webnovel

Entry #6

"Mga madams, wag niyong sasabihin ha. Tahimik lang kayo tungkol sa amin ni Jigs. And please lang, walang pagpo-post ng pictures naming dalawa ni Jigs." pakiusap niya sa amin.

I feel her. Yung lahat nalang ng gawin mo, pinaghihinalaan ka dahil sa lovelife?

Pagkatapos nun, sinimulan na naming lantakan ang mga nakahain na lechon manok, cake, lumpia, isang bilao ng pancit, spaghetti, fried chicken, at tinapay. Maliit na salo-salo lang kung tutuusin pero nakakabusog sa kwentuhan at tawanan.

Mabuti nalang, walang baboy. I was saved by Arnaisa. Hindi siya pwede sa baboy at ako naman, hindi kumakain ng baboy. Excited na ako dahil makakain ako nang matiwasay ngayong gabi.

Nakasabay ko sa pagkuha ng cake si ate Vanessa. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang laman ng plato ko. "Ang lakas mo palang kumain, pen!" komento niya. Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy ulit ako sa pagkain. Sanay na ako sa ganung reaksyon ng mga tao sa paligid ko.

Dahil sa komento ni ate Vanessa, inasar nanaman ni Kuya Earl sina ate Wincelette, Arnaisa, at Ailou. Lalo na si ate Kris, ang favorite target niya. Sinamaan lang siya ng tingin ni ate Kris habang magana niyang kinakain ang pancit at pagkatapos ay kinagat naman ang drumstick ng lechon manok.

Sarap na sarap kong nginunguya ang pancit at fried chicken. Malinamnam ang crispy na laman ng manok na prinito nang maigi sa mantika. Ganun din ang bawat hibla ng pancit na tama lamang ang pinaghalong timpla ng alat at lasa ng mga sahog lalo na ang manok. Walang preno ang bibig ko sa pagkain at tuwing mauubusan ng laman ang plato ko, ay ire-refill ko nanaman ito.

"Dahan-dahan lang pen! Baka mabulunan ka, ah." nag-aalalang sabi sa'kin ni Ailou. Nginitian ko lang siya bilang sagot. Hindi ako makapagsalita dahil puno ang bibig ko.

"Ay, oo! Grabe yan siya pakainin! Naalala ko dati, naka-ilang balik siya sa canteen. Isang buong plato ng pancit, tapos juice, pancake, turon, tapos camote cue, kulang pa! Kung hindi pa siya mauubusan ng pera, di pa titigil kakakain! Grabe talaga tong batang 'to." pagkekwento ni ate Kris sa kanila.

Namangha pa sila dahil di nila inakala na ang takaw takaw ko pero ang liit-liit ng katawan ko. Samantalang sila, kahit nagdadiet raw, eh hindi pa rin nauubusan ng fats sa katawan. May mga ganun talagang tao. Atsaka, marami kasi akong ginagawa araw-araw kaya sapat lang rin ang kinakain ko.

Nang matapos na kaming kumain, isunuot na ni Kuya Earl ang kanyang bagpack, at kinuha ang susi ng motor niya. "Mauuna na ako guys! Babye!" pagpaalam niya pa.

Mabilis na naghugas ng kamay si ate Kris sa lababo at pagkatapos ay nagligpit ng gamit at humabol kay kuya Earl. "Huy sabay na ako sa'yo. Dyan lang ako sa may tulay malapit sa subdivision namin."

"Kris! Please lang, maawa ka sa motor ko. Inutang ko pa ito sa girlfriend ko. Please lang." pabiro niyang tukso kay ate Kris.

"HAHAHAHA! Bwisit!"

"Joke lang Kris. Haha. Sino pa ang gustong sumabay?"

Naalala ni ate Wincelette na magkapitbahay lang kami ni ate Kris. Pero hindi ako sumabay. Ayoko pang umuwi. Gusto ko pang makipagkwentuhan sa kanila. Wala pa naman ang alas-nuwebe. Mamaya pa ang curfew ko. Hahaha. Susulitin ko muna ito, tutal, minsan lang naman.

