webnovel

SULAT KAY ITAY

Napakasakit..nakalulungkot na ang isang ama ng tahanan ay iwanan ang kanyang asawa at ang nag-iisang anak na anim na taong gulang na wala pang bagwis upang sagupain ang mga unos ng buhay.

Dating isang masayang pamilya sina mang Kardo, aling Juana at ang anak nilang si Buboy. Nakatira sila sa isang baryo sa lalawigan ng Bulacan.

Maliit lang ang kanilang bahay subalit puno ng pagmamahalan. Mangingisda si mang Kardo. Ito ang kanllang ikinabubuhay. Si aling Juana naman ay nagtatanim ng iba't ibang gulay sa paligid ng kanilang bahay at inilalako niya ang mga ito para may pang dagdag sa kanilang ikinabubuhay.

At pagdating ni mang Kardo na may dalang huling mga isda ay ilalako din ni aling Juana.

Anupat kahit sila masaya sa ganitong buhay ay bakas pa rin sa kanila ang pangarap na sana guminhawa ang kanilang buhay, dahil parang doon lang umiikot ang kanilang mundo.

Si Buboy ay kababakasan ng matalinong bata, na sa unang grado pa lang ay pinupuri na ng kanyang mga guro dahil sa angkin nitong talino sa mga pinag-aaralan. Sabi nga ng kanyang guro, ang talino ni Buboy ay pang ikalawang grado na, mabilis matutong bumasa at sumulat.

Lumipas pa ang mga araw napapansin ni aling Juana na laging nag-iisip si mang Kardo at kapag tinatanong ni aling Juana ay laging wala ang sagot nito.

Dahil sa kamusmusan ni Buboy ay hindi napapansin ang ikinikilos ng kanyang ama basta masaya siya sa kanyang paglalaro.

Si aling Juana ay may nararamdaman na pala sa kanyang sarili. Minsan matamlay siya at ito ay alam ni mang Kardo na nagpapadagdag pa sa mga isipin niya.

Ang dating masayahing si mang Kardo ay napalitan ng lungkot sa kanyang katauhan na kapag pagmamasdan mo siya ay parang ibig ng sumuko sa kahirapan ng buhay.

Napakasaklap, isang umaga paggising ni aling Juana ay wala na si mang Kardo. Wala na rin ang ilang mga damit nito, iniwanan na sila ni mang Kardo kaya umiyak na lamang si aling Juana.

Maghapong hindi nakita ni Buboy ang ama kaya nagtanong sa kanyang ina.

"inay saan nagpunta sii itay?" tanong ng musmos na si Buboy.

"May pinuntahan ang itay mo sa malayo at babalik din iyon at pagdating ng itay mo ay may dalang maraming pera" ang pagkakailang sagot ni aling Juana sa anak, subalit alam ni aling Juana na hindi na babalik ang asawa dahil minsan ng sinabi ng asawa sa kanya na sawa na siya sa buhay nila.

"Yeheyyy! pagdating ni itay ibibili niya ako ng magagandang damit..hindi na ako tutuksuhin sa school na sira ang damit ko at luma ang sapatos ko" ang tuwang tuwang sinabi ni Buboy.

Sa sinabi ni Buboy dahil sa katuwaan nito ay lalong nahabag si aling Juana sa anak at nasabi na lang sa sarili "Ang kaawaawa kong anak, bayaan mo pagsisikapan kong itaguyod ka kahit iniwan na tayo ng ama mo"

Hindi napigilan ni aling Juana ang maluha kaya nagpunta sa kuwarto at nagkuling ayaw ipakita kay Buboy ang kanyang pag-iyak. Duon niya ibinuhos ang sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak.

Anupat kahit may nararamdaman sa sarili si aling Juana ay naghanap siya ng karagdagang kita. Tumanggap siya ng mga labada at sa kaunting kinikita ay napagkakasya niya sa araw araw nilang pangangailangan ni Buboy lalo na ang sa pagkain.

Sa school na pinapasukan ni Buboy ay madalas siyang tuksuhin ng kanyang mga kaklase.

"Ay! si Buboy punit ang damit at may butas " ang sabi ng ilang kaklase at pagkatapos ay magtatawanan sila. Ayaw din siyang kalaro nila.

Kapag nagkakainan ang mga kaklase ni Buboy tuwing breaktime ay nakatingin lang si Buboy sa kanila dahil wala itong baon.

Dahil nga sa kamusmusan ay wala kay Buboy ang mga bagay na iyon. Hindi nagtatanong sa sarili kung bakit wala siyang baon kapag pumapasok sa school.

