webnovel

chapter 27 stranger

Tamara POV

Binaba ko agad yung sketch pad nya at tumakbo palayo

Sinilip ko sya

Nagising sya tumingin muna sya sa paligid parang nag taka rin sya dahil yung sketch pad hindi nya hawak at muka ni tanya yung naka drawing imbis na yung drawing nyang mga halaman

Bumalik ako sa bahay para maligo ulet dahil wala lang gusto kolang

Pumasok ako sa CR tinanggal ko yung salamin ko at yung tali ko

Inayos ko yung buhok ko habang nakatingin sa salamin

Bigla ako napahinto at naalala ko yung lalaking lagi kong napapaginipan di kona kasi maalala yung muka nya kaya di ko sya ma drawing sayang

"sino kaya sya?"

Tanong ko sa sarili ko

Naligo na ako pag katapos nag bihis ako ng damit

Pag labas ko nakita ko na kumakain sya

Sabi na eh kakain din yan pakipot pa kasi kakain din naman wala pa sa oras , mag handa kana dahil simula ngayon puro gulay kakainin mo

Di muna ako lumapit sakanya baka mawalan sya ng gana kinuha ko muna yung bag ko at mag dodrawing din ako

Lumabas ako ang ganda talaga ng paligid may mga ibon pa

Nag lakad lakad ako halos isang oras na akong nag lalakad hanggang may nakita akong isang bahay at may mga alaga syang kabayo at ang lawak din ng lupa nila di nalang ako tutuloy baka mapag kamalan pa akong trespassing pero gusto ko sanang pumunta

Kaso may gate din eh di rin ako makakapasok

Bumalik na ako sa malaking bagong bahay na tinitirahan namin ni ervin

"hay sawakas malapit narin!"

Sabi ko habang hinggal na hinggal kakalakad

Huh?

Nakita ko si ervin sumakay sa isang Ferrari at umalis

"saan kaya sya pupunta?"

Tanong ko sa sarili ko

Bahala nga sya kung umalis sya edi umalis pake ko lagi naman umaaalis yan eh baka mang bababae or may bubugbugin nanaman kahit may lagnat eh di mabinat sya

                     AFTER 2 WEEKS

Hay nakakainis ang gulo ng kwarto nya di man lang inayos ang higaan at may mga bote pa ng alak at tambak ang basura sa basurahan lalo na yung mga damit nya kalat kalat

Sabagay prinsepe sya kaya sanay sya na ibang tao ang gumagawa ng mga gawaing bahay at maraming katulong sa palasyo kaya hindi sya sanay at siguro walang alam sa mga gawaing bahay

Hay kahit dalawa lang kame dito ang daming labahin

"peep peeep!!!"

Baka si ervin na yan

Binuksan ko yung garahe ng bahay at pumasok sya

Nagulat ako dahil may kasama syang lalaki mga 40+ yung age nya

"sino sya?"

Tanong kay ervin

"sya ang magiging katulong natin taga luto taga laba at sya narin ang magiging hardinero ! "

Sabi ni ervin

" ang pangalan ko po ay  Melvin!"

Sabi nya at nag bow sya

Di ko alam pero masama pakiramdam ko dito sa lalaking to at grabe din maka tingin sakin

"ah melvin sya nga pala si candice!"

Sabi ni ervin

"ako ang kai-"

Mag sasalita pa sana ako kaso inunahan na ako ni ervin

"sya ang asawa ko!"

Sabi ni ervin

Tumingin ako sakanya pero umiwas sya sakin ng tingin at naka poker  lang sya

"galing sya sa isang agency kaya sure ako na magagawa nya mga gawain dito kahit na iisa lang sya!"

Sabi ni ervin at pumasok na kame sa loob umakyat kame papuntang second floor

Anong gagawin namin dito eh isang kwarto-

" eto yung magiging kwarto mo!"

sabi ni ervin at iniwan na namin si melvin sa kwarto nya

Nanlaki yung mata ko nung tinuro ni ervin yung kwarto ni melvin

"teka nga!"

Sabi ko kay ervin at hinabol ko sya

"bakit!"

Pasungit nyang tanong

"pano mo nabuksan yung kwartong yun!?"

Tanong ko na mayhalong inis at nag tataka

"simple lang gamit card!"

Sabi nya at nag pakita sya ng isang card

Nakakainis eh pag kasabi nya nakangiti pasya na parang nang aasar

"ano ibig sabihin pede mong buksan kahit anong kwarto dito!?"

"oo naman!!!"

Sabi nya

"bakit di ka man lang bumukas ng isang kwarto nung mga nakaraang araw!!?"

Naiinis kong tanong sakanya pero sya nakangiti na halatang nang aasar pa

"wala ka naman simabi saka ano naman kung hindi ako bumukas ng isang kwarto!?"

Sabi nya

"nakakainis ka ikaw kaya matulog sa sofa saka obvious ba  na kaya sa sofa ako natutulog dahil ayokong kasama ka sa iisang kwarto at wala naring kwartong pedeng gamitin dahil naka lock lahat!?!!"

Sabi ko sakanya

"di kona problema yun !"

Sabi nya at nag lakad paalis sa harap ko

"ugh nakakainis talaga sya!"

Sabi ko sa sarili ko

"by the way may binuksan narin akong kwarto para sayo kaya wag kanang sumimangot dyan muka kanangang unggoy mas lalapa !!!"

Pang aasar pa ni ervin

"kung ako unggoy ikaw tukmol!!!"

Pang aasar ko rin sakanya pero tuloy tuloy lang sya sa pag lakad

Ay oo nga pala yung mga labahin ko

Ay wait may katulong naman eh sya nalang mag laba alam kong parang nag bago ako dahil dati ako ang gumagawa ng gawaing bahay pero ngayon inaasa kona  sa iba pero sa totoo wala namang nag bago sya lang ang pag lalabahin ko dahil wala rin naman syang ibang gagawin sa bahay na to eh sayang sweldong binabayad sakanya

"melvin!"

Sabi ko sakanya at kumatok ako sa pinto

Binuksan nya ang pinto

"bakit po"

Tanong nya at bigla syang ngumiti pero yung ngiti nya parang nangbabastos

Tumingin pa sya sa buong katawan ko

"ah may labahin sa  baba ikaw nalang ang mag laba kasi mag luluto ako!"

Sabi ko sakanya

Pero habang nag sasalita ako nakatingin lang sya sakin

Bumaba na agad ako

Nakakadiri yakk

Buti pa mag luluto nalang ako

Lumabas ako para kumuha ng gulay pag balik ko nakita ko si ervin nasa teris sya ng kwarto nya at mukang ang lalim ng iniisp nya

Pumunta na ako sa kusina nakita ko si melvin nag lalaba

Satotoo nga di nasya mahihirapan sa pag laba kasi mas high-tech yung washing machine dahil ilalagay nalang nya yung damit deretso banlaw at drayer nayun pero parang may tinitinan sya ng lumapit pa ako

Takte hawak nya yung mga damit ko

"tapos kana ba?"

Nung nag tanong ako bigla nyang tinago yung mga damit ko

"ah malapit na po"

Sabi nya at dahan dahan nyang nilagay yung mga damit ko sa washing machine

Pumunta na ulit ako sa kusina para mag luto

Habang nag luluto ako bigla ko sya nakita

Lumapit sya sakin tas ako naman kinabahan at medyo lumayo sakanya

"may maitutulong pa po ba ako?"

Tanong nya

"ah wala  ok na diligan monalang ang mga halaman sa labas at mag tanggal ng damo!!"

Sabi ko at humakbang ako paatras sakanya

Bigla parin syang lumapit

"pero nakita ko kanina wala namang mga damo at mukang nadiligan nadin ang mga halaman!!"

Sabi nya at mas lumapit pa ako naman humakbang palayo

"bakit ka humahakbang paatras bakit-"

Lalapit pa sana sya kaso

"candice nakita moba yung cellphone ko?"

Biglang dumating si ervin at napaatras si melvin

Buti naman dumating sya

"ah saglit hahanapin ko!"

Buti nalang nakaalis kaagad ako sa kusina

Pero muka akong nakakita ng multo at sobrang kinakabahan

Umakyat ako at pumunta sa kwarto ni ervin

Hinanap ko yung cellphone nya pero habang nag hahanap tumitingin ako sa pinto

"candice anong problema bat mukang balisa at mukang nakakita ng multo? Sobra kapang kinakabahan!!"

Sabi sakin ni ervin

"ah wala -"

Sabi ko sakanya at aksidente kong nahanap ang cellphone nya kaya pinalabas na nya agad ako sa kwarto nya pag labas ko pag tingin ko sa gilid nandun si melvin

Next chapter