Marami na kaming napagkwentuhan tungkol sa buhay at sa totoo lang, mas naging close pa kami. Hanggang sa hindi namin namalayan ang oras. Eleven pm na pala! Kailangan ko na makauwi! Sigurado akong tadtad na ang cellphone ko ng missed calls at messages sa'kin si mama! Hindi ko man lang namalayan dahil low-batt na ang cellphone ko. Hindi kasi ako nakapagcharge bago umalis ng bahay.

"Guys, kailangan ko na umuwi."pagpapalam ko sa kanila.

Eotteoke? Mamayang alas tres ng umaga pa pala uuwi sila kuya Jigs at ate wincelette sa boarding house nila. Hindi naman pwedeng umuwi ako sa alanganing oras, no? Mapapatay ako ng nanay ko. Praning pa naman yun.

Sina ate Vanessa at Ailou, makikitulog sila dito kina Arnaisa kaya wala silang problema. Eh ako, wala akong kasabay umuwi. Uuwi akong mag-isa? O dito nalang ako matulog? Ano na? Ang hirap magdecide.

Ngingiti-ngiting nagsuggest ni Ailou. "Dito ka nalang kasi matulog. Sige na!"

Sumang-ayon naman si Arnaisa. "Oo nga. Babae ka madam. Gabing-gabi na oh. Hindi na safe. Wala ka pang kasabay."

"Maiintindihan naman siguro ni mama mo?" tanong ni ate vanessa.

Napaisip ako. Hindi ko alam kung papayag ba si mama. Napakaunpredictable kasi niya. Naalala ko yung time na pinagsleep-over niya ako sa bahay ng bestfriend ko nung bata pa ako. Pero ngayong malaki na ako, kahit dyan sa kapitbahay ayaw niya akong patulugin. Kesyo may bahay naman raw kami. So, hindi ko talaga alam.

"Tawagan mo si mama mo, madam."

Ang kaso... "Wala akong load eh. Atsaka lowbatt na rin ako." sagot ko sa kanya.

Iniabot sa akin ni Arnaisa ang cellphone niya. "Oh, tawagan mo na si tita."

Muntik na akong hindi payagan ni mama. Pero mabuti nalang, nakumbinsi ko siya dahil may point nga naman na gabing-gabi na. Nabulyawan niya pa ako dahil hindi ako umuwi nang maaga, pero ayos naman dahil puro naman babae ang mga kasama ko.

Atsaka, pinakausap ko rin si mama kay Ailou at Arnaisa. Kilala niya na kasi silang dalawa dahil minsan na rin silang nakapunta sa bahay. Alam kong hindi makakatanggi si mama kapag ibang tao ang nagpaalam para sa'kin. HAHAHA.

Kaya naman, napapairit talaga kami sa tuwa. First time kong magsleep-over kasama ang classmates ko.

Grabe no? Iba talaga ang nagagawa ng three am thoughts no? Gising na gising pa rin ang mga diwa namin habang nag-uusap tungkol sa mga hugot at problema namin sa buhay, sa mga issue tungkol sa mga kaklase namin.

Pasado alas-kuwatro ng umaga napagdesisyunan nina ate Wincelette at kuya Jigs na umuwi. Grabe din. Paano ba nila nagagawa yun? Never pa akong nakauwi sa ganung oras. Eh, makalagpas alas-nuwebe nga lang ako, hinahabol na ako ng tingting ng nanay ko eh. Hahaha.

Nagligpit na kami ng mga pinagkainan tapos pumasok na kami nina Ailou, at ate Vanessa sa kwarto ni Arnaisa.

Maliit lang ang kwarto niya. Isang double deck na kama, isang CR sa loob, tapos may kaunting espasyo lamang na sasalubong sa'yo sa pinto. Nakaupo ang isang malaking Garfield na stuff toy sa maliit na plastic chair na mas lalong nagpasikip sa lugar.

Mahal na mahal niya talaga si Garfield. Yan yung binili naming noon nung first ever bonding namin at noong nagsisimula palang kaming maging close. Marami rin siyang mga gamit na pinagkasya na lamang niya sa ilalim ng kama, ang iba sa itaas na bahagi ng double deck.