Nakita siya ng kanyang guro na nakatingin sa kanyang mga kaklase na kumakain kaya nilapitan niya ito at binigyan ng tinapay subalit tumanggi si Buboy at umiling lang ito at sinabi "Hindi po ako nagugutom ma'am"

Alam ng guro na gutom si Buboy kaya ipinagpilitan niya ang tinapay at dahil gutom nga ito ay kinuha naman ni Buboy at nagpasalamat sa guro saka kinain ang tinapay.

Pag-uwi sa bahay hinanap ni Buboy ang ina at yumakap dito.

"Inay kailan uuwi si itay kasi gusto ko na siyang makita maglalaro kami" ang sabi ni Buboy sa ina na parang nagmamakawa sa ina na makita ang kanyang ama.

Umubo muna si aling Juana ng tatlong beses bago ito nakapagsalita at kahit may nararamdaman ay kinausap ang anak.

"Anak darating din ang itay mo hintayin natin siya ha?" ang sinabi ni aling Juana sa anak na may halong pagsisinungaling dahil alam niya hinding hindi na babalik ang asawa nito..tuluyan na silang pinabayaan dahil nahihirapan si mang Kardo na itaguyod silang mag-ina.

Nakita ni Buboy ang pagluha ng ina "Bakit inay may sakit ka?" tanong ni Buboy.

"Wala anak" umubo muna ng matindi at muling nagslita "Halika na Buboy at kakain na tayo pagkatapos ipapasyal kita sa tabing ilog" ang sabi ni aling Juana sa anak.

"Talaga inay sige po gusto ko sa tabing ilog manghuhuli ako ng isda" ang natutuwang sabi ni Buboy sa ina.

Sa sinabi ni Buboy ay nangiti si aling Juana.

Pagkakain nga ay lumakad na sila patungo sa ilog at duon ay naupo sila sa gilid at pinanonood ang galaw ng tubig..nakikinig sa ingay na dala nito habang tuloy tuloy sa pagagos.

"Ang sarap dito inay masarap ang simoy ng hangin at maraming ibon" ang natutuwang sabi ni Buboy.

"Oo anak at lagi tayong pupunta dito" ang naitugon na lamang ni aling Juana sa anak na bakas pa rin ang kalungkutan sa mukha nito.

"Inay gagawa po ako ng sulat para kay itay at ipadadala ko po sa kanya" ang sabi sa ina.

"Ang anak kong ito at papaano mo naman ipadadala sa itay mo ang sulat mo?" ang tanong ni aling Juana sa anak na nangingiti siya.

"Susulat po ako tapos ilalagay ko sa bote at ipaaanod ko dito sa ilog" ang sagot ni Buboy na bakas ang kamusmusan sa kanyang mga sinasabi.

Salita ng isang musmos subalit sa isang katulad ni Buboy sa isipan niya ay matatanggap ng itay niya ang sulat na kanyang gagawin.

Dumaan pa ang mga araw sa buhay ng mag-ina na nababalot ng kalungkutan at hinagpis subalit naroroon pa rin ang pag-asa na darating din ang bukas sa kanila at matatapos din ang kanilang dinaranas na kalungkutan sa buhay at isipin pa na wala silang masandalan dahil wala ang kanyang asawa..iniwanan sila.

Gumawa nga ng sulat si Buboy at isinilid sa bote at tinakpan.

"Inay wala po kaming pasok sa school bukas kaya punta uli tayo sa ilog ha?" ang pakiusap ni Buboy sa ina.

"Bakit? Nanggaling na tayo doon kahapon ah" ang tugon ni aling Juana sa anak.

"Kasi po inay ipadadala ko itong sulat ko kay itay" ang sabi ni Buboy habang ipinakikita ang bote na may lamang sulat na kanyang ginawa.

Upang pagbigyan lang ang anak sa kahilingann nito ay pumayag din si aling Juana.

Kinabukasan muli silang nagpunta sa ilog at doon ay ipinaanod ni Buboy ang bote na may lamang sulat para sa kanyang ama.

"Itong anak ko oo ano ba ang isinulat mo at hindi mo man lang ipinabasa sa akin bago mo inilagay sa bote" ang tanong ni aling Juana na nahihirapan sa pag-ubo.

"Kasi po inay sekreto namin ni itay yon" ang nakatatawang sagot ni Buboy sa ina.

"Itong anak kong ito oo marunong ng maglihim" at nangiti si aling Juana.

Lumipas pa ang mga araw nalimutan na ni Buboy ang ginawang sulat sa ama.

