webnovel

HANAP KO AY FOREVER

"HAYYYY!!" ANO BA YAN? BAKIT HANGGA NGAYON AY WALA PA AKONG FOREVER!!", ang malakas na tinig ni Tikang.

"FOREVER MAGPAKITA KA NAMAN SA AKIN!!", ang malakas pa ring boses ni Tikang na halos nakabubulahaw na sa mga kapitbhan nila.

"HOY!! TIKANG, NABABALIW KA NA BA?", ang sigaw ng kapitbahay nilang si Tikboy, "ANG AGA AGA EH, ANG INGAY INGAY MO DIYAN",

"Eh ano bang pakialam mo ikaw nga hangga ngayon walang forever", ang sabi ni Tikang na tumatawa.

"Forever...Forever...kalokohan lang iyan dahil kapag may forever ka na ay iiwanan ka din at tapos ano ka ngayon iiwanan kang luhaan at nakatunganga", ang ganting sagot ni Tikboy habang tumatawa.

"Ah basta kailangan ko ng forever kahit na paluhain pa niya ako", ang makulit na sabi ni Tikang.

"Nababaliw ka na nga at kiung iyan ang gusto mo eh di bahala ka sa buhay mo. Hmmm...makaa;lis na nga", ang tugon ni Tikboy na nabubuwisit kay Tikang.

Bukang bibig ng mga kabataan ang salitang 'forever' subalit papaano ba nagkakaroon ng forever? Tunghayan natin ang pag-ibig ni Tikang sa kuwentong ito.

Si Tikang at Tikboy ay magkaibigan na laging parang pusa at aso...bati galit silang dealawa lagi. Magkadikit ang kanilang ang bahay nila kaya kaunting sabihin mo ay dinig na kaagad sa kabila.

"Hello! forever gusto kita", ang sabi ni Tikang sa nagdaang guwapo.

"Hindi kita gusto", ang tugon ng binati niyang guwapo.

Nang malayo na ang binating guwapo ni Tikang.

"Suplado, gusto ko lang namang makipagkaibigan sa kanya eh", ang pabulong na sabi ni Tikang sa sarili niya.

Ang binatang nagdaan ay malayo niyang kapitbahay at isang 4th year high school student. Ang pangalan niya ay Ben at kung tawagin siya sa campus ay si 'Ben pogi'.

Si Tikang ay maganda kaya lang may pagka-kalog at siya ay 3rd year high school student din.

"Girls ayan na si Ben pogi", ang malakas na sabi ng mga kababaihang naguumpukan sa isang sulok ng campus.

"Hayyy!...Kailan kaya ako mapapansin ni Ben pogi?", ang sabi ng isa sa mga nagkakatuwaang estudyante.

"Tumigil ka nga diyan sa iyong imahinasyon, ako pa baka mapansin pa niya", ang sabi naman ng isa.

"Naku puwede ba tumigil na kayo diyan at pumasok na tayo sa klase at mahuhuli na tayo", ang yaya ng isa sa kanila.

Isang pagkakataong hindi sinasadya ay nagkasalubong si Tikang at Ben pogi sa hallway ng campus.

"Hi!", ang bati ni Tikang kay Ben pogi.

Tumigil si Ben pogi sa paglakad at kinausap si Tikang.

"Teka, hindi ba ikaw iyong bumati sa akin?. Dito ka rin pala nag-aaral", sabi ni Ben pogi.

Itong si Ben kung titingnan mo ay mukhang suplado pero hindi naman at si Tikang naman kapag nakaayos ay maganda kaya medyo naakit si Ben at siya ay binati din nito.

"RINGGG!!"

Mag-uusap pa sana ang dalawa ng biglang mag 'bell' kaya naputol ang kanilang pag-uusap na sana ay maganda tagpo upang magkalapit silang dalawa, subalit naudlot pa.

Simula ng makausap ni Tikang si Ben pogi sa campus ay lagi na siyang nag-aabang sa kanilang bintana upang sa pagdaan ni Ben ay muli niya itong makausap.

"Tikang bakit ba ikaw e lagi diyan sa bintana? Hindi ka mag-aral ng leksiyon mo, wala kang mapapala sa katutunganga mo diyan sa bintana", ang puna ng nanay ni Tikang.

Nagmamaktol na umalis si Tikang sa bintana at pumasok sa kanyang kuwarto.