"Pasensya na. Makalat kwarto ko."

"Okay lang. Makalat rin naman ako eh. HAHAHA" sabi ko sa kanya.

Umupo si Arnaisa sa inilatag na foam ni ate Vannessa. Samantalang tabi naman kami ni Ate Van matutulog since parehas naman kaming payat kaya kakasya kami dito sa kama.

Beautiful of only eighteen she had some trouble with herself~

She is always there ... But she always belonged to someone else~

I don't mind spending everyday~

Out on the corner of the pouring rain~

Look for the girl with the broken smile~

Ask her if she'll stay for a while~

And she will be loved~

Bigay todo sa pagkanta si Arnaisa habang nakatutok sa screen ng kanyang cellphone. Bossa nova ang paraan niya ng pagkanta pero lumiliko pa rin yung tono. Gayunpaman, feel na feel niya pa rin ang pagkanta habang papikit-pikit pa ng mata at nagse-sway ang katawan.

Ano ba yang ginagawa niya?

Sumilip ako sa cellphone niya. May mga lyrics na nakaflash habang may nakasunod na color dito. May mga points rin na lumalabas sa tuwing matatapos niya i-hit ang mga tono.

Nagvi-videoke pala. Gamit niya ang isang application na We sing kung tawagin.

Nakising-along na rin kami nina ate Van habang nagbabasa ng wattpad sa cellphone. Favorite pala niya yung mga ganyang kantahan. Si Ailou naman, tahimik na nagso-scroll lang rin ng kanyang cellphone. Nilalamon nanaman siya ng wattpad. Patawa-tawa pa tapos minsan sisimangot. Haha.

Inilabas ni ate Vanessa ang baon niyang uniform. "Excuse me. Makikiplantsa ako." pagpapalam niya kay Arnaisa na nakapwesto malapit sa saksakan. Nagcha-charge kasi siya ng cellphone habang nagvi-videoke.

Ipwinesto ni ate Vanessa ang kanyang damit at sinimulang i-atras-abante ang plantsa. Pero nagtaka siya nang hindi pa rin nawawala ang mga gusot. "Oh? Nais, sira ba'tong plantsa mo? Hala paano na'to bukas?" At nagsimula na siyang magluksa para sa gusot-gusot niyang damit.

Huminto ni Arnaisa sa pagkanta at tiningnan ang kanyang plantsa."Madam Van, paano gagana eh hindi mo sinaksak?"

"Ay. AHAHAHAHA!" Napatawa si ate Van nang marealize nagkaroon nanaman siya ng isang lutang moment.

"Ayan! Tanga talaga oh. Hay nako. Strike two ka na ha? Kagabi ka pa."

"Madam... hahahaha... Ailou! hahaha." tawag ni Arnaisa. Parang hindi na siya makahinga at makapagsalita kakatawa.

"Oh?" takang tumingin si Ailou kina ate Vanessa at Arnaisa sa baba ng double-deck na kama.

"Si madam van, nagplantsa, pero hindi sinaksak! Hahahahaha! Wait, chat ko si Wincelette. Hahaha!"

Ang sakit ng tiyan ko kakatawa! Grabe. Laughtrip talaga! Hindi lang iyan. Ibinulgar rin ni Arnaisa ang isa pang katangahan di-umano ni ate vanessa. Nakinig raw siya ng music sa earphones pero yung earphones hindi pala nakasaksak! Hay nako! Hahaha. Bangag na bangag lang talaga. Ganyan din ako minsan!

That fateful night ended with us, our eyebags, reddish eyes, and a smile on our face.

Dear Pen-Pen,

Masaya ako. Masayang masaya.

I felt the genuine love of friends. Friends I never had in my college life. Hindi ko aakalain na ang isang simpleng desisyon na pagpunta ko rito, ay ganito kalaki ang magiging epekto sa pagkatao at nararamdaman ko.

Ito ang klase ng pagod at puyat na hindi ko pagsisisihan kahit kelan. Babaunin ko ang ala-alang ito, kasama ang mga bagong espesyal na tao sa buhay ko. Salamat.

Goodmornight!

Next chapter