Ganito ang nilalaman ng ginawang sulat ni Buboy sa kanyang ama na isang madamdaming pakiusap:

"Itay saan ka man naroroon sana matanggap mo itong sulat ko..mahal na mahal kita itay..sana umuwi ka na tay maglalaro tayo..dala ka pera marami..bili mo ako damit kasi po tinutukso ako sa school na sira sira daw damit ko kaya ayaw nila akong kalaro..ang sapatos ko po itay masikip na hindi na kasya sa paa ko..minsan pumasok po ako walang suot na sapatos at pinagtawanan po nila ako kaya umuwi na lang po ako itay..sige na tay uwi ka na po..alam mo tay sa gabi iniisip kita kasi love kita..sige na tay umuwi ka na.. antay ka rin ni inay kasi may sakit siya madalas ko nga po siya kita umiiyak..sige na tay uwi ka na ..kung minsan nga po wala kaming makain ni inay ang gagawin namin matutulog na lang po kami at paggising namin hindi na kami gutom..sige na po tay uwi ka na sabik na sabik po ako na yakapin ka itay..sa school po nakikita ko mga kaklase ko sinusundo ng itay nila pagdating mo itay sunduin mo rin ako ha?..sige na po itay uwi ka na..sa gabi nga po nakadungaw ako sa bintana at hintay kita po hanggang makatulog po ako..sige na po itay uwi ka na..uwi ka na po ha?.....Buboy"

Lumipas pa ang mga araw..buwan, nararamdaman na ni aling Juana na hindi na siya magtatagal. Wala siyang sapat na pera upang magpagamot kaya nabuo sa isip niya wawakasan na niya ang paghihirap nilang mag-ina.

"Anak, Buboy gusto mo puntahan natin si itay mo?" ang tanong ni aling Juana kay Buboy.

"Opo inay sabik na ako kay itay" ang natutuwang sagot ni Buboy sa ina.

"Bukas pupunta tayo sa ilog Buboy at magpapaanod tayo papunta sa itay mo"

"Yeheyyy! makikita ko na si itay!!" ang sigaw sa tuwa ni Buboy.

Kinabukasan maaga silang nakarating sa ilog. Hindi alam ni Buboy ang balak ng kanyang ina..wawakasan na ni aling Juana ang paghihirap nilang mag-ina. Umupo muna sila sa gilid ng ilog. Pinanood nila ang mabilis na daloy ng tubig na dahil sa bilis ng agos ay parang sinasabi kay aling Juana na kaya silang tangayin nito kahit sa malayong lugar.

"Buboy kapag nagpaanod tayo dyan sa ilog, alam mo ba mapupunta tayo sa itay mo doon sa malayo.;.malayong malayo" ang sabi ni aling Juana kay Buboy na walang kaalam alam si Buboy sa balak ng ina.

Sa kabilang dako si mang Kardo ay nakunsensya sa ginawang pag-iwan sa mag-ina at nagsisi kaya dali daling umuwi mula sa malayong lugar na pinuntahan. Habang nagbibiyahe siya sa pag-uwi ay sari saring kaisipan ang pumapasok sa utak niya. Papaano kung sa kabila ng paghihirap ng kanyang mag-ina ay kung ano ang maisipan nilang gawin lalo na alam niyang may sakit ang kanyang asawa ng kanyang iwanan. "Ohhh! ano itong nagawa ko huwag sana..huwag sana!!" ang naibulong na lamang ni mang Kardo sa sarili.

Dumating na nga si mang Kardo sa kanila subalit wala ang kanyang mag=ina. Nagtanong tanong sa mga kapitbahay subalit walang makapagsabi kung ng kinaroroonaan ng mag-ina. Mabuti na lang may dumating na isang kapitbahay na galing sa paghuhuli ng isda sa ilog at ng makita siya ay sinabi na ang kanyang mag-ina ay nasa tabing ilog at parang balisa ang kanyang asawa.

Walang inaksayang panahon si mang Kardo at agad niyang tinungo ang tabing ilog subalit wala ang kanyang mag-ina. "Asan ang aking si Juana? Asan ang aking anak? Huwag sana..huwag sana..hindi totoo ang hinala ko..hindi nila wawakasan ang kanilang paghihirap sa pamamagitan ng pagpapakamatay". At naramdaman na lang ni mang Kardo na nanginginig ang buo niyang katawan..para siyang giniginaw na hindi niya maintindihan..ah dahil siguro sa tindi ng kanyang iniiisip sa isang bagay na hindi magagawa ng kanyang mag-ina.

Parang nawalan na siya ng pag-asa na makita ang kanyang mag-ina. Para siyang mababaliw. Para siyang pinapatay ng kanyang budhi..kaya dahil sa sitwasyon ni mang Kardo na para siyang mababaliw ay sumigaw siya ng sumigaw..malakas..tinatawag ang asawa..tinatawag ang anak.

"JUANAAAA!!BUBOYYYYY!!" sigaw ni mang Kardo na kung katabi ka ay tiyak matutulig ka sa lakas.