"Ano ba ito? Hindi ko pa nga siya masyadong nakikilala eh kaya nga ako nagaabang sa bintana", ang sabi ni Tikang habang ginugulo ang buhok niya.

"Oy Tikang ano ang ibinubulong mo diyan", tanong ng ina sa nagmamaktol na si Tikang.

"Wala po inay, mag-aaral na po ako",sagot ni Tikang.

Minsan lang nakasalubong ni Tikang sa campus si Ben Pogi at hindi na naulit. Kapag naman inaabangan niya sa kanila na magdaan ay hindin siya makatiyempo.

Isang gabi ay nanaginip si Tikang..."Hayyy!! Salamat nakita ko na rin ang aking 'forever'. Ben pogi, ikaw pala ang matagal ko ng hinahanap na forever, puwede mo ba akong halikan upang malasap ko ang matamis mong laway?...este labi?", ang wika ni Tikang sa panaginip niya.

Ang panaginip ni Tikang ay nakapukaw sa mahimbing na pagtulog ng kanyang ina at siya ay ginising.

"Hoy! Tikang gumising ka...binabangungot ka", ang sabi ng nanay ni Tikang habang niyuyugyog siya upang magising.

"Inay naman, ang sarap ng panaginip ko bakit ninyo ako ginising", ang sabi ng nagrereklamong si Tikang.

"Eh anong gusto mo mamatay ka sa bangungot?", wika ng ina ni Tikang sa malakas na boses.

"Sayang nakita ko na at hahalikan na ako ng forever ko ay nawala pa", ang bulong ni Tikang sa sarili niya at itinuloy ang paqgtulog.

Matagal ding nangarap si Tikang na sana muli silang magkita ni Ben pogi at habang tumatagal kasi ay parang maloloka na siya sa kaiisip kay Ben pogi.

Tikang bakit para kang namamayat at ang mga mata mo para ka ng mangkukulam?", ang bati ni Tikboy kay Tikang.

"Kasi hangga ngayon hindi pa kami lubos na magkakilala ng aking forever", ang malungkot na sabi ni Tikang.

"Ewan ko ba naman sa iyo Tikang kung bakit narito naman ako eh kung sino sino pa ang hinahanap mong forever", ang nakangiting sabi ni Tikboy.

"Ah basta siya ang aking forever, si Ben pogi", sabi ni Tikang.

"HA! HA! HA! HA!", at tumawa ng malakas si Tikboy.

"Bakit ka nagtawa? Mayroon bang nakatatawa sa sinabi ko?", ang tanong na parang galit na si Tikang.

"Eh kasi naman kilala ko si Ben at siya ay doon sa lugar na iyon nakatira katabi ng bahay nila nay ang kanyang girlfriend", ang sabi ni Tikoboy na nakatawa pa.

"HAAAA?", ang sabi ng gulat na gulat na si Tikang.

"Totoo ba Tikboy ang sinasabi mo? Hindi mo ako ginogoyo?", ang parang inis na tanong ni Tikang.

"Tumigil ka na Tikang sa illusion mo at huwag kang mangarap sa isang bagay na hindi magiging sa iyo", ang seryosong payo ni Tikboy.

"Ano ba iyan? Nahanap ko na ang aking forever ay napurnada pa", ang malungkot na sabi ni Tikang.

Lingid sa kaalaman ni Tikang ay may gusto si Tikboy sa kanya matagal na. Hindi siya makapagtapat dito ng pag-ibig dahil nga kalog itong si Tikang at baka pagtawanan lamang siya nito

Isang gabi na hindi makatulog si Tikang ay naupo ito sa kanilang bintana na nakapangalumbaba na nagkataon naman na pinagmamasdan pala siya ni Tikboy sa kabilang bintana ng bahay nila.

Nagtama ang kanilang paningin at sa pagkakataong ito ay parang may naramdaman si Tikang sa kanyang sarili na hindi niya maipaliwanag. Inalis kaagad ni Tikang ang paningin niya kay Tikboy at umalis sa bintana na para siyang napahiya sa kanyang sarili.

Pagkaalis ni Tikang sa bintana ay tuloy tuloy ito sa kanyang kuwarto at natulog na.

Subalit hindi siya makatulog dahil ngayon parang biglang pumasok si Tikboy sa utak niya at unti unti sa puso niya.

Nangingiti si Tikang sa sarili, tumatawa na parang nasisiraan ng ulo. Pero hindi, bakit ngayon niya parang napapansin si Tikboy at hindi niya ito maipaliwanag sa kanyang sarili.

