webnovel

SAYANG NA PAG-IBIG

PROLOGUE

Kung hindi lang ako naging tanga sana ako ang napangasawa ni Josefina. Stupid...how stupid I was. I want to crush my head and scatter them in every corner to prove how stupid I am. Matagal kong kinimkim sa sarili ko ang damdaming mahal ko siya, ng mahabang panahon, pagkatapos nauwi lang sa wala.

Halos siya ang kasama ko sa matagal na panahon...Masaya na namamasyal...nanunuod ng sine, But why I didn't have that stupid courage to tell her how much I loved her...how much I cared for her.

She is now with Fred, to be wed to her officemate and, today is their wedding ceremony. As if I want something hard to hit my head...hard enough so that I could not hear the sound of the church bell na bumibingi sa aking pandinig.

Hindi nila alam na pinanood ko ang kasal nila. I was there standing in one of the corners...hiding...that they could not see me witnessing their wedding.

Josefina bakit hindi ko nasabi sa iyo na mahal kita...bakit hindi ko naipaglaban ang damdamin ko sa iyo. Narito ako nagsisisi...nagsisisi kung bakit hinayaan kitang mapunta sa aking kaibigan gayong tayong dalawa ang dapat magsama.

****

Sa aming kamusmusan ni Josefina ay kami ang laging magkasama na naglalaro, namamasyal, at nagtataguan. Sabay din kaming pumasok sa paaralan at hanggang sa mataas na paaralan ay kami pa rin ang magkasama. Nagkahiwalay lang kami ng pumasok na ng kolehiyo.

Subalit hindi ko akalain na ang lagi naming pagiging malapit sa isa't isa ay magkaibigan lang palang masasabi. Best friends lang ang turingan namin.

Kapag kasama ko siya sa pamamasyal ay mapagkakamalan kaming magkasintahan.

Minsan nagkayayaan ang barkada namin na mamasyai sa isang lugar na maganda ang mga tanawin, may masarap na simoy ng hangin na malalanghap.

"Josefina humiwalay tayo sa kanila at doon tayo pumunta upang makapagusap tayong dalawa...maganda ang tanawin doon", ang sabi ko sa kanya.

"Baka hanapin nila tayo", ang sabi niya subalit sinabi ko na "Bayaan mo silang maghanap tutal naman sa uwian ay sama sama din naman tayo".

Sa lugar na pinuntahan namin ay malaya kaming nakapagusap at magkuwentuhan.

Kumusta na ang pagaaral mo, Manuel?

Ewan ko ba hindi ako masaya...parang mayroon akong gusto sa buhay ko na abutin subalit parang kulang pa para maabot ko iyon.

Ikaw talaga ang taong walang kasiyahan sa buhay. Ang sabi niya ng nakatawa sa akin.

Ikaw naman Josefina ano ang pangarap mo sa buhay?

Simple lang ang pangarap ko, gusto ko makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng matatag na hanapbuhay upang makatulong sa aking pamilya. At siyempre magkaroon ng sariling pamilya pagdating ng araw at magkaroon kami ng dalawang anak.

Sa isang tulad mo ay tama lang iyon kasi simple ka lang, ang sabi ko sa kanya at sinamahan ko ng pagtawa.

Ano kaya kung suntukin kita dyan, ang pabiro niyang sabi sa akin.

Si Josefina kapag pinagmamasdan ko ay totoong napakaganda bukod sa mabait pang kaibigan ay maalalahanin din siya na aking nagustuhan sa kanya.

Ang mga katangiang ito ni Josefina ang lihim kong itinago sa puso ko dahil hindi ko maipagkakaila sa aking sarili na umiibig ako sa kanya. Subalit bakit hindi ko magawang magtapat sa kanya ng pag-ibig? Dahil ba sa ako ay nangangamba na masira ang aming pagkakaibigan at tuluyang siyang lumayo sa akin?

Kapag nagkaganoon na lalayo siya sa akin dahil sa gagawin kong pagtatapat ay pipiliin ko pang kimkimin na lang sa damdamin ko ang isang pag-ibig na sa kanya ko lang iaalay.

Ikaw Josefina bakit hangga ngayon ay wala pang nangliligaw sa iyo? ang tanong ko sa kanya at sinundan ko ang sinabi ko na 'kasi pangit ka'at ako ay tumawa.

Hoy! ikaw nga ang pangit eh hangga ngayon walang magkagusto sa iyo. Ito ang sabi niya sa akin na kaya ako natawa.

Sino naman ang may sabi sa iyo? Sa totoo lang ay hindi ko sila pinapansin kahit alam ko na nagpaparamdam sila na gusto nila ako. Ang pagyayabang kong sagot kay Josefina.