Subalit walang bakas ni tugon sa kanyang mga pagsisikap kundi ang naririnig niya ay mga huni ng nga ibon..ang naririnig niya ay lagaslas ng agos sa ilog.

Ang mag-ina naman bago wakasan ang kanilang buhay ay binaybay muna ang kahabaan ng ilog na para bang namamaalam sila sa mga magagandang tanawin sa tabi ng ilog.

Malayo na rin ang kanilang narating at halos nasa dulo na sila ng ilog papuntang dagat na kung saan ay sobra na ang lalim sa bahagi ng ilog.

"Inay narinig mo iyon parang boses ni itay?" ang sabi ni Buboy sa ina.

Hindi pinansin ni aling Juana ang anak at iniisip lang niya na hindi totoo ang narinig ng anak kundi dahil lang sa kasabikan niya sa itay niya kaya ang ingay ng lagaslas ng agos ng tubig ay parang boses ng ama na kanyang narinig.

Hinawakan niya si Buboy sa kamay at unti unting inakay sa pinaka gilid ng ilog upang isagawa ang kanyang balak na wakasan na ang lahat ng kanyang paghihirapkasama ang kanyang anak.

Subalit muli sumigaw sa pangalawang beses si mang Kardo at sa pagkakataong ito ay dalawa na silang nakarinig. Sigaw na mas malakas kaysa dati kaya pati mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng punong kahoy ay nagliparan.

"Inay nadinig mo iyon? boses talaga iyon ni itay..boses iyon ni itay" ang paulit ulit na sabi ni Buboy.

Nadinig din ni aling Juana ang boses ng asawa at para siyang natauhan.

Bigla naglaho ang kanina pa sa isipan ni aling Juana ang tangkang pagpapakamatay na tatapos na sana sa kanilang paghihirap.

Sa pangyayaring iyon nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at napaluhod si aling Juana.

"Salamat..salamat sa Diyos nagbalik ang kanyang asawa" ang nasabi na lang ni aling Juana.

"Inay tayo na bumalik na tayo" ang mariing sabi ni Buboy sa ina.

Tumayo si aling Juana mula sa kanyang pagkakaluhod at akay si Buboy na binagtas nilang muli ang pabalik sa kanilang pinanggalingan. Ang ginawa nilang lakad upang makarating kaagad kay mang Kardo ay parang may nagtutulak sa kanilang likod upang magmadali.

Si mang Kardo naman sa pagkakataong iyon ay tuluyan ng nawalan ng pag-asa na makita pa ang kanyang mag-ina. Napaluhod siya..nakakuyom ng mahigpit ang dalawang kamay at dalawang beses na binayo niya ang kanyang dibdib..umiyak siya ng umiyak.

Ng bigla, narinig niya ang boses ng kanyang si Buboy.

"ITAYYY!! ITAYYY!!" ang malakas na tawag ni Buboy.

Nagtaas ng paningin si mang Kardo at buhat sa matindi niyang pag-iyak ay nakita niya si Buboy tumatakbo papalapit sa kanya na halos madapa sa pagtakbo sa kasabikang mayakap siya ng anak.

"Buboy..Buboy anak ko patawarin mo ako" ang nasabi ni mang Kardo habang patuloy sa pag-iyak at niyakap niya ng mahigpit si Buboy..mahigpit na mahigpit.

Nahuling dumating si aling Juana dahil mabagal siyang maglakad dahil sa taglay niyang karamdaman at ng makita siya ni mang Kardo ay sinalubong niya ito ng yakap na patuloy pa rin sa pag-iyak tanda ng kanyang malabis na pagsisisi sa kanyang nagawa.

"Juana patawarin mo ako nawalan ako ng lakas dahil sa takbo ng ating buhay na nag-udyok sa akin upang iwanan ko kayo..patawarin mo ako"

At dahil sa pang-unawa ni aling Juana sa asawa ay nagawa niya itong patawarin at sa mga luha ng kanyang mga mata na kanina pa gustong umagos ay tinugon niya ang mahigpit na yakap ng kanyang asawa tanda na hindi na sila magkakahiwalay pa.

Muling nabuo ang pamilya ni mang Kardo na sana ay isang malungkot at malagim na wakas ng kanilang buhay....END

Sa wakas ng kuwentong ito ay naging masaya si Buboy dahil kapiling niya uli ang itay niya at sila'y maglalaro.

Si aling Juana naman ay naipagamot ni mang Kardo at naging masayang pamilya silang muli.

Sana nagbigay ito ng inspirasyon lalo na sa pamilya na nabibigkis ng pagmamahalan.

Thank you guys for reading and please your comment and rating for this story.

More short stories are coming so enjoy reading.

Rio Alma

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts
Next chapter