webnovel

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

Sa isang mataong lugar na halos lahat ay nagmamadali ay hindi sinasadyang mabangga ni Jeff ang balikat ni Lydia, kaya nalaglag ang mga dala nitong libro.

"Naku! sorry miss, hindi ko sinasadya", ang paghingi ng paumanhin ni Jeff.

Dadamputin na sana ni Jeff ang mga libro subalit inunahan siya ni Lydia.

"Hindi ka kasi nakatingin sa nilalakaran mo eh", ang nakasimangot na sabi ni Lydia at umalis na pagkadampot ng mga libro.

Hindi nakapagsalita si Jeff at nawika na lang sa sarili..."Maganda pa naman kaya lang masungit, kaya wala din ang ganda niya, pangit din".

Sina Jeff at Lydia ay mayroon ng kasintahan kapwa, subalit dahil sa mapaglarong tadhana ay nag-cross ang kanilang landas at kapwa sila umibig sa isa't isa kahit hindi na sila puwedeng magmahal ng iba.

Ikinuwento ni Jeff sa kanyang girlfriend ang pangyayaring iyon at nagtawa lang si gitlfriend.

"Puwede ba Jeff, luma na ang style mong iyan...hindi ba kaya tayo nagkakilala ay dahil kunwari binangga mo ako at nag-sorry ka?", ang nakatawang sabi ng girlfriend ni Jeff.

"Oo, pero iba ka, hindi ka suplada di tulad ng babaing tinutukoy ko", ang paliwanag ni Jeff.

"Huwag mo na ngang babanggitin sa akin ang babaing iyon at ako ay malapit ng magselos", ang may himig na pagbabanta ng girlfriend ni Jeff.

"Okey, sige kalimutan na natin iyon tinitingnan ko lang naman kung puwede kitang pagselosin eh", ang palusot na sabi ni Jeff para hindi magalit ang girlfriend niya.

":ARAYYY!", ang malakas na sigaw ni Jeff dahil sa pagkurot ng girlfriend nito sa kanyang tagiliran.

"Ano ka ba? Ang sakit mo namang mangurot ah", ang reklamo ni Jeff.

Dahil hindi talaga mawala sa isip ni Jeff ang nakabanggang babae na si Lydia ay ikinuwento niya ang pangyayari sa kanyang kaibigan.

"Pare bakit kaya hindi ko siya makalimutan, parang nakikita ko pa ang maganda niyang mukha", ang sabi sa kaibigan.

"Tol, hindi mo makalimutan ano? Iba na yan baka na in-love ka sa kanya, ikaw din alalahanin mo ang girlfriend mo at kapag nalaman niya na in-love ka sa iba ay baka putulin niya ang kaligayahan mo", ang nakatawang sabi ng kanyang kaibigan na may halong bastos na pananalita.

Sa kabilang dako naman ay gayon din si Lydia, hindi niya malimutan ang mukha ni Jeff at nagsisisi siya kung bakit naging mataray siya sa pagsagot kay Jeff.

"RINGGGG!".

Tumunog ang cellphone ni Lydia at ng sagutin niya ay tawag pala ng kanyang boyfriend.

"Hello Lydia kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot", ang sabi sa kabilang linya.

"Ah ikaw pala kasi naka-off ang phone ko kanina at ngayon ko lang ini-on", tugon ni Lydia sa boyfriend niya.

"Puwede ka ba mamaya manonood tayo ng sine at mamamasyal tayo", ang anyaya ng boyfriend ni Lydia.

"Love hindi ako puwede ngayon may exam ako bukas at ako ay mag-aaral pa", ang sabi ni Lydia.

Subalit sa totoo lang ay umiwas si Lydia dahil wala siyang ganang mamasyal dahil iniisip pa niya ang pangyayari sa kanila ni Jeff.

Lumipas pa ang mga araw at kinalimutan na ni Jeff ang pangyayaring iyon at pinag-ukulan na lamang niya ng panahon ang kanyang pag-aaral.

Gayon din si Lydia, kinalimutan na rin niya ang pangyayaring gumugulo sa isipan niya at pinagtuunan ang kanyang pag-aaral.

Subalit talaga yatang mapagbiro ang tadhana kina Jeff at Lydia dahil muli na namang nag-cross ang kanilang landas. Sa hallway ng campus ay nagkasalubong ang dalawa na kasama ni Lydia ang boyfriend nito na magkahawak pa sila ng kamay.

Ngumiti si Jeff kay Lydia subalit kahit nagtama ang kanilang paningin ay hindi pinansin ni Lydia ang ngiting pagbati ni Jeff.

"Mukhang suplada talaga ah",ang bulong ni Jeff sa sarili.

Lumipas pa ang mga araw, hindi malimutan ni Jeff si Lydia at sa tingin niya ng makasalubong niya ito sa hallway ay lalo itong gumanda.

"Ano ba ang nangyayaring ito sa sarili ko? Umiibig ba ako sa kanya? Hindi maaaring mangyari ito", ang nabubuwisit na sabi ni Jeff sa sarili.

Ang dalawa, sina Jeff at Lydia ay parehong 4th year student at malapit na silang mag graduate.

Ganoon din pala si Lydia kahit hindi niya ginantihan ng ngiti si Jeff ay nagtataka rin sa sarili kung bakit hindi niya makalimutan si Jeff. At kung siya ay may pagtingin kay Jeff ay hindi puwede, mayroon na siyang boyfriend.

Si Jeff ay hindi naman masyadong guwapo subalit may mga katangian siya na gusto ng mga babae, matangkad, magandang magdala ng damit at masarap kasuap bukod sa palangiti.

To make the story short, muling nagkatagpo ang dalawa sa library. Lakas loob na nilapitan ni Jeff si Lydia at nagpakilala.

"Miss, ako si Jeff puwede ba kitang makilala?", ang sabi ni Jeff kay Lydia habang nagbabasa ang huli ng libro.

Tumingala si Lydia at ngumiti kay Jeff upang maging dahilan iyon na magkaroon ito ng lakas ng loob upang makipagkilala, at ganoon nga nagkakilala ang dalawa.

"Lydia sorry sa nangyari ha, hindi ko talaga sinasadya na mabangga ka", paliwanag ni Jeff.

"Pasensya ka na rin Jeff wala kasi ako sa mood noon kaya natarayan kita",ang paliwanag ni Lydia kay Jeff.

Sa ganoong pangyayari na parang nagkahulihan na sila ng loob ay naging instant friends sila.

"Lydia puwede ko bang makuha ang contact number mo?', ang sabi ni Jeff.

Ibinigay naman ni Lydia at gayundin si Jeff, ibinigay din niya ang kanyang contact number.

Mag-uusap pa sana sila Jeff at Lydia ng tumunog ang cp ng huli at ang tumawag ay ang boyfriend nito. Kaya naiwan si Jeff na hindi niya malaman kung matutuwa siya sa pangyayaring ganap na silang magkakilala ni Lydia.

Subalit sumisiksik pa rin sa isipan ni Jeff na hindi niya puwedeng bigyan ng pansin sa puso niya si Lydia dahil mahal siya ng kanyang girlfriend at masasaktan ito kung magmamahal siya ng iba.

Nagkita sila ng boyfriend ni Lydia at kumain sila sa isang sikat na food chain at habang kumakain sila ay si Jeff ang iniisip ni Lydia.

"Ano ba itong nangyayari sa akin?", ang bulong ni Lydia sa kanyang sarili.

"Lydia, pagka'graduate' natin ay pakasal na tayo", ang biglang sinabi ng boyfriend ni Lydia habang kumakain sila.

Nabigla si Lydia sa sinabi ng boyfriend niya at hindi siya kaagad nakasagot.

"Ano ba love, mga bata pa tayo at wala pa tayong matatag na hanapbuhay, gusto mo bang patayin ako ng mama ko?", ang tugon ni Lydia.

"Pasensya ka na mahal natatakot kasi ako na maagaw ka sa akin ng iba eh", ang paliwanag ng boyfriend ni Lydia.

Isang gabi na hindi makatulog si Jeff ay sinubukan niyang tawagan si Lydia.

"Hello Lydia tulog ka na?", ang tanong ni Jeff na nag-aalanganin sa kanyang ginawang pagtawag.

"Ikaw pala Jeff, hindi pa naman, may binabasa lang ako at mamaya tutulog na ako", ang sagot ni Lydia.

Laging ganoon ang nangyayari sa dalawa na sa gabi ay laging nagtatawagan...kumustahan...biruan...kuwentuhan na hindi nila namamalayan ay nabubuo na pala ang isang damdamin sa kanilang mga sarili...umiibg na sila sa isa't isa.

Nagkasundo ang dalawa na mamasyal sa isang lugar na puwede silang malayang makapagusap. At doon nagkahingahan sila ng kanilang mga damdamin at ipinagtapat nila sa isa't isa na sila ay may mga kasintahan na.

Kahit alam nila kapwa na hindi na sila puwedeng magmahal ng iba ay binigyan pa rin nila ng laya ang kanilang mga sarili sa pag-ibig na kanilang nararamdaman sa isa't isa.

Kaya lihim silang nagtatagpo sa isang lugar na pinili nila upang doon nila laging bigyang laya ang kanilang sarili na magkuwentuhan...magbiruan...at bumuo ng mga pangarap sa

buhay.

Ilang beses din silang laging ganoon hanggang dumating ang araw ng kanilang graduation.

Lahat ng mga magtatapos ay lubos ang katuwaan dahil sa magiging panibagong landas na kanilang tatahakin sa pagtataguyod ng kanilang sariling buhay.

Subalit kina Jeff at Lydia ay hindi pa tapos ang kanilang kabanata. Papaano ang kanilang mga kasintahan na umaasa sa kanilang katapatan at kapag sila ay nagpatuloy na dalawa ay tiyak hindi maganda ang magiging resulta at tiyak din may masasaktan.

Nakunsensya si Lydia sa hindi niya pagiging tapat sa kanyang boyfriend kaya ipinasya niya na makipaghiwalay na kay Jeff.

At sa lugar na tagpuan ng dalawa ay ipinagtapat ni Lydia kay Jeff ang balak niyang makipaghiwalay na dito.

"Jeff, hindi ko na maatim na lokohin pa ang aking boyfriend, masasaktan siya ng labis dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal at kung magpapatuloy tayo sa ganitong kalagayan ay uusigin ako ng sarili kong budhi...kaya masakit man sa akin Jeff ay kalimutan mo na ako. Sana gayun ka din sa girlfriend mo, alam ko mahal na mahal ka niya at tulad ko din siyang babae na masasaktan din", ang naluluhang pagtatapat ni Lydia kay Jeff na binubulay pa rin sa sarili ni Jeff ang lahat ng sinabi ni Lydia sa kanya.

Hindi malaman sa sarili ni Jeff kung papayag siya o hindi na makipaghiwalay kay Lydia, subalit alam niya sa kanyang sarili na kapag sila ay nagpatuloy sa kanilang kahibangan ay mayroong masasaktan.

Dahil sa makatwirang pagpapasya ni Lydia ay pumayag na rin si Jeff dahil alam niya na mahal na mahal siya ng kanyang girlfriend at hindi problema kung muling ibalik niya dito ang kanyang pagmamahal dahil hindi pa huli ang lahat na utusan ang kanyang puso na muling ibalik dito ang kanyang pagmamahal.

Nasa ganoong pag-iisip si Jeff ng hindi niya namamalayan ay malayo na pala si Lydia, halos hindi na niya ito abot ng kanyang tanaw.

Nalungkot din si Jeff sa pangyayaring nakipaghiwaly sa kanya si Lydia, kaya nasabi na lang ni Jeff sa sarili na..."Lydia alam kong mali ang mahalin ka ngayon subalit umaasa ako na darating ang isang bukas na muli tayong magtatagpo upang ibalik ko ang aking pag-ibig at pagmamahal sa iyo".

Paalis na rin si Jeff ng mula kung saan ay narinig niya ang awiting "Bukas na lang kita mamahalin" na nagpasidhi sa kanyang nararamdaman.

"KAY HIRAP PALANG UMIBIG SA 'DI TAMANG PANAHON...KUNG BAKIT NGAYON KO LANG NATAGPUAN ANG ISANG KATULAD MO...SANA NOON PA KITA NAKILALA...SANA NOON PA LANG NA ANG PUSO AY MALAYA PANG MAGMAHAL"....end.

Ang pag-ibig na sumibol sa hindi tamang panahon at masasawi ay nagdudulot ng ibayong lungkot sa dalawang umiibig.

Sa kaso nina Jeff at Lydia ay isang bukas na lang ang kanilang hihintayin upang sila ay muling magmahal sa isa't isa.

Thank you for reading.

Another inspiring short story is coming.

Rio Alma

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts
Next chapter