kaya lang ay talagang hindi matuto-tuto. Mabuti nga ngayon ay nagseseryoso na siya sa pag-aaral magluto." Sabi ng mama niya.
"For the sake of love po 'yan, tita." Ani Gieroma.
Pinanlakihan niya ng mga mata ang mga kaklase niyang noon ay nagsisimula na siyang tuksuin at ibuko. Ayaw pa naman niya ng tinutukso dahil nahihiya siya at hindi siya sanay since NBSB siya.
"Hindi na pwedeng magka-boyfriend 'yang si ate, may nakalaan ng lalaki para sa kanya—" hindi naituloy ni Pen-pen ang sasabihin nang mabilis tinakpan ng papa nila ang bunganga ng kapatid.
"Ah e, ang ibig sabihin ni bunso, hindi pa pwedeng magka-boyfriend ang ate niya dahil nag-aaral pa siya." Nauutal at nakangiting pagpapatuloy ng papa niya. Tumango-tango naman ang mga kaklase niya.
"ANO PO? Ako ikakasal? Akala ko po ba hindi pa ako pwedeng magka-boyfriend dahil nag-aaral pa ako, pero ano po itong sulat at habilin ni lolo Luisito—na ipinagkasundo akong maikasal sa unang apong lalaki ng kaibigan niya?" gulat na gulat at laglag pangang litanya ni Chyn sa kanyang mga magulang habang patango-tango si Pen-pen na nasa tabi ng kanyang mga magulang.
"Kumalma ka muna anak," awat ng mama niya na hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Hindi naman sinabi ng lolo mo na ikakasal na kayo agad ng apo ng kaibigan niya, e, ipagkakasundo lang muna kayo. Saka ipapakilala naman kayo sa isa't isa e, malay mo maging magkaibigan kayo tapos sa huli ay magkagustuhan, 'di ba?"
Umiling-iling siya, saka dahan-dahang tinanggal ang mga kamay ng ina sa magkabilang balikat niya. What the—uso pa ba ang "kasunduan" sa henerasyon ngayon? Palibhasa no'ng kapanahunan ng lolo niya ay sikat na sikat ang mga gano'ng uri nang pagpapakasal. Pero hindi pwedeng mangyari 'yon sa kanya, iba na ang henerasyon ngayon!
"Mama, papa, hindi pwede! Ayaw ko pong matali sa isang relasyon na hindi ko naman gusto. Ni hindi ko pa nga nakikita o nakikilala ang lalaking ipinapagkasundo niyo sa akin. Paano kung mamamatay tao pala? O di kaya rapist o drug addict? Paano na ang future ng panganay ninyong anak?" halos nagmamakaawang sabi niya.
Tuwang-tuwa pa naman siya sa bagong cell phone na birthday gift ng mga ito sa kanya, kaya nagulat siya nang makatanggap pa siya ng isang box—na galing pala sa lolo niya, sulat 'yon ng matanda para sa kanya—na maaari lang niyang mabasa kapag sumapit na ang ika-eighteenth birthday niya—and she's eighteen now! At 'yon na nga ang gumulat sa kanya!
"Anak, hindi ka naman siguro ipapahamak ng lolo mo kung hindi mapagkakatiwalaan ang pamilya ng kaibigan niya. 'Di ba nga, nabasa mo din sa sulat na malaki ang utang na loob ng pamilya natin sa pamilya Lim, kaya hindi natin pwedeng ipahiya ang lolo mo sa pamilya ng kaibigan niya!"
"So, ako po ba ang pambayad sa utang na loob na 'yon?" malungkot na wika niya.
Mabilis naman siyang inakbayan ng papa niya para i-comfort. "Anak, pasensya ka na, ha. Dapat ako ang ipagkakasundo sa pamilya Lim, pero dahil lalaki din ang naging anak ng kaibigan ni tatay, ipinasa 'yon sa sumunod na henerasyon—at kayo 'yon."
"Pero papa, paano na lamang ang kalayaan ko? Ang mga gusto ko sa buhay? Ang pangarap mga ko?" makapagbagdamain at nagpapaawang sabi niya.
"Anak, hindi ka naman nila ikukulong o pipigalan sa mga gusto at pangarap mo sa buhay e, saka subukan mo na muna, malay mo naman mabait at friendly pala ang lalaking ipinagkasundo sa 'yo." Sabi ng mama niya.
Kulang na lang ay maglupasay na siya sa sahig at magwala-wala doon. Mababaliw na yata siya nang tuluyan! Good bye Emir na nga ba? At hello sa lalaking ipinagkasundo sa kanya? Nooooo!
"Oo nga naman ate at malay mo guwapo din siya tulad ni Emir, saka balita ko kina mama at papa, galing sa mayamang angkan ang lalaking mapapangasawa mo at kaedad mo—nauna lang sa 'yong ipinanganak, kaya jackpot pa rin ate! Magiging Mrs. Lim ka na, soon!" sabi ni Pen-pen.