Alam mo Josefina dahil sa magkaibigan tayo ay sisikapin ko na bantayan kang lagi at kung kailangan mo ang tulong ko at kahit saan ako naroroon basta tawagin mo lang ang pangalan ko at ako ay darating.

Baliw! ano ka si Superman? at tumawa siya ng malakas. Ang tawa niya ay tumagos sa puso ko at ako ay totoong nasiyahan dahil iyon ang gusto ko ang makita siya na masaya. Kahit may halong biro ang mga sinabi ko sa kanya ay totoong gagawin ko iyon kung mayroon akong kapangyarihang gawin iyon, dahil doon ko lang maipadadama sa kanya kung gaano ko siya mahal at dama ko sa sarili ko na siya ang mundo ko at umiikot ang mundo ko sa kanya lamang.

Ang pag-ibig ko kay Josefina ay hindi ko kayang sabihin. Tangkain ko man at sabihin ito sa kanya ay parang may nakahalang sa aking lalamunan. At isipin ko na baka niya ako layuan kung malaman niya ang damdamin ko ay isang bagay na ayaw kong mangyari. Kaya magtitiis na lang ako kaysa lumayo siya sa akin.

****

Anupa't nakatapos kami kapwa ng pag-aaral sa kurso na aming pinili bagamat magkaiba nga lang kami ng interes sa tinapos naming kurso. Siya ay isa ng graduate ng 'Business Managemet' at ako naman ay graduate ng 'Computer Engineering'.

Ngayon ay mayroon na rin kami kapwa ng matatag na hanapbuhay at bagamat iba ang pinasukan naming kumpanya ay hindi nagbabago ang pagtitinginan namin bilang magkaibigan...nagpapaalalahan kung kumain na siya...mag-iingat sa pag-uwi.

Subalit kahit magkaiba kami ng pinapasukang trabaho ay ganoon pa rin kami na laging magkasama paglabas ng upisina...sabay kumakain bago umuwi ng aming bahay. At sa ganoong sitwasyon ay talagang mapagkakamalan kaming mag'boyfriend' pero hindi...best friends lang ang turingan namin...para bang magkapatid lamang.

Ang hindi alam ni Josefina ay masakit iyon sa loob ko...ang kaibigan lang ang turingan namin dahil sa puso ko ang gusto ko ay higit pa sa magkaibigan ang dapat sa aming dalawa...subalit hanggang kailan ko ito itatago sa kanya...hanggang kailan ko matitiis ang aking sarili na hindi sabihin sa kanya ang nasal loob ko...na iniibig ko siya ng tapat.

****

Madalas ganoon lagi ang aming samahan ng lingid sa akin ay may nangliligaw kay Josefina sa pinapasukan niyang trabaho at lagi siyang binibigyan ng flowers o kaya ay chocolate. Ang ganitong bagay ay hindi niya sinasabi sa akin dahil lingid sa kaalaman ko ay gusto pala niya ay ganoon din ang gawin ko sa kanya. At ang masakit huli na ng malaman ko na mayroon siyang pagtatangi sa akin noon pa at hinihintay lang niya akong magtapat na hindi ko naman nagawa.

Nalaman ko ang bagay na iyon sa kanyang isang kaibigan sa kanilang upisina ng minsang makausap ko ito habang hinihintay ko sa labas si Josefina, subalit huli na ang lahat sinagot na niya ang officemate niya na may gusto sa kanya at pagkaraan ng ilang buwan ay nagkasundo sila na magpakasal.

Nang malaman ko iyon ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa subalit ano pa ang aking magagawa, huli na at ngayon ko nadama ang sobrang pagsisisi sa aking sarili kung bakit hindi ako kaagad nagtapat sa kanya.

Kaya pala ng minsan kaming magsabay sa pag-uwi ay napansin ko siyang malungkot...walang ganang makipagusap sa akin kaya binati ko siya ng pabiro.

Uyyy! malungkot siya...bakit ba? dahil iniisip mo ako? at sinundan ko ng tawa.

Baliw ka talaga bakit naman kita iisipin...ano ako sira? at sinundan niya ito ng tawa.

May naisip ako para naman maging masaya tayo habang naglalakad at para hindi tayo boring.

Josefina ganito, pustahan tayo...gusto mo ba? sabi ko sa kanya.

Ano na naman ang pumasok sa kukote mo? at nangiti siya. Ngiti na parang walang sigla.

Ganito ang pustahan natin...kung sino sa atin ang unang mag-aasawa ay tatanggap ng P10,000 sa mahuhuling mag-aasawa...ano payag ka?

Sige payag ako...ikaw talaga puro ka kalokohan. At nangiti siya.

Nasa ganoon kami na parang bata sa pag-uusap...biruan... subalit ang hindi ko pa alam ay ang nalaman ko sa kaibigan niya sa upisina na bagamat huli na ay ang sinabi nito na manhid daw ako at walang pakiramdam...bakit daw hindi ko siya magustuhan...bakit daw kahit magparamdam siya sa akin ay puro biro lang ako.

Nang malaman ko ang lahat ng iyon ay huli na at nasabi ko na lang sa sarili ko na isa akong baliw...baliw dahil akin na siya pinakawalan ko pa.

At ikinasal na nga si Josefina, ang aking best friend. Dumalo ako sa kasal nila subalit hindi na ako nagpakita. At sa pagkakataong iyon habang siya ay lumalakad ay palinga linga siya na alam ko na ako ang hinahanap niya. Parang masisira ang ulo ko lalo na sa sunod sunod na pagtunog ng kampana na tumutulig sa aking pandinig.

Hindi ko na tinapos ang kasalang iyon at ako ay umalis na. Ayaw kong lumala ang sakit ng aking damdamin na nararamdaman ko sa sandaling iyon. Sa paglakad ko papalayo ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko at gusto ko mang umiyak ng malakas ay hindi ko magawa dahil duwag ako...duwag sa mga pagkakataon na sinayang ko...isang bagay na inalagaan ko sa puso ko ng matagal na panahon mula pagkabata ay bigla sa isang iglap ay naglahong parang bula.

Ang tanga tanga ko talaga...dukutin ko man ang puso ko durugin ng aking mga paa ay ginawa ko na sana dahil sa aking katangahan.

****

Nangibang bansa ako upang makalimot. Tinakasan ko ang lupit ng aking kapalaran sa pag-ibig...sa babaing lahat lahat sa akin...kay Josefina.

Nagtagal ako sa ibang bansa at muling bumalik dahil hindi ko na madalas maramdaman sa puso ko ang tinamo kong kabiguan.

Hindi ako nagbalik sa dati kong tinitirhan...tumira ako sa lugar na walang magpapaalala sa akin tungkol kay Josefina.

At dito nakilala ko si Dolores. Kahit bahagya lang ang pagtingin ko sa kanya dahil nga hindi ko pa lubos na nakakalimutan si Josefina ay niligawan ko siya at sinagot naman niya ang aking pag-ibig.

Tulad ng ginagawa namin ni Josefina kapag kami ay magkasama ay masaya rin kaming namamasyal...kumakain sa mga fast food...nanonood ng sine, anupa't gusto kong kalimutan na ang aking nakaraan at harapin ang buhay may pamilya para na rin sa katahimikan namin ni Josefina...dahil alam ko na mahal pa rin niya ako kahit mayroon na siyang sariling pamilya.

Itinakda namin ni Dolores ang aming kasal at pagkaraan ng tatlong buwang paghahanda ay natuloy din ang itinakda naming kasalan at naging masaya naman kami lalo na magkakaroon na kami ng baby.

Nagkaroon ako ng promotion sa upisinang pinapasukan ko at naging CEO. Marami kaming mga kontak na upisina at hindi ko alam ay isa ang kumpanya ni Josefina sa mga kliyente namin.

Isang araw nagpunta siya sa office namin upang palagdaan ang isang kontrata na may kinalaman sa isang project na aming gagawin. Hindi ko alam na siya pala ang naghihintay sa conference room dahil iba ang sinabi ng secretary namin na apilyido...Ms. Gutierrez, ang apilyido ng kanyang asawa.

Kaya ng pumunta ako sa conference room ay nagulat ako at siya man ay nagulat din dahil matagal akong nawala at ngayon lang kami nagkita.

Para kaming mga tuod na nakatayo lamang at hindi makapagsalita. At bigla akong natauhan ng ngumiti siya sa akin...iyon ang mga ngiting lagi kong nakikita sa aking panaginip noon.

Kumusta na, Manuel ang tagal nating hindi nagkita ah...bakit bigla kang nawala noon. Hinahanap kita sa kasal ko noon eh hindi kita nakita...alam mo ba na masama ang loob ko sa iyo noon?

Ah! kasi may biglaan akong kontrata sa abroad na dapat akong makaalis kaagad kaya inasikaso ko ang aking mga papeles sa pag-alis. Iyon ang naisip kong dahilan sa kaharap ko ngayon...si Josefina.

Pinigilan ko pa rin ang aking sarili...hindi ako nagpahalata na sabik din akong makita siya...malaman ang takbo ng kanyang buhay may-asawa.

May utang ka nga pala sa akin...akala mo nalilimutan ko iyon. Ang bigla niyang sinabi na nag-isip ako kung ano iyon. Nasa ganoon akong sitwasyon na hindi ko masakyan ang sinabi niya ng siya na ang nagpaalala.

Hindi ba may pustahan tayo at ikaw pa nga ang may gusto ng pustahang iyon na kung sino ang mauunang mag-aasawa sa atin ay tatanggap ng P10,000?: at muli siyang natawa...mga tawang gustong gusto ko noon na makita sa kanya...na nagpapaligaya sa akin kapag siya ay masayang tumatawa.

Bigla akong naging seryoso at siya ang binalingan ko. Ikaw din may utang sa akin...bakit sa iba ko pa nalaman na may pagtingin ka rin pala sa akin noon.

Ikaw eh manhid ka kasi e di sana ikaw ang ama ng dalawa kong anak. At siya ay natawa kahit ang mga sinabi niya ay puro biro lang.

***

Kahit hindi ako ang naging kapalaran ni Josefina ay masaya na rin ako dahil masaya siya sa kanyang piniling buhay may-asawa. At ang makita ko siya na masaya ay ibayong saya naman ang aking nadarama kahit ang kinimkim kong pag-ibig sa aking dibdib ng matagal ding panahon noon para sa kanya ay unti unti ng napapalitan ng kaunti lang naman na pagsisisi kung bakit hindi ko ito naipahayag sa kanya noon...noong siya ang lahat lahat sa akin...noong sinabi ko sa sarili ko na kung hindi lang siya ang aking mapapangasawa ay nanaisin ko pang huwag ng mabuhay sa daigdig na ito.

***

Ako ang nag'supervise' sa project na pinirmahan namin ni Josefina...ni Ms Gutierrez. At kahit hindi ko siya madalas makita sa site ay masaya ako na gawin ang mga dapat gawin sa project dahil iyon ay sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Josefina.

Nabigla ako isang araw na habang tinitingnan ko ang mga plano ay bigla siyang nagpakita sa site...may dalang miryenda.

O Mister CEO miryenda ka muna...ako ang nagluto nito...tikman mo masarap...ang nakatawa niyang sabi.

Ikaw talaga bakit nag-abala ka pa...pero sige titikman ko baka nga masarap eh. At ako ay natawa na para bang nangungutya sa luto niya.

Ikaw Mr CEO hindi ka pa rin nagbabago lagi mong dinaraan sa biro ang lahat ng bagay kaya ayan hindi ako ang napangasawa mo. At tumawa siya ng malakas na alam kong ang mga sinasabi niya ay puro biro lang.

Maiba ako Manuel eh ikaw kumusta ang pamilya mo? ang tanong niya sa akin na hindi ko inaasahan.

Okay naman kami walang problema at alam mo ba na tulad mo rin siya na masaya...kalog din tulad mo. At sinudan ko ng tawa.

Sobra ka naman...sana makilala ko siya. Ipakilala mo naman ako minsan, ha?

Sige minsan i-message kita para magkita tayo at kumain sa labas kasama ng ating mga tsikiting na makukulit.

Sa ganoong mga sandali namin ni Josefina kahit hindi kaming dalawa ang naging magkapalaran ay para na rin kaming dalawa, dahil hindi napapatid ang dati naming pagtitinginan noon at kahit ngayon na sa muli naming pagkikita at masayang pag-uusap ay masasabi ko pa rin na mag best friends pa rin kami...forever.

Ngayon ay masaya na ako sa aking pamilya at siya rin ay masaya sa kanyang pamilya. Hindi ko na iniisip na ako ay naging tanga noon...totoo naging tanga ako noon subalit hindi na ngayon dahil ito ang kapalaran naming dalawa...ang magpakatotoo sa aming buhay sa ngayon...ngayong ang aming mga isip ay bukas sa mga katotohanang naganap sa amin. Biniro man kami ng aming sariling kapalaran ay masasabi ko naman na nagwagi rin kami dahil masaya ako at masaya si josefina...ang babaing hindi ko malilimutan sa buhay ko...hindi upang hangarin ko pa siya na makapiling kundi isang alaala na lang sa aking isipan....buhay na alaala.

Thank you, Guys, for reading hope you enjoyed reading.

Another inspiring short story is coming, so enjoy reading. Thank you.

Rio Alma

My next story is about a victim of gang rape that resulted in her vengeance. (To be read by an adult only) Thank you.

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts
Next chapter