Hindi puwedeng sila ni Tikboy kasi magkaibigan sila at para na rin tunay na magkapatid.

Sa kaiisip ni Tikang ay tuluyan na siyang nakatulog hanggang napanaginipan niya si Tikboy.

Sa panaginip ni Tikang ay lumitaw na nagsasayaw sila ni Tikboy.

Nakasuot si Tikang ng damit ng isang prinsesa at si Tikboy naman ay isang prinsipe.

Magkadikit ang kanilang katawan at magkahawak ng kamay habang sila ay nagsasayaw sa himig ng isang tugtuging maromantiko.

"Tikang napakaganda mo sa kasuotan mong iyan, para kang diyosa ng mga diwata sa kagubatan na napapaligiran ng mga naghuhunihang ibon, mga monkey na maiingay at mga ahas na nakasabit sa mga puno", ang sabi ni Tikboy habang nagsasayaw sila ni Tikang.

Dahil hindi yata maganda sa pandinig ni Tikang ang huling sinabi ni Tikboy ay tinapakan ang paa nito.

"ARAYYY!", ang sigaw ni Tikboy.

"Buti nga sa iyo ginawa mo pa akong reyna ng mga hayop sa gubat", sabi ni Tikang.

"Nagbibiro lang ako Tikang pero sa totoo ikaw ang reyna ng puso ko dahil ikaw ang may ari na nito", ang sabi ni Tikboy.

"Sige papayag akong maging reyna ng puso mo subalit sa oras na ipinagpalit mo ako sa iba ay puputulin ko iyang kaligayahan mo, tandaan mo iyan", ang pagbabanta ni Tikang kay Tikboy.

"Salamat Tikang pinaligaya mo ako, pangako ikaw lamang ang mamahalin ko, iingatan ka, ipagsasanggalang at kahit hanggang kamatayan ay ikaw pa rin", ang pambobola ni Tikboy.

Somobra ang panaginip ni Tikang hanggaqng sa siya ay umungol na parang binabangongot.

"OMMHHHGG"

"Hoy!! Tikang binabangungot ka na naman, gising,gising", habang niyuyugyog siya ng kanyang ina.

Nagising si Tikang at muling bumalik sa mahimbing na pagtulog.

Mula ng magkatitigan sina Tikang at Tikboy sa bintana nila ay umiwas na si Tikang kay Tikboy. Hindi na rin siya nakikipag-usap dito.

"Tikang ano ka ba? Bakit mo ako iniiwasan at hindi kinakausap? Galit ka ba sa akin dahil sinabi ko sa iyo na may girlfriend na si Ben pogi?", sabi ni Tikboy ng magkasalubong sila.

"Hindi ah! Wala akong pakialam sa unggoy na iyon, eh ano ba sa akin kung may girlfriend na siya", sabi ni Tikang.

"Ayan ang gusto ko sa iyo Tikang na lagi kang nakangiti kasi kapag nakangiti ka super ganda ka", ang sinabi ni Tikboy na nagpangiti kay Tikang.

"Bolahin mo ang lola mo", tugon ni Tikang.

"Alam moTikang noong nasa bintana tayo at pinagmamasdan kita mayroon akong hindi maipaliwanag sa aking sarili siguro dahil sa .....", ang hindi naituloy na sinabi ni Tikboy kay Tikang.

"Ano iyong 'dahil sa' na sasabihin mo sana Tikboy? Bakit hindi mo itinuloy?", tanong ni Tikang na parang kakainin si Tikboy.

"Wala nalimutan ko na ang sasabihin ko, ingat ka na lang sa pagpasok mo", ang sinabi ni Tikboy habang papaalis.

Sa sinabi ni Tikboy na pagmamalasakit sa kanya ay nanuot iyon sa puso ni Tikang at dahil doon tuwing magkikita sila ni Tikboy ay lagi silang masayang nagkukuwentuhan, nagbibiruan hanggang mauwi sa tumay na pagmamahalan.

.

Ang pag-ibig kahit hindi mo hanapin ay kusang darating.

Sa istorya nina Tikang at Tikboy ay nakatutuwa dahil hindi nila alam na sa kahahanap pala ng 'forever' ni Tikang ay nasa tabi lang pala ang hinahanap niyang forever, at ito ay si Tikboy.

Guys thanks for reading.

Rio Alma

Another story is coming , so enjoy reading and please give your comments and don't forget to rate each story you read. Thanks.

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts
Next chapter