Tse! Ayaw nga niyang ng kasunduan 'yon! Ayaw niyang maging Mrs. Lim—ay wait, Mrs. Lim? Biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang napagtanto. Oo at kanina pa niya naririnig na binabanggit ng pamilya ang apelidong Lim—ang apelido ng lalaking ipinapagkasundo sa kanya—ngunit ngayon lang niya napagtanto ang ilang bagay-bagay, "Lim" nga rin pala ang apelido ni Emir!
"Oh my gosh!" biglang tili niya, na ikinagulat ng lahat. "Ano pong pangalan ng Lim na ipinagkasundo sa akin, mama, papa?" tila bigla siyang na-excite sa katanungan.
Sabay na nagkibit-balikat ang dalawang matanda. "Nakalimutan na namin, basta ang alam namin ay apo siya ng isa sa pinakamayan na negosyante sa bansa."
God, sana po si Sandro Emir Lim! Please lang po! pepeng dasal niya. Pero paano kung hindi? Unti-unti na namang nagugunaw ang castle of hope niya.
Sa huli ay napatango na lang din siya kahit labag pa rin 'yon sa kalooban niya. Baka kasi bigla na lang siyang multuhin ng lolo niya at hindi siya tantanan nito hangga't hindi siya sumusunod sa huling habilin nito.
"ABA! Magugunaw na yata ang mundo! Mama, papa, si ate, nag-aaral!" malakas na sigaw ni Pen-pen nang makita siya nitong nag-aaral, mula sa nakabukas niyang pintuan.
Mabilis niya itong binalingan at inirapan. "Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang mag-aral?" masungit na sabi niya. E, sa nakahugot na siya ng kilig sa panunood sa youtube kanina, kaya study mode na siya ngayon, mahirap yatang araw-araw masabon ng mama niya.
Naisip kasi niya bigla na magkaroon ng time management; mula sa pag-aaral at sa mga gusto niyang gawin. Mas effective naman 'yon dahil nakakanood na siya youtube, nakakapag-aral pa siya at nakakatulog ng maaga—hindi feeling haggard kinabukasan!
Naisip kasi niyang marahil nag-aalala ang mga magulang niya sa kanya sa huling habilin ng lolo niya, dagdag pa ang stress ng mga ito sa pag-aaral niya, kaya naisipan niyang kahit doon man lang ay makabawas siya sa isipin ng mga ito.
Naa-amaze nga siya sa sarili niya dahil kakatungtong lang niya ng eighteen, naliwanagan na agad ang isipan niya—o baka naman, naapektuhan lang talaga siya sa sulat ng lolo niya na "magpakabait ka at laging sumunod sa iyong mga magulang", alam kasi nito na simula pagkabata ay pasaway na talaga siya.
Oo at hundred percent na pasaway siya, pero kaya naman niyang pakalmahin ang sarili niya at maging mabait kung gugustuhin niya. Siya pa ba?
OMG! Ako ba ito? Nabagok ba ang ulo niya dahil sa pagbabagong nangyayari sa kanya? No, this is maturity! Sagot naman ng isang bahagi ng isip niya. Agad-agad? Naguguluhan ding tanong ng kabilang bahagi ng isip niya. Napailing-iling na lang siya.
O baka naman na-pressure lang siya sa lalaking ipinagkasundo sa kanya? Hindi no!
"Sa wakas ate, pinakinggan na din ni God 'yong gabi-gabing dasal nina mama at papa na magpakatino ka na sa buhay at hindi puro pagpa-fangirl na lang." natatawang sabi ng kapatid niya. "Kailangan na yata nating makilala 'yong lalaking ipinagkasundo sa 'yo dahil simula nang malaman mo ang tungkol doon, tumitino ka na nang kaunti, e. O baka nahihiya ka lang malaman ng lalaking mapapangasawa mo—na ang babaeng ipinagkasundo sa kanya ay puro pagpa-fangirl lang ang alam."
"Tse! Tumahimik ka dyan!" mabilis na sagot sa kapatid. "Pero teka lang Pen, wala ka ba talagang kahit isang clue kung sino ang lalaking ipinagkasundo sa akin? Kahit pangalan, hitsura o kung saan siyang school nag-aaral?"
Umiling ang kapatid. "Basta mayaman siya, keri na 'yon!"
"Puro ka naman 'yaman' dyan e, hindi naman ako sa yaman nakatingin, e."
Nagtaas ng kamay si Pen-pen bilang pagsuko sa kanya. "Sad to say wala at wala din akong impormasyon tungkol dyan sa future husband mo. Pero aminin mo ate, excited ka nang makita at makilala siya, 'no?"
"Of course not, si Emir pa rin ang love ko!" Kung sana si Emir lang ang natatanging Lim sa mundo, safe na siya at kahit ikasal pa siya nang paulit-ulit dito!
"Ipaubaya mo na si Emir sa akin, mag-concentrate ka na lang sa future hubby mo!"
"Huwag na huwag mong aagawin si Emir sa akin, hindi kayo bagay!"
"E, bakit kayo bagay?" natatawang sabi nito, na ikinasimangot niya. Oo na, malayo na ang agwat nila! "Ate, mag-move on ka na kay Emir. Ipaubaya mo na siya sa akin, pero siyempre pa, saka na lang ako papatol sa kanya kapag nakapag-graduate na ako ng kolehiyo. Ayoko muna kasi sa love-love na 